CHAPTER 19

Victory

“You can drop me off at the side of the road. Ayaw ko pang umuwi.”

Nasa loob na ako ng kaniyang kotse at kasalukuyang binabaybay ang sementong daan. I’m pissed and irritated. I hate that he can do everything that he wanted in just a snap of his finger. Lagi na lang nasusunod ang gusto niya. Kahit anong rason pa ang gawin ko, sa katapusan nawawalan pa rin iyon ng silbi.

Mabilis na lumingon si Chaz sa gawi ko. “I thought you wanted to go home, kaya nga tayo umalis diba?” tanong niya sa kalmadong boses.

Hinarap ko ang bintana at halos isiksik na ang sarili sa pinto makaiwas lang sa kaniya. Bakit hindi na lang siya roon umuwi kay Harry? He should be gone by now and be with him instead of pestering me.

Kung noon, ata’t na ata’t akong kausapin siya para malinis ang pangalan ko, nawalan na ako ng lakas para buksan pa muli ang usapang iyon. Bahala siya sa kung ano mang ang gusto niyang isipin!

“Dito.. dito na lang.” pagpigil ko sa kaniya. “Ihinto mo, Chaz.”

“Saka na pag nasa bahay na tayo." aniya.

Suminghap ako. Hinarap ko siya na may matalim na mga mata.

“Alin sa ayaw ko pang umuwi ang hindi mo maintindihan ha? Kailangan ko pa bang englishin ha, Chaz? Kung gusto mong umuwi pwes muwi ka mag-isa mo!” I snapped.

Kinuyom ko ang mga kamao ko habang pinagmamasdan ang kabuuan niya habang nagmamaneho. Kunot ang noo, mariing nakatikom ang labi. Para siyang handa nang sumugod sa kung sino man ang kaaway sa harapan.

“Pagkatapos mong mawala ng ilang araw, narito ka ngayon para guluhin na naman ang buhay ko. Nagsasawa ka na sa lalaki mo kaya ka ngayon narito. Ganoon ba iyon, Chaz?” singhal ko.

“Ikaw ang nagsabing gusto mo nang umuwi at ngayon ikaw pa ang galit.” umigting ang kaniyang panga. “Will you stop mentioning Harry? He’s not even here.”

Bahaw akong natawa. “Ah so sana pala narito siya ngayon. Why don’t you leave me here and go to him instead? That’s your forte right? Leaving your wife for your good for nothing  paramour!”

Tumalim ang tingin niya sa daan. My eyes drifted to his hands that is gripping the stirring wheel.

“You’re talking nonsense, woman. Mas lalong hindi ko ‘to ihihinto kung gan’yan ka umakto sa harapan ko.”

“Nasa tabi mo ako, Chaz. Wala sa 'yong harapan!” 

Isang malalim na buntonghininga lang ang pinakawalan niya at hindi na ako muling kinausap. Suminghap ako’t muling humarap sa bintana.

Tama naman ako. Palagi niyang pinipili ang lalaki iyon kumpara sa akin. I was always the second choice when it comes to him. Despite that I am the legal wife, isang tawag lang ni Harry hindi na siya mag kandamayaw.

Even when I ate his favorite foods, na kung tutuusin dalawa lang ang binawas ko roon, nagalit siya. Nagalit siya dahil paborito iyon ni Harry. At ngayon, with the mere mention of his name.. nagagalit din siya.

Pagak akong natawa. “You’re just so unfair. You always wanted to do things on your own.” I murmured on the air. “Paano naman ako? I was deprived of my liberty. You took away my freedom by urging me to marry you in hopes that I’ll finally be happy again. Ang sabi mo’y tutulungan mo ako.. na malimutan siya. Pero hindi iyon ang nangyayari sa atin ngayon Chaz."

Remembering the things that I went through made my inside tremble. Sa panghihinayang? Dahil kahit kasal na kaming dalawa, nagagawa niya pang gawin ang anumang naisin.

Samantalang ako, ultimo pagtulog sa sariling condo ay pinagkakait sa akin. Habang siya, nagagawang hindi umuwi at kulang na lang ay doon tumuloy!

“Can we get an annulment?” I asked and laughed as if I am not serious.

