CHAPTER 11

Sick

Nahahapong napaupo ako sa kama habang sapu-sapo ang tiyan. Ito ang ikatlong beses na pabalik-balik ko sa banyo. Ang naalala ko ay ang pagkain ng cup noddles kagabi matapos ang naging sagutan namin ni Chaz. Pagkatapos no'n ay nagising na lang ako na masakit na ang tiyan ko.

I didn't check the expiry date of the food, but I'm certain it is not yet expired. Kasi kung panis na nga iyon, bakit pa naka display sa kusina? At isa pa, kumain na rin ako nang isa noong nakaraan at wala namang nangyari na kakaiba.

I groaned frustratedly. Napatingin ako sa orasang nasa dingding at nakitang mag aalas-sais na ng umaga. I need to eat proper meal this time. Nang sa gano'n makainom na rin ako ng gamot.

Bumaba ako para sana magluto nang makita si Chaz. Nakatalikod siya sa gawi ko at mukhang may niluluto. He's on his khaki shorts and white shirt with apron. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil agad siyang lumingon sa gawi ko.

"Anong niluluto mo?" I asked as I went near him.

He only give me a side glance but didn't answer my question. Dumaan ako sa likod niya para magtimpla ng kape. Lihim akong napanguso ng maamoy ang panlalaki niyang pabango.

Bagong ligo.

"Pahingi ako niyan, ah? Kahit kaunti lang," I trailed.

Sinadya kong tignan ang niluluto niya at fried rice pala iyon. Kaya pala mabango. Napanguso ako nang maalala iyong unang beses na humingi ako sa kanila ng jowa niya, at hindi ako pinagbigyan.

Nagsimula akong matimpla ng kape. It was a 3 in 1 coffee. It wasn't normally my coffee preference but I have no choice. Ibabalik ko na sana ang tirang kape ng masagi ng paningin ko ang nakahilirang cup noddles.

"Nga pala, hindi pa naman expired 'yang mga cup noddles mo 'no?"

Holding the cup on my hand, I turned around and face him. Pinatayan niya ng apoy ang niluluto saka ako binalingan. My eyes coincidentally travelled to his broad shoulders and veiny hands. Napakagat labi ako, hindi naman bago sa akin na makakita ng gano'ng braso at kamay.. pero bakit iba ang pakiramdam ko sa kaniya?

"Nagutom kasi ako kagabi at iyon ang kinain ko. Siguro naman, hindi pa siya panis?"

"You what?"

Kumunot ang noo ko. Bakit siya nagagalit? Pati ba naman pirasong cup noddles ikagagalit niya?

"I was starving last night, iyon kasi ang nakita kong madaling maluto kaya... kumuha ako."

Binaba ko sa counter ang kape dahil kung hindi baka mapaso pa ako ng wala sa oras.

"Can't you cook to feed yourself?" his jaw locked, as if really pissed that I consume two of those foods. "Sino ang nagbigay sayo ng karapatang pakialaman ang mga gamit dito sa bahay?"

"Dalawa lang naman ang nabawas ko riyan!"

"Kahit ilan pa 'yan, hindi mo dapat ginagalaw ang mga gamit na hindi naman sa'yo!"

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makasagot sa pagkabigla.

"Those were Harry's favorite food! You better keep your hands to yourself, woman. Wala ka sa bahay mo." malamig nitong sambit.

Napatango ako. Kaya pala ganito nalang ang reaksyon niya, kay Harry pala ang mga pagkaing iyon.

"Damot," bulong-bulong ko.

"What did you say?"

"Kung alam ko rin namang magkakaroon ako ng diarrhea 'di sana magtitiis nalang ako ng gutom!" singhal ko bago siya linagpasan.

Nakakaisang hakbang palang ako ng maramdaman kong hinuli niya ang pulso ko.

"Sit down." he commanded.

I snorted. "Kakain ako, tumabi ka."

Marami akong trabaho sa opisina at wala akong panahon para sa kadamutan niya.

He shot an eyebrow.

"Then why are you leaving?"

"Sa labas ako kakain, wala akong maasahan dito!"

