CHAPTER 23

Haircut

I bite my lower lip, suppressing a smile. Am I even allowed to feel this kilig kahit ang tanda ko naman na?

As I was reading his text, I felt like I was back at my teenage days giggling like a young girl who was noticed by his ultimate crush. I put my palm on my forehead and sighed. Asawa mo 'yan, Sofia.. asawa.

To: Old Man
Okay. Take care

That was my response to him at hindi naman na ulit siya nag text pagkatapos no’n. Siguro ay nasa airport na. Pinagkibit balikat ko 'yon saka nagsimulang magtrabaho. Nang sumapit ang alas-dose pumasok si Jenny dala ay mga pagkain.

“Lunch para sa asawang pinagpala! Kaloka ka ha, Pia kina-career na talaga ng magaling mong mister ang pag-uutos sa akin. Akala mo close, hmp!” she ranted while putting the foods on the center table.

Tumabi ako sa kaniya saka siya tinulungan. “Kasalanan mo rin naman at hinayaan mong mautusan ka. Sa kaniya ka magreklamo, ako ba nang-uutos sa’yo?”

Naupo ako sa couch habang siya’y nanatiling nakatayo, sinasalansan ang mga pagkaing dala.

“Tss, as if I can do that? Ang bait ko kaya para hindi sumunod sa anumang iuutos sa akin.”

I rolled my eyes. “Iyo naman pala, e. Ano pa ang pinuputok ng butchi mo?”

She put the final dish on the side and gasp loudly. “Pinuputok, really Pia?” she asked as if offended.

“That was your line, right?” I laughed at it. “Tama rin naman ako, nagrereklamo kang inuutusan ni Chaz, ah?”

Jenny put both of her hand on the waist before looking at me. Her eyes turned to slit.

“Nagbago ka na, Pia. Dati naman kahit magreklamo ako sa’yo wala kang sinasabi. You’re letting me rant and release the negative energy but now? Talagang ginagamitan mo na ako ng sariling banat ko!” sunod-sunod na pahayag niya.

Mabilis ang kaniyang paghinga siguro dahil na rin sa mabilis niyang pagsasalita. I chuckled dryly. I motioned my hand to the single sofa, telling her to sit.

“You can still rant naman and release your negative energy, hahayaan kita but not when it is because of my husband. Wala rito ‘yong tao, baka ma-aksidente pa iyon sa kakareklamo mo tungkol sa kaniya.”

Nag-aalala ako sa biyahe nila. Sana lang ay matiwasay silang makarating sa ibang bansa. Malakas na suminghap, si Jenny. Naupo siya habang hindi ako linulubayan ng tingin.

"Wow, concerned wife na siya! Parang kailan lang naglalasing ka pa dahil sa kaniya, ah?"

I shrugged my shoulder and started digging the foods.

“Marami itong pagkain, saluhan mo na ako.” sabi ko naman sa kaniya.

That was before, and we already settled that rift between us. I avoided her gaze. Kung makatingin siya kasi ay parang may ginawa akong hindi nararapat gawin ng isang katulad ko.

Sa mga pagkain ko na lang binuhos ang atensyon. I licked my lips when I saw a cupcake. Just by the look at it, I felt myself salivating. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko iyon saka tinikman. I closed my eyes and sigh in relief upon tasting the food.

Ang sarap niya, literal.

“Oh my gosh, Pia! Don’t tell me, don’t tell me.. gosh!” she exclaimed hysterically.

“Okay, I won’t tell you,” I answered nonchalantly.

“Oh my gosh ka talaga Pia! Anong mayroon sa inyo ni Mr. Fuentes bukod sa pagiging mag-asawa? May nangyari na sa inyo? Buntis ka na ba?”

Mabilis akong nagmulat ng mata saka siya sinamaan ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng batok hanggang sa mukha ko. I shouldn't disclose that part of our life with anyone, right? That's a private matter. Kahit pa kaibigan ko si Jenny, hindi ko na dapat pang idetalye ang mga ganoong bagay.

“Hindi ako buntis,”

Ramdam kong may sasabihin pa siya pero mabilis kong sinubo ang isang ulam sa bibig niya sanhi para matigilan siya. She glared at me and I just chuckled.

Needless to say, she still joined me on the table. Kinukulit niya ako tungkol kay Chaz na hindi ko rin naman sinasagot. Wala lang ako sa mood makisakay sa pang-aasar niya.