I glanced at him. He's now shooting me daggers. “You know Chaz—”

“Ayaw mong umuwi? Fine then. We’ll go somewhere.” he cut me off.

Maya-maya pa’y kumunot ang noo ko ng mapansing hindi ito daan pauwi sa bahay.

“Where are we going?” kinabahan ako.

He looked at me with a ghost of smile on his lips. “Walang annulment ang magaganap. You will be forever be tied to me, woman.”

Napasinghap ako sa naging tugon niya. I looked at him like I just heard the most ridiculous phrase I've ever heard. He smirked and tiled his head to the side.

“Hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan ang lalaking iyon?” he asked again. “Tss, wala pa nga ‘yon sa kalingkingan ko. He doesn’t even have an ounce of appeal. How come you fall for him?” dagdag niya sa mapang-insultong timbre ng boses.

I gritted my teeth. “How did you know him?”

Nagkita na sila? Kailan naman 'yon?

He glanced at me, now grinning. “I meet him once. I can say, you have a bad taste in men.”

Nagpanting ang tainga ko sa narinig.  “That’s not true! Kung tutuusin mas pogi pa siya kaysa sa’yo. Baka ibang Drake ang nakaharap mo!” I hissed.

“Siya ‘yon. Nag-iisa lang naman ang Drake Damascus sa D.S Corp.” tila bored na sagot niya.

“Then you have a problem with eyesight. Dahil kung ako ang tatanungin ‘di hamak na mas pogi si Drake kaysa sa’yo.” pinagkrus ko ang braso sa ilalim ng dibdib, matalim na nakatingin sa kaniya.

Chaz chuckled. “You’re a terrible liar, woman. When it comes to face and physique, that Damascus has no match to me.” puno ng kumpyansang pahayag niya. Tumango-tango pa ito.

Pagak akong natawa. “Dream on, Chaz. Kahit maghilod ka pa ng sampung beses sa isang araw, hindi mo siya mahihigitan. Sa ugali at pustura, ikaw ang walang laban sa kaniya.” I said, wearing a teasing smile.

That’s not entirely true, but I am pissed. Nakakainis siya and there is no way I will confess about it. Lalaki lang ang ulo no’n at mas magyayabang.

Nagkibit balikat siya. “I already gained my victory though.” Chaz glanced at me sideways. Tumaas ang kilay ko. “Miss Perez, matagal nang tapos ang laban. The moment you said I do in the aisle that day, I have proclaimed my triumph.”

Nawala ang ngisi sa labi ko nang marinig iyon mula sa kaniya. Ayan na naman ang pakiramdam na madalas nang dumalaw sa sistema ko.

“I’ll give him the title of having the nice body and all, but the fact that you’re here and is married to me.. that is more than the feel of vicariousness.”

Our gaze locked and he suddenly smiled.

“Kahit siya pa ang pinaka may magandang mukha sa buong mundo. Sa huli, ako pa rin ang panalo.”

My heart skipped a beat when for the first time,  Chaz Theo Fuentes winked at me. Lutang ako sa mga sumunod na oras. Tila biglang nawala ang pagkainis na naramdaman ko sa sumunod na mga minuto. It felt as if I am not capable of constructing a sentence to counter back his claim. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang nakakabaliw na katotohanang tila may mga paru-parung nagliliparan sa tiyan ko.

I was.. in puzzled and confuse again.

I don’t want to entertain this feeling. Impossible! Napaka malaking imposile na magkakagusto ako sa kaniya. He’s rude, arrogant, bastard and self centered. Moreover,  he’s a committed lover.

Paanong nagkagusto ako sa kaniya gayong pagpapahirap at sakit sa ulo lang ang binibigay niya sa akin? All those times that we live on the same roof, palagi niyang pinapaalala sa akin ang tunay na papel ko sa buhay niya.

Heck, he doesn’t even show his sincere concern and care to me. Palaging dahil kay Mommy! Because Mom told him to check on me and all. Dahil lang sa ina ko kaya siya nagiging normal.

Kaya hindi.. wala akong gusto sa kaniya! Kaba. Tama, kinakabahan lang ako. That's the exact word to describe this feeling.

