CHAPTER 37
Isla Cali
“Charity, paparoon kami sa kabilang isla, ano sama ka?”
Mula sa ginagawa, lumipad kay Roberta ang aking paningin ng bigla itong sumulpot sa labas ng aming bintana. Kaharap ko ang lamesang gawa sa kahoy at kasalakuyang nagbabalot ng Moron gamit ang dahon ng saging.
“Dito na lang ako, Roberta. Alam mo namang hindi ako pinapayagang magpunta sa Isla ni Rhys.”
“Magbebenta ka lang naman doon. Saka alam mo ba? Bukas ay araw ng pyesta, siguradong maraming bisita ang dadalo! Ubos agad ang paninda mo niyan!” gatong pa niya.
“Marami rin namang tatao ngayon sa simabahan, doon na lang ako pupwesto.”
Malalim ang naging buntonghininga ni Roberta sa sagot ko. Muli kong tinigil ang ginagawa saka siya binalingan. Magkasalubong ang kaniyang kilay, nakatulis ang nguso at may bahid ng iritasyon ang mukha.
“Ayos lang talaga ako rito. Kayo na lang muna ang pumaroon, mauubos din naman ‘to hanggang sa sumapit ang dilim.” paliwanag ko pa.
“Eh, ano ba kasing kinakatakot mo? Mabait naman si Rhys, mauunawan niya kung sa Isla Cali ka magbenta. Doon ay siguradong hindi pa tapos ang araw, may pera ka na!”
“Tompak ganern, Roberta! Wala rin naman dito si Papi, hindi niya malalamang lumayag ka. Iyon ay kung hindi mo ipapaalam!” mula sa likod, ay biglang sumulpot si Menerva.
“Mamayang hapon pa ang uwi no’n! Kaya tara na, Charity sama ka na!” dugtong ni Roberta.
Natawa ako sa pagiging pursigido ng dalawa. Si Roberta at Menerva ay ilan sa naging kaibigan ko rito sa isla na kung tawagin ay Monhon. Silang dalawa ang palagi kong nakakasama lalo na sa paglalako ng ginawa naming kakanin upang may pang tustos sa pang araw-araw na pamumuhay.
Wala akong maalala. Ang sabi ng doctor ay may dissociative amnesia raw ako. Minsan ay sumasakit ang ulo ko lalo sa tuwing pilit kong inaalala ang aking nakaraan. Noong unang mga taon ay gusto ko talagang makaalala. Ang tungkol sa buhay ko, kung sino ba ako.. kung saan ako nanggaling at kung may pamilya ba ako.
Ngunit, sa tuwing nangyayari iyon ay sa hospital ang palaging bagsak ko. Matindi ang nagiging pagkirot ng aking ulo na halos bumiyak ito sa dalawa. At si Rhys.. na kasama ko rito sa Monhon, ang sumasalo sa responsibilidad. Siya ang nagbabayad ng bills ko, bumibili ng mga gamot, na kalaunanan.. napagtanto kong mali ang ginagawa ko.
Wala akong pera. Siya ang bukod tanging bumubuhay sa akin at sa kagustuhang makaalala.. mas lalo akong nagiging pabigat sa kaniya.
“Masaya roon, Charity. Hindi ka magsisisi.” ani ni Menerva.
“Huwag mo nang alalahanin si Rhys, nag-alala lang naman sa iyo ang tao kaya hindi ka hinayaang umalis dito. Kami ang kasama mo, hindi ka namin papabayaan.” sabi pa ni Roberta.
Rhys..
The man whom I indebted my life. He isn’t my boyfriend, he said. Sa loob ng anim na taon ay palagi siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako iniwan, sa halip ay inalagaan. Pinakain, binigyan ng tirahan, at higit sa lahat iningatan.
He respect me. He's too good that I stayed under his roof for years.
Sa ngayon ay ito ang aming pinagkukunan ng pera. Ako bilang taga gawa ng iba’t-ibang kakainin habang siya ay sumasama sa pangingisda. Kung minsan din ay pumapasok siya sa construction worker. Lahat siguro ng pwedeng matrabaho ay ginawa na ni Rhys masiguro lang na mayroon kaming kainin sa hapag, at mayroon akong iniinom na gamot.
Napakabuti niya. Kaya’t hindi ko maatim na suwayin ang tanging isang habilin niya sa akin.. iyon ay ang huwag tumapak sa karatig na Isla.
“Anim na taon ka na rito, hindi ka ba nababagot? Nagmistula ka pang preso, ‘day!” dagdag pa ni Menerva.
“Correct! Parang magbebenta lang naman sa Isla Cali, ayaw pa!” si Roberta.
“Huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin ibubugaw! Ang gandang ‘yan ay para lang kay Papi Rhys, period!” Menerva continued.