I should keep in my mind to buy my own groceries. Because if not, I'll only  starve myself.

"I thought you want some of my fried rice?"

Binawi ko ang kamay ko. "Bakit, magbibigay ka ba?" balik kong tanong.

He tilted his head. "I cook a lot of it, so yeah. I can share it with you."

My eyes widened. Hindi ko tinago ang pagkamangha sa mukha ko.

"Don't give me that look, woman. I'm doing this on behalf of your parents." may bahid ng inis sa boses niya saka ako tinalikuran.

"Bakit, ano ba ang itsura ko Chaz?" humilig ako sa counter habang pinagmamasdan siya.

Masakit pa rin ang tiyan ko. I also felt the urge to release whatever is on my stomach, but I stopped myself. Kailangan ko munang kumain at makainom ng gamot.

"Shut it. You're annoying me." supladong pahayag nito.

"You are annoying too, mind you." umikot ang dalawang mata ko.

Pinagmasdan ko lang siyang maglagay ng dalawang plato sa hapag at ihain ang mga pagkaing niluto niya. Paminsan-minsan, iniinom ko ang tinimplang kape.

"Eat first, I'll have to get something." aniya habang nakatitig sa mukha ko. From my face, his eyes went down.

"Hintayin na lang kita, maaga pa naman." Tumango si Chaz saka ako iniwang mag-isa.

Ewan, pero parang bula na nawala ang inis na nararamdaman ko sa kaniya kanina. I appreciate the idea of him sharing his foods to me. Ang akala ko kasi, ipagdadamot din niya ito.

Naupo ako at hinintay siya. My face contorted when my stomach clenched. Humigpit ang hawak sa tasa ng kape. Patuloy akong huminga nang malalim, umaasang mapapaurong ang nais lumabas.

"Here,"

Napakurap-kurap ako nang may ilagay si Chaz na gamot sa harap ko.

"Ano 'yan?" I asked confused.

Dumiretso siya sa harap ko saka doon umupo.

"Medicine obviously,"

Sinamaan ko siya ng tingin. Parang wala lang sa kaniya iyon at nagsimulang kumain.

"Para saan naman 'yan? Hindi ko naman sinabi sa'yong kailangan 'ko ng gamot."

"Just eat and drink the medicine after. And next time, huwag kang basta-basta na lang kakain ng kahit ano. Or much better I you'll read the details first before taking any foods. Marunong ka naman sigurong magbasa." masungit na pahayag niya.

Napanguso ako. "Hindi ko naman alam na expired na pala ang pagkain ng bebe mo." I teased making him glared at me more.

"Whose fault is that? Basta mo nalang kinain ang mga iyon na hindi man lang nagpapaalam sa may-ari."

I shrugged my shoulder and set aside the meds.

"That's because I was hungry! Kung may pagpipilian din naman ako—"

"You do have a lot of options. Sadyang pinairal mo lang ang katamaran mo."

Umawang nang husto ang labi ko sa narinig. Muling bumalik ang iritasyon ko sa kaniya. I really couldn't spell his attitude. Minsan mabait pero madalas suplado at bastos ang bibig!

Ibubuka ko na sana ang bibig para barahin ang sinabi niya ng itinaas niya ang kaniyang kamay.

"Let me have a peaceful breakfast, woman. If you 're going to nag again, save it."

I inhaled sharply. Sumasabay si Chaz sa sakit ng tiyan ko sa totoo lang. Hindi nalang ako nagsalita at nagsimulang kumain. Ngunit, hindi pa man ako nakakalimang subo nang maramdaman ang paninikip ng sariling tiyan. Napangiwi ako at agad na dumapo ang palad dito. Tumigil sa pagkain si Chaz at kunot noong pinagmasdan ako.

"Something's wrong?"

"I.." Napakagat labi ako, nahihiyang sabihin ang totoo.

Nakatitig si Chaz sa akin nag-aabang ng sagot. "What Miss Perez?" muling tanong niya.

Napabuga ako nang marahas na hininga. I once again felt the need to deposit those gold but I try to rendered it by shifting on my seat.