Bandang alas-tres nang makatanggap ako ng hindi inaasahang bisita. I was seating in front of my table when Jenny informed me that Danilo Lavigne is here. Pinabulanan ko ‘yon at sinabing papasukin. I also instruct her to bring us some refresher.

Tumayo ako sa swivel chair at hinintay ang kaniyang pagpasok. Minutes later, the door opened revealing the man on his mid-fifties. He’s wearing a white Americana suit, black trouser and a pair of black shoes. His tummy is big, kulang sa diet at exercise.

Looking at his face, there’s no doubt that he’s related to the Mayor of Caloocan. Kahit isang beses ko pa lang iyon nakita sa personal, masasabi kong magkamukha sila. I readied my professional facade and offer him a handshake.

“Good afternoon, Mr. Danilo Lavigne. I’m Prosecutor Sofia Grace Fuentes,” pagpapakilala ko.

Namutawi ang ngisi sa labi ni Mr. Lavigne bago tanggapin ang pakikipagkamay ko.

“I heard a lot of hearsays about you, isa lang doon ang masasabing kong totoo sa ngayon.. iyon ay ang katotohanang nagtataglay ka nang bihirang ganda.”

I felt him squeezing my hand dahilan para sapilitan ko iyong binawa agad.
Humalakhak siya sa ginawa ko. Habang nagsalubong ang kilay ko. Hindi naman iyon nakakatawa, pero kung tumawa siya'y...

“I’m not taking sides, but you surpassed the beauty of my niece who’s an actress. Sana pala’y nag artista ka na lang, ‘di ba hija?”

Ngumisi ako sa narinig. “I already know that I am physically gifted, Mr. Danilo, but still thanks for the compliment. I assume you’re not here to talk about the beauty I possessed?”

He chortled before waiving his hand on the air. “I’m not here for that. Alam ko ring alam mo na ang rason kung bakit ako narito.”

Nagtiim bagang ako. Huminga ako nang malalim bago nilahad ang sofa.

“I already have an idea, though I still want to hear it from you Mr. Lavigne.” I tilted my head. “Before that, please take a sit. Hindi kaya ng ganda ko ang tumayo nang matagal na oras. Shall we?”

Muli siyang humalakhak. “Oh hija, nakakatuwa ka rin pala. Mataas ang tingin sa sarili,” aniya bago naupo.

I arched a brow. Mataas ang tingin sa sarili? ‘Di ba’t sa kaniya mismo nanggaling na maganda ako? Nagkibit balikat ako bago naupo sa kaniyang harapan.

“Nagmamataas dahil may maipagyayabang. Anyway, enough with it. Marami pa po akong trabahong naantala dahil sa bigla mong pagbisita.” I sternly stated.

Sumeryoso bigla ang mukha ni Mr. Danilo. Para bang may nasabi akong hindi niya nagustuhan. Inosente akong ngumiti. Bumukas muli ang pinto ng opisina ko at pumasok si Jenny dala ang dalawang tasa.

The sound of her stilettos vibrated as she strides towards us. Her face was stoic as she put the cups in front of us.

“Enjoy your coffee, Mister..”

Nagmistulang isang pilit na pahayag iyon mula sa kaniya.

“Here’s your lemonade Ma’am,”

When Jenny turned to me, the tone of her voice changed to something alluring. She even smiled, which she didn’t give to the visitor.

“Thank you, Jenny.” I pursed my lips.

Ngumisi siya at agad ding umalis, naiwan kaming dalawa ni Mr. Danilo.

"May galit yata sa akin ang sekretarya mo, hija." matatawang pahayag nito, although his eyes shouts the opposite of his laugh.

"Gano'n lang talaga siya sa mga taong hindi pa kilala."

Blanko niya akong tiningnan. While I smiled fakely.

“What brought you here? I don’t remember having a business with you, Mr. Lavigne.”

Gusto ko na agad itong matapos. Wala pa man ay pakiramdam ko mauubos ang lakas ko sa mga sasabihin niya.

“Kung tungkol ito sa kaso ng anak mo, mananatili ang desisyon ko. Maghanap na lang kayo ng iba na handang tumanggap at ipaglaban ang anak mo.” mataman kong dagdag.

Sigurado naman akong umabot na sa kanila ang balitang hindi namin pagtaggap sa kaso ng kaniyang anak. Perhaps he’s here to try to convince me otherwise. Iyon man ang dahilan ay nagsasayang siya ng oras.

The sound of his gritted teeth resonated. “Bakit hindi? Alagad ka ng batas, you should know how to act like one. You have n—"

“I love my job and I am definitely doing my purpose. Hindi dahil hindi ko tinanggap ang anak mo’y hindi ko na ginagampanan nang maigi ang trabaho ko.” I said, cutting him.

“Kung gano’n hindi ka lang dapat puro salita. If you’re really doing your job then accept and defend my son in court. Stop being bias and act professionally!”

My jaw clenched.  “I am not being byias, Mr. Danilo. I don’t even understand why are you're forcing me when I know you can find another professional to fight for it. Hindi ba’t iyon ang gawain niyo?”

Tila siya ay natigilan. His eyes rounded for a second, agad din iyon bumalik sa normal niyang reaksyon na tila hindi siya nabigla sa narinig.

I smirked at his reaction. “D.S has a standard to follow. We’re only accepting those cases that we know has a high chance of winning, or if not those who’s indeed innocent even without the verdict of the honorable judge.”

I mentioned before that it is always innocent until proven guilty. Prior to us dropping any case, we are undergoing series of research first. Iyong tatlong folder na dala ni Jenny kahapon ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa anak niya.

I’ve read that this isn’t the first time Charlie Lavigne received a complaint of rape but it was dismissed without further trials. May tao sa likod ng bawat kasong sinasampa sa binatilyong iyon na agad na babasura. But this one, it seemed to me that the victim and lawyer in charge is really determined to put him behind bars.

Marami pa akong nabasa tungkol sa akusado na sanhi para hindi ko tanggapin ang kaso. Only those who’s not in their right mind or those who’s blinded with money has the guts to fight for a failing case. And I am not one of those people.

Tumalim ang tingin sa akin ni Mr. Danilo. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao niyang nasa mga hita.

“Nagpapatawa ka ba? Tumanggap nga kayo ng rapist na animal na ‘yon!” he laughed in an insulting manner. “Ang babaw na pala ng standard niyo kung gano’n?”

Lumalim ang gatla sa noo ko. He’s now shouting, affected much, huh.

“So inaamin mo ring rapist ang anak mo?” mapanuyang tanong ko.

Nawala ang tuwa sa mga mata niya. My smirked grow wide.

“Ah, tama ako. Rapist nga ang anak mo kaya ka pumunta rito sa pag-aakalang tatanggapin ko rin iyon dahil sa ginawa ko sa lalaking inakusahan ng magaling mong pamangkin.” I said idly.

Mr. Lavigne’s face turned red. Naaliw ko siyang tiningnan.

“I won’t stoop that low, Mr. Lavigne. Iba si Mr. Ryan Valencio sa anak mo. Isang tingin, alam kong inosente ang taong ‘yon. Charlie Lavigne is a different case.” puno nang kumpyansang sagot ko.

Marahas siyang tumayo. The table even shook because his big tummy hit it. Hindi ako nagpaapekto sa bayolenting galaw niya. Malamig ko lang siyang tinitigan at hindi nagpakita ng takot. He’s in my territory. Between the two of us, siya ang dapat masindak.

“Hindi mo ba ako kilala? Kapatid ko ang Mayor ng Caloocan, wala kang karapatang tumanggi sa anumang pinag-uutos ko! Ngayon kung hindi mo ako susundin, malilintikan ka sa akin, sinasabi ko sa’yo!” he shouted.

I didn’t budge and remained looking at him darkly. “Sa Caloocan ka magmalaki. Do you think I care that he’s your brother? Kahit presidente ka pa ng Pilipinas, walang magbabago sa desisyon ko.”

Hinampas niya ang dalawang palad sa lamesa at umani iyon ng tunog. Marahas na ang ginagawa niyang paghinga.

“I guess you're not that good prosecutor. Pormal akong humarap sa’yo, pero ginagago mo lang ako, hambog!” 

Uminit ang ulo ko. Wala siyang karapatan magdabog. “Quit hitting my table. Ang linis-linis niyan, huwag mong dumihan.” I said, gritting my teeth.

Kahit ako na may-ari ay iniingatan ang mga bagay sa opisina ko, tapos siya na walang ambag akala mo kung sino kung umasta.

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. “Huwag kang magmayabang, Prosecutor ka lang Mayor ang kapatid ko! Ayusin mo 'yang pananalita mo, huwag kang bastos!"

Narinig kong bumukas ang pinto at batid kong si Jenny ang pumasok. I raised my hand to stop her from intervening.

“Yeah I know, Mr. Lavigne. Mayor ang kapatid mo, hindi ikaw. Pakihanap ng pake ko.” I rolled my eyes.

Seriously, I don't get this man. So what if his brother is a Mayor? As if I have an ounce of care. Marami akong dapat alalahanin, at wala sa mga iyon ang pagiging Mayor ng kapatid niya.

Tumayo siya ng tuwid saka ako dinuro-duro. “Use your damn brain. Foolish people like you will never survive without us. Matuto kang makisama. You will accept and defend my son, o buhay mo ang magiging kabayaran?!” his voice thundered, nanakot. “Mag-isip ka, bata! Huwag puro dada!"

I gapsed inaudibly. I fake my shocked and scared expression. Natutop ko ang sariling labi at kunwaring takot sa kaniya.

“Oh my, kapatid ni Mayor! I’m scared like!” I cried fakely.

Napangisi ako sa loob-loob nang makita ang iritasyon at galit sa mukha niya.

“Please kapatid ni Mayor, umalis ka na po. Natatakot na ako..” umiling ako nang umiling.

It seems that my action provoked him. He raised his hand on the air as if aiming to slap me but before his hand landed on my face, a strong and veiny hand cease it.

“Don’t even try. Baka sa halip na anak mo lang ang nasa kulungan, sumunod ka rin sa kaniya.” Drake’s cold and baritone voice echoed in the whole office.

He was staring at the man with big tummy with a hardened expression on the face. His jaw was clenching, looking mad. Namilog ang mga mata ni Mr. Lavigne pero agad din iyong nakabawi at agad minura si Drake.

“Get the fuck out of here. Hindi ka nababagay dito, umaalingasaw ang nabuburyo mong pag-uugali.”

Pabalya nitong binitawan ang kamay ni Mr. Lavigne na ngayon ay nag-aapoy sa galit. Suminghap ako. I then felt someone holding my shoulder.

“Ayos ka lang ba, Pia?" It was Jenny.

Hindi ko siya magawang sagutin dahil nasa dalawang lalaki ang buong atensyon ko.

“You!” gigil na tinuro ni Mr. Danilo ang hinlalaki kay Drake. But the latter just glanced at him coldly.

“Yes me, lumabas ka’t magsumbong sa pinagmamalaki mong kapatid na Mayor. Titingnan ko kung hanggang saan ang magagawa niyong
magkapatid.” Drake responded cockily.

"Isa ka pang hambog! Mga walang silbi!" Mr. Lavigne spat.

He  glared at us once by one as if memorizing our faces for his revenge.

“Ako lang, huwag mo silang idamay. I’ll gladly wait for the wrath of Lavigne’s brother. Siguraduhin mong matutuwa ako.” mapanuyang saad ni Drake.

Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan ni Mr. Lavigne bago nagmartsa palabas. Napakurap-kurap ako, hindi agad makagalaw sa kinauupuan. Tumabi ng upo sa akin si Jenny habang sinisipat ang kabuuan ko.

“God, Pia! Did that fucking asshole hurt you? Saan? Sabihin mo at susugod ako sa kaniya ngayon din!” Jenny ranted as she scanned my face. “What the F, talaga ang matandang ‘yon! Pareho lang sila ng kapatid niyang buwaya! Sila na nga itong pinapasok sila pa ang may ganang manggulo!”

Mahina akong suminghap sa mga naririnig mula kay Jenny. She should be used to this scenario. Hindi naman na ito bago sa akin pero matagal-tagal na nga nang huling may sumugod dito sa akin. Beside, I didn’t thought that Lavigne will resort to hurting me. Kung hindi pa naagapan..

“How are you, Sofia? Did he touch you?” tanong din ni Drake nang hindi ako nakasagot.

Bahagyang nakakunot ang kaniyang noong nakadungaw sa akin. His eyes turned soft when our gaze locked. I averted my gaze and shook my head.

“Ayos lang ako. Hindi naman niya ako nasaktan.”

He sighed heavily. “Next time, don’t let some intruders see you. Agresibo talaga ang mga ‘yon lalo na kung hindi nakukuha ang gusto.”

I bite my lips. Pinakiramdaman ko ang sarili kung katulad pa rin ba ako noon na halos hindi magkandarapa sa tuwing kaharap siya. Na sa tuwing naririnig ko ang boses niya’y kompleto na ang araw ko. Those time where the butterflies on my stomach were going wild feeling his care through his gentle voice.

It’s nice that at this moment, wala na akong ibang nararamdaman bukod sa kapayapaan. I am no longer in pain seeing him. The butterflies cease to move and I don’t feel them anymore. Which only goes to show that I did get rid of my feelings to him.

Good job, Sofia..

“Thank you for coming here. I’m fine now, you can go Drake. Naisturbo ka pa namin.” tipid ko siyang nginitian.

“Pinuntahan ko siya pagkatapos kong maghatid ng inumin niyo. Sana pala linagyan ko ng lason ang kaniya!” si Jenny.

Pinandilatan ko siya ng mata. “Hush, that’s too much. Kahit kailan, hindi ka dapat nag-iisip ng gano’n. Hindi tayo katulad nila.” suway ko sa kaniya.

She rolled her eyes. “’Yan ang problema sa’yo, Pia e. Masyado kang mabait lalo pa sa mga taong hindi naman deserve mabiyayaan ng kabaitan mo. See what happened now? Umaabuso na!”

“There’s nothing wrong with being nice. Maging mabuti lang tayo sa kanila kahit pa hindi parehas ang pag tratong binibigay nila sa atin. Darating ang araw, pagsisisihan din nila ang kamaliang ginawa."

Marami pa silang binilin sa akin lalo na si Drake. Umalis din naman agad siya at si Jenny ay pinabalik ko na sa lamesa niya. I then continued what I was doing before the brother of Mayor barged in.

Nang mag-uwian ay si Manang Bernardo ang sumundo sa akin. I also had my dinner alone. Sa halip na sa sariling silid matulog ay sa kwarto ni Chaz ako tumuloy. I hugged his pillow that has the same scent as him. Sa ganoong paraan ay nabawasan ang pangungulila ko sa kaniya.

Nakasandal ako sa headrest ng kama habang hawak ang cellphone. I received a text from him earlier reminding me to eat.

To: Old Man
I’m done. Kumain ka na rin.

Habang naghihintay ng text niya’y nagbukas lang muna ako ng social media account, on my Instagram. I was startled when my phone suddenly rang. Numero iyon mula sa ibang bansa at agad kong nahulaan kung sino.

I cleared my throat first before answering his call. His heavy breathing was the first thing I’ve heard.

“Chaz,” panimula ko.

Bumuntonhininga ako bago mas hinigit ang unan.

“Hmmm?”

Napanguso ako sa narinig mula sa kaniya. Wow, ha siya pa itong may ganang tumawag pero hindi naman nagsalita? Aba’t!

“Kumain ka na?” tanong ko para lang may pag-usapan.

“Yup, how ‘bout you?” he answered popping the ‘p’.

Ngumisi ako ng sa wakas ay humahaba naman ang sinabi niya.

“Tapos na rin,” paos kong bulong.

“Uh-huh,”

My heart clenched with his simple response. Parang wala siyang ganang makipag-usap sa akin samantalang ako’y nais marinig ang boses niya.

“Bakit ka tumawag?” I breath heavily.

Kung wala lang din naman siyang sasabihin. Mas mabuti sigurong tapusin namin ‘to. Nagsasayang lang siya ng load at itutulog ko na lang ‘to!

“You sounds off, am I disturbing you?”

“A-Ano hindi, hindi naman! Ikaw kasi itong tumatawag pero tipid kong magsalita. Ibaba mo na lang kaya?”

He chortled. "I just miss you. I wanna hear your voice and I don’t have a lot of things to say.”

Umismid ako. “Ang dami kaya, katulad ng kung ano ang ginagawa mo ngayon. Kumusta ang naging biyahe niyo? Kumusta sila Mommy, o kayo? Like what did you do the entire day? Ang daming dapat sabihin ikaw lang ‘tong tamad magsalita!” I hissed.

Chaz chuckled again.

“Hmm, alright wife...” he trailed. “I’m on the hospital’s café right now, sitting while having a phone call with you. Our flight was smooth and mom is doing well while I stayed with them the entire day.” Huminto siya ng ilang segundo bago muling nagsalita. “How about you, wife?” he asked calmly.