“Siguro takot iyon na maagaw ka ng mga foreigner kaya ka kinukulong dito sa Monhon. Aba Isla Cali pa, tambak doon ang iba’t-ibang lahi. Nakakapagtaka nga at hindi man lang sila napunta rito, pareho namang isla. Parehong may buhangin at dagat, sana man lang dayuin rin nila tayo."
“Kaya hindi dinarayo ang Monhon dahil sa mga katulad mong foreigner ang target! Baguhin mo muna ‘yang ugaling mayroon ka saka sila pupunta.” Tukso ng kaibagan ko.
“Aba-aba, sa ganda kong ‘to? Huh, it’s their loss not mine.” umirap si Roberta.
“Wow, english! Hanep ka ah, naahawan ka na ni, Charity.” natatawang puna ni Menerva.
“Syempre ‘no! I learned from the beast!”
Natawa na lang ako sa bangayan nilang dalawa. Hindi ko na tinama ang sinabing beast ni Roberta na dapat ay best. Noong unang beses ko kasing tinama ang ilan sa mga grammatical errors nila ay tukso ang inabot ko.
They said it’ll be great if I’ll apply as one of the elementary teachers here. Maliit na baryo ang Monhon na tanging elemantarya ang paaralang mayroon. Those who want to pursue higher education have to acquire it in other place. And the cost is high. Unfortunately, some of the islanders didn’t get a degree and that includes my two friends.
Pero hindi roon natatapos ang buhay. Regardless of the fact that they didn’t have the chance to go to school and finish their studies, they continued with their lives. Living with their hardwork and perseverance. Pinatunayan nila na kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral, ay may mararating pa rin.
“Ang galing mo sa English, feeling ko rich kid ka.” sabi pa ni Roberta.
Hindi ko rin alam kung paanong, marunong ako sa lenggwaheng iyon. It often came out of my mouth naturally. But since not all can decipher foreign language, I prefer talking to them with our native language.
“Nakakalungkot lang na nawala ang alaala mo, pero huwag kang sumuko.. isa sa mga araw na ito, babalik din ang mga iyon. Makakauwi ka na sa inyo at makakasama ang tunay mong pamilya..”
Nagbaba ako ng tingin at hindi nakasagot. I lost my hope to regain my memories, same with being my own family.
If ever I do have one, where are they?
Bakit hindi nila ako hinahanap? Ilang taon na ang lumilipas pero hanggang ngayon.. narito pa rin ako sa isla, kasama ang taong hindi ko man lang ka anu-ano.
Funny that a stranger now, becomes a family. And those family become a stranger.
I don’t really know what happened. Rhys isn’t telling me a thing. He’s keeping mum of the incident. On how he find me. Basta nagising na lang ako isang araw, sa loob ng hospital ay siya ang unang nabungaran ko.
Bilang respeto na rin at utang na loob sa kaniyang pagkupkop at pag-aalaga sa akin, hindi na ako nagpumilit alamin. Alam ko rin namang.. balang araw, sasabihin niya rin sa akin ang lahat. Siguro, hindi pa siya handa.
“Ineng, naroon iyong mga kaibigan mo sa kabilang Isla. Bakit ikaw, nag paiwan dito?” mula sa sariling estante, linapatan ako ni Aling Mercey.
Katulad ko ay nagbebenta rin siya sa harap ng simbahan. Ang kaniya ay mga pamaypay at ibang kagamitan. May tatlo pa kaming kasama na siya ring dahilan kung bakit mahina ang benta ko.
“Ah, mas maganda ho rito. Nasa malapit lang,” magalang kong sagot.
“Nako, e hindi mauubos ‘yang paninda mo kung dito ka lang magdamag. Kaunti lang ang nagsisimba ngayong araw, mabuti pa ilako mo ‘yan sa buong baryo. Malaki ang tyansang maging salapi kaysa tutunganga ka lang diyan!”
Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya at tinuon sa binebenta ang atensyon. Nakuha ko ang pinupunto niya. Concerned lang din si Aling Mercy lalo pa at alas-onse na at halos sampu pa lang ang bawas sa mahigit singkwenta kong kakainin.
Hindi ako nawalan ng pag-asang marami ang bibili. Nang sumapit ang alas dose, kinain ko ang baong kanin at itlog. Madali lang akong natapos at agad pinagtuunan ng pansin ang negosyo.
Lumipas pa ang dalawang oras at may natitira pa akong kakanin. Doon ay nilisan ko ang pwesto saka nag-ikot sa baryo.
"Charity, noong isang araw pa kita hinihintay. Na miss ko ang luto mo!” bibong salubong ni Karen nang marating ko ang kaniyang bakuran.