"Chaz, I think.. I have, uh.." mariin akong napipikit. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko.

Tumayo si Chaz mula sa pagkakaupo saka ako nilapitan. "Tell it straight to my face, woman. Don't stutter!" his voice changed, as if panicking.

Napatayo rin ako habang sapo ang sariling tiyan. "I'll go, finish your food." natatarantang pahayag ko at saka kumaripas ng takbo.

"Where are you going?!" pasigaw na tanong niya pa.

Kinumpas ko lang ang palad ko sa ere bilang sagot. I heard him called out my name but I didn't respond and went to my room as fast as I could. Hindi ko na halos masara ang pinto ng kwarto ko at agad na dumiretso sa banyo.

I stayed there for what felts like eternity. When I stepped out of the comfort room, my energy was drained. Para akong sumabak sa gyera na walang kakampi. Nararamdaman ko pang tumutulo ang pawis ko sa noo.

Napailing ako bago nanghihina kong hinanda ang damit para sa trabaho. I showered quickly and ready myself for work. Pababa na ako ng hagdan nang matigilan. Chaz was standing in the middle of the living room, his back was on me and he was talking to someone over the phone.

"Yes, is that all I need to do?" rinig kong sabi niya.

May pag-iingat akong bumaba ng hagdan para hindi sila maisturbo.

"Are you sure there's no need to visit a doctor?" he paused, as if listening to the other line. " Oh yeah, fuck off!"

Kumunot ang noo ko. Nagmumura na naman siya. Ang hirap siguro balewalian ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin. Parte na ng kaniyang pagkatao ang pagmumura. A bad habit though.

Tumikhim ako para ipalam sa kaniyang nasa likod lang niya ako.
Lumingon si Chaz sa gawi ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon na nakita ko ang bahagyang pagkataranta sa mukha niya. Basta nalang din niyang ibinaba ang telepono na parang walang kausap.

"Pupunta na akong opisina. Salamat sa agahan." ani ko.

He strides towards me with heavy footsteps.

"Take this."

Inilahad niya ang kaliwang palad kung nasaan ang gamot na binigay niya rin kani-kanina lang.

"Hindi na, maayos na ang pakiramdam ko." pagtanggi ko.

"Miss Perez you're sick," sabi niya na parang doon palang ay dapat ko na siyang sundin.

"Ayos na nga ako," umiling ako.

"I called a doctor for advice. Kailangan mong uminom ng gamot kung gusto mong mawala ang sakit ng tiyan mo" his gazed went to my stomach.

I chuckled. "Hmm. Should I be grateful that you're thinking of my welfare now, Chaz?"

Chaz blinked his eyes. Then later on, he glared at me.

"Then suit yourself, hindi naman ako ang mahihirapan."

Binawi niya ang pagkakalahad ng sariling kamay, pero bago pa si Chaz makatalikod, mabilis kong hinawakan ang pulso niya.

"Actually, I am badly in need with these medicine. Thanks!" malawak akong ngumiti kahit pakiramdam ko'y may kung anong nagwawala sa loob ng tiyan ko.

I refused to believe that I'm affected when our skin was in contact with each other. Mabilis ko namang binawi ang pagkakahawak sa kaniya ng makuha ang mga gamot. But the feel of his skin, remained.

"I'll ready the car, and we'll go." aniya, sanhi para matigilan ako.

"You mean..you'll drive me to my workplace, again?"

Tumaas ang kaniyang kilay.

"Yes," he shortly answered.

I whistled. Gusto ko pa siyang asarin sa katotohanang ihahatid niya muli ako kahit pa sinabi niyang iyon na raw ang huling beses ang gagawin niyang pagtulong sa akin. However, before I could say something, he vanished from my sight.

A smile stretch on my lips as I head my way towards the kitchen. Lima ang gamot na binigay niya sa akin at agad kong ininom ang isa. Pagkatapos, lumabas agad ako at dumiretso nga sa garahe. Nakita ko ang kotse niya at bukas ang bintana ng driver seat kung saan siya nakaupo.

"Make it fast. I'm getting late, woman!" Chaz shouted.

