CHAPTER 27

Birthday

The flight to Isla Cali was smooth. We didn't encounter any problems along the way, thankfully. Chaz decided to rent a car for our transportation so it wouldn’t be a hassle for us. I let the window in my side open, reason why I was able to see the details of Isla Cali.

As I watched the view, all I could say is that the place is comparable to Paradise. Ang nagsasayawang mga dahon, huni ng mga ibon, matatayog na mga puno, kulay asul na kalangitan maging ang malawak na karagatan. This place is a breather.

“Madaan ba natin ang hotel na tinatayo niyo?” I asked curiously.

The roads were free from houses, only those towering trees of different kinds.
Ang sabi ni Chaz ay hindi raw aabot sa treinta minutos ang biyahe patungo sa beach house na aming tutuluyan. We are driving for almost fifteen minutes now.

“No. But if you want to visit the site, pwede tayong pumunta roon. Gusto mo ba?”

Ramdam ko ang pagbaling niya sa direksyon ko pero pinanatili ko ang pagtingin sa labas, binubusog ang mata sa magandang tanawin.

“Hindi na. Sa susunod na lang,”

From the corner of my eyes, I saw him nodded. “Aren’t you hungry? Kanina ka pa hindi kumakain, ah. You should eat now, we have foods in the backseat.”

Dahil sa sinabi niya, naalala ko ang pagiging mahigpit niya sa kinakain ko.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago siya nilingon.

“Hindi kita maintindihan. Ngayon na ayaw kong kumain, pinilipilit mo ako. Kapag naman kain ako ng kain, pinapagalitan mo ako. Ano ba talaga, Chaz Theo?”

"Kailan kita pinagalitan?" he asked, brows meeting together. “I’m reminding you with your sweet's intake, wife. Magkaiba ‘yon sa sinasabi mong pinapagalitan.” Pangangatwiran niya.

“Anong magkaiba? It’s the same, Chaz! Kinukuha mo ang pagkain ko’t tinatago sa akin. Tama ba ‘yon, huh?”

“That's because you’re consuming too much of it, and it’s not healthy for you and our baby." He glanced at me for a second before he stared in the front again. "There’s a boundaries on the foods you shall eat, wife. Lalo pa ‘yong malalamig. Hindi na lang cake ang kinakain mo, ice cream na rin kaya huwag ka ng magtaka na tinataguan ka ng mga iyon.” litanya niya.

Masisisi ba niya ako kung iyon ang hinahanap-hanap ng magaling niyang anak? It’s not as if ako lang ang nakikinabang doon. That’s what the angel in my tummy was craving and who am I to disappoint him or her?

Sumimangot ako bago matalim siyang tinitignan. “Ang sama mong ama, imbes na suwayin ako dapat nga maging supportive ka sa amin. Those foods are our comfort, paano mo nasisikmurang hindi ‘yon ibigay sa amin?"

“I’m doing it for the both of you, lalo na ikaw. Too much cold will make your baby grow in your tummy and you will have a hard time delivering her.”

“At bakit alam mo ‘yan? Siguro may nabuntis kang iba ‘no? Tama ako, hindi lang ako ang na—"

I stopped when the car halted all of the sudden. He quickly removed his seatbelt and my eyes widened when he leaned in to my seat. Chaz doesn’t look pleased at all. Magkasalubong ang makakapal na kilay at umiigting ang panga.

Gumapang ang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. O, kaba nga ba?Right now, I can’t figure the emotions I have whenever he’s this close to me. I couldn’t fathom if I am indeed nervous or this is just another feeling—worldy to be exact.

“Wala akong nabuntis, Grace.” mataman niyang sinabi.

Napapikit ako sa pagtama ng mabango niyang hininga sa aking mukha.

“I know cuz I had my research. Whatever I am doing is for your own good. You better stop questioning it, because love.. iba ang nagagalit sa katigasan ng ulo mo.” huling tinuran niya bago ko narinig ang pagkalas nito sa suot kong seatbelt.

Mabilis siyang nakalabas ng kotse at agad na tumakbo sa kabilang bahagi upang pagbuksan ako ng pinto. That’s when I notice we’re already in front of a two-storey house.

Lumabas akong nililibot ang tingin buong lugar. There was a wooden fence in front. May nakapalibot ding mga halaman sa bakod. The house is painted with white and blue. It looked simple and cozy.

“Nasaan ang lolo’t, lola mo?”