Isa siya sa aking mga suki. Kapag hindi ako nakakaikot at nakakarating sa kanila ay ito na mismo ang dumarayo sa akin sa may simbahan upang sadyain ang ako.
"Wala kasi akong supply ng kamoteng kahoy nitong nakaraan. Naghintay pa akong makapag-ani si Mang Islaw at kahapon nga ay dinalhan niya 'ko. Kaya ngayon lang ulit ako nakapunta.." paliwanag ko.
Tuwang-tuwa ako nang bumili si Karen ng sampung pirasong moron. Aniya ay para mayroon pa sila bukas ng umaga para sa pang almusal. Nang makapagbayad siya ay agad akong tumalima para magpatuloy sa pagbebenta.
Ang ganitong buhay ay normal na para sa akin. Sa ilang taon ko itong ginagawa ay tila nasanay na ang katawan ko. Mula sa sakit sa likod, sikat ng araw, pagod at pawis. Sa ganitong paraan ko na lang din natutulungan si Rhys sa mga gastusin sa bahay.
“Kumusta ang araw mo? May naramdaman ka bang kakaiba? Iyong ulo mo, di naman sumakit 'no, Charity?” tanong ni Rhys habang papasok sa aming munting hapag.
Kadarating pa lang niya mula sa pangingisda at tapos na rin siyang magbanlaw ng katawan. Ang kaniyang suot ay kulay abong t-shirt na halos kupas na ang kulay at isang jersey shorts. Iyong shorts ang uniform nila nang sumali siya nang nakaraang taon sa lega.
“Uh, hindi naman,” nakangiting pahayag ko. “Kain na tayo habang mainit pa ang mga ito. Mas masarap kapares itong tuyo kapag ganitong umuusok ang kanin..”
Nilagyan ko muna ng tubig ang tig-isa naming baso bago ako naupo sa upuan. Nanatiling nakatayo si Rhys at pinagmamasdan akong maigi.
Rhys has a tanned skin. Maybe because of him being a fishermen and is often on the sea. Mahaba-haba na rin ang kaniyang buhok na halos maukupa nito ang kaniyang noo. Malaki rin ang kaniyang katawan, tama lang sa kaniyang edad at taas.
“Nakita ko ‘yong lalagyan mo ng gamot, hindi mo pa binabawasan.” Bagamat seryoso, ay naroon ang pagiging malambing ng kaniyang tono.
Hindi ako nakasagot at piniling magyuko ng ulo. Ang totoo niyan, ay kaunti na lang ang medisinang mayroon ako. Kung patuloy akong iinom, bibili na naman siya. Panibagong gastos at hindi pa naman niya tinatanggap ang binibigay kong pera pang dagdag lang.
“Pagkatapos nating maghapunan, iinom ka. Hindi pwedeng hindi.” aniya pa bago naupo sa akin harapan.
Napasimangot ako. Kapag ganito siya ay wala na akong nagagawa kung ‘di ang sumunod. Nagsimula kaming kumain na wala ni isang nagsasalita. Sa sobrang tahimik ay halos rinig ko na ang huni ng kuliglig.
Sa kalagitnaan nang aming hapunan, dumating si Jack isa sa mga kasamahan ni Rhys at may dalang dalawang piraso ng mangga.
“Magandang gabi, Jack. Kain ka muna!” masigla kong sinabi.
Tumayo pa ako at akma ng kukuha ng pinggan nang bigla akong pigilan ni Rhys sa pamamagitan ng paghawak sa akin pulso.
“Asikasuhin mo ang pagkain mo. Huwag mo siyang pansinin.” sabi niya sa akin.
“Huh? Pero baka nagugutom siya.”
“Hindi siya gutom. ‘Di ba, Jack?” nilingon nito ang lalaki sanhi para tumawa ang huli.
“O’o, Charity. Nagpunta lang talaga ako rito para ihatid ‘to. Pinasuyo niya,” nginuso nito si Rhys saka nilahad ang dalawang mangga.
Tinanggap ito ng lalaki gamit ang kaliwang kamay dahil ang kanan ay nakahawak pa sa akin.
“Paano, sibat na ‘ko pre. Bukas na lang ulit.”
“Salamat dito.” simpleng sagot ni Rhys sa lalaki.
Ngumisi si Jack saka ako binalingan ng tingin. “Mauuna na ako, Charity. Hanap na ni Misis..”
Nakangiti akong tumango.
“Sige. Mag-iingat ka pauwi.”
Nang mawala si Jack ay saka ko dinungaw si Rhys. He was still sitting, glancing up at me with his gentle eyes. Kahit mahigit anim na taon kaming magkasama sa iisang bubong.. para pa rin siyang estranghero sa tuwing nagtatagal ang tingin ko sa mga mata niya. Iyong pakiramdamam na parang marami siyang inililihim sa akin.