Wala sa sariling napatango ako. Pinaypayan rin ang mukha gamit ang sariling kamay. I blows a loud breath and did my best to steady my breathing. The car was suddenly put into a halt.

“Where are we?” pabulong kong tanong, pilit inaaninag ang labas.

Although, I couldn’t see anything aside from darkness.

“On a cliff,” he straightly answered.

My lips rounded. I stare at him, shock and amaze at the same time.

“Cliff?” I asked to clarify if he’s only bluffing.

Tipid na tumango si Chaz. He then open the door to the driver seat but he remained sitting.

“We could kill the time here. Maganda rito tuwing gabi. You’ll witness the stars and moon above.”

My heart swelled in excitement. I never done such activity, and it excite me to the point that I hurriedly open the door in my side and went out. Noon, kahit gaano ko pa kagustong magmasid sa mga bituin sa langit, hindi ko magawa dahil sa maraming dahilan. And now, it is finally happening.

Namangha ako nang pagtingin ko sa taas ay tama siya. Kumikinang ang mga bituin sa kalangitan, maging ang bilog na buwan. Ang saya lang na nataong bilog ang buwan ng maisipan niya pumunta dito.. na isama ako.

I walked until I was in front of the car. Nanatiling bukas ang makina ng kaniyang kotse maging ang ilaw ng sasakyan. We used it to illuminate the surrounding even for a little.

“Don’t go further. It’s already the edge, you might fall.” tinuran niya sa aking likuran.

Narinig ko ang pagsara ng
pinto, hudyat na lumabas siya. Hindi ko siya pinansin at binusog ang sarili sa pagtanaw ng mga nakakabighaning bituin. Hindi ko inakalang may ganitong lugar dito. If only I knew, matagal na sana akong bumibista rito lalo na sa tuwing nalulungkot ako.

I heard noises from my back. Na curious ako kung ano nga ba ang ginagawa niya, kaya hindi ko mapigilang lumingon. Bukas na ang likod na bahagi ng kotse niya at doon niya piniling maupo.  Ah I remember, this one is different from the one he used.

“Bakit bigla mo akong dinala rito?” tanong ko.

I crossed the distance between us. Muntik na muli akong matalisod dahil sa mabatong daan pero napigilan ko naman ang pag bagsak.

Napasimangot ako ng maramdaman ang pananakit ng paa ko. I was still wearing my heels. A pencil cut skirt, white coat and a blue tube top beneath. Ito rin ang suot ko back in the office. Wala na akong panahon magpalit.

“Hindi kaya magalit si Harry na narito ako ngayon, sa paborito niyong lugar?” I asked, teasing him.

Though, a sudden aches invaded my chest. Pinagsawalang bahala ko iyon.

“This is used to be your dating place. So yeah, why am I here, Chaz?”

Tumayo ako ilang hakbang ang layo sa kaniya.

“I thought you don't want to go home yet?” His intense green eyes bore into me.

Pinanliitan ko siya ng mata. “Pero hindi ko sinabing dalhin mo ako kung saan-saan lang. Malaman pa ‘to ni Harry at singhalan na naman ako.”

Nagtagis ang bagang niya. Matalim ang tingin sa akin.

“How many times will I tell you quit mentioning him? He’s not included in this conversation, woman.” he rebounded, sounding pissed. “He doesn’t even know about this place. Hindi ko siya dinadala rito. This is a private a property that belonged to me. Hindi ito kung saan-saan lang, Miss Perez.” mahabang litanya niya.

Natigilan ako roon. Suminghap at napayuko. “Alright then,” natili akong nakatayo sa harapan niya.

I glanced at my foot and sighed. Sa muling pag-angat ko ng ulo, nasalubong ko ang tingin ni Chaz. I gnaw on my lower lip as I find his stares intense. Nanunuot sa sarili ko ang kaniyang mga titig.

I looked away and chose to peered above. Nasa likod ang magkasalikop na kamay, pinagmasdan ko ang kalangitan. Ang ganda talaga sa lugar na ito. Isama pang banayad na umiihip ang preskong hangin. The stars seemed to be inviting too. Napakapayapa.

“You should sit. Aren’t you tired?” tanong niya, kalmado na ang boses.

Umiling ako. “Ayos na ako rito.”