“Huh?” lito kong tanong.

“Tell me about your day,” he demanded.

Napanguso ako. I fixed my body on the bed, laying my back on the mattress while still hugging his pillow.

“Wala naman gano’n kaganapan sa akin ngayong araw.. not that much.” I murmured.

"Tell it still. Gusto kong malaman ang nangyari sa’yo ngayong araw.”

“Not interesting though,” I chuckled.

“Your name alone is very interesting. Come on wife, tell me about it. I wanna know how your day went."

Napakagat labi ako. Ang akala kong nawalang mga paruparo sa aking tiyan ay naramdaman kong muli. They’re moving like crazy again as I began telling him the details about my day. Hindi ko lang sinama ang nangyari sa pagitan naming ni Danilo Lavigne kasi hindi naman siya importante para isama pa sa usapan namin.

Just like that, I contented myself with our talks every night, exchange text and such. Sa umaga’y puro pag tatrabaho ang ginagawa ko, habang sa gabi’y siya ang nakakausap ko. That was my routine for the past three days.

Sa pang-apat na araw, sabado bumisita ako sa mga magulang ko. Si Mommy at Daddy lang ang naroon habang si Zayd ay tinawagan ko at pinauwi. I didn’t call my ate since I know her current state. She’s vulnerable, lalo pa’t batay kay Mommy ay hindi na magtatagal manganganak na base daw sa lumalaki na ang butas ng ilong.

Iyon daw kasi ang nangyari sa kaniya noon ng pinagbubuntis pa kami.

“No anak, mix the flour in a one motion.” she instructed me the way she move the whisk.

“Ang hirap pa lang mag bake. Dapat pala bumili na lang tayo.” I pouted.

Nasa kusina kami ngayon at nagpapaturo ako sa kaniyang gumawa ng cupcakes. I’m wearing a purple apron and I am very aware that I looked like a mess right now. Sa kamay ko ay maraming harina. I know how to cook but baking?

Ah, nevermind.

Humalakhak siya. “Mas masarap kung pinaghihirapan natin ang pagkaing ihahain sa pamilya lalo na sa asawa.”

“Hindi ko naman po ito ipapakain sa asawa ko. He’s not even here,”

It’s been five straight days that I haven’t seen his face. Ang sabi niya’y agad siyang babalik at hindi ‘yon aabutin ng isang linggo. Dalawang araw na lang, isang linggo na.

“Aw, my daughter is missing her husband, I see.." she said with teasing voice. "Don’t worry, anak uuwi rin ‘yon hindi ka matitiis no'n.”

Napanguso ako at pinag-igihan ang pag ba-bake. She’s right. I’m missing him every seconds of every day.
Kapag may trabaho naman ako’y nalilibang ako sa ibang bagay na pansamantalang nakakalimutan ko ang tungkol sa pagiging wala niya sa tabi ko. It's just when I am not occupied with things that my mind will always wander to him.

"Wow, Mom ang sarap ng cupcake na ginawa mo!" I beamed while eating the strawberry cupcake with raisin.

"Masarap din naman ang gawa mo, anak, ah? Here, have a taste.." akma niya akong susubuan pero mabilis akong umiling.

The looks doesn't even appeared appetizing. Wala sa hulma at alam kong hindi iyon ganoong kasarap kumpara sa gawa niya. Umiling ako. I was sitting on the high stool, in front of me are the cakes she made.

"Mom, I don't want to spoil the sweet aroma of this strawberry cupcake with raisin. Please, huwag mo pong ipilit na kainin ko 'yan."

"Why? Ang sarap nga niya ah." Tumawa lang si Mama sa reaksyon ko.

It was a literal cravings satisfied. Ang dami kong nakain at busog na busog ako.

Alas-onse nang dumating si Zayd. Sabay-sabay kaming nagtanghalian. Katabi ko si Zayd na tahimik at halatang wala sa mood.

“Little brothe’.." I called him after the lunch. Sinabayan ko siya sa paglalakad.

“Huwag ngayon, ate.” he said modestly.

“Badtrip ka na naman, wala pa nga akong sinasabi,”

Narating namin ang tanggapan at sumalampak siya ng upo sa sofa. I sat beside him but he instantly put his earphone’s on. Napasimangot ako.