“Ako na ang maghuhugas. Magpahinga ka na lang pagkatapos mong kumain. Ito, panghimagas.”
He handed me the mango and my heart warmed. It’s always him being a true gentlemen all these years.
“Mahina ang kita ngayon, pero sa susunod pangako ibibili na kita nang paborito mong cake. Pasensya ka na rin at tuyo lang ang ulam natin. Hayan mo, bukas o sa makalawa bibili tayo ng manok.”
I smiled at him heartily. Gustuhin ko mang magreklamo at sabihing hindi na dapat ay nanatili akong tahimik. Alam ko rin namang walang silbi iyon dahil kahit ipilit kong huwag na, hindi na kailangan.. nagiging bingi siya kapag ganoong aspeto ang pinag-uusapan namin.
He said, he wants nothing but my comfort.
Rhys has been with me through all those years of suffering. Siya ang bumibili ng lahat ng aking pangangailangan. Mula sa mga gamit, damit, at pagkain. Siya ang yumayakap sa akin tuwing nagigising ako sa gitna ng gabi dahil sa isang masamang panaginip. He take care of me when sick..when my head is throbbing real hard, and whenever I felt like crying without a reason.
May mga gabi sa nakalipas na buhay ko ang bigla-bigla na lang ako umiiyak. Walang sapat na dahilan, sadyang gusto kong ilabas ang bigat sa dibdib. It’s so hurt that I found myself crying in front of him.
And he never judged me. He never made me felt like I am alone.
As a woman without the fragments of her memories, being with someone like him.. is a true blessing.
Tumayo si Rhys saka kinuha ang gamot ko. Siya mismo ang nagbukas no’n, nagsalin ng tubig sa baso.
“Drink.” He commanded.
Sa harapan ko rin ininom ang aking gamot na kinapanatag siya. Doon lang siya nagsimulang gumalaw. Hinintay kong matapos siyang maghugas ng pinggan. Kahit na nakaupo lang ako at pinagmamasdan ang kaniyang likod.
“Isasara ko lang ang pinto, mauna ka nang mahiga at alam kong pagod ka buong araw.” sabi ni Rhys nang matapos.
“S-Sige, ipaglalatag na rin kita..” mababang boses na ani ko.
Tumango si Rhys saka tinungo ang pinto. Ako naman ay dumiretso sa katre na nasa kanang bahagi ng bahay. Maliit lamang ang tinutuluyan namin, sakto lang sa aming dalawa. May single bed na siya mismo ang gumawa at doon ako natutulog habang siya ay sa papag. Malambot ang hinihagaan ko. May foam at electric fan ako samantalang siya ay nasa malamig na semento.
Wala kaming tv. Isang lemesang gawa sa kahoy at dalawang upuan na ginagamit naming kapag kumakain. Malimit lang din ang kagamitan. Pero kahit gano’n ay masaya ako at kuntento sa kung anong mayroon kami ngayon.
Wala akong karapatang magreklamo dahil kung tutuusin, ay sobra-sobra na ito. Nagpapasalamat pa nga ako at mayroong katulad ni Rhys na taos pusong tumulong at kumupkop sa akin.
“Good night, Rhys..” ani ko habang nakahiga, pinagmamasdan siyang sinusuri ang bintana.
Ganiyan siya lagi. Sinisiguradong maayos itong nakasara bago tuluyang matulog.
“Matulog ka na. Tatrabuhin ko pa ang pamingwit na gagamitin namin para bukas.” nakangiting sagot nito.
Tumango ako bago siya nginitian pabalik. Hindi rin nagtagal ay kusang pumikit ang aking mga mata para sa isang mahimbing na pagtulog.
“Kailangan kong bilhin ang gamot niya. Baka pwedeng, makapagpadala kayo ngayon?”
Hindi ko alam kung anong oras na, o kung ilang oras na ba ang nagagawa kung pagpikit nang bigla akong magising dahil sa boses ni Rhys. Iminulat ko ang aking mata at nakitang hindi pa sumisikat ang araw. Sinilip ko si Rhys sa ibaba ngunit wala siya roon.
“Noong nakaraang buwan ay hindi kayo nakapagpadala. Kakapalan ko na po ang mukha ko, Ma’am.. kailangan ko na kasing bilhin ang mga gamot niya. Ipapatingin ko rin sa doctor..."
Naulinagan ko ang bulto ni Rhys mula sa labas ng kurtina. Mababa ang boses niya. Para iyong bulong at nag-iingat na walang makarinig. Kung hindi dahil sa sobrang tahimik ng gabi, at sa kadahilanang masikip ang bahay hindi iyon tumakas sa pandinig ko.
“Naintindihan ko..” huminto siya. “Ngayong biyernes, tatandaan ko po ‘yon."
