CHAPTER 3

Decision



I stood there, frozen in place. Parang biglang huminto ang paligid ko  habang pinagmamasdan ko silang nagyayakapan at naghalikan. The way Chaz smiled at him is very different to the way he talks to me without humor in his face. It is very obvious that he is in love.. my fiance is in love with another man.

Mula sa mukha ng lalaking bagong dating, Chaz shifted his gaze to me and his smile disappeared in an instant. At dahil sa ginawa ni Chaz bumaling din ang tingin sa akin ng lalaki. Tumaas ang kilay nito at mas lalong dumikit sa katawan ng mapapangasawa ko.

“Ow, are you the bride?” pumilantik ang daliri nito saka ako tinuro.

Napalunok ako, muli akong napatingin kay Chaz na walang emosyong mababakas sa mukha.

Anong sasabihin ko? Should I say yes and act cool?

My mind is still in haywire as I try to process what I’ve just witnessed. Mukhang nagkamali yata sila mommy ng napiling lalaki para sa akin. Ang sabi nila mabait, responsable o lahat na yata ng magandang katangian ng lalaki. Ngunit, bakit iba ang nakikita ko ngayon?

Even without my answer, I know he already have a hint of who I am. From his looks and the way he is dressed, alam ko rin na hindi lang siya ordinaryong lalaki.

“Ah, yes I am.” proud kong sagot habang mariing nakikipagtitigan sa kaniya.

I saw how he purse his lips. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang pinaglakbay sa dibdib ni Chaz. Ang isa nama’y nanatili sa buhok nito. Habang si Chaz ay hindi nag-abalang tanggalin ang pagkakapulupot ng kamay sa baywang ng lalaki.

Parang isang dekada silang hindi nagkita at hindi mapaghiwalay ang dalawa.

“I-Ikaw? Who are you?” I stammer as my fingers fidgeted. Kinakabahan  ako sa paraan ng pagdapo ng mata ng lalaking ito.

He is glaring at me and obviously, he does not like my presence at all.

“Tnatanong mo pa talaga ‘yan bruha ka? Ako lang naman ‘yong lalaking aagawan mo ng karelasyon, ilusyonada!”

My lips parted in shock when he pointed his fingers at me. At ‘yong boses niya, isang matinis at halatang galit na galit sa akin. I’ve also noticed how his neck turn red and his eyes become bloodshot.

Okay, this man is a beauty. Sa isang tingin hindi mo mapaghahalataang ganun siya batay na rin sa pananamit at katawan. He is even wearing a white long sleeves tucked on his black trouser. Maskulado ang pangangatawan at lalaking lalaki. Hence, the voice.. iyon la mang ang naiiba sa lahat.

“Para sabihin ko sa’yo, nagmamahalan kaming dalawa at hindi ‘yang kasal niyo ang makakapaghiwalay sa amin, bitch.” he again uttered while caressing Chaz chest.

I gnaw on my lower lip as I stared at his bloodshot eyes. Bakit hindi nagsasalita si Chaz? Pinapunta lang ba niya ko dito para murahin ng lalaki niya?

I sighed and closed my eyes. In moment like this, sarili ko lang ang maasahan ko. Hindi naman bago sa akin ang makatanggap ng mura at kahit anong masasakit na salita batay na sa trabahong mayroon ako.

“I don’t know okay? Wala akong alam na may karelasyon na pala ang mapapangasawa ko..” I stopped when he scoffed.

My eyes narrowed at the two of them. Para talagang wala ako dito kung maglampungan silang dalawa. He even lay his head on Chaz chest and the latter even has the gut to kiss his head.

Goodness, Mommy.. this is not a good idea after all.

“We can still back out if you want, ako na mismo ang magsasabi sa magulang ko. Siguro naman maiintindihan nila kapag sinabi kong may ibang mahal ang lalaking pakakasalan ko. Surely., they’d respect both of you and then that’s it, problem solved.” I smiled awkwardly.

The last thing I want to do is to ruin someone’s relationship. I know how it feels to be left by the one you loved and it hurts like hell. Ayaw kong maging sanhi ng pagkasira ng kanilang masyang pagsasama.

“Oh, so you are going to act as a hero here? Napakagaling, but sorry to burst your bubble, it won’t work that way. Kung hindi ka kasi umepal, e ‘di sana walang problema.”

I tried to steady my breathing as I find his words offensive. Bakit ako ang sinisisi nila eh biktima lang din naman ako dito?

I am offering a good idea just so the wedding will be canceled but they wouldn’t buy it. Sa lagay na ‘to ay ako ang may kasalanan kung bakit ikakasal ang boyfriend niya sa iba. E, kahit ako ay nabigla sa agarang kasalanan na ito.

Can’t he at least show some respect? Kahit sanay na ako sa trabaho, iba pa rin ang pekto nito sa akin. Kung makapagsalita kasi siya ay parang may ambag siya sa pagpapalaki sa akin. Even my father and mother didn’t cursed me but him? Hindi man lang nagdalawang isip.

“Then what is the purpose of my presence here? Kung hind—”

“You are here because we want to have an agreement. As much a I hate marrying you, we can’t back out.” said by that deep and baritone voice.

I lifted my eyelids to Chaz. His face is stern as if he was going to eat me alive. Sa unang pagkakataon, nagsalita siya. Pero hindi ko maintindihan kung dapat ko ba itong ipagpasalamat o hindi

“Agreement?” pabulong kong tanong.

Nakita ko ang pag-ikot ng mata ng kasintahan ni Chaz. The two of them is standing across to where I was seated. Siguro rin wala silang balak na maupo since naglalambingan pa silang dalawa.

“Yes bitch, hindi pwedeng tangghihan ni Chaz si Mama. Ang magagawa nalang namin ay makipag-areglo.” dagdag ng lalaki. I don’t even know his name. At hindi man lang nag-abalang ipakilala sa akin ni Chaz.

“What do you mean?” nakakunot noo kong sagot.

The guy smirked. “I will allow you to marry him since we don’t have other choice.” aniya. He looked at Chaz and once again caress his cheeks.

Napuno ng kalituhan ang isip ko. Bakit niya hahayaang makasal sa iba ang lalaking mahal niya? From what I am seeing, I know he loved Chaz to the point that he can’t see himself being with another man if it is not him. At ngayon, gusto niyang ikasal ito sa ibang babae.

Hindi ko maintindihan.

“Papayag kami pero itatak mo ‘to sa kukote mo, sa papel ka lang may karapatan. Ako at ako pa rin ang nagmamay-ari sa kaniya. Body and heart, he belongs to me. Don’t even think of crossing the line, bitch!"

Napasintido ako. I felt like my head is about to explode. This man is calling me a bitch like it is his normal habit, while Chaz is tolerating his rudeness. Nagmamahalan silang dalawa, pero..

“Anong kapalit?”

I asked after a while. I bravely face them, seems like they are not bothered that someone is in front of them that they had the audacity to act sweet. Kulang nalang ay maghalikan ulit silang dalawa.

“We’ll only need to act as as husband and wife if our parents are around, or if we’re in a pubic place. Certainly, it won’t take much of your time.” sagot ni Chaz sa malamig na boses.

“At hahayaan mo akong bumisita o kahit matulog sa bahay na tutuluyan niyo ‘kuno’. That was supposedly ours but since this happened, fine I’ll let you stay with us.” dugtong ng lalaki.

Kumunot ang noo ko. I don’t even have plans on living in the same roof with Chaz.  But I know mommy won’t like the idea. Kaya nga ako pinakasal para may makasama ako tapos sa ibang bahay pala ako maninirahan?

At.. kasama siya? Doon rin siya titira?

“Why? I mean.. why bother marrying me when you are already committed to someone else? Maari ka namang humindi,”

Kanina pa iyon bumabagabag sa isip ko. Pwede naman umatras sa kasal kung gusto niya para wala na silang problema.

“It’s not your damn business so I suggest you do your part well and stop asking question.” napasingahap ako sa bastos niyang bibig.

I glared at Chaz but he seems not to be affected with it. Kanina ko pa napapansin ang pang-iinsulto at pambabastos ng dalawang ito. Pasensyuso akong tao pero kung mga katulad din nila ang mga kaharap ko, baka hindi umabot ng isang oras pigtis na ang iniingatan kong pasensya.

“No, hindi ako papayag." taas noo kong sagot.

Nakita ko ang pag-alma at iritasyon sa mukha ng lalaki ni Chaz habang ang huli ay tumaas ang sulok ng labi.

“Magpapakasal na rin lang ako, doon na ako sa siguradong mamahalin ako. Not in someone like you who is in love with someone else. Ayaw ko ng gulo Chaz.” tumayo ako.

I’m done here. I should call my mother about my back-out. Maiintindihan naman siguro nila kung sasabihin ko ang totoong dahilan kung bakit ako aayaw.

“As if you can Miss Perez,” ani ng isang mamaba at malamig ng boses. Tumaas ang kilay ko,

“Of course I can, nasa akin pa rin ang desisyon kung papayag ba ako o hindi.” giit ko.

Natanggal ang pagkakahawak sa kaniya ng lalaki niya nang sandaling humakbang siya.

“Don’t you know I spend a million’s worth of money just for the preparation of this fucking marriage?” he trailed while advancing his step.
Napalunok ako ng matantong sa akin siya patungo. “Even your family has no contribution at all and may I remind you Miss Perez, every damn thing for tomorrow’s event is already settled. Now you are telling me you’ll back-out?”

I swallowed hard when his intense gaze are locking up with mine. Sa hindi malamamg kadahilanan, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso. Kinakain ng simple niyang hakbang ang distansya naming dalawa. Kahit anong pilit kong magbawi ng tingin sa kaniyang kulay berde na mata, hindi ko magawa.

It’s like hypnotizing me!

“T-Then give me your bank account, babayaran ko lahat ng perang nagastos mo.” nauutal kong tinuran.

Langhap na langhap ko ang panlalaki niyang pabango.

“Hindi ko kailangan ng pera mo. What I want is for you to cooperate.”

Napakurapkurap ako. Binalingan ko ng tingin ang lalaki sa kaniyang likuran na nakataas ang kilay sa akin.

“Besides, hindi lang naman kami ang makikinabang sa kasal na ito.”

Binalik ko ang tingin sa kaniya saka umatras. “What do you mean?”

A smirked formed in his lips. “Hmm.. you want to prove to your ex you’re over him right?”

Umawang ang labi ko, hindi makapaniwalang nalaman niya ang tungkol sa bagay na iyon. Our relationship might not be private but I don’t remember him. Wala akong maalalang nagkita o nakasalubong namin siya..

“A-Ano..”

“We’ll be expecting you tomorrow at the church Miss Perez, siguro naman ayaw mong biguin ang mga magulang mo.” dugtong niya saka ngumisi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top