Tinulak niya ang gate na gawa sa kahoy saka ako giniya patungo sa loob. When we reached the doorstep, he opened the door with keys from his pocket.

“We’ll visit them later. Sa ngayon, magpahinga ka muna.”

“Hindi pa naman ako pagod, mag-iikot lang siguro muna ako rito. O, kahit sa likod lang. Gusto kong makita ang dagat.” Nakangiti ko siyang nilingon. Pumasok siya sa isang pasilyo na batid kong kusina nila.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. May mga paintings na nakasabit sa dingding, isang flat screen tv, and sofa set. To sum up everything, the interior of the beach house has a minimal design.

“The sun is scorching, how ‘bout we do that this afternoon? Sunset will be great,” suhestiyon niya pagkabalik. He's holding a glass of water. Pinainom niya sa akin ang tubig at walang reklamo kong sinunod iyon. “We have an ample amount of time to stroll the island, take a nap for now. You didn’t sleep a wink since we left the city.”

I licked my lips after drinking. “Pero hindi pa naman ako dinad—“ I unexpectedly yawned, stopping me from talking.

Tumaas ang sulok ng labi niya habang pinagmamasdan ako. “Pagod ka, ayaw mo lang aminin.”

Sumimangot ako. “I want to swim, Chaz! Minsan lang akong mapunta sa ganitong lugar, huwag ka nang kumontra!”

“The sea won’t vanished, you can swim whenever you like it. Sa ngayon ay magpahinga ka muna, you looked exhausted.” Chaz didn’t let me win the argument that I ended up in the bed.

Kasalukuyang nasa banyo siya nang kusang pumikit ang mga mata ko para sa isang mahabang tulog. Nang magising ako ay madilim na sa labas, dahilan para mapabalikwas ako nang bangon. The space beside me was empty. I checked the bathroom first and when I didn’t see his shadow, lumabas ako ng silid at bumaba sa unang palapag.

The whole manor was in serene silence. Yinakap ko ang sarili habang tinatahak ang daan patungo sa pinto. As I was about to open the door, someone from the outside opened it first before me. Niluwa niyon si Chaz, may dalang tatlong supot na naglalaman ng kung ano.

“We don’t have enough stocks. I got the foods we left at the car for the mean time. Is this fine with you?” tanong niya sabay taas sa dalang supot.

Tipid akong tumango. “Pwede na ‘yan. May grocery store ba rito? Maybe we can shop tomorrow.” lumapit ako sa kaniya saka kinuha ang isang supot.

I take a sneaked to what is inside and my eyes glimmer in happiness seeing a whole vanilla cake.

“Uh-huh. Lola's inviting us for dinner by the way. Doon na lang tayo maghapunan.”

Nauna na akong maglakad sa kaniya at tumungo sa dining area. Nakasunod si Chaz sa akin na hindi pinalampas ang tungkol sa hawak kong pagkain.

“Eat slowly, you can’t finish the whole cake. One slice will do,” paalala niya.

I hummed but doesn’t have plans on obeying him. Kulang ang isa ‘no, tatlo hanggang lima.. iyon ang sakto.  Kinuha ko sa kahon ang cake saka iyon linapag sa lamesa. Chaz did the same with the remaining plastic.

“Pakiabot ng platito, please..” I murmured, licking my lips afterwards.

Hindi lang platito ang binigay niya sa akin maging tinidor ay mayroon. Kukunin ko na sana ang bread knife na hawak niya ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng kusang paghiwa nito sa pagkaing nasa harap ko.
Chaz put one slice of cake on my plate, and my eyes rounded when he returned the food on the box.

“Seriously, Chaz? Huwag kang madamot, nagugutom ako!”

Seryoso siyang tumitig sa akin, pinagmamasdan ang gusot kong mukha.

“Tama na ‘yan, Grace. May ibang pagkain dito, iyon na lang ang kainin mo. Not this.” he uttered firmly, setting aside the box of cake.

Tinalikuran niya ako saka iyon pinasok sa loob ng ref. Umawang ang labi ko, natigilan sa ginawa niyang pagtatago ng pagkain. Instead, he arranged the foods in the table and all of them are from veges, fruits, chicken, and rice.

"I don't want to eat vegetables again, Iyong cake ang gusto ko!" Parang bata kong reklamo.

“Here,” hindi niya pinansin ang pagtangi ko sa halip ay nilapag ang platong puno ng pagkaing pinakaayawan ko.

"Cake, Chaz. I want the cake." I reiterated.

"You already have it. Eat the rest tomorrow."

Pinagkrus ko ang mga braso sa ilalim ng dibdib, masama ang tingin sa kaniya.

"Mapapanis 'yon hanggang bukas."

"It won't. Try this dishes, Nay Remmy prepared all of these. It's by far close to that cake. Or even better."

"Ayaw ko niyan, iy—"

"Grace," he trailed off, looking at me sharply. "Let's not argue in front of the foods. Kumain ka na lang."

I nibbled on my lower lip. Gazing at him with equal intensity.

“Ayaw ko nga ‘diba? Gusto mo ikaw ang kumain niyan. Huwag mo akong pilitin!” I snapped, my eyes heating in irritation.

I saw how his lips formed an 'o'. Tumigil din siya sa akmang paglalagay ng pagkain sa harap ko. Umirap ako, masama ang loob.

“Bahala ka diyan!”

Padabog akong tumayo bago siya iniwan sa lamesang iyon. Kaunti lang naman ang hinihingi ko para namang tataba ang anak niya sa kapirasong cake. My steps were heavy as I tried to be away from him. I didn’t notice that my tears were already falling.

What a pity, Sofia! Parang pagkain lang iiyakan mo na. It’s alright. We have money, makakabili tayo niya’n, hindi lang siya ang may pera.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako nagabalang lumingon. Ano pang silbi ng pagbili niya ng pagkain kung hindi lang din niya ipapakain sa akin? Useless.

I closed the door with force and climbed into the bed after. Pinikit ko ang mga mata at hinayaang lumipas ang sama ng loob na nararamdaman para kay Chaz. Pero hindi nagtagal, sumunod siya.

“Grace,” Chaz said softly. I felt him sitting in the bed beside where I am.

Hindi ako nagpatinag at pinanatili ang pagkapikit ng mata. Maya’t maya ang pag buntonghininga niya.

“Are you mad?”

I gritted my teeth as I took a deep breath.

“Tayo ka na, kakain ka pa.”

“Hindi ako gutom.” I said verily.

“Don’t you want to eat your cake? You—“

“Sa’yo na. Wala akong gana.” Malamig kong pagputol sa kaniya.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko saka niya pinaglaruan ang mga daliri ko.

“I’m sorry.” mahinang aniya dahilan nang pagbukas ng aking mga mata.

I stared at him, and he stared back with gentleness.

“You know I’m just worried..” he closed his eyes and sighed again. “I only want what's the best for you. I don't want to put you in a difficult situation. I hate to see you struggle, reason why I am always reprimanding you with eating sweets and something cold."

My chest thudded.

“I won’t restrain you from having everything, you’ll even have my full support. But remember, we’re talking about our child here and you of course. Iyon ang sabi ng doctor mo sa akin, mas mahihirapan ka sa panganganak kung.. iyon ang lagi mong kakainin kapares ng malalamig na inumin.”

“Naintindihan ko. Sige na, lumabas ka muna. Gusto kong magpahinga.” I nodded my head.

Mahina siyang napamura, sanhi para panlakihan ko siya ng mata.

“Come on, get up now. I’ll let this slide for now.”

Kumunot ang noo ko, hindi siya maintindihan. He puckered his lips, eyeing me.

“Sige na, kumain ka na ro'n. Kahit ilan, hindi kita pipigilan.”

Kumibot ang labi ko. Nakipagtitigan ako sa kaniya, kinikilatis kong nagsasabi ba talaga ng totoo.

“Ngayon lang, ah. Baka mamihasa ka, pupunta pa tayo kila lolo mamaya.” Aniya pa.

A grin stretched on my lips when I realized he isn’t bluffing at all. Mabilis ang ginawa kong pagtayo sa kama, napatayo naman siya dahil doon.

“Yay, thank you!” I exclaimed in glee.

I jumped and cling my hands around his neck. He roughly chuckled but catch my fall.

"Pasaway." Bumaba kami na pasan-pasan niya ako. I was clinging into him like my life depended on his body.

Gandong-ganado akong linantakan ang cake, hindi ko na pinansin ang iba dahil sabi pa niya’y sa kamag-anak niya kami maghahapunan. Later on, I changed into a maong short and a gray hoodie in preparation for the dinner. Si Chaz ay nakasuot ng puting t-shirt at tattered pants. Nilakad lang namin ang distansya patungo sa bahay ng lolo at lola niya.

“Hindi ka ba nilalamig? Ang ikli ng suot mo.” he commented.

I shrugged. “Ang init nga, e.” I said as I leaned my head on his shoulder. Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Chaz sa sagot ko.

Nakahawak ako sa braso niya. The night were young. Katulad nang normal na kaganapan sa isang probinsiya, folks were lining up in the street. Talking and some were busy with their business. Nag-iihaw at mayroon namang nasa harapan nito na tila nag-aabang.

“Anong niluluto nila?” hindi ko mapigilang tanong sabay turo sa dalawang babaeng nakatayo sa harap ng isang ihawaan.

“Barbeque. You want to have a taste?”

“Pwede?” I asked as I lifted my head to look up to him.

“Let’s go.” Chaz said, smiling.

Sa halip na dumiretso sa bahay ng lolo niya, huminto muna kami sa nagbebenta ng street foods. To my surprise the folks recognized him, particularly the elder ones.

“Teyo?”

Lumabas mula sa tindahan ang isang ginang bago pa man kami makalapit sa pakay. The one selling the street foods were on the right side of the street, while a small store was beside it. May ilaw sa labas ng tindahan na nagbibigay liwanag sa daan maging sa nagnenegosyo.

“Ikaw na ba ‘yan, Teyo?” muling tanong ng ginang.

Dahil sa sinabi niya’y naagaw ang atensyon ng ilang namamahinga sa gilid ng kalsada. Even the young entrepreneurs was already staring at us, especially on Chaz. Napanguso kong tiningala si Chaz. A smile was embedded on his handsome face while glancing at the lady.

“Ako nga po, Aling Berna. Kumusta po kayo rito?” he politely asked.

Nagliwanag ang mukha ng ginang sa sinabi niya. Nagulat ako ng bigla siyang tumalikod sa gawi namin bago sumigaw.

“Mga kabaryo, narito ang anak ni Salva at Rodolfo! Naalala niyo iyong bibong batang panay ang pagsasalia ng englis? Heto na siya!” masigla nitong sigaw, sanhi para lumapit na rin sa gawi naming ang ilan.

“Ano ka ba naman, ‘nay! Kung makasigaw akala mo nakakita ng artista. Gabi na oy, mamaya may masamang hangin pang dumapo sa inyo.” Sita ng babaeng nagpapapay-pay sa harap ng kanilang iniihaw.

Tumawa si Aling Berna. “Manahimik ka riyan, Conchita. ‘Di hamak na mas tisoy itong si Teyo kaysa sa pinagmamalaki mong artistang peke ang ilong.”

“Nanay, hindi peke ang ilong ni Cha Eun Woo! Pek news ka!” sagot ng huli.

Chaz chuckled lowly. Tuluyang lumapit sa amin si Aling Berna, hinimas pa nito ang buhok saka mabilis na pinahid ang kamay sa suot na damit. Maging ang apat na kababaihan sa kabilang kalsada ay hindi mapigilan lapitan kami.

“Pasensya ka na sa anak ko, hijo. Si Conchita pala, saka iyong pinsan niya si Rachel.”

Bago pa kami makapagsalita’y nauna ang babaeng may dalang pamaypay.

“Ang tagal niyo nang hindi bumibista sa barrio, hijo. Kumusta naman na ang mga magulang mo? Sana ay nasa maayos lang sila na kalagayaan. Matagal-tagal na rin mula nang umuwi sila rito."

I strengthened my back as I felt Chaz’s arms snaked into my waist. Binalot ng mainit na pakiramdam ang loob ko sa narinig mula sa ginang.

"My parents are well po. They're currently outside the country, but I know they are looking forward to go back here."

"Ikasasaya ng buong Isla ang presensya nila pag magkataon. Sana ay pumarito rin ang iba mo pang kaanak." Said by the lady beside her.

"They'll be here within this year. Hindi lang po siguro sa ngayon dahil sa mahalagang bagay." Chaz said with a faint smile.

“Magtatagal ka ba rito, Teyo? Nalalapit na ang piyesta sa susunod na linggo.” The lady in black shirt added.

Tumatango-tango si Aling Berna.

“Tama si Criseng, Teyo. Hindi ba’t kaarawan mo rin ang araw na ‘yon? Noon ay palaging nagpapakain ang iyong ina na dinaig pa ang hermana. Naalala kong umaabot sa umaga ang selebrasyon sa bahay niyo. Nawa'y maulit iyon ngayon taon.” Aling Berna said.

My eyes widen a fraction hearing it. Pumitik ang leeg ko para tingalain siya, nagtatanong ang mga mata. He glanced at me, arching a brow.

His birthday? Oh, wow. I don’t know. Wala siyang sinabi. It happened that his birthday is the same date of the fiesta of this island. Fantastic.

“Ano ba kayo, paupuin niyo nga sila. Kita mong may kasama ang bata, kanina pa ‘yan nakatayo.” Segunda ng babaeng naka boy cut.

Tumingin sila sa akin. Pumunit ang ngiti sa labi ko. They smiled in returned and asked Chaz another question.

“Sino ba itong kasama mo, Teyo? Girlprend mo?" si Aling Berna ulit ‘yon. Parang ang dami niyang baong tanong kay Chaz.

Sabagay, ayon sa pagkakaintidi ko ay matagal na ang huling pagbisita ni Chaz sa Isla. Natural lang na marami silang katanungan sa lalaki. Batay pa sa kanila, malapit ang mga ito sa mga magulang ni Chaz.

“Asawa po..” huminto si Chaz at mula sa sulok ng aking mata, ramdam ko ang paglingon niya sa akin. “Sofia Grace Fuentes, my wife.” he stated proudly.

Fuentes. Now I am Fuentes to him. Parang kailan lang, Perez pa ang tawag niya sa akin.

“Bagay na bagay kayo, hijo. Ang gandang dalaga, nawa’y magtagal kayo sa inyong relasyon. Asus, huwag kayong magpadala sa tukso. Uso na ngayon ang hiwalayan lalo na sa maynila.” Ani ng babaeng may dalang pamaymay.

I chuckled inwardly. I felt Chaz embrace tightened. She’s right. Uso na nga iyo, pero katulad ng sinabi ko noon. I’m not a fan of annulment. Noon nga na may Harry pa siya, nagawa kong magtiis at magbulagbulagan. Ngayon pa kayang magkaka anak na kami?

I will fight for this. Hell will freeze before I let him go. I don’t want my child to grow up without a father nor with a broken family.

“Hala pili kayo ng kahit ano, libre na naming ‘yan.” Tinuran ni Aling Berna.

Kasalukyan kaming namimili ng paninda nila Conchita. Their discussion ended a while back, and the four lady went back to their seats and continued talking. Aling Berna on the other hand stayed with our side.
Napansin ko ang pagtigil ng kasama ni Conchita sa ginagawang pagpaypay, mabilis lang ‘yon at nagpatuloy.

“We insist to pay. Negosyo po ‘to ng anak niyo, dapat lang na bumayad kami.” Sagot ko, nakangiti.

“I agree. Wala po kayong makikita kung libre lang ang kakainin namin.”

“What do you call this one, Chaz?” I lifted the stick with three ball, filled with unknown.

“Taugi ball ‘yan, hija gawa sa tauging gulay na hinaluan ng harina at ilan pa sa mga sangkap na pampasarap. Tikman mo, gawa ‘yan ng anak ko.” sa paraan ng sasabi niyang si Conchita ang may gawa no’n ay puno ng pagmamalaki.

Nilingon ko muna si Chaz at nang tumango ito ay dahan-dahan akong kumagat sa taugi balls kung tawagin nila.

“Hmm.. taste good. You should try this one, Chaz.” I loomed the stick closer to his mouth and he gladly opened it before biting a piece of the food.

Nang una ay kunot pa ang kaniyang noo habang tinitikman ang pagkain, pero ng lumaon tumatango ito.

“Ano ang lasa, Teyo? Pwede na bang maging chef itong butihin kong anak?” 

“Pasado na po, Aling Berna. Maari na siyang magbukas ng sariling kaininan at pamahalaan ito." He made a thumbs up gesture to Conchita.

I grinned when I saw the sauce that slipped on the corner of his mouth. Tumingkayad ako saka iyon pinahid gamit ang hintuturo. His eyes squinted.

“Ang kalat mo,” mahinang puna ko.

Nasa akma na akong ibaba ang kamay ng bigla niya itong hawakan saka walang hiyang dinala sa loob ng bibig ang hintuturong ginamit ko sa paglilinis ng sauce na naiwan sa gilid ng bibig niya.

My eyes rounded in astonishment. I consciously glanced at the three woman we are with, and their expression made my cheeks burned.
Nakaawang ang bibig ni Aling Berna habang ang dalawang dalagita ay tila nakakita ng multo sa paraan nang palalaki ng kanilang mga mata, lalo na si Conchita.