Sa halip na sundin ang gusto ni Chaz, mas binagalan ko pa ang paglalakad. I even hummed as if I'm in a good mood.

"Wala na bang may mas ibibilis riyan?"

"Mabilis na kaya 'to!" I said and smiled innocently.

He pressed his lips together but didn't say a word. Instead, he watched my move as if he's being impatient. When I finally reached his car, I settled myself in the shotgun's seat.

"Seatbelt," sabi niya bago pinaandar ang makina.

Tahimik kong sinuot ng maayos ang seatbelt. Nang makitang sinunod ko na ang kaniyang gusto, he maneuvered the car away from his house.

"Mamaya hindi mo na ako kailangan sunduin, baka late ako makauwi." I murmured.

Kailangan kong bisitahin muli si Mr. Ryan, isama pa ang nalalapit na hearing ng kaniyang kaso. Though, I was not expecting for him to fetch me after work.

"Bakit, may lakad ka?" Chaz glanced at me through the rear view mirror.

Tumango ako. "May bibisitahin lang,"

"Then I'll wait until you're done. I gave your parents my word, I have to make up for it."

"You will wait for me?" gulat kong tanong.

Bumaling ako sa kaniya na may nanalaking mga mata. It's very out of blue that Chaz Theo Fuentes will waste his time, waiting for me.

"For your parents, Miss Perez. I'm only doing this for them, don't be fluttered." nakita kong tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"That was just surprising act of you, Chaz! Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan at handa ka talagang maghintay sa akin, mamaya?"

I haven't seen Harry previously. Hindi pa siya dumadalaw ulit sa bahay at kahit paano'y.. panatag ako.

"Why are you keeping this a big deal? Hindi ba pinaranas sa'yo ng magaling mong ex ang ihatid sundo?"

Natigilan ako sa naging tanong niya. Our gazed locked and he smirked.

"Papansin ka, Chaz Theo," I replied flatly.

The brute just chuckled.

"Kawawa ka naman pala, Miss Perez. You should be grateful that your mother personally visit me, you were able to experience having someone who's willing to wait for you after a long shift. Thanks to them, huh." he cockily replied. There was a teasing smile forming on his lips.

"I don't really need a driver in the first place. I have my own car, and I can go home even without your presence." gigil kong sagot.

Mahina siyang natawa.

"Kung kaya mo naman pala, bakit pa lumapit sa akin ang magulang mo para personal na humingi ng pabor?"

I pressed my lips together and watched him intently. Nasa daan siya nakatingin pero paminsan-minsan ay bumabaling sa banda ko ang mata niya.

"As if I'm pleased with the fact that I am with you. You have a choice to decline but since you're playing the good son in law card, panindigan mo 'yan!"

Isang mayabang na ngiti lamang ang pinakita niya sa akin. Inirapan ko ito saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib. He didn't say a word after that and I did the same.

Nang marating namin and firm, walang salita akong lumabas ng kotse niya. I even closed the door with force that I can imagine Chaz crossed brows inside. Jenny was at her table when I entered the floor where my office is located.

"Good morning!" masiglang pagbati niya bago tumayo.

I greeted her back and ask if there are new cases for today.

"As of now ay wala pa po, Prosecutor. Seems like we were given ample of time to prepare."

Kahit hindi niya sinabi ay alam kong ang kasong kinasangkutan ng sikat na aktress.

"About that, I'll visit Mr. Ryan again this afternoon. I want you to come with me, Jenny."

Tumango si Jenny.

"Game! Just give me a heads up if it's time."

I give her a smile before entering my office. Nagsimula akong magtrabaho. Siguro dahil sa gamot na ininom ko at nabawasan ang pananakit ng tiyan ko. Thankfully. Because of it, I work without a hindrance.

Nang dumating ang alas-dose, pumasok si Jenny na may nanunuksong ngiti. She was holding a paper bag on her right hand with a logo of a famous restaurant.

"Tanghalian na!" she exclaimed.

Binalik ko ang tingin sa ginagawa bago siya sinagot.

"Leave it there, I'm not yet hungry."

She scoffed. "Mