CHAPTER 17
Celebration
Hindi iyon ang gusto kong iparating. Pero mukhang huli na ang lahat dahil simula nang araw na iyon, hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong linawin kay Chaz ang mga salitang binitawan ko.
“Manang, si Chaz po? Dumating na ba?” I asked Manang when the night came.
“Hindi pa hija. ‘Di ba siya nagpaalam sa’yo bago umalis kanina?” Tinigil niya ang ginawa saka ako binalingan.
Ever since we arrived earlier, he left without a word. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta, na hindi na bago sa akin. I was waiting for him to clear my name, since he didn’t give me the chance back when we were on his car.
“Hayaan mo’t tatawagin kita ‘pag dumating na siya. Nagugutom ka na ba? Patapos na itong niluluto ko, maupo ka muna riyan at ipaghahain kita.”
I nodded and sat on one of the stool. Manang then resumed on cooking while asking random things. She served the food she cooked once it’s done.
“Kumain ka na, hija.” Nakangiting pahayag niya at nilapag ang baso sa tabi ng plato ko.
I looked at my wristwatch and saw that it is eight now. “I’ll wait for Chaz a bit, Manang. Hindi na po iyon magtatagal.”
“Oh siya sige. Maiwan na muna kita at tatawagin ko pa si Bernardo para maghapunan na rin.”
“Sige po,” I smiled at her.
Nang umalis siya, tumayo ako saka naghanap ng maaring itakip sa pagkain ko. When I didn’t find any, I settled for the extra plate on the rack. Once the food is already secured, I left the kitchen and went to my room for a while. Doon ko na lang siya hinintay, maririnig ko naman ang tunog ng kaniyang sasakyan kapag dumating.
I fidgeted on my phone while waiting. I visited my social media accounts since it’s been a while since last time I updated it. Sa instagram ay may message mula kay Patrick James Esguerra at David, mga kaibigan ni Drake.
They are not the only one who messaged me, but the rest were insignificant. Una kong binuksan ay ang kay Patrick James. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang ipadala niya ang mensaheng ito.
@PJ_Esguerra
We’re out to Tagaytay, join us!
Hindi ka talaga sasama? The boys are looking for you, come on Sofia! Para ka namang others riyan.
Hihintayin ka naman sa airport, be sure to be there!
Marami pa siyang sinabi tungkol doon sa Tagaytay and how disappointed they are because of my absence. I replied a simple sorry, and read David’s message next.
@David
Sabi ni Mommy, kapag daw kinakasal ang isang babae at hindi nag iimbeta ng mga kaibigan, maghihiwalay! Best of luck, walang poreber!
I smiled and shook my head. After reading their messages, a thought cross my mind. Hindi ko napigilan at kusang gumalaw ang mga daliri ko.
I searched for Chaz name but sadly no one appears. Kinumpleto ko iyon pero ibang tao ang lumabas. I was about to give up when suddenly, one profile appears on my recommended list. The username was simply Harry. I was contemplating to stalk it or not, but in the end, I closed the application and stared at nowhere.
Lumipas ang isang oras at hindi pa rin dumarating si Chaz. Kumatok si Manang Remmy pag patak ng alas-nuebe.
“Kumain ka na lang hija. Huwag mo nang hintayin ang asawa mo. Alam kong gutom ka na, kanina ka pa hindi kumakain.”
I sighed and massaged my neck. Nagugutom na nga ako at gusto ko na ring matulog, pero kailangan ko pang kausapin si Chaz.
“Bababa na lang po ako mamaya, Manang. How about you? Did you eat already?”
Manang Remmy nodded her head. “Tapos na kami ni Bernardo. Huwag mo kaming alalahanin. Dapat kumain ka na rin at nang magkalaman ‘yang sikmura mo. Masama sa kalusugan ang nagpapalipas ng gutom.”
Ramdam kong nag-aalala nga siya. Masaya ako na kahit paano’y narito si Manang sa bahay. Somehow, I have a mother figure to look up to. I don’t want to worry her, reason why I find myself sitting on the dining room, in front of me was the food earlier.
“Ininit ko na ‘yan. Kumain ka nang marami hija.”
Tipid akong napangiti. “Thank you, Manang.” I said with utmost sincerity.
She gave me a smile. “Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka pa.”
Immediately after that, she vanished from my sight. Inubos ko ang pagkaing hinanda, pa minsan-minsan ay napapabaling sa may pinto, naghihintay na dumating si Chaz. Pero natapos na lang akong kumain at hugasan ang kinain, hindi siya dumating..
Kinabukasan, balik trabaho na ulit ako. Hindi ko naabutan si Chaz sa bahay. O, hindi lang talaga siya umuwi ka gabi? Pilit kong pinagsawalang bahala ang isipang iyon at nag pokus na lang sa pagtatrabaho.
Isang linggo akong hindi pumasok, marami akong naiwang mga kaso, ngunit hindi naman iyon napabayaan dahil na rin sa sekretarya ko. Nang sumapit ang tanghali, nagyaya si Jenny na kumain daw kami sa labas. Pumayag ako. We chose the Italian restaurant nearby. Glass wall iyon at hindi rin marami ang tao.
“Kumusta ka naman?” pagbubukas niya ng usapan.
Naghihintay na lang kami sa order namin. “I’m doing good. Ikaw ba? No plans with.. who was it again?”
Kumunot ang noo niya na tila naguguluhan. “Sino?”
Inisip kong maigi ang pangalan ng lalaking iyon, pero nakalimutan ko.
“Your fling? The one you meet at the club?” I trailed.
“You mean, Franco?”
“Franco, yes! How are you two? Going strong?”
Jenny shook her head. “Come on, let’s not talk about my flings. Ikaw na. So kumusta kayo ni Mr. Fuentes? May progress na ba?” Nangingiti siya habang pinagtaas baba ang kilay.
My cheeks went scarlet remembering the words yesterday. I can’t believe I have the courage to tell it to him, face to face!
Ang tatag mo, Sofia!
“God, Jenny! Because of you, I said horrible things to him!” I said, trying to mask my feelings.
“Anong ako? I didn’t do a thing, Pia!” pagtanggi niya.
I look around, kami lang ang nasa bahaging ito ng restaurant. The next one is three tables from us, kumpyansa akong hindi nila kami maririnig. Tumikhim ako saka binalikan ng tingin ang kasama.
Tinitigan ko siya na kalmadong sumipsip ng tubig sa baso, a ghost of smile playing on her lips. Huminga ako nang malalim bago lakas loob sinabi ang kahapon pa bumabagabag sa akin.
“I asked him to have sex with me.”
Jenny almost spilled the water in my face! She release a bark of laughter.
“Seryoso? Hindi ka nagbibiro?” she pointed a finger at me.
Binaba ko ang daliri niyang nakatutok sa akin saka siya sinamaan ng tingin.
“Mukha ba akong nagbibiro?” I asked in a monotone.
“You’re a fast learner, Pia! Mabuti ‘yang ginagawa mo.” Jenny laughed again. “Ano namang sagot niya? Game raw bang anakan ka?”
I rolled my eyes. “He got the wrong idea. Though, I’m planning to talk to him to clarify everything. Kahapon pa dapat kaso hindi siya umuwi.”
“Huwag na, ano ka ba! Mas gugustuhin mo pang maghanap siya ng ibang babaeng bubuntisin dahil lang kakasimula niyo pa lang? Ikaw na mismo ang nagsabing malaking kahihiyan iyon sa pamilya niyo. Bakit pa siya maghahanap ng iba kung nariyan ka naman?”
“Hindi gano’n kadali, Jenny. I was not in my right mind yesterday. Ngayon ko lang na realize ang sinabi ko kahapon and I want to take that back.”
Tumigil kami sa pag-uusap nang dumating ang waiter, dala ang mga order namin.
“Enjoy your meal!”
“Mas mag eenjoy kami kung may free wine kayong ibibigay. Baka naman,” she murmured while picking up her spoon and fork.
Jenny winked at him and the the waiter laugh and scratch his neck. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya.
“Thank you. You can leave us now.” sagot ko naman.
Nakayukong umalis ang waiter.
“Cute,” hinabol ng tingin ni Jenny ang lalaking umalis.
I snorted. “Eat now, Jenny. Gutom lang ‘yan.”
Tumawa lang siya at nagsimulang kumain. Mabuti na lang at nakalimutan na muli ang pinag-usapan. After thirty minutes, we went back to the firm. Nakatayo kaming dalawa ni Jenny sa harap ng elevator nang biglang may lumapit sa aming babae. Hindi ko na sana ito papansinin pero mukhang kilala ni Jenny ang babae.
“Miss Angel?” she called, as if unsure.
“Hi!” the woman answered with enthusiasm.
“It’s you! Akala ko namamalikmata lang ako,”
I felt Jenny's hand on my arm. I shifted my weight. Pamilyar ang boses ng babae. I felt like I heard that voice somewhere. When I glanced sideways, my lips parted for a brief moment.
Nagkatinginan kami ni Angel, rason para mabura ang ngiting nakaukit sa kaniyang labi. I swallowed the bile on my throat. She looked fine, and carefree. Ibang-iba sa nakasama kong Angel sa Palawan noon.
“Here for Drake?” I asked and choose to stare in front.
Oddly, his name doesn't affect me anymore. May kaunting kirot pero kung ikukumpara noong panahaon.. masasabi kong hindi na gano’n kalala ang sakit sa tuwing nababanggit o naiisip ko ang pangalan niya.
“Uh, oo, ihahatid ko lang itong lunch niya.”
From the corner of my eyes, I saw her lift the bag she’s holding.
“Swerte naman ni Atty, may taga hatid ng pagkain. Tiga sana all lang talaga ako.” Jenny ranted.
Bumukas ang elevator at nauna akong pumasok sa dalawa.
“Kung gusto mo dadalhan din kita next time! Wala naman akong masiyadong ginawa.”
“Baka magselos si Atty niyan, ha!”
Nanatili akong nakikinig sa kanilang dalawa. I never dared to look at Angel again, not that I was bitter. A lot have changed to her, sa totoo lang. Her vibe, her smile, her laugh and the glint on her eyes. It was obvious that she is now living her life with the man that she love.. and that is Drake. I only knew a few, but I am glad she learned to stand her choices.
“Okay ka lang ba, Pia?”
“Ba’t mo natanong bigla?” pabalik kong tanong sa kaniya.
“Naisip ko lang kasi, nakita mo siya?” Jenny tilted her head. “So how are you?”
Bahagya akong tumawa. “Jenny I’m fine. Walang dahilan para hindi ako maging okay.”
She release a deep breath. “That’s good to hear. I thought you’ll..”
“Kung ano mang ang mayroon sa amin ni Drake, tanggap ko nang hindi na iyon maibabalik. That was all in the past. I’ve moved on.”
Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ni Jenny matapos kong sabihin iyon.
“I’m proud of you. I can't imagine myself going the same struggles. The heartbreak, and all. Kaya ayaw kong mag jowa, eh.”
“Once you fall in love, the pain is inevitable, Jenny.”
"At iyon ang ayaw ko sa lahat. I’d rather settle with having fuckbuddies. Just pure fucking. Less pain, more heavenly feeling.” pabirong aniya saka kumindat.
“Balang araw, darating din ang lalaking magpapabago niyang paniniwala mo. Careful.” I said and wink also.
“Geez, that will never happen ‘no! Maghahanap na lang ako ng afam na mag-aahon sa amin sa laylayan!’
I grinned. “Then good luck. For now, let’s focus on our work first. Malay mo may dumating sating afam na kliyente at naghahanap ng ka fuck-buddy?”
Pabiro niyang hinampas ang braso ko.”Willing to volunteer as a tribute!”
Tumawa ako saka lumapit sa pinto ng opisina ko. Bumalik ako sa tarabo ng hapong iyon. Bandang alas tres, nagdala si Jenny ng meryenda. Nagpasalamat ako at agad din naman siyang umalis. However, it was around five when I devoured the food.
Pagkatapos ng trabaho ko sa araw na iyon, sabay kaming bumaba ni Jenny.
“Bye, Prosecutor Fuentes!”
Kasalakuyan kong hinahap ang susi sa loob ng bag ko ng bigla siyang sumigaw. Nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan, nakadungaw ang ulo sa may bintana.
“Take care!” sagot ko na lang.
I hop in my car right after. I have this feeling of looking forward to go home. That certain emotion...
After exactly thirty minutes, I arrived at the mansion. I narrowed my eyes at the blank space on the garage. Chaz’s car isn’t there yet. Wala pa siya?
“Good everning, Mang Bernardo..” pagbati ko nang makasalubong ko siya sa daan.
“Magandang gabi rin sa’yo, hija.” he responded, smiling warily. “Hinayaan mo na sana akong sunduin ka sa trabaho hija. Nang sa gaoon ay makapagpahinga ka.”
“Ayos lang po, Manong. Marunong naman po akong mag maneho.” I said, looking around.
Manang is probably at the kitchen. There was no trace of Chaz on the whole manor. O, siguro nasa sariling silid na?
“Trabaho ko naman iyon. Pasaan pa’t narito ako kung hindi ko rin magagampanan ang nakatakdang responsibilad ko.”
Binalik ko ang tingin sa kaniya. Kahit may edad na, malakas pa rin si Manong Bernardo. Ang buhok ay naghahalo sa kulay itim at puti. Regardless of the age, I know he’s still efficient from driving.
“You can accompany Manang in going to the market. Hinidi lang naman po ako ang dapat pagsilbihan niyo.” I reasoned out.
He might find it boring here, since wala siyang pinagkaabalahan. Chaz for sure doesn’t acknowledge of him, being his personal driver. Habang ako’y may sarili lang ding sasakyan kung nagkataon na hindi ako naihatid ni Chaz, katulad ngayon.
Nakaramdam ako ng panghihinayang. Ang sabi niya’y lagi niya akong ihahatid sunod. Na handa siyang maghintay hanggang sa matapos ang trabaho ko. Pero ngayon.. wala siya.
“Nakakahiya sa inyo. Tumatanggap pa rin ako ng sahod kahit wala akong masiyadong ginagawa.” Humugot nang malalim na hininga si Manong.
“Please don’t think that way, Manong. You’re not just a driver here, you’re a family too. Kung ano man po ang natatanggap niyo, deserve niyo ‘yon. Hindi dahil wala kayong ginagawa’y hindi na karapat dapat na tumanggap ng sahod mula sa amin.”
I grow up in a family where we treat our maids like a part of the family. ‘Nay Esma was like a mother to me too. Naging kaibigan ko si Emma, her daughter and we’ve been treating each other like a sisters. Iyon nga lang, nagbago lang noong umalis ako.
“Narito ka na pala, hija!”
Sabay naming nilingon si Manang Remmy.
“Si Chaz po? Dumating na?” tanong ko agad.
Lumapit siya sa amin, may suot pang apron. “Umuwi siya nang umaga. Sayang nga at hindi kayo nag-abot.”
Kahit hindi ko siya naabutan, napahinga pa rin ako nang maluwag. Ibig sabihin, my pag-asang uuwi siya ngayong gabi. If I had to stay up all night, I will just to have the opportunity to talk to him,.
“I’ll go upstairs. Huwag niyo na nga po pala akong akyatin para sa hapunan. I’ll join Chaz later.”
I’m still full anyway. I ate everything Jenny bought back in the office. Muli akong nagpaalam sa kanila bago tumulak sa sariling kwarto. I take a quick shower first. Afterwards, I sat on the edge combing my hair. Sa bawat segundong lumilipas, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Hindi rin ako mapakali sa kinauupuan. Dalawang oras ang lumipas pero wala pa rin akong narinig na ugong ng kotse. Sa takot na baka hindi ko siya maabutan, lumabas ako ng silid at piniling maghintay sa living room.
Bukas pa ang mga ilaw pagkababa ko. I went to the kitchen and saw Manang washing the plates. Bumalik agad ako sa sala at naupo sa couch, hindi na siya inisturbo. I grabbed the remote control and open the television. I then watch the documentary while waiting for him.
“Kumain ka na, hija.”
Hindi na ako nagulat sa salitang naring mula kay Manang Remmy. It was like in her nature to always remind me to eat. And I appreciate it so much.
“Mamaya na po ako, hihintayin ko ang asawa ko.” sagot ko naman.
Her eyes softened. “Kung ganoon ay dadalhan na lang kita ng meryenda para kahit paano’y may laman ang tiyan mo. Anong gusto mo?”
“Uh.. huwag na po. Ano, busog pa rin ako. I had my snacks before I left the firm.” I declined politely.
“Juice?”
Nakangiti akong umiling.
She sighed deeply. “Oh siya sige, iwanan na kita rito. Kung may kailangan ka'y tawagin mo nalang ako. Iidlip lang ako saglit.”
I nodded my head. “Good night, Manang.”
Nagpatuloy ako sa panonood habang naghihintay kay Chaz. I even lay my back on the cushion of the couch. Sa bawat patak ng segundo, ay ang unti-unting pagbigat ng talupak ng mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na malayan ang kusang pagpikit ng mga ito.
I was awakened by Mang Remmy’s voice the next day. She’s calling my name repeatedly.
“Santisima Sofia, bakit dito ka natulog sa sala?!” she exclaimed.
Napabalikwas ako ng bangon. Luminga-linga ako sa paligid at nakitang maliwanag na.
“Anong oras na Manang?” tanong ko habang nag-aayos sa sarili.
“Alas siete na, hija. Nakatulugan mo ba ang paghihintay sa asawa mo?”
I stilled when I remember how I ended up sleeping on the couch.
“U-Umuwi na ba siya?” paos kong tanong.
Tiningala ko si Manang, umaasang maririnig ang gusto kong marinig. Pero nabigo ako nang umiwas ito ng tingin.
“Hala tumayo ka na riyan! Sa kwarto mo na ipagpatuloy ang pagtulog mo.”
I bitterly smiled and graced down. So it’s the same.. hindi pa rin siya umuuwi. I have his number on my phone. I can call him and ask his whereabouts.. but he will think that I am crossing the boundaries.
On the other hand. We talked to interfere with our personal lives. Gusto niyang sundin ko ang anumang inuutos niya, at susundin din niya ang lahat ng gusto ko. Pero hindi naman iyon ang nangyayari. Often times, it was me who’s following his orders. Mabibilang lang naman sa daliri ang pagsunod niya sa mga gusto ko.
Should I call and demand for him to go home now? Or, he’s doing this because he is purposely avoiding me now? Dahil sinabi kong mag sex kami?
Ganoon ang naging set-up namin sa mga sunod na araw. Hindi kami magkaabutan sa bahay. At night, I will take time to wait for him, but when it was already ten that he’s not home yet, that’s when I give up.
Nasasanay na rin akong hindi siya nakikita sa bahay. But the feeling of disappointment and betrayal is growing inside me as the days passed by. I agree to marry him with thought that I will benefit on this marriage.
Subalit, wala pa siyang ginagawa para mapatunayan iyon. And the fact that he is somewhere in those fancy building, with Harry..
“Get up now. It’s time to go home!”
Bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok sa si Jenny.
“Mauna ka na, susunod na lang ako.” sagot ko saka binalikan ang kasalukuyang binabasa.
“Hmm.. overtime ulit?”
I didn’t answer her.
“The case isn’t arduous naman. You don’t need to stay until evening. Loosen up! Bumabalik ka na naman sa dating Pia na broken hearted.”
Natigil sa ere ang ballpen sa narinig. I glared at her and she laughed.
“Oh wait, may kinalaman ba si Mr. Fuentes dito? The last time you have that long face was because of him. You even got wasted due to his shitty ideas! Tama ako ‘no?”
Lumapit siya sa harap ko saka naupo sa visitor’s chair.
“I will be fine here. Just leave, Jenny.” I resumed on writing the idea in my head.
“I was right, huh. Wala pa rin akong inaanak kung gano’n?”
“Nagdadalawang isip na nga ako kung kukunin nga ba kitang inaanak sa hinaharap. I don’t want my child to learn naughty stuffs from you.” I answered nonchalantly.
I heard her gasps. “Grabe ka, ha! Hindi ko naman iyon tuturuan habang baby pa! Swerte nga ng baby mo kapag ako ang maging ninang. ‘Di na niya kailangan manood ng porn para matu—”
“Jenny!” I hissed, looking at her with rounded eyes.
Malakas siyang tumawa. “Come on, Pia. Let’s grab a dinner first. Kung ayaw mo pa ring umuwi, sa The Quest muna tayo magpalipas ng gabi.”
I stared at her, weighing the situation. Ayaw ko pang umuw, at tama siya roon. For the past days, I was always the last one to go home. Hindi rin naman agad ako natutulog pag-uwi sa bahay, mas mabuting dumito muna.
“Instead of sitting her with bunch of papers, neon lights and alcohol would be better. Ngayon lang naman..” aniya pa, pinagbaba taas ang dalawang kilay.
I sighed. May pakiramdam akong hindi muli uuwi si Chaz ngayong gabi. He’s presumably with Harry again. It was really a good thing his parents aren’t visiting us these days. Cause if they are, he will be domed.
“Right.” tumango ako. “Hindi lang siya ang may karapatang magsaya..” bulong ko.
“Huh? I didn’t hear what you said.”