“Zayd!” inis kong tinanggal ang earphone sa tainga niya.

“Ano ba ate? Umuwi ka nga sa inyo!” he spat.

I glared at him. My chest tightened because of his harsh words. What does he mean by that? Ayaw niyang nandito ako? Am I not welcome here anymore?

“Wala akong kasama sa bahay, Zayd. Dito lang ako, saka na miss kita!” gigil kong kinurot ang pisngi niya.

He groaned as if hurt.

“Zayd ang pangit-pangit mo na sa totoo lang. Mag pakalbo ka kaya?”

His lips separated. Namilog ang mata niya habang nakatingin sa akin na tila ako’y biglang tinubuuan ng pangalawang ulo.

“The fuck, ate? Why don’t you ask Chaz to cut his hair baldly? Huwag mong pagdiskitahan ang buhok ko!” umusog siya papalayo sa akin na tila takot.

Napasimangot ako. “E, ikaw na lang Zayd. Your hair is long na, oh.. kailangan ng gupitan.”

Mahaba na talaga ang kaniyang buhok. Hindi bagay sa kaniya. He looked ugly now, like really. Sigurado naman akong babalik ang pogi niyang mukha pag nagupitan.

Zayd cursed. “Stop minding my hair! I came here because of you and then what? Aalukin mo lang pala akong magkapakalbo?”

“I know it will good on you! Mag mumukha kang si Piccolo ng Dragon Balls!”

My eyes glimmered imagining his bald hair. He will looked cute surely!

“Please little brother? Allow me to cut your hair na, hmm?” pinagdaop ko ang dalawang palad.

I rested my chin on the tip of fingers while pleading in front of my brother.
Gusto ko talaga siyang makita na kalbo. I know he'll be super handsome!

Nalukot ang mukha ni Zayd. He’s looking at me weirdly making me pout my lips.

“You’re becoming weird day by day. Iyan ba ang epekto ng may asawa?”

I pouted my lips. “Please, Zayd?” hindi ko pinansin ang sinabi niya’t nagpaawa sa harapan niya.

Malakas na suminghap si Zayd saka tumayo. “Si Chaz ang kalbohin mo, huwag mo akong idamay.” He shook his head. “I’m out, tell mom and dad I went home.” aniya pa bago tumalikod at iniwan ako.

Bumagsak ang balikat ko habang pinagmamasdan siyang palabas ng bahay. I felt so down with his rejection. Wala namang masama sa sinabi ko. It’s for his own good nga, tapos siya pa ang nagagalit!

Mabigat ang dibdib kong nagtungo sa sariling kwarto. Mamaya pa ako uuwi, rito muna ako magpapalipas ng oras. Katingkati talaga akong may gawin. I want to move my finger but I don’t know what to do.

Hindi ako hahayaang gumalaw sa kusina nila Emma at ayaw ko ring mabasa ang mga kamay ko. Habang nakaupo sa kama at nakatitig sa kawalan, bigla kong naalalang may mga manika pala akong naka stock sa kwarto. They’re my toys way back and I’m glad I still kept in my cabinet.

I hurried excitedly to where it was hidden. I open the only cabinet I have in my room just beside my wardrobe. Nagliwanag agad ang mukha ko ng makita ang sadya. Marami akong manika na naroon, iba’t-ibang sukat. Kumuha ako ng lima na may mahahabang buhok. They’re from different sizes also.

Sumampa ako sa kama dala ang gunting at suklay. I made the mannequin sit with their back leaning on one of my pillows. Nakangisi kong sinimulang gupitin ang buhok ni Barbie, iyon ang pinakamaliit. I cut it baldly, wala akong tinirang buhok niya.

Nang makita ang kinalabasan, napangiwi ako sa itsura niya. She’s now ugly! Mas bagay sa kaniya ang may mahabang buhok!

I shrugged it off and just continued trimming the hairs of my dolls. Hanggang sa naubos ko ang lima, pero isa pa rin ang naging resulta.

Pangit.

Lahat sila’y pumangit ang itsura. It frustrates me because I'm confident that it will turn out to be beautiful. Sa iritasyon ko’y kumuha pa ako ng mga  manikang laruan at ginupitan sila.

“Senyorita may bisita po kayo,” Emma’s voice vibrated after an hour.