Gumalaw si Chaz. Nagulat ako nang itong tumalon mula sa kinauupuan. My lips separated when he abruptly steps closer to me. Hinawakan niya ang baywang ko at walang pasabing inangat ako mula sa kinauupuan.
I jolted at the electricity that hit me the moment his warm hands connected my clothe skin.

He made me sit on the car.
“Patagal ng patagal, lalo kang nagmamatigas.” nagmistulang bulong ang salita niya dahil sa lapit ng distansya ng mukha naming dalawa.

“Hindi sa nagmamatigas ako. You just can’t accept rejection. Gusto mo isang sabi mo lang, para akong tuta na susunod sa’yo.”

Umusli ang multo ng ngisi sa labi ni Chaz. He put his hands on my both sides and bend his body so our face would level. Nagkatinginan kami. His tantalizing eyes were looking at me directly. Sa kabila ng kagustuhang mag-iwas ng tingin, there is something on it that made me weak, as if paralized. I couldn’t take my eyes off of his sea green irises.

“Para sa’yo naman ang lahat ng ‘yon. Ipinapaupo kita kasi ayaw kong mapagod ka.”

I rolled my eyes. “Yeah, as if I’ll believe you."

His raspy chuckled vibrated. Tumayo siya nang tuwid. He then took a step backward .

“So how do you find the place?”

I shrugged. "Okay naman, maganda.” pagsasabi ko ng totoo.

I once again glanced at the breathtaking view from above.

“You can go here anytime.”

Napasimangot ako. “Hindi ko nga alam ang daan papunta rito.” bulong-bulong ko.

“Then call me. Sasamahan kita.” walang pasubaling sagot niya.

Kumunot ang noo ko nang mapansing pinagmamasdan niya ang heels ko. I moved my feet a little but instead, he hold it with one hand.

“We should remove this. Namumula na ang paa mo.”

My breathing faltered when Chaz hold my foot.

“Huwag na! Ayos lang ako.”

Sinubukan kong agawin ang sariling paa mula sa kaniya pero sinamaan lamang niya ako ng tingin. His stares shouts authority that I ended up shutting my mouth.

“You won’t be needing this anymore.” he huskily said.

Bahagya akong nakiliti ng pasadahan ng daliri niya ang balat sa paa ko. He successfully removed my right heels and the left followed. I shivered at the electrifying impact of his touch.

I swallowed hard. “Anong gagamitin ko sa paglalakad? Nakapaa ganoon?” I made sure I didn’t stutter a word.

Hinawakan niya sa isang kamay ang dalawa kong heels saka ako dinungaw.

“Nah, your feet is too precious to be stained with dirt. I will carry you, don’t worry.” nakangising pahayag niya.

Umawang ang labi ko. "Patawa ka, Chaz Theo!"

Ramdam ko ang pagbabaga ng pisngi ko. Kanina pa siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya at biglang nag kaganito. Ilang araw siyang nawala at nang bumalik, kung ano-ano na lang ang sinasabi.

He’s not the Chaz I knew back then. Parang ibang tao ang kaharap ko!

“No thanks. I know how to walk.” I added and leered at him, concealing my nervousness.

He chuckled roughly. Muli siyang naupo sa tabi ko, but he made sure there was enough space in between.
Tumikhim ako nang lumipas ang ilang minutong katahimikan.

"Kumusta si Mommy?" lagbubukas ko ng usapan.

"Mom's fine. I visited them this morning, she's doing great I guess."

I release a sigh of relief. "Mabuti kung ganoon. Sana magpagamot na siya."

"I'll make sure she will." he answered promptly.

We stayed that way, appreciating the celestial bodies. I don’t know when I’ll be back here. Siguro kakabisaduhin ko na lang ang daan pauwi para alam ko na sa susunod. There is no way, I’ll let him accompany me. Kaya ko kahit wala siya! I don’t need him.

“Let’s go home, Chaz.”

Nanunuot na sa akin ang lamig ng simoy ng hangin. Gusto ko pang magtagal pero hindi na rin kaya ng talupak ng mga mata ko.

He nodded and jump. Akma na akong tatalon ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagpasan sa akin. My eyes widen a fraction. Hindi ako nakapagsalita sa pagkabigla.