“Chaz Theo,” I called his name with a warning on my voice.

Hinigit ko ang sariling kamay at tagumpay naman akong makuha ito.
His lips turned manlike, playfulness is embedded on his face.

“That was paired with the taugi, sayang kung hindi ko sisimutin.” Aniya.

Hinampas ko siya sa dibdib sa kahihiyang natamo sa ginawa niya. Natawa siya roon habang ako’y ramdam ang pagbabaga ng pisngi.

“Aba’y ang sweet niyo naman, Teyo. Naalala ko ang sarili noong kabataan pa, ganiyan din kami ni Timyong maglambingan, eh. Magaling din ‘yon sumipsip, at heto si Conchita ang naging bunga.” Kwento ng babae.

Nalukot ang mukha ni Conchita habang ang kasama niya’y natatawa na lang.

"'Nay pwede ba pumasok na lang kayo. Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niyo, wala namang nagtatanong.”

Tinikman ko lahat ng paninda nila Conchita at lahat ng iyon ay masasabing kong worth it balikbalikan. It vary from grilled meat, isaw, paa ng manok, atay at iyong taugi. Nagsidatingan na rin ang iba nilang mamimili at doon lang natapos ang pagkain ko. Chaz payed a one thousand peso bill and didn’t asked for the exchange.

“Ang laki po nito, Sir.” Conchita uttered.

“O’o nga ho, ibabalik po naming ang sukli.” Dugtong ng katulong niya, si Rachel.

Chaz shook his head. “Sa inyo na. It’s my way of expressing my gratitude for entertaining my wife."

Sumulyap sa akin ang dalawa, si Conchita ay nangingiti habang si Rachel ay tila nahihiya pa

"Tanggapin niyo na baka bawiin pa niya." Pagbibiro ko. Tumawa sila.

We left them eventually. Aligalig pa si Aling Berna at gustong ihatid kami, pero matindi ang pag-angal ni Chaz. Fiesta is coming, make since why decorations in the street are everywhere.

“Bakit may ganito sila? Kasama ba 'yan sa pagdiriwang ng pyesta?” tanong ko habang nakadungaw sa itaas kung saan may tila tinuhog na cellophane. Iyon nga lang, tila kakaiba ang na nasa ere. It has a design. Pinaghalo ang kulay asul at puti.

“Ah that, if I’m not mistaken the locals called it as banderitas. A fiesta wouldn’t be complete without those." Paliwanag niya.

Nakakaintidi akong tumango. Kaya pala ng makalampas kami sa ginawang arko ay iba na ang desinyo ng banderitas. Sa daan patungo sa bahay ng lolo at lola niya ay panay ang pagbati kay Chaz. Saglit kaming hihinto para sa maikling introduksyon.

Ilang bahay pa ang dinanan naming bago marating ang tunay na pakay. Si lolo Isco at lola Francisca ay pawang mapuputi na ang buhok, pero pagkagayunman ay malakas pa rin ang katawan. Lola was able to open the door when we knocked on it, while we saw lolo in the dining room preparing for the dinner.

His grandparents were pleased seeing us, more likely him. Bakas iyon sa mukha ng dalawa na hanggang sa matapos ang hapunan namin ay panay ang pagngiti ni lola Francisca sa apo.

“Salamat po sa hapunan, lola. Ang sarap ho ng gulay na gawa sa puso ng saging. Sana matuto akong lutuin din ‘yon, halatang paborito pa naman ni Chaz.” ani ko habang nilalakad ang daan palabras ng bahay nila.

“Balik kayo bukas, tuturuan kita. Mabuti at maraming naaning puso ng saging si Isco kahapon sa bukid, may magagamit tayo.” Nakangiting sagot niya.

“Siguradong babalik po kami, lola. Hanggang pyesta po kami rito.”

Natuwa ang matanda sa narinig.

“Si Andres, ‘la? Nasa galaan na naman ba?” Chaz asked.

“Sa kaklase lang apo. Nagpaalam ‘yon na may gagawing proyekto, hayaan mo na’t uuwi rin ang batang ‘yon.”

Chaz can only sighed. Bago kami tuluyang umalis ay mahigpit na binilin ni Chaz ang pagsigurong maayos na nakasara ang mga pinto.

Si Andres ay ang nakakasama nila sa bahay. Ayon kay Chaz ay ampon nila ang binata. Andres was the son of their closed friend’s son who migrated to U.S for his new family. Iniwan sa kanila ang bata at hindi na binalikan hanggang ngayon.

Buong gabi kong pinag-isipan ang gagawing pagluluto kinabukasan. Kaya naman ng sumapit ang liwanag, nauna akong gumising kay Chaz at agad na naghanda para simulan ang araw. Tapos na akong maligo ng magising siya mula sa mahimbing na panaginip.

"Get up, Chaz! Wala tayong kakainin ngayon. Kailangan pa nating mamili.”

Tinutuyo ko ang buhok gamit ang tuwalya ng sabihin ko ‘yon.
I watched him in the bed. His arms were dropped on his eyes, bare chested and the comforter was hanging on his torso, showing his well-toned body. Hindi na bago sa aking makita siyang halos hubad na, pero ng masagi ng aking paningin ang namumutok nitong abs..

Initsa ko sa katawan niya ang tuwalya na ginamit, saktong tumama iyon sa tiyan niya.

“Let’s have our breakfast at your grandparent’s abode. Isama na lang natin sa pag grocery ang sa kanila. Tapos mamayang hapon maliligo tayo sa dagat! Oh wait, since fiesta is fast approaching, I bet they have a perya here? Punta rin tayo—Chaz!” I shrieked when he suddenly grabbed me by the waist and I landed on his frame.

“Good morning, wife..” his bedroom voice made me gulped. “You talk a lot, but missed to greet me. Are you that thrilled to explore the island?”

Naitukod ko ang dalawang kamay para suportahan ang sarili. I sat on his abdomen before combing my wet here with my fingers.

“Sino ba ang hindi? Napakaraming magandang gawin sa Isla, hindi pwedeng humilata lang. Saka isa pa, gutom na ako. Wala naman akong makakain sa kusina.” Pinanuod niya lang ako habang ginagawa iyon. Ang dalawang kamay ay nasa magkabila kong baywang.

“The Hypermart will took us thirty minutes on the road. How about you let me do the shopping and you focused on your agenda with lola?”

I creased my forehead. “If we move now, we’ll be at the Hypermart less than thirty minutes of the time. Walang trapiko rito, mabilis lang din tayong matatapos mamili.”

Bumuntonghininga siya. “Alright. Let’s just grab something to fill your stomach on the way..”

Iyon nga ang nangyari. Matapos naming mag-ayos ay dumaan muna kami sa isang bakery at bumili ng makakakin. One thing I like about provinces is that is is traffic free. Hindi katulad sa siyudad na ang bagal nang usad ng sasakyann dala ng trapiko.

We bought foods good for two weeks, pagkatapos no’n ay dumiretso kami sa bahay ng lolo at lola niya. Doon kami kumain ng agahan kasama si Andres. After the meal, lola Francisca and I started our cooking seasion. 

“Kumusta apo? Sakto ba ang lasa?”

I had so much fun, that I didn’t notice the quick change of time. Lola was cleaning the utensils we’ve used while I was in front of the stove, checking the outcome.

Nag presinta akong maghugas pero hindi niya ako hinayaan dahil ako na raw ang nagluto. Masama rin daw na mabasa ang kamay matapos itong ma-expose sa init ng ilang oras.

“Okay naman, lola. Although, the taste isn’t the same with yours, still edible. Good for first timers!” halakhak ko matapos tumikim.

Bahagya ring natawa si lola Francisco. “Ganoon talaga kapag unang beses mong niluto ang isang putahe, apo. Hayaan mo sa susunod, makukuha mo rin ang tamang timpla at lasang iyong ninanais.”

“Sa tingin mo lola, mamahalin na ako ni Chaz kapag natikman ang gulay?”

Puso ng saging pa naman ‘to, idagdag pang gawa sa pagmamahal. Dapat lang na mahulog siya sa oras na matikman ito. Deserve ko ng price, and that is his love.

Nagsalubong ang kilay ni lola sa Francisca sa naging tanong ko. Tumigil din siya sa ginagawa.

“Kidding, lola. Even without having a taste of this, your grandson love me. Kaya nga po ako pinakasalan dahil patay na patay sa akin!” pagbawi ko sa sinabi.

Sa ganoong paraan palaging natatapos ang araw ko sa Isla. Bumibisita sa kanila araw-araw para magpaturo ng maraming bahay. Pagsapit ng hapon ay sa dalampasigan kami nagpapalipas ni Chaz. He set a two sunlounger.

Sabay naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa kalangitan. It amazes me, watching the sun sets with him beside me. The feeling of surreal was there. Contentment and delightfulness. All my life, I didn’t remember myself wishing for a longer day, freezing of movement of the clock and having the urge to stay at one place without worrying of the the stuffs I left in bargain with having him.

Gusto ko na lang ay manatili sa Isla na payapa. Malanghap ang preskong hangin na walang bahid ng polusyon. Maligo sa dagat na tila ako’y isang batang walang problemang inaalala. Maglaro sa perya kapalit ay isang laruang nagbibigay kislap sa mga mata ko, sa kaalamang si Chaz Theo ang kasama ko sa mga oras na ‘yon.

Nakangiti kong sinindihan ang kandila sa ibabaw ng cake. Today is the fourteenth of October, Isla Cali’s fiesta celebration at the same time.. my husband’s birthday.

It’s early in the morning, five seventeen to be exact and yet we are here, outside of our room with lola Francisca and lola Isco together with Andres. May hawak na gitara si lolo para sa gagawin naming pagkanta.

Si Lola ang nag planong haranain naming si Chaz sa madaling araw, ‘yon daw ay ugaling nakagawian sa buong Isla sa tuwing may kaarawan.

“’Lo sigurado kayong alam niyo pa ang pag gigitara? Baka mamaya maputol ang daliri niyo, sisihin pa ako ni kuya.” Mahinang tanong ni Adres. May hawak siya lobo na kinukumpas kumpas pa sa ere.

“Tahimik, Andres. Hindi ako makapag focus.” si Lolo iyon na pinagmamasdan ang kaniyang gitara.

“Apo, bihasa ang lolo mo sa gitara. Ikaw lang naman ang walang alam sa musika.” Si Lola iyon.

Sumimangot si Andres. “Di mo sure, lola. May hidden talent ako sa pagkanta,”

“Huwag mong itago, habang buhay pa kami ng lolo mo ay ipakita sa amin ‘yang talento mo apo.”

“Kung gusto mong makita ‘yon, kailangan mong manatili sa mundo ng higit pang sampong taon. Gusto ko dapat nasa VIP seat ka sa concert ko sa MOA. Kaya dapat hindi matigas ang ulo at lagging iinom ng gamot. Intindis?”

“Husto na, Isca. Handa na ako, buksan mo na ang pinto’t magsimula na tayo.” Nagpakawala si lolo ng
buntonghininga bago isa-isa kaming tinignan.

We looked at each other and smiled knowingly. I lifted the cake I was holding and lola opted to open the door where Chaz was sleeping. When lolo started strumming his guitar with the melody we practiced for three days, we begun with our Manyanita.

We are here to great you
On your natal day
We are here to sing you
A birthday round the lay

It’s a Happy Birthday
We are happy too
Now we sing with all our hearts
Because we love you so

Nangingibabaw ang boses ni lolo na lumipas man ang panahon, ay napakaganda pa rin. Naalala ko si Chaz sa kaniya noong kumanta siya. The song was entitled Birthday Round the Lay of Ricky Gacutno is my memory serves me right.

It is a birthday round the lay
Round the lay-oh-lay
Happy holiday
It is a happy birthday round the lay
Round the lay oh lay
It is a happy happy
Happy holiday
It is a happy birthday round the lay
Round the lay oh lay

While everyone on the island was busy for the fiesta, we are singing our hearts out for Chaz Theo Fuentes, my husband was born.

Nasa katapusan na kami ng may humigit pabukas ng tuluyan sa pinto. Pupungas-pungas ang hubad na si Chaz aming harapan. He’s only on his white boxer, eyes half closed but when he saw us, it widened. Tila siya ay tuluyang magising lalo pa ng mabaling sa akin ang atensyon niya at makita ang cake na hawak-hawak ko.

“Maligayang kaarawan, aking minamahal na apo!” si Lola matapos ang kanta.

“Happy berdey, kuya! Sana nag nag damit ka man lang bago humarap sa amin, nahiya ang katawan ko.” si Andres sabay paputok sa dalang lobo. Umalingawngaw ang tunog niyon sa buong silid. Sinita siya ni lolo Isco.

I chuckled lowly. Humakbang ako palapit sa kaniya. It’s as if he can’t get over the fact that we are here, as his red lips were still separated.

I lifted the cake in front of us and the light from the candle illuminated his face. I smiled at him sweetly, my heart pummeling inside of my chest while staring at his beautiful set of green eyes.

“Happy birthday, my love.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top