CHAPTER 29

Favorite

Mabigat ang mga hakbang kong sinundan siya. His pace was faster than mine but due to my eagerness, hindi naging mahirap ang paghabol ko sa kaniya. I hold his right arm to stop him from moving. We were already outside, and I even saw Manong Bernardo going in to our direction.
Binalingan niya kami pareho ni Chaz, nakangiti. I returned the honor and when he was gone from our sight, I faced Chaz with furrowed eyebrows.

“Ano bang problema mo? Tinatanong lang kita, ikaw itong agad nagagalit!”

“I am not mad..” Chaz said, in controlled voice.

Kusang natanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya nang harapin niya ako nang tuluyan.

“I’m tired, okay?” he added. I saw his adams apple moved “I don’t have the energy left to fight with you. Sa susunod na lang, huwag ngayon, Grace..”

My chest constricted. I watched him closely. He has a dark circles under the eyes. His hair is not in it normal brush up look, his eyes were red too, making it appear that he lacks of sleep.

Hindi ba siya natulog kagabi?

I sleep first before him, and when I woke up the sun was already in its place. Did he work all night, reason why he’s this exhausted?

I sighed heavily. Kung gano’n pala ay wala akong dapat i-arte. Pagod ‘yong tao. The least I can do is to understand him. Hindi na dapat ako dumagdag pa. Pag-intidi. That’s what he needs right now.

“Bukas na lang tayo magpunta sa doctor. Magpahinga ka muna ngayon, bumawi ng lakas.” I caressed his cheeks tenderly.  "Rest for today. We’ll visit my doctor, tomorrow.”

Chaz firmly closed his eyes, at the same time.. I noticed his jaw moved.

“Hindi natin ‘to ipagpapabukas. We’ll go now.”  he uttered as he opened his irises.

“Pero pagod ka, mas mabuti siguro kung magpapahinga ka na lang buong araw. Huwag ka munang pumasok sa trabaho ngayon. You’ve been productive these past few days, your body’s asking you to rest.”

Chaz shook his head before removing my hand. His eyes roamed around my face. Then his finger flew to pinch my cheeks.

“Kaya ko pa. Your doctor is probably waiting for you by now. Besides, I wanna see how’s my baby.”

I pouted. I snapped his hands, earning a chuckle from him.

“Chaz..” I murmured like a baby.

“Come one. I still have errands to run after this.” Hinuli niya ang pulso ko saka ako inakay patungo sa nakaparking Porsche niya.

“What? Chaz you need to—“

“I am already resting. See this?” tinaas nito ang magkahawak naming kamay sa ere. “This is my kind of rest, Grace. You beside me, that’s more than just resting.”

My cheeks heated. Dinaan ko sa pag-irap ang kiliting naramdaman sa katawan. He chuckled when he saw my reaction.

“If you want.. a kiss will—“ Pinalo ko siya sanhi nang pagtigil sa pagsalita sa halip ay tumawa.

Sa daan patungo sa hospital, naging payapa ang pakiramdam ko. I really believed that everything happens for a reason. And every point of view varied.
Like how I can’t comprehend the things that is happening to Chaz, if he wouldn’t tell it to me voluntarily. Aaminin kong may kaunting kirot akong naramdaman kanina nang bigla niya akong talikuran.

At that simple gesture, I felt neglected. I shouldn’t feel this way, since he’s already mine. Siya mismo ang nagsabi noon na wala sila ni Harry. I believed him for that, and also because.. of his action.

Actions speaks louder than words, they say.

Totoo iyon, dahil iyon ang pinaparanas sa akin ni Chaz nitong mga nakaraan buwan. Pinatunayan niyang ako, kami na lang ang para sa kaniya. I don’t need to overthink that maybe one day, Harry will come back and stole him again. Because that will never happen. Like how the sky and the sea will never meet. Too impossible.

We arrived at the hospital after an hour. Pabida ang traffic. Ito ang isa sa mga bagay na gusto kong bumalik sa Isla. The roads there were free of traffic, and not to mention the polluted air in the city. I was the one who asked which floor is Miss Corpuz office when we reached the front desk.

“Room 208, sa 24th floor po ang opisina ni Ma’am. You can use the elevator on the right side.” She smiled. Her gaze went to Chaz and then back to me.

I nodded my head. “Thank you.”

“Anytime, Ma’am!”

Iyong tinurong elevator ang ginamit namin ni Chaz patungo sa tamang palapag. He was silent the whole ride, the same treatment I received back in the car. Hindi ko na inusisa ‘yon.

Hinanap namin ang pintong sinabi ng babae sa front desk. Nang tuluyan itong makita, naunang katokin ni Chaz ang pinto. On the third knocks, it opened and a lady in her white lab coat with her specs appeared before us.

“We’re looking for Miss Corpuz. My wife has an appointment with her today. Where is she?” sunod-sunod na talak ni Chaz.