Nalukot ang puso ko. Ito ang unang beses na marinig ko siyang may kausap sa telepono. At iyon ay para humingi ng pera sa pambili ng mga gamot ko.
Wala akong alam kung sino ang kausap niya, at hindi na iyon mahalaga. Nakakalungkot lang na sobra na ang pagiging pabigat ko.
He's begging for money...all because of me. May naiipon naman ako mula sa sariling negosyo. Plano kong ibili siya ng damit at shorts, palagi kasing ako lang ang binibilhan niya. Ako palagi ang iniisip at inuuna niya. May ipon ako, at kung ganitong nanghihingi pa siya.. siguro iyon na muna ang uunahin ko.
Hindi na ako muling dinalaw ng antok. Si Rhys ay hindi naman na muling bumalik sa pagtulog hanggang sa sumapit ang liwanag. Nang bumangon ako ay nag panggap akong walang narinig at inasikaso siya.
"Anong gagawin mo ngayon?"
Nagulat ako ng bigla siyang magtanong sa gitna ng almusal.
"Uh, a-ano lang.. gagawa ng suman." I looked away immediately.
"Okay. Mabuti." mula sa gilid ng aking mata, nakita ko ang pagtango nito. "Dito ka lang, Charity."
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Maya-maya lang,
dumating ang kaniyang kasamahan sa pangingisda. Nagpaalam siya at doon pa lang ako nagsimulang gumawa ng suman at moron.
“Psst, Roberta!” sitsit ko sa kaibigan.
Nasa loob siya ng kanilang bahay at nagwawalis. Bukas ang pintuan ng kanilang bahay at kita ang ginagawa niya mula sa sementong daan kung saan ako nakatayo. Nang makita ako ay lumiwanag ang kaniyang mukha saka patakbong lumapit sa akin.
“Anong ginagawa rito? Papunta pa lang ako sa inyo! Yayain ulit kitang magpunta sa Cali, baka sakaling magbago ang isip mo. Kasi alam mo ba? Grabe, sobrang saya kahapon! Mas masaya panigurado ngayon. Dapat sumama ka ha, Charity! Minsan lang ‘to, eh.”
Hinihingal siya matapos ang litanya. Ako naman ay hinagod ang kaniyang likod upang pakalmahin.
“Pupunta kayo? Pero bakit nagwawalis ka pa? Magtatanghali na, ah..” puna ko.
“Style ‘to. Ready na ako, ‘no! Hinihintay ko lang si Menerva. At saka, mabuti na itong nag gagalaw ako sa bahay para good time kay Nanay. Pag-uwi niya, wala na siyang masasabi sa ‘pag-alis ko. Nakapaghugas at saing na ang maganda niyang anak. Malinis na rin ang bakuran at loob, oh saan ka pa?”
Natawa ako sa sinabi niya.
"Anong oras ba kayo aalis?"
"Sabi ko nga, si Menerva na lang ang hinihintay ko. Sama ka ha, nako ang saya-saya roon! Balita ko mamayang alas tres, may tutugtog na banda sa plaza!" malawak ang ngiting saad nito.
"Kung ganoon.. hindi kayo magbebenta?" gulat kong tanong.
Umiling-iling si Roberta.
"Buong araw kaming maglilibot sa isla. Maraming nag imbeta sa amin kahapon! Nako, paniguradong marami kaming maiuuwing ulam!"
"Ganoon ba.." mahina ang boses na tugon ko.
Plano ko pa namang sumama sa kanila. Alam kong hindi gusto ni Rhys ang pagpunta sa Isla Cali, pero kaninang madaling araw.. natanto kong kailangan na kailangan ko ng pera. Marami rin akong nagawang kakanin, malakas ang kutob kong hindi iyon mauubos kung dito lang ako.
"Bakit? Sama ka? Pwede naman! May kakilala si Menerva na nakapwesto sa simbahan." aniya, tinaas baba nito ang kilay.
"Gusto sana.. kaso sabi mo nga manonood pa kayo ng banda, ayaw kong abutin ng gabi roon. Malalaman ni Rhys na umalis ako." I said.
"Ay, set back and relax! Kami bahala sa'yo, 'day!"
Ito ang unang beses na aalis ako ng Monhon at hindi ko alam kung ano ba ang naghihintay sa akin sa kabilang isla. Malakas na kumakabog ang dibdib ko sa maraming dahilan. Nangunguna ang kabang baka.. makasalubong ko ang sinasakyan ni Rhys na Bangka at makita ako.
Pangalawa ay ang katotohang ito ang unang beses na sumakay ako sa isang bangka. I felt nervous. Morbid thoughts rushd in my mind, like what if.. in the middle of sailing.. we sank?