Nakapokus ako sa pagpapaganda ng mga laruan ko kaya hindi ko agad iyon nasagot.

“Uh.. senyorita may naghahanap po sa inyo,” she said again.

“Who raw?” balewalang tanong ko.

“Lumabas na lang daw po kayo at salubungin siya,”

Kumunot ang noo ko. “Sabihin mo umuwi na lang siya. Hindi ako interesadong makita siya!” impit na sigaw ko.

Umismid ako’t muling pinagtuunan ang ginagawa. I beamed in delight when I finally saw the improvement of my sixteenth doll.

Hindi ko narinig na magsalitang muli si Emma. Siguro’y umalis na. Nagkibit balikat ako bago tinabi si Doll Pretty. Ang mga pangit na kalbo ay nasa lapag habang siya’y nasa kumportableng upuan. She’s sitting on my pillow that’s why.

Tumayo ako at muling kumuha ng manika. Bumuntonghininga ako ng makitang dalawa na lang iyon. Binalik ko ang nasa kamay, magtitira ako  para sa susunod may gugupitan pa ako.

Bumalik ako sa kama saka pinagkatitigan ang manika. I grinned seeing her face. Her long hair is now gone, she’s totally bald. But it made her more cute and pretty! She has a blue eyes by the way. Nakasuot siya ng pink dress at white flats.

“So this is why you’re not interested in facing me, huh?”

Mabilis na nilingon ko ang pinagmulan ng boses na iyon. My lips parted seeing the owner of the voice. Hindi ko mahanap ang sariling boses habang pinagmamasdan siyang unti-unting lumalapit. He’s wearing a simple white shirt, tattered pants and a Nike shoes.

“Should I go home now, wife?” he asked playfully.

Napakurap-kurap ako. My heart throb as I stared at his face. Hindi ako makapaniwala na totong narito na siya. Agaran kong linisan ang kama at mabilis siyang sinugod ng yakap. I clung my hands on his nape while my legs wrapped around his waist.

“Oh my god, Chaz! You’re finally here!” I exclaimed in glee.

I not just hallucinating! He's in front of me, in all flesh!

“Akala ko ba hindi ka interesado?” mapanuyang tanong niya.

I felt his hand supporting my back. Sinapo ko ang mukha niya’t tinitigan siya. I let my eyes wandered on his face like it was already a decade since I saw him.

“I didn’t know it was you. Kung sana sinabi mong uuwi ka ngayon ‘di sana sa airport pa lang sinundo na kita!”

Wala akong natanggap na mensahe sa kaniya na ngayon siya uuwi ng Pinas. Kahit kagabi nang magkausap kami ay hindi niya rin nabanggit.

He pursed his lips. “I intentionally didn’t inform you ‘bout it cuz I wanna surprise you. It worked, right?”

I glared at him before pinching his nose. Napangiwi siya dahil doon. Tumawa ako’t mabilis na binitawan ang ilong niya.

“Yeah.. it worked, pero sa susunod magsabi ka ha?”

He smirked but nodded at the end.

"Yes, Ma'am.."

Chaz kissed my cheeks making me giggle. Humawak ako sa buhok niya’t pinaglaruan iyon. He started moving until I felt him sitting on my bed. Akma na akong tatayo nang mariin niyang akong pinirmi. He let me sit on his lap while his hands were embracing my small waist. Suminghap ako nang hindi niya ako hayaang makawala.

“I missed you, so fucking bad wife..” bulong niya sa gitna ng paghalik sa panga ko. “Sa bahay ako dumiretso pero wala roon. 'Nay said you visit your parents, so I came here pero pinaalis mo rin naman agad  ako.” Parang bata niyang sumbong.

Umawang ang labi ko ng bumaba sa aking lee gang halik niya. He’s giving my neck tiny and wet kisses that made me gasp for air.

“I-I was.. doing something,” I uttered drunkenly.

Para akong nalalasing sa bawat halik na ginagawad niya sa balat ko.

“And what is that, hmm?” muli ay tanong niya habang hinahalikan na ngayon ang pisngi ko patungo sa gilid ng labi ko.

My hands fondled his hair as I felt the tingling sensation in my tummy. Bigla kong naalala ang ginagawa kanina. My eyes almost close but when I remember something..

“Kalbohin kaya kita, Chaz?” namumungay ang matang binalingan ko siya.

----

Pasensya na sabaw😭

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top