Bahagyang natawa ang babae sa aming harapan. Mas linakihan pa nito ang pagkakabukas ng pinto.

“Good morning too, Mister. I am Miss Corpuz, and yes.. I was actually waiting for her. Glad you came before the clock’s strike twelve. Aalis ako mamaya, may biglang pagbabago sa schedule. But anyway, pasok kayo.” She turned her heels around and went to his table.

“Mabuti at naabutan natin siya.” wala sa sariling bulong ko.

I heard Chaz scoffed. “You’re her responsibility. She just can’t leave without checking you.” Pasaring na sagot nito, hindi man lang nag effort na hinaan ang boses.

Nilingon kami ni Miss Corpuz, may multo ng ngisi sa labi. It’s obvious that she heard his statement.

“That’s right. However, she’s not just my business here. Hindi lang sa isang pasyente umiikot ang trabaho ko. I am not just an Obgyne.” She said, tossing her pen with finger. “Batid kong sinabi ko sa asawa mong kahit anong oras kayo maaring pumunta rito, pero nakita niyo na ba kung anong oras na? I am supposedly having my break now, sana pala mas inagahan pa natin ‘no?”

My eyes rounded. I looked to check the time in my watch, and I almost curse seeing the heads of the clock. Kinse minutos na lang alas dose na!

“Uh, paano ‘yan? Babalik na lang ba kami bukas?”

“No way, Grace. We’re already here. At least she must do her job. Hindi dapat masayang ang pinunta natin dito.”

I craned my neck to Chaz who’s glaring at the doctor now. Gosh, this man!

Humalakhak ang doktora, samantalang ako’y halos sumabog sa kahihiyan. “Kayo na nga itong late.. ikaw pa ang may lakas magalit. Super demanding.” Umiiling na sabi nito.

Bumaling si Chaz sa akin, nakatalikod sa Doctor bago ako hawakan sa pulso.

“We’ll find another doctor for you. The one that’s good and not someone’s who got an attitude. Why did you pick her anyway?”

Chaz brows were creased, by the looks of it, I can tell that he’s pissed.

“Ano bang sinasabi mo? Hindi tayo hahanap ng iba, Chaz. Kasalanan naman natin, we came here late. Tama rin naman siya, hindi lang ako ang trabaho niya."

He clenched his jaw. I know he got what I mean. Isa rin naman siya sa mga rason kung bakit kami na late.

“Calm down, okay? Walang mangyayari kung idaan mo sa init ng ulo ang sitwasyon natin.” I smiled at him, and he just looked away with a sigh.

Ginagap ko ang kamay niya saka iyon marahang pinisil. I took a step forward, facing the doctor again.
She’s arching a brow while watching us.

“Pasensya na, Ma’am..” I trailed off, I heard Chaz groaned. Inignora ko ‘yon at binigay ang atensyon sa doctor. “When are you going to be available? Maybe we can reschedule this,” I said, silently hoping that she won’t be bothered by what Chaz have said.

Mula sa akin, napunta kay Chaz ang tingin niya. Nakahalukipkip na ito ngayon habang seryosong nakatingin din pabalik sa doctor.

“If I may ask, is he your husband?”

I was about to answer her, when suddenly, Chaz held my waist and crouched down to kiss me on the lips. Sa bilis ng pangyayari’y natulos lang ako sa kinatatayuan na may nalalaking mga mata. He kissed me fully, nibbling my lower lip and with.. tongue. Na parang wala kaming kaharap ngayon!

Doon lang ako natauhan ng humiwalay siya sa akin bago hinarap si Miss Corpuz.

“Does it answer your question?” he asked and licked his lips heavenwards.

“Anyone can kiss. Kahit nga iyong walang karapatan ay basta na lang kung mangahalik. Pero kung totoo mang ikaw nga,” Ngumuso si Miss Corpuz. “All I can say is.. hindi kayo bagay.”

“Hindi namin tinatanong. Now, will you check my wife or not?”

Hinawakan ko sa braso si Chaz para patigilin sa pagsasalita. I awkwardly smile at Miss Corpuz.

“Babalik na lang kami bukas, may lalakarin ka pa mamaya right?” I said.

Nabasa ko ang pag-alma sa mukha ni Chaz. I shook my head, pleading him to shut up.

“Tomorrow, nine in the morning. We’ll be back.” Isang pinal na ngiti ang pinakawalan ko bago tumalikod at pilit na dinarag si Chaz palabas ng opisina.

As we’re about to open the door, Miss Corpuz voice echoed.

"Let’s do this, now Miss. Kung ano pa ang masabi ng asawa mo."

Mabilis ang ginawa kong paglingon sa kaniya. The doctor smiled and instruct me to follow her. Pumasok siya sa isa pang silid doon sa opisina niya at sumunod naman kami. It was like a laboratory. May ilang kagamitang hindi ko alam kung ano ba ang tawag.

"I suggest you change your clothes first. Nariyan ang banyo at heto ang ipalit mo pansamantala." She said and handed me blue semi like dress. 

Sinunod ko ang sinabiya. Nang matapos ay chineck muna niya ang timbang ko maging ang blood pleasure. May ilang test pa siyang ginawa liban sa mga na una. After that, he urged me to lay in the bed. When I was already comfortable, she began doing the magic while Chaz was silently observing the surrounding.
Nanatili akong tahimik at sinusunod ang anumang utos niya.

"God, that's our baby!" He exclaimed when an illustration appeared in front of us. Malawak ang pagkakangiti niya habang pinagmamasdan iyon.

He hold my hand and kissed my knuckles. "Thank you, Grace. This is so far the best birthday gift I have received my entire life. I'll protect the both of you. I promise you that."

Miss Corpuz and I shared a meaning look and we both laughed afterwards.
When it was the time to showed us the ultrasound result, I gave it to Chaz immediately. She left us to get her stuffs, leaving me with him.

"Gotta keep this." Aniya bago binulsa ang litrato.

Natawa ako. "Picture ko ayaw mo?"

"Kailangan pa ba 'yon? Para na rin akong nakatingin sa'yo pag ito ang kaharap ko." Biglang tumunog ang cellphone niya. Agad nabura ang ngiti sa labi niya saka siya tumayo.

"I'll just take this call. Baka importante."

Lumabas siya sa opisina para roon sagutin ang tawag. Not long after, Miss Corpuz came back with the results of my test.

"Oh where is your husband?"

"Sa labas lang. May kausap." Sagot ko.

She nods before giving me the paper she was holding.

"Malakas ang kapit ng bata. Continue drinking your medicine and milk. Ngunit, huwag pa rin tayong pakampante. Mag-iingat kayo palagi at umiwas lagi sa stress!"

Miss Corpuz reminded me a lot of things that I take into the heart. Umalis din kami nang masigurong tapos na ang lahat.

“I called tatay to bring you home. Sa kaniya ka muna sumabay.. may aasikasuhin lang ako.” Chaz said when we saw Manong Bernardo in the parking lot of the hospital.

I looked at him with confusion.

“About work, Grace. Sa opisina ang punta ko, marami akong naiwang trabaho.”

Huminto kami sa harapan ng kotseng dala ni Manong Bernardo. Hindi ako makapagsalita dahil parang may mali. He seemed off after he took the call earlier. Hindi matimpla ang kaniyang mukha at parang anumang oras, handa nang sumabog.

Chaz opened the backseat and urged me to go inside. I did what he wanted while watching him. But he never meet my gaze. Palagi iyong umiiwas..

“Tatay, kayo na po ang bahala sa kaniya. Mag-iingat kayo.” Huling narinig ko bago niya isara ang pinto.

Manong was outside. They talked for a bit before Manong jogged to the front seat. I was hoping he will at least.. searched for me before the car leaves. Pero hindi iyon ang nangyari. Hanggang sa umalis ang sasakyang lulan ako, umiiwas siya.

“Manong can we stop by a convenience store? Bibili lang po ako ng ice cream.” I said out of nowhere.

Ice cream will lift up my mood. I don’t wanna think crazy things again. Chaz has his reason. May trabaho siya. Now is not the time to overthink.

“Ako na lang ang bibili, hija. Ano bang gusto mo?”

Mabagal ang ginawa kong pag-iling.

“Ako na po, Manong. Kahit diyan lang sa malapit.”

“Pero hija, mahigpit na bilin ng asawa mong iuwi ka sa bahay.”

“He’s not here, Manong. Hindi niya malalaman kung hindi niyo po ipapaalam. Saka mabilis lang naman po ako, kung gusto niyo bantayan niyo na lang ako mula rito.” I negotiated.

He released a long breath before nodding. Hindi nagtagal, huminto nga ang sasakyan ilang metro ang layo mula sa isang convenience store. Tahimik akong bumaba, maging si Manong ay lumabas din sa kotse.

Pinagsawalang bahala ko ‘yon saka dumiretso sa tindahan. The store is a closed spaced. Walang maghahangas na sumakit sa akin dito. Besides, there are few people occupying the store.

I went directly to the ice cream section. Isang bowl ng cookies and cream ang kinuha ko saka agad na dumiretso sa counter. While the cashier was scanning my purchase, I was looking for my card when I realized.. I left them at the car.

Napapikit ako. Ang galing, Sofia. Napakagaling mo!

“Uh, can you give me a minute? I’ll get my wallet in the car. I didn’t know it wasn’t with me.” ngumiti ako sa kahera bago tinuro ang kotse sa labas. The wall is made of glass, making it easier to point my Manong Bernardo beside the car, watching me.

“Go ahead, Ma’am. Itatabi ko lang muna ‘to.” She said.

I nodded my head. Nasa akma na akong pagtalikod nang may maglagay ng pera sa harapan.