“Did you have fun?” balewalang tanong niya habang naglalakad.

“H-Huh?” utal kong tanong. I can feel his hard chest as my hand was rested in there. “Uh.. o’o! Nag enjoy ako.” agad na pagbawi ko saka mabilis na tinanggal ang kamay sa kaniyang dibdib.

His lips curled up. “We’ll be back here some other time.  How about beach? Are you also fond of beaches?” he expertly open the passenger seat and settled me there. “We have a family beach house in the province. Do you want to go there?” dagdag niya.

Umayos ako ng pagkakaupo. I was about to put my seatbelt pero naunahan niya ako. Hinayaan ko siya.

“Saan ba ‘yon?” kunwari’y bored kong tanong.

Kahit ang totoo’y halos magdiwang na ang loob ko halos magdiwang sa saya.
Gustong-gusto ko ang mga ganoong lugar. Ang huling punta ko pa roon ay noong birthday ni Ansel, sa Palawan pa, kasama si Drake.

A warm feeling hit me when I realized Chaz was mistaken. The fact that I am not affected with his name.. hindi na ako nalulungkot at nasasaktan. I know I am going there.. kaunting tulak na lang.

“Sa Samar. Just tell me if you want. I’ll let my secretary book us a flight.” he smiled before closing the door.

Sa buong biyahe ay hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi niya. Napuno ng excitement and loob ko. Hanggang sa marating namin ang mansyon, hindi mabura ang ngiti sa labi ko. 

I insisted to walk but Chaz was persistent to carry me. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko at hinayaan siya sa gusto. He carried me until I reached my bedroom. The smile on my face never fades even during my sleep.

Kinabukasan, inaasahan ko nang wala na naman si Chaz dahil iyon naman ang lagi kong nabubungaran tuwing umaga. However, to my surprise instead of Manang, I saw him in all flesh cooking.

“Chaz?”

Hindi naitago ang pagkabigla ko sa mga oras na iyon. Kalmado siyang humarap sa akin, may hawak pang sandok.

“Mornin’ wife.” he smirk. “You can have your lemonade or coffee, whatever you prefer while waiting for the foods. This won’t take long.”

I gasped exasperatedly. “Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Manang?” I asked in the state of shocked.

Kasi totoong nakakabigla siyang makita sa kusina at nagluluto! Wala siya dapat ngayon, pero ano ‘to?

“Don’t I suppose to be where my wife is?” he arched a brow.

Napasinghap ako. “Ano bang nangyayari sa’yo, Chaz? May sakit ka ba?” Nilapitan ko siya saka sinalat ang leeg. His temperature is normal though.

He chuckled and grab my hand. “Wala akong sakit.”

“Kung ganoon bakit ka nagkakaganyan?”

“Ano bang dapat kong ginagawa, hmm?”

Seryoso ang mukha niya habang naghihintay ng sagot mula sa akin. Binawi ko ang sariling kamay.

“You’re not supposed to be here! Nakalimutan mo na bang may ibang bahay kang inuuwian? Why are you here?”

He sighed massively. “Isang bahay lang ang inuuwian ko at dito ‘yon. What made you think I have another?”

Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. “Kay Harry. You were with him right? These past few days..” I trailed.

He just laughed and face the stove again. Hindi na ako muling sinagot.
My heart wrenched. Pinagmasdan ko siyang muling binalikan ang niluluto. So totoo. Kahit gaano pa niya itinatanggi, tama pa rin ako. He’s trying to make me believe with his lie,
but huh, I know better!

Inirapan ko siya bago lumapit sa ref. That simple conversation, my mood got ruined. Ang galing lang niya! He was the reason why I slept last night with a joyous emotions pero siya rin ang dahilan kung bakit umagang-umaga na, sira na ang araw ko.

That morning, I joined him in breakfast and he become my driver again. I didn’t bother talking to him at the duration of ride. Naiinis pa rin ako na tama ang hinala kong kay Harry nga siya umuuwi nitong mga naraang gabi. He didn’t deny it, making it appear that my presumption was correct. Kasi kung hindi, bakit pa niya ito itatago?