I smirked and shook my head. “Wait for me in your table. Mag-aayos lang ako.” I said and put the pen down.
“On it!” Jenny exclaimed, grinning.
I just shook my head. Basta talaga club, alertong-alerto ang babaeng iyon. Inayos ko lang ang mga gamit sa lamesa. Dumiretso sa banyo, naghilamos at pinasadahan ng lipstick ang labi bago lumabas ng opisina.
Isang oras ang lumipas, natagpuan ko ang sariling tinatahak ang daan papasok sa The Quest. This is a high end bar. Dito madalas ang takbuhan ng ilan sa mga artista at sikat na mga personalidad. Bloggers, business tycoon, artist from different fields and such who wanted an escape. I’ve been here before, but I almost forgot the feeling and ambiance of this place.
“This is going to be a long night, Pia! Wala namang naghihintay sa ‘yong pag-uwi.”
“Isang oras lang ang napagkasunduan natin, Jenny.” hirit ko.
Hindi niya iyon pinansin. The smell of alcohol were on the air. Malakas ang tugtog. Nakakasilaw din ang ilaw sa pananaw ko. There were a lot of people in the dance floor, grinding wildly.
“One cocktail , please.” ani ng kasama ko nang makalapit kami sa counter.
I sat on the high stool, watching the bartender prepare her order. I was fascinated by the way his hands works. Mabilis iyon, bihasang-bihasa sa trabaho.
“Here is your cocktail, Ma’am.” sambit niya, nakangiti.
“Wow, ang galing mo naman!” Jenny praised him, clapping.
Ngumisi si kuya bago ibaling ang tingin sa akin. “How about you ma’am? Ano pong gusto niyo?”
I was about to open my mouth when Jenny interrupted me.
“Ikaw ang gusto ko.”
Umawang ang labi ko. I glanced at my friend, bewildered with her remarks. But she was too engrossed with him. Nagpapa cute.
“Ha! Haha.. I’m sorry ma’am. I’m not on the given choices.” Yumuko ito.
“I want a glass of champagne, please.” sagot ko, bago pa may idagdag na kabulastugan ang kaibigan ko.
“Champagne with a toss of love. My friend is not lucky in love, eh.”
Mariin kong pinikit ang mga mata. Lumapit ako sa kaniya saka siya kinurot sa baywang. Tumatawa niyang iniilagan ito. Tumigil lang ako nang tumunog ang cellphone niya. I looked away when she checked the content. Nang maibigay ang order sa akin, naglagay si Jenny ng bill sa counter bago ako hinatak.
“Where are you taking me?”
She was holding my left hand since my right has the glass.
“Upstairs. Olivia texted me. I’ll introduce you to her.” tinahak namin ang hagdan patungong second floor.
“Sinong Olivia?” takang tanong ko.
She wasn’t able to answer me when we bumped into someone she knew.
"Jenny ikaw ba ‘yan?”
Tumigil kami nang makasalubong ang tatlong babae.
“Luckette! Kailan ka dumating, gago?”
Binitawan niya ako dahil yumakap siya rito.
“Just last week, girl! Kumusta ka na? Hiyang na hiyang!”
“As you see, maganda pa rin.” Jenny stopped and laugh.
Nagpaalam ang dalawang babae dahil ihing-ihi na raw ang mga ito. Nanatili naman ako sa likod ni Jenny habang nag-uusap sila. I thought she will not introduce me to her friend, but I was wrong.
“Ah, ito nga pala si Sofia. Pia si Luckette, kaibigan ko sa probinsiya.” she put her hand on my shoulder. “Prosecutor ‘to, inday! The best in the field.”
The woman smiled. “Hi, Sofia! Kapangalan mo nga pala ang bunsong kapatid ko!”
“Hello Luckette!” I smiled, waving my hand.
“Do you have a table na? Share na lang kayo sa amin! Kakapasa lang ni kuya sa board, and we’re here to celebrate!” she said, beaming.
“Hala congrats sa baby ko!" Jenny suddenly exclaimed.
Nagkatigninan kami ni Luckette.
“Sino ang baby mo?” tanong niya, magkasalubong ang kilay.
It took her a while to understand her words.
“Sinabi ko bang baby ko?” maang na tanong ni Jenny.
Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang pagngiti.
“Parang hindi naman, ah!” pagtanggi pa niya.
“I heard you, bitch!”
“Luh, nag kamali ka lang ng rinig gagi.”
They keep on babbling. Ako naman ay patingin-tingin sa paligid. I do not see any familiar faces. The second floor isn’t that crowded compared to the previous one.
“Dito tayo,” Luckette said and we followed.
We entered into a VIP room. Nasa mahigit sampu ang mga naroon. Their heads snapped into our direction as soon as we walked in. Mabilis lang din iyon at agad na binalikan ang kasalukuyang ginagawa. Lumapit kami sa couch na sa tingin ko’y kinaroroonan ng kuya ni Luckette. There are five of them occupying the seat. Isang babae at apat na lalaki.
“Kuya, remember Jenny? Nakita ko siya sa labas, and I invited them here!”
Ang lalaking may mahabang buhok na nakapusod ay tumingin sa banda namin. Jenny was standing beside me, but his eyes remained on me.
“Congrats, Samuel! CPA ka na, pagbutihan mo ‘yan!” agad na talak ni Jenny.
The man named Samuel smirked but didn’t say a word. Tango lang ang binigay niya kay Jenny bilang sagot. Nagkatinginan muli kami at ako na ang nag-iwas ng tingin.
“Everyone, this Jenny and Sofia!"
Hinigit ako ni Jenny para umupo. At ang babae sa tabi pa talaga nang Samuel na ‘yon! Halata namang suplado ang tao, kahit ano pa ang pagkulit niya rito, hindi siya nito papatulan...
“Stay here Pia. May pupuntahan lang ako.”
Namilog ang mga mata ko. “Huwag mo akong iwan dito.” I hold her hand, preventing her from standing.
“Saglit lang ako. Mag chika muna kayo ni Samuel.”
I shook my head. “I’ll go with you na lang. Wala akong kilala rito.”
“Kilala mo naman sina Luckette, saka itong si Samuel.” Jenny glanced at Samuel. “Hoy, kahit pogi ka at crush kita ingatan mo ‘tong kaibigan ko ha! May asawa na ‘yan!”
Umawang ang labi ko nang walang pasabi siyang umalis, leaving me with this Samuel. Wala akong ibang nagawa kung ‘di ang tahimik na umupo sa isang sulok.
Nagkakatuwaan ang mga kasama ko sa lamesa maliban kay Samuel na tahimik na umiinom. I take a sipped on my champagne. Wala akong balak mag pakalasing. A glass of it would be enough. I can feel that someone is staring at me, and when I peered at my side, I was right because Samuel is indeed looking at me.
My brows furrowed. Bakit siya nakatingin? Is he waiting for my greeting? Ah right, hindi ko pa pala siya nabati. Maybe that was the reason why he keep on glancing at my side.
“Uh.. congratulations, Samuel.” I simply stated.
Tinaasan niya ako ng kilay. Inaasahan kong hindi rin niya ako sasagutin pero nagulat ako ng magsalita siya.
“Thank you.” he said with his deep voice.
Ngumiti ako rito saka nag-iwas ng tingin. Hindi ko makita si Luckette, siguro kasama si Jenny. Nanatili akong nakaupo roon, hinihintay ang pagdating ni Jenny. I will ask her to go home. Tapos na ang isang oras namin.
Nang maubos ko ang baso ng alak, napagdesisyunan kong lumabas at hanapin siya. Tatayo na sana ko nang biglang may dumating na hindi ko inaasahang bisita.
“Bro, glad you came.” sabi ni Samuel saka tumayo at sinalubong ang bagong dating.
“I will leave eventually. I just came to greet you. You might cry.”
My lips parted when I recognize his face. Those thick eyebrows, angled jawline, thin lips and mesmerizing green eyes. Anong ginagawa niya rito?
May panahon pa talaga siyang mag punta sa mga ganitong lugar, pero ang umuwi?
Mag-isa lang siya. Hindi kasama si Harry. I was intently looking at him, that I wasn’t surprise he found me. I looked away and pretend I didn’t know him. Ang plano ko ay hindi siya pansinin at magpanggap na hindi siya kilala hanggang sa dumating si Jenny. Unfortunately, the heavens has a wicked plan.
“How can you let your wife wander around in this kind of place, bro. You know assholes are everywhere."
I stilled when I heard those words. I craned my neck to their side, Samuel was smirking and Chaz was staring at me with his jaw dropping and darken eyes.
“You probably didn’t remember me. But I was at your wedding day. So I kinda know you, Mrs. Fuentes.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top