“Is that enough? O, kulang pa?” said by the baritone voice behind me.

I jerked my head to looked who it was, and to my surprise. It was Mr. Ryan!

“H-Hey..” I managed to say.

He boyishly grinned.

“Sobra pa nga po ito,” the cashier said, but I can’t find the strength to looked away from him.

“Pack this also..” Mr. Ryan extended his hand to put the foods in the counter.

Nalanghap ko ang panlalaki nitong pabango. My eyes narrowed on his outfit. He was wearing the same clothes from the last time I saw him. nakauniporme, ibig sabihin.. galing siya sa trabaho?

“Heto na po, Sir. Six hundred and fifty po ang total purchases niyo kasama na ang ice cream ni Ma’am.”

Napakurap-kurap ako nang muling magsalita ang babae sa likod ko. Mr. Ryan smiled again before he gets the bag with our item.

“Thank you,” he said. “May bibilhin ka pa ba?” pagbaling niya sa akin.

I shyly shook my head. Tumabi ako sa counter para sa susunod na magbabayad.

“Uh, salamat sa pagbabayad. Pero babayaran kita, teka lang at kukuni ko ang wallet sa kotse.”

Nakakahiyang siya pa talaga ang nagbayad sa binili ko. Bakit kasi nakalimutan ko pa ang bag? Sa lahat nang maaring kalimutan, iyon pa talaga!

Nice job, Sofia. Very nice..

Mr. Ryan grinned. “Hindi na, Ma’am Prosecutor. Parang ang liit lang na halaga kumpara sa ginawa niyo noon.”

“Come on, Mr. Ryan. Hanggang ngayon iyon pa rin ang issue mo? I told you not to think about it much. And Sofia for you, ang pormal pakinggan ng Ma’am Prosecutor.” I said.

“Eh,” nagkamot ito sa batok. “Hindi ko pa rin ‘yon makakalimutan. Kahit hanggang pagtanda yata, nakatatak na sa isip ko ang kabutihang ginawa niyo.”

I chuckled roughly. “I’ll still pay you. Regardless of the value, money is money. Hindi ka makakahanap ng pera sa daan and I know how tough it is to find one. Wait here,” tumalikod ako para lumabas sa convenience store.

I felt him tailing me. Siya mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Tipid akong napangiti.

“I am in a hurry. Fifteen minutes na lang ang natitirang oras sa break ko. How about you give your payment some other time?”

I stepped out of the store before facing him.

“Ah right, you’re working..” puna ko.

Tumango siya. “O’o eh. Kaya sa susunod na lang ‘yang bayad mo.”

“How can I reached you then? I don’t know if we can meet again after this.” 

Pinagmasdan ko siyang magkandaugaga sa paghahanap ng kung ano sa loob ng bulsa. He put the plastic bag in his left hand and searched for whatever it is in the pocket of his pants.

“Nasa malapit lang naman ang kots—“

“Ito, itipa mo na lang ang number mo. itetext na lang kita kung.. kailan mo ako puwedeng bayaran.” He said, as he handed the phone to me.

I pouted. Contemplating if I could give it or not. I mean he’s an acquaintance. I know him and there is no way he will harm me.

“I will only text you if needed. Hindi kita iisturbohin, saka busy din naman ako. Walang plano sa mga gano’n.” he glanced at the time and I heard him mutter a curse. “Oh nevermind. Sa susunod na lang na pagkikita natin, kung.. magkita nga tayo. Nagmamadali talaga ako, e. malilintikan ako sa manager namin ‘pag mahuli akong late.” He chuckled.

Nakonsensya ako bigla. If ever he’ll be late, the blame will be on me. Naantala ang ginawa niya dito dahil sa akin. He helped me. But I got some nerve to prolonged his stay.

“Give me your phone.” Inilihad ko ang palad sa ere para hingin ang telepono. Natigilan siya, namilog ang mga mata. “Akin na Mr. Ryan, lalo kang mahuhuli niyan.”

Mabilis na dumapo ang cellphone niya sa palad ko na tila doon lang naintindihang talagang mahuhuli siya. I quickly typed my number and named it after my first name. Pagkatapos, binalik ko ‘to sa kaniya.

“Text me once you made up your mind. Also, attached your name after the content. Hindi ako magaling manghula.”

He beamed while putting his phone back from its pocket. Binalingan niya ang nakaupot na binili saka kinuha ang ice cream ko.

“Cookies and cream, for you. Next time, ililibre kita."

“Hindi ako mahilig sa libre lalo na kung galing sa’yo, Mr. Ryan. Ipunin mo na lang ‘yon para sa sarili mo.”

“Malaki na ang ipon ko. One hundred and fifty won’t hurt.” Mr. Ryan chuckled. “And by the way, Ryan for you, ang pormal pakinggan ng Mr. Ryan.” He said, repeating my words earlier.

Sa ganoon paraan natapos ang usapan naming. Tumakbo siya paalis at agad pumara ng taxi. Habang ako ay bumalik sa sasakyan.

“Sino ‘yon, hija?” pang-uusisa ni Manong Bernardo nang makalapit sa pwesto niya.

Binuksan ko ang pinto sa backseat bago siya sinagot. “Kakilala lang po.”

Pumasok ako sa loob saka sinimulang lantakan ang ice cream na binili. Sa daan patungo sa bahay, iyon lang ang pinagkaabalahan ko. Naubos ko ito hanggang sa makarating kami ng mansyon.

I had my lunch alone in the dining room. Manang prepared for the meal and after it, I rested for a bit. Wala akong natanggap na mensahe mula kay Chaz hanggang sa matapos akong magpahinga. Sa kawalan ng ginagawa, I decided to check the nursery room. We both decided to prepare the room that is next to the master’s bedroom for our baby. Inayos na naming ‘yon noong isang linggo.

We painted the exterior design with color blue and white. Kulang pa ang ilan sa mga kagamitan ang kwarto. Iyon ang plano kong gawin naming ngayon linggo. Ngayon sana pagkatapos ng check up ko, pero busy si Chaz. I’ll try tomorrow. Siguro naman ay matatapos na siya.

“How are you, Jenny?”

Isang oras akong nanatili sa nursery room para pagmunimunihan ang mga dapat bilhin. I made some notes, para masigurong wala akong makaligtaan.

“Oh my god, Pia! Finally, finally, finally! Ten years kong hinintay ang tawag mo. Ano kumusta ang buhay prensesa? Hindi ka man lang nag send ng picture niyo sa isla, ang damot mo, ha!” she exclaimed

Kinailangan ko pang ilayo ang cellphone sa tainga sa lakas ng boses niya.

“Ang lakas ng boses mo. balak mo bang sirain ang eardrums ko?”

“Plano kong sabunotan kita! Alam mo ba ha? Itong pumalit sa’yo, beh ang suplado! Hari-harian akala mo gwapo! Bumalik ka nga rito, ayaw ko sa mukha niyang unggoy!”

“Bakit ba high blood ka sa kaniya? Yes, he’s often silent and more likely be compared with being introvert, but Nicholas is nice. Ano bang ginawa mo?”

Narinig ko ang singhap niya sa kabilang linya.

“Anong ako? Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Sofia. Siya nga itong akala mo hari kung umasta. Eh, substitute lang naman! I doubt if he really has a license, baka forged ang mga dokumento niyan ha!”

I was hoping the opposite. Nicholas is really nice. Kung ikukumpara kina David and Patrick, siya ang mas nakikita kong makakasundo siya. Pero mukhang kabaliktaran ang nangyayari.

“Beh, tatahitahimik lang ‘yan pero nasa loob ang kulo. Kung di siya may pagkagago, magdala ba naman ng babae rito? God, ginawang motel ang opisina mo!”

Napapikit ako sa mga naririnig mula sa kaniya.

“Baka.. baka kliyente lang, Jenny? Huminahon ka muna, puwede? We can’t just conclude things.”

“Client my ass! I’m sure she’s more than just a client. E, halos lumabas na ang kaluluwa no’n at kung makalingkis, akala mo ang pogi ng lalaki! Pareho silang mukhang unggoy!” she vented out.

I pursed my lips. I can already picture her facial expression with the tone of her voice. Namumula ang mukha ng babaeng iyon sa inis at panay ang kagat sa ibabang labi.

“You know what’s more than ridiculous? He’s not that even gifted! Jutay siya, hindi daks. Pero kung makadala ng babae rito, akala mo kung sinong pinagpaala. He’s an asshole with his not so long me—“

“Who are you talking to?” Jenny stopped, and I can tell that the owner of that voice was Nicholas. “Are you badmouthing me in my own office, Miss?”

“Tang ina, si gago. Hindi talaga papahuli.” Narinig kong bulong ni Jenny.

“Excuse me?”

Kasabay ng pagsasalita ni Nicholas ay ang pagpatay ni Jenny sa tawag. Napasentido ako. Hindi pa nga nangangalahati ang taon, gano’n na ang pangyayari sa opisina.

Jenny is not hard to be with. Kumpyansa akong magkakasundo ang dalawa, pero kung totoo man ang sinabi niyang nagdadala si Nicholas ng babae…

To: Nicholas

Hi! This is Sofia. I’d like to apologize if my friend, Jenny is causing you any trouble. Mabait ‘yong kaibigan ko. Maasahan din at, magaling sa trabaho niya. That’s why I am shocked to know that you two are not in good terms. From what I have experienced, Jenny is really a great employee. I hope you will give her time and be more considerate. Don’t be hard on her, Nicholas. You both are my friend, and it hurt to know that you have some sort of quarrels. Also, it’s fine to bring your woman. Just make sure, it is not affecting your job. Kung maari lang din ay sana, hindi malaman ni Jenny ang pagdadala mo ng babae. She’s very professional. Isinasantabi ang personal na buhay sa trabaho.

I hope you get my point, Nico. Thank you.

Bumuntonghininga ako. I was glad I still have their number. Although, I am not certain if he’s still using the same sim, but hopefully. Sa kawalan nang ginagawa, napagdesisyonan kong magluto na lang ng gulay. Gabi na nang makauwi si Chaz sa bahay. I didn’t eat as I was waiting for him. Gusto kong makasalo siya sa hapag.

“Pagod na pagod ka, ah. Gano’n karami ang trabaho sa opisina?” I asked.

Linapitan ko siya, ang plano kong pagtanggal ng kaniyang necktie ay hindi natuloy nang talikuran niya ako. He went inside the walk-in closet.

I sighed heavily. Hinintay ko siyang matapos sa pagpapalit, at nang bumalik siya’y dumiretso siya sa coffee table kung nasaan ang ilan sa mga gamit niya.

“Chaz,” pagtawag pansin ko sa kaniya.

He only glanced at me but didn’t give me a response. Kumunot ang noo ko. Linapitan ko siya at tinabihan sa sofa. He’s now facing his laptop, as if he will work his ass again.

“Chaz Theo,” I called his name softly.

“Kumain ka na ba? Nagluto ako ng gulay.. iyong paborito mo. Wala kasi akong ginagawa kanina, tara kain tayo?” I made sure my voice is cheerful.

Nakangiti rin ako sa kaniya ng malawak, kahit ang totoo.. unti-unti akong kinakain ng lungkot sa ginagawang pag trato niya sa akin ngayon.

Natigil sa ere ang kamay niya bago ako inilingan.

“I had a dinner meeting today..” he answered coldly.

I nibbled on my lower lip, brows creasing.

“Pero meeting pa rin naman ang pinunta mo. Hindi ka pa busog niyan, kumain ka ulit. Ang sabi ni Manang mas masarap na raw ang ginawa kong gulay na gawa sa puso ng saging ngayon kung ikukumpara sa mga nauna kong ginawa.” Pagyayabang ko pa.

His stern expression didn’t even falter after I said those words.

“Alam mo ba? Muntik nang hindi makabili si Manong sa palengke ng gulay. Mabu—“

“I hate it now. Sawa na ako sa gulay na sinasabi mo.” pinutol niya ang sasabihin ko.

My lips parted.

“Nakakasawa rin pala kung isang putahi lang ang natitikman mo. Next time, keep your hands off the kitchen and let Nanay do the work. I like her dishes better than yours.”

I can feel how my heart wrenched at his statement. My chest thudded painfully.

Hindi ko alam.. wala akong alam na sawa na pala siya. He didn’t tell me and I assumed he’s enjoying the food I personally prepared for him.

Iyon pala.. nauumay na siya. Ayaw na niya.

“Gulay na gawa sa puso ng saging. That was my favorite..” he stopped to glanced at me, his eyes were menacing and cold. I almost didn’t recognize it. “But not until you came. Not until you ruined it. I can no longer feel the thrill everytime that dish is served in front of me. So please, do me a favor. Huwag ka nang mangialam. Intindihin mo na lang ang sarili.”

My hands balled into fist. I looked at him sharply but he didn’t budged by it.

“Take care of yourself so our child will be out of danger. Hindi sa lahat ng oras kasama mo ako. Sa halip na pagluluto ang atupagin mo, magpakalusog ka. Be healthy to avoid complications. Cuz to tell you frankly, you don’t have a future in cooking. Nagsasayang ka lang ng oras at pera.”

Habang sinasabi niya iyon ay nakikipagtitigan siya sa akin na tila nais niya malaman ko ang kahulugan ng bawat salitang binabato niya. Suminghap ako. I can feel how my eyes heated at his excruciating words.

I don’t have a future in cooking?

I have been rejected before, but this.. is another kind of blow. Hindi lang tungkol sa pagluluto ko ang pinuna niya. I choose not to take his statement of his favorite food figuratively. Tungkol lang iyon sa pagkain ang tinutukoy niya.

“I don’t really wanna say this, but I need to. Nang sa gan—“

“I got what you meant. But do you really have to insult me? Alam ko namang hindi pa ako magaling magluto. Yes, I know. Hindi mo na kailangan pang latiin ang gawaing kung tutuusin ay ginagawa ko lang para sa’yo. I want to do it as your wife. I wanna serve—“

“Well I don’t need your serving. Mas matutuwa pa ako kung susundin mo ang sinasabi ko. Grace, hindi na ako bata para alagaan o pagsilbihan mo. I didn’t marry you for that.”

My chest hammered. I am very aware that I am shooting him daggers already, but he seemed not to mind it. Wala siyang pakialam. Is he aware that his words are hurting me?