Buong araw sa trabaho ay hindi iyon mawaglit sa isip ko. I was feeling pissed and irritated specially after knowing why am I even bothered.

“Do you want some coffee Ma’am?” tanong ni Jenny nang pumasok sa opisina ko. She delivered some documents I’d be needing.

"Just cold water, Jenny.” I answered with closed eyes. I breath heavily and massaged my temple.

“Alright Ma’am. I’ll be back. Magpahinga lang muna kayo.” the sincerity on Jenny’s voice is so clear that even though she keeps on calling me in a formal way, I can still feel her care as my friend.

Kahit anong kumbinse ko sa sariling huwag isipin ang mga bagay na wala namang halaga, kusang bumabalik sa isipan ko ang impormasyong pilit na iniiwasan ko. Tila isang lason na umuukupa sa bawat himaymay ng katwan ko.

And I hate that I am allowing myself to be poisoned again. I’m done with this phase. I'm slowly healing.. I do not want to return and experience that shattering moments of my life. All because of him..

Ganoon na lang ang dismaya ko nang marating ang bahay at nakitang wala pa si Chaz. He texted me earlier that he won’t be able to fetch me at work because something urgent came up. Instead, Manong Benardo took his place.

Gusto kong ipagpahinga ang isip ko kahit ngayon lang. I want to have my sleep peacefully. Kahit nahihirapan at dismayado, pinagkibit balikat ko na lamang ang kaalamang wala na naman siya rito. When Manang called me for dinner, I declined her invitation with my usual alibi.

Hihintayin ang asawa para sabay na kumain.

I begun combing my hair as I faced the the vanity mirror. Umangat ang tingin ko sa orasan, seventeen minutes more before ten. Saan na naman kaya ang lalaking iyon? After our talked last night, I was hoping that he become to appreciate my existence as his wife.
I laughed at that thought. He doesn’t really meant all those words. 

I stood up and went to my bed to sleep. I won’t wait for him anymore. Bahala na siya sa buhay niya!

I released a deep breath before closing my eyes. Pero muli akong nagmulat at tumayo ng maalalang hindi ko pa napatay ang ilaw sa loob ng silid. When I finally turned it off and was about to lay on my bed again, I stopped. Umabot sa pandinig ko ang ugong ng kaniyang sasakyan, nandito na siya.

Huminga ako nang malalim saka pinakalma ang sarili. Sa halip na mahiga, naupo ako sa paanan ng kama. I stared at the door for a minute and groaned frustratedly. The urge to go downstairs and asked if he already eat is driving me insane.

Why would I bother asking him?

Of course kumain na iyong tao. Hindi iyon aalis sa lungga na hindi pa naghahapunan, kasama si Harry syempre!

The consecutive knocks on my door startled me. Agad akong tumayo saka pinagbuksan ang tao sa likod. Chaz bloodshot eyes welcomed my sight. He’s panting. Gusot ang buhok at hindi rin maayos ang suot na damit. Bukas pa nga ang una’t huling butones ng puting long sleeves na suot.

My heart quenched at his looks.

“Oh?” I asked boredly, as if uninterested.

Kahit ang totoo’y para akong binalik sa mga panahong iniwan ako ni Drake.. o mas malala pa roon. I felt a huge lump on my throat when I saw something on the lower part of his neck.

Pula iyon, at dahil sa tulong ng ilaw sa pasilyo, nalaman kong lipstick iyon. I lifted my gaze. Chaz seemed to be in trouble. Dalawang beses niyang pinasadahan ng kamay ang sariling buhok saka napapalunok.

“What do you need, Chaz?” malamig kong tanong.

He looked at me. “Grace,” mahinang tawag niya sa pangalan ko.

Umawang ang labi ko kasabay ng naghaharumentadong tibok ng puso ko. This is the first time he called my name. It was mellow, like a whisper on the wind. Sa sobrang hina ay halos hindi ko na iyon marinig, mabuti na lang at nasa harapan ko lang siya.

“My mother, Grace..” he trailed again with a weaker voice.

I take an amplifying gulp as I felt how my knees reacted promptly.

“W-What happened to M-Mommy?”

Halos mawala na sa isipan ko ang nakitang anyo ni Chaz nang humarap sa akin dahil doon. Sa bawat bigkas niya sa pangalan ko ay para akong dinadala sa ibang dimensyon. Iba rin ang dating ng kaniyang mga berdeng mata sa akin.

He looked frustrated and in pain.
Suminghap siya at nagyuko ng ulo. Muling pinasadahan ng kamay niya ang kaniyang buhok saka nakapikit na tumingla.

“Anong nangyari sa kaniya, Chaz? Bakit ka nagkakaganyan?”

Nagsimula akong kabahan sa pinapakitang reaksyon niya.

“Ayos lang ba siya? Wala namang nangyaring masama diba? You said last night she’s doing fine.” I take a step forward. Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin. “Tell me she’s well, Chaz. Pinapakaba mo ako.” my hands begun to tremble.

Pinagsalikop ko iyon saka hinayaang kalikutin ang bawat daliri. “Answer me, Chaz! How is she?”

He gasped and open his mouth. But, he closed it again before turning his body around. Napasinghap ako at wala sa sariling hinawakan siya sa balikat para muling humarap sa akin.

“Magsalita ka naman, Chaz! Tinatakot mo ako.”

My lips quiver. Hindi ko matatanggap na may nangyaring masama sa kaniya. It couldn’t be!

“Damn it, Chaz! Just answer me!”

Hindi ko na maisip ang mga lumalabas sa sariling bibig dahil sa taranta. He faced me once again. Madilim ang mata mahigpit na nakakuyom ang panga.

“Your offer. Is it still available?” tanong niya.

Nabitawan ko ang braso niya. Kumunot ang noo ko nang hindi agad maintindihan ang sinabi niya.

“Anong offer? I was asking you about mom! How is she?”

“Just fucking answer me, woman! I need an honest answer right now. The clock if fucking moving!” he hissed.

Namilog ang mga mata ko. May parte sa aking gumuho nang muling marinig ang kadalasan niyang tinatawag sa akin sa halip na ang aking pangalan. But, I shrugged it off. This is not the time for that.

“Ano ba kasi ‘yon?” I glared at him. “Stop cursing will you? You can talk to me without those curses! Also, tone down your voice, may natutulog.”

Pero sa halip na sundan iyon ay muli siyang nagmura.

“Yes or no. Just answer me with it.”

“Anong isasagot ko kung hindi ko alam ang tanong, huh? Linawin mo muna.”

Hindi ko rin siya maintidihan. Yes or no, eh hindi ko ng alam ang tanong! Paano ko maibibigay ang nais niyang marinig kung ganoon?

Pumikit siya. “Damn, why did I even think of going here. This is fucking stupid.” he murmured.

Suminghap ako. My eyes narrowed at his neck once again and saw the kiss mark. My eyes rounded when I realized what he’s asking.

“B-Bakit..” I stuttered with wide eyes.
Chaz observed me. I know he got my reaction.

He sighed massively. “My mom was rushed into the hospital again around for o’clock. I need to make a move. I don’t want to lose her this early.."

I was frozen in place. Nanlamig ako’t hindi magawang igalaw ang kahit anong parte ng katawan sa puntong iyon.

“Gagawin ko ang lahat para iligtas siya sa putang inang sakit na ‘yon! Even it means, having another woman to carry my child. I don’t fucking care!”

My heart wrenched in a painful manner as i recalled his statements. So he's still up for that nonsense idea? Hahanap ng babaeng bubuntisin.. kaya ba ganoon ang ayos niya ngayon? Is the stain on his neck a hickey from other woman? Sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan  siya.

“Now answer me, woman. Don’t make me wait until tomorrow, this—”

I didn’t let him finished his sentence. It was like my feet were out of my control. Chaz was taken aback but too late, I already got a hold his collar.

Naiinis ako at nasasaktan sa isipang itutuloy nga niya ang planong mangbuntis ng ibang babae para lang doon!

I hastily closed the distance between us. Wala na ako sa sariling katinuan. Mas nanaig sa loob ko ang sakit at pighati sa kaalamang nanggaling na siya roon.

“I hate you. I damn hate you, Chaz Theo!"

I claimed his lips after saying those words. I want to punish his sharp mouth. Masiyadong matabil.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top