Nang tignan ko sila Menerva at Roberta ay kampanti lang ang dalawa, nangingiti pa. May kasama rin kaming tatlong kakabaihan, at dalawang lalaki. Iyong isa ay siyang tiga maneobra ng bangka.
Isang buntonghininga ang pinakawalan ko. Pinikit ko ang mga mata at taimtim na nagdasal na sana.. ligtas kaming makarating sa Isla Cali.
Kung hindi lang dahil sa pera… hinding hindi ako aalis ng Monhon. Pero ito ang reyalidad ng buhay. Hindi ko pwedeng iasa na lang kay Rhys ang lahat ng pangangailangan ko.
“Aunty Nila, si Charity. Charity si Aunty Nila. Siya ho iyong na kukwento naming kaibigan. Madiskarte ho ito, mahinhin at hindi kayo bibigyan ng sakit sa ulo! Ihahabilin muna namin siya sa inyo, aunty ha? Alam niyo na, pyesta ngayon.. maraming nag-aabang sa amin.” Menerva narrated.
Hawak-hawak ko ang bayong na naglalaman ng mga paninda ko. Sa aking harapan ay si Aling Nila na magbibigay sa akin ng pansamantalang pwesto.
Nasa tatlumpung minuto ang naging biyahe mula Monhon patungo rito sa Isla Cali. Sagot nila Menerva at Roberta ang pamasahe ko, na singkwenta. Hindi na ako nagreklamo dahil.. malaking tulong iyon lalo pa at nag-iipon ako.
Ngayon ay nasa simbahan kami. Ang tawag nila rito ay turo-turo. Marami ang nagbebenta. May mga souvenirs, shells, polseras, kwentas, at ilan sa mga kagamitan. Ma swerte ako at may kakilala si Menerva at may nakuha akong magandang pwesto.
Mabait si Aling Nila. She's so accommodating, that she even offered a plastic monoblock chair for me.
Katulad nga ng inaasahan, maraming tao. Malawak ang Isla Cali. Sabi ni Roberta ay may sikat na five star hotel daw dito. Pupunta sila roon mamaya para makakita ng artista. Ako naman ay walang panahon sa paggala. Nanatili lang ako sa pwesto, nagtatawag at nag-aasikaso ng mga customer.
“Jusko naman, ineng! Bawal dito ang hingi-hingi. Binigyan na kita ng dalawa, husto na ‘yon!”
Nagsalubong ang kilay ko. Maingay, pero mas nangingibawbaw ang matinis na tinig ng ginang na nasa kanang bahagi ko.
“Why are you shouting? I have two ears po, I’m not deaf.”
Sunod kong narinig ay boses ng bata.
“Aba’t englisera ka pala huh! Hoy, neng, hindi mo ako madadaanan diyan sa pa englis, englis mo! Mabuti pa umuwi ka sa inyo, huwag ka rito magkalat! Susmeng bata ‘to!”
“You are so bad. Papa Jesus won’t bless you!”
“Ikaw ang bad. Ang liit mo pa, sumasagot-sagot ka na sa matanda. Hindi ka nga siguro tiga rito, ano? Isa kang dayo!” nakita kong naiinis na ang ginang.
Nang tumingin ako sa harap ay may isang batang babae. Mahaba ang buhok. May suot na pink headband at sa yakap-yakap ang isang laruang may malaking tiyan, kita dahil sa suot na damit na kinulang sa tela ang tabas. While the kid is wearing a white dress.
“Bayaran naman po kita later. Bigyan ko po kasi ang brother ko.” ungot pa nito, nakanguso.
“Hindi pwede!" singhal ng ginang. "Umuwi ka muna sa inyo at maghanap ng ibabayad. Kanina pa kita pinagbibigyan, wala na akong kita!”
Mas lalong humaba ang nguso ng batang babae. Sa tantya ko ay nasa limang taong gulang pa lang ito. Maputi at sa pustura, may palagay akong hindi ordinary.. hindi taga Isla.
“Iyan talagang si Dadang, kahit bata pinapatulan,”
Lumingon ako kay Aling Nila.
“Baka naliligaw lang ‘yan. Normal na maraming bisita ang Isla, maaring isa siya sa mga batang gustong magliwaliw at nakatakas sa bantay.”
"Tabi bata! Isturbo ka!" the woman hissed again.
Muli kong binalingan ng tingin ang dalawa. Sa halip na umalis, ay gumilid lang ang bata at ang paningin ay nanatili sa tinda ni Aling Dadang.
Maliit lang siya kaya hindi naging hadlang iyon nang may dumating na customer. Naibaling din naman sa kanila ang atensyon ng ginang at hindi na pinansin ang huli. Nagtagal ang tingin ko sa batang babae. Mukhang hindi talaga aalis ito hangga’t hindi nakukuha ang gusto.
Bumuntonghininga ako. Tinignan ko ang natitirang kakanin saka kumuha ng tatlong piraso. Kaunti na lang iyon at wala pa naman akong customer.. mabuti pa sigurong tulungan kong makauwi ang kawawang bata..
“Aling Nila, pakibantayan po muna ano? Sasamahan ko lang iyong bata, baka nasa malapit lang ang nagbabantay. O iyong tinitirahan. Delikado po kasi kung pagala-gala siya rito na mag-isa.” ani ko bago tumayo at inayos ang suot na besitada.
“Mabuti pa nga, ‘day. Baka masaktan na ni Dadang, malintikan ‘yan sa mga magulang ng bubwet.”
Ngumiti ako sa kaniya bago nilisan ang aming pwesto. I waked towards the kid who seemed oblivious of my presence. Her eyes stayed on the foods, and I can tell she really wanna bring one or two, but the circumstances is not allowing her. Resulting a pained expression on her cute chubby cheeks.
“Hi!” pinasigla ko ang boses ko nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.
Nagkatinginan pa kami ni Aling Dadang, pero agad akong nagbawi ng tingin at pinanatili iyon sa bata.
Ang kaniyang inosenteng mga mata ay dinungaw ako. Ilang segundo akong natulala sa taglay nitong ganda.
Kakaiba.. tama ang hinuha kong hindi ordinaryong taga isla ang batang ito.
“Yes po?” maliit ang boses na anito.
“Gusto mo?”
Inalok ko ang dalang moron. Namilog ang kaniyang mga mata, umawang ang labi na agad tinakpan gamit ang munting daliri.
“Is that a treat po? ‘Ala po kasi akong pambayad..”
Natawa ako. Her voice is so cute. Conyo..
“O’o naman. Gusto mo ba?” I probed more.
She giggled and nodded her head.
“Yes, super duper gusto! Thank you!” yumuko pa ito saka inilahad ang kamay na tila sinasabing ilagay ko doon ang pagkain.
Ibinigay ko sa kaniya ang isa at masaya naman niya itong binalatan at sinubo.
“Ngayon na mayroon ka na, ihahatid na kita sa inyo ah? Alam mo ba ang daan pabalik?” ngumunguyang tumango ang bata. “Good. Sasamahan kita pauwi at baka kung saan-saan ka pa magpunta.”
Masunurin naman siya at hindi nagreklamo nang sinabi kong aalis na kami. She was so engrossed in eating. Nakakatuwa na kahit sa murang edad, pino ang galaw. Hindi magaslaw. Kahit iyong bibig ay hindi narurumihan.
“Akin na muna iyang toy mo para makakin ka ng maayos.”
Umuling siya at tanging ngiti ang sinukli. Napanguso ako. Namumula na ang kaniyang pisngi siguro dahil sa init ng araw.
“Bakit ka ba nag-iisa, baby? Nawala ka ba sa mga magulang mo?” tanong kong muli.
Pero katulad ng nauna ay hindi ako nito sinagot. May laman pa ang bibig. Bakas sa mukha ang pagiging masaya. Tumahimik ako ng matantong wala siyang balak kausapin ako.
“Thank you, Jesus..”
Natigilan ako ng biglang magsalita ang kasama ko.
“Thank you rin po sa inyo sa food. It’s so masarap! But can I ask another one po? Para sa brother ko po ibibigay.”
Nagkatinginan kami at ngumiti siya, labas ang ngipin. I smiled and showed her the remaining two I have in hand.
“Yehey! You are so mabait po! Ibe-bless ka ni Jesus for your good heart. Sana po more pang katulad niyo ang mayroon sa whole world, para happy always!"
I laughed heartily. Ang cute niya talaga.
“Ikaw din baby.. nakakatuwa ka. Ilang taon ka na ba?”
“I’m five po! Pero big girl na ako. Baby lang po ako ni daddy, kasi he doesn’t want me to grow. But I am big girl naman po, diba?”
Hindi pa man ako nakakasagot ng muli siyang magsalita.
“Ow, what was your question po earlier? ‘Di po ako nag answer kasi daddy always tells us not to talk when our mouth is full.”
Muli akong natawa. Ang lakas ng energy niya, patalon talon pa ito na kinailangan kong hawakan ang balikat at mayroon siyang nababangga.
“Ah, iyon ba. Bakit ka kako nag-iisa? Wala ka bang bantay?”
May madadaan kaming tindahan, naisip kong ibili muna siya ng tubig at baka nauuhaw na.
“Tumakas lang po ako sa bantay ko. Secret lang po natin ‘yon, ah? We’re going home naman.”
The kid giggled.
“Hala ka, tumakas ka pala huh! akala ko ba big girl ka na?”
“I am! Dalaga na me!” sinilip ko ang mukha ng bata.
“Dapat hindi ka tumakas. Siguradong nag-aalala na ang mga magulang mo ngayon.”
She pouted her cute lips. Tinignan nito ang relong kulay pink saka ako sinagot.
“Daddy will be home at two. Hindi niya po malalamang tumakas ako, at hindi siya mag woworry.”
Napailing ako sinabi ng bata. Dumaan muna kami sa tindahan at binilhan siya ng tubig bago kami muling tumulak sa paglalakad. Siya ang nagtuturo kung saan dadaan at iyon ang pinanghawakan ko.
I keep in mind the route as I am also new to the island. Hindi bale kung maligaw, mag tatanong-tanong na lang ako kung saan ang simbahan. Doon kasi ang napagkasunduan naming magkakaibigan para magkita-kita pagkauwi.
“Ano po pala ang name niyo?” maya-maya ay tanong ng bata.
“Ako si Charity, doon ako sa kabilang isla nakatira. Nagpunta lang ako rito para magbenta.”
Sa ilang minuto naming paglalakad, sa wakas ay may nakita na akong matayog na gate. Sana ay iyon na ang bahay na hinahanap namin.
“I hope you’ll come here again tomorrow. Henge po ako ng money kay daddy at ibibigay ko sa inyo.”
Nanlaki ang mata ko roon. I stopped on my track and face her. Katulad ko ay tumigil din ang bata, dinungaw ako gamit ang inosenteng mga mata.
“Huwag mong gagawin iyon, baby. Hindi mo ako kailangang bigyan ng pera, okay?”
She pouted. “Marami po siyang money.."
“At para sa inyo ‘yon. Hindi ako kasali,” umiling ako.
Nakatitig sa akin ang bata. Nagsalubong na ang makapal na kilay.
“Tinulungan kita at hindi ako humihingi ng kapalit. Maayos na sa akin ang naiuwi kita ng ligtas, pero sa susunod huwag mo na itong uulitin ha? Huwag ka nang tatakas sa bantay, lalo pa at mukhang hindi kayo tiga rito.” I said, smiling at her.
“Wrong po. Tiga rito po kami. See that mansion,” the kid shifted her weight and point a finger towards a massive golden gate. “That’s ours po.”
I sighed in relief knowing we’re only a few meters apart.
“Okay, okay. Ano pang hinihintay natin, tara na?”
Nang muli itong ngumiti ay bumuntonghininga ako.. siguro naman nakalimutan na niya ang tungkol sa pera..
“Eira!”
Natigilan kami ng mula sa likod, ay may biglang sumigaw.
“Ikaw na bata ka, kung saan-saang lupalop ako ng daigdig naghaluglog! Pasaaway ka!”
May isang babaeng kaedaran ni Aling Nila ang humahangos na lumapit sa amin. May dala siyang bag sa kamay. Tagaktak ang pawis at mabilis ang paghinga.
“Eira naman, gusto mo yata akong malintekan sa Mommy mo. Bigla ka na lang nawawala!” anito.
Nilingon ko ang bata na ang pangalan ay Eira pala. Nakabusangot na ito, nasa baywang ang kaliwang kamay habang ang isa ay bitbit pa rin ang laruan.
“I told you yaya, it’s a tita! She is not my Mommy!” himutok nito. “Daddy is doing his very best to look for her. Please po, don’t use that word as I only have one Mommy. Hindi ka po ibe-bless ni Jesus!”
“Ay nakong bata ka, basta ganiyang usapan aktibo ka talaga. Hala, uwi!” nagpamaywang ang yaya nito, habang ang bata ay hindi natinag.
Nilingon ako ni Eira, ang nakabusangot nitong mukha ay biglang ngumiti.
“Thank you po, tita Charity. You’re now my tita, because you’re so kind! Pakilala po kita kay Daddy ko!”
“Kahit hindi na baby. Heto oh, bigay mo sa kapatid mo.” linahad ko ang dalawang moron at maligaya naman niya itong tinanggap.
“Kayo pala ang nakakita sa alaga kong ‘to. Pasensiya na, Ma’am at kay hilig nitong tumakas sa tuwing lalabas kami. Napakakulit kasi!”
Tumawa ako. Tinignan ko si Eira na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin.
“Oh Eira, sa susunod huwag ka ng tatakas ah? Bad ‘yon.”
Matamis itong ngumiti pero hindi naman sumagot. Muli akong natawa. May pakiramdam akong uulit muli ang batang ito…
“Paano, mauuna na ako. Bibiyahe pa kami pauwi,” I said and crouched down to caress her chubby cheeks.
Eira giggled while nodding her head.
“Bye-bye po! See you again!”
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko bago umayos ng tayo.
“Bye Eira.. it was nice seeing you..”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top