“I was doing it with my own will, Chaz Theo! But you know, you make sense. Baka nga nagsasayang lang talaga ako ng oras at pera sa pagsisilbi. Don’t worry because from now on, hindi na kita pakikialaman. You want that from me right? Then fine! Huwag ka ring magkakamaling mangialam sa buhay ko.”

Padabog akong tumayo. Inirapan ko siya bago lumabas sa silid na iyon. My frustration is all over the place. Hindi ko siya maintindiha. Naguguluhan ako sa inaasta niya ngayon.

We were okay earlier. Maayos pa naman kami kanina ah. Masaya pa siyang pinagmamasdan ang sonogram ng anak namin. He was even so sweet to me that his words before we departed are still lingering in my mind.

And then suddenly, he become like that. Like a total jerk. Nasasaktan ako sa mga narinig mula sa kaniya. Lalo pa at talagang hinintay ko ang pagdating niya para lang makasama siyang kumain ng hapunan. I even cooked him his favorite, but it turns out he’s sick with the food. At sa huli, ako lang din naman pala ang isang kakain sa niluto ko.

My chest tightened. Pinigilan ko ang huwag maluha sa gitna ng pagkain. Mabigat ang loob ko at pakiramamdam ko’y anumang oras babagsak ang mga luha sa aking mata.

“T-Tama si Manang, Sofia. M-Masarap.. you improved.” Pagkausap ko sa sarili sabay subo ng kanin at gulay sa bibig.

Ewan ko. Kumakain lang naman ako, pero naiiyak ako habang ginagawa ‘yon. I should be grateful with the blessings. Kasi hindi lahat nakakaian sa isang araw. Not all people were given the chance to eat a bountiful gifts from above.. but why do I feel like.. this isn’t enough?

Bawat lunok ko ay naging mahirap. May nagbabara sa aking lalamunan. Ito lang yata ang unang beses na naging masaya akong walang kasalo sa hapag. Walang nakakasaksi sa paghihirap ko. Sa sakit na nararamdaman ko.

“He’s lying. You are a great cook. Siya nga hindi alam kung paano ‘to gawin..”

I bite my lower lip when I felt the hotness of my tears. Mabilis na nagtaas baba ang dibdib ko sa pagpigil ng emosyon. Pero kahit anong pigil ko’y kusang umalpas sa bibig ko ang ilang munting hikbi.
I put the fork down as I shook my head. Nakakailang subo pa lang ako pero pakiramam ko’y busog na busog ako. Busog sa sama ng loob. Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi bago tumayo.

I tidy the table and didn’t bother to washed the plate and utensils. Sa halip na sa silid naming magpunta, natagpuan ko ang sarili sa dating kwartong inukupa ko noon. I laid in the bed with a heavy feeling in my chest. Dito ako magpapalipas ng gabi. I don’t think I can stomach to be with the same room with Chaz for now.

Sariwa pa ang sakit na binigay niya sa akin ngayong gabi. I don’t know what’s bothering him. Hindi tamang sa akin niya ibunton ang galit at frustration na nararamaman niya.
I am his wife for pete’s sake! Kung may problema siya sa trabaho, pwes hindi niya dapat iyon dalhin dito.

I pressed my head more in the pillow as I feel myself tearing up again remembering his words. Hence, just like what happened in the kitchen.. my emotions ruled me. Sa isipang wala naman akong kasama sa loob ng silid, hinayaan kong iiyak ang sama ng loob na nararamdaman para kay Chaz hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok.

When I woke up the next day, confusion filled me seeing the familiar ceiling of the master’s bedroom. Binalingan ko ang katabing espasyo at nakitang wala iyon sa ayos. Does it mean, Chaz slept beside me? Siya rin ba ang nagdala sa akin dito?

That’s the only choice is see, instead of course if I walked sleep?

Nah. I do not have that kind of mannerism.

With that thought, my mood changed like a wildfire. Hindi ko na naisip ang nangyaring sagutan naming kagabi. Ang mahalaga’y natulog siya sa tabi ko. He made an effort to bring me here, as if telling me that he can’t sleep without me on his side.

Ganadong-ganado kong sinimulan ang araw. I toke a shower and even sang a song while under it. I wore a color peach sleeveless dress after. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. I haven’t gained any fats like what ate Giselle has when she was pregnant. My body shape is still the same, minus the stomach.

May bukol na iyon at halata na ang pagiging buntis ko. I raised my arm to check if my armpit has changed its color. I released a deep breath when I saw it doesn’t.

Tinapos ko ang pananalamin saka bumaba. Kahit nang nalaman ko kay Manang na nasa trabaho na si Chaz ay hindi ‘yon naapektuhan ang mood ko.

“Para kanino ‘yan, Manang?” I asked when I saw her putting foods in a container.

“Sa asawa mo, hija. Sa pagmamadali kanina ay hindi na kumain. Kape lang at agad umalis. Balak kong ipadala kay Bernardo sa kompanya.” She answered without looking at me.

Nagliwanag ang mukha ko. Inubos ko ang iniinom na gatas bago siya nilapitan.

“Sasama ako, Manang. Ako na po ang maghahatid ng pagkain kay Chaz.” I volunteered.

“Ay hindi na hija. Kaya na ito ni Bernardo. Alam na no’n ang gagawin. Hindi naman ito ang unang beses na pinadalhan ko ang batang iyon ng pagkain.”

I pouted my lips. “Eh, Manang.. gusto ko po siya makita. Mabilis lang naman po ako ro’n at uuwi agad. Sige na..” I pleaded, with my soft voice.

Manang glanced at me sighed heavily.

“Heto, ipaalala mong kainin niya ‘yang hinanda ko. Wala pang laman ang sikmura ng asawa mo.”

I grinned and nodded. “I will, Manang. Thank you!”

Bumalik ako sa taas saka hinagilap ang purse. I applied a lip tint first and I’m good to go. Alam na ni Manong ang pagpunta namin sa opisina ni Chaz sapagkat nang lumabas ako’y handa na ang kotse. He opened the backseat door and I hop in. Umabot sa mahigit treinta minutos ang biyahe sa daan, pero kahit gano’n ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko.

“Dito lang po ba kayo, Manong?” tanong ko sa kaniya nang makababa sa kotse.

“Hihintayin na lang kita rito, hija. Hindi na ako papasok.” He said.

I nodded understandingly.

“Sige po. Pero kung gusto niyo mas maganda kung sa loob na lang po kayo maghihintay.”

Umiling si Manong.

“Maayos na ako rito. Hala na’t ihatid mo na ‘yang pagkain ng asawa mo. nagugutom na ‘yon, panigurado.”

I smiled and nodded once again. Nakangiti kong tinahak ang malawak na gusali na pagmamay-ari nila Chaz. Kilala na ako ng guard kaya tuloy-tuloy lang ang pasok ko. Kahit sa front desk ay hindi na ako pinuna pa. Nang makarating sa tamang palapag, ang sekretarya ni Chaz ang sumalubong sa akin.

“Good morning, Ma’am. Nasa loob po si, Sir.” Imporma niya, hindi ko pa man naitatanong.

“Is he with someone? May ka meeting or..”

“Sir Samuel and Harry is inside too, Ma’am. Pero hindi naman binilin ni Sir Fuentes na huwag kayong papasukin. Saka isa pa po, kanina pa ang meeting nila. Tapos na siguro ‘yon.” She said.

Pinigilan kong mapasinghap sa hara niya. Instead, I smiled and thanked her. Humigpit ang hawak ko sa paper bag na dala habang inaalalang nasa loob si Harry. Nabunutan lang ako ng tinik na naroon din si Samuel. And Harry is there for business matter.

Hindi na ako nag-abalang kumatok at agad binuksan ang pinto, na agad ko ring pinagsisihan. Seems like their meeting isn’t really over.

“The local and handcrafted jewelry, we can add that to our—“

Chaz stopped talking when he saw me in his door. Nakatayo siya sa harapan ng dalawang nakaupo sa magkaharap na sofa.

“Uh, hi! Sorry naisturbo ko pa kayo. Dinalhan ko lang si Chaz ng pagkain niya. You can continue.“

Kumunot ang noo ni Chaz. Sinarado ko ang pinto bago dahan-dahang lumapit sa lamesa niya. Hindi ko pinansin ang matalim na tingin ni Harry at nagpatuloy sa paglalakad.

Subalit, hindi ko pa man naabot ang lamesa niya ay may marahas na kamay ang humila sa braso ko, dahilan nang pagkalaglag sa sahig ng pagkaing dala ko. My lips parted in bewilderedment. Dinungaw ko ang may kasalanan at halos manlambot ang tuhod ko ng makitang si Chaz iyon.

He dragged me onto the corner of the room where the two won’t be able to hear him. Nagtagal ang tingin ko sa pagkaing nasa harapan. Nakita kong tumayo si Samuel at pinulot ang mga iyon.

“What are you doing here? I told you to stay inside the fucking house, Grace. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” he hissed like a mad man.

I felt a pang in my chest seeing his face full of wrath.

“Hahatiran lang sana kita ng pagkain. Si Manang ang nagluto, hindi ako Chaz. Huwag ka nang magalit..” mahinang bulong ko.

“Sa tingin mo ‘tong ginagawa mo hindi ako magagalit? You know how dangerous it is to go outside, and then what? Makikita kitang pagala-gala?"

"Sa opisina mo ang punta ko, kasama ko si Manong. Wala namang nangyari sa akin. Nag-aalala kasi kami sa bahay. Hindi ka raw kumain ng almusal..”

Iritado niya akong tiningnan. "I won’t die for not eating breakfast! Ngayon lumabas ka rito at umuwi...” He trailed off. “You understand, Grace? Uuwi ka at huwag ka nang babalik dito.”

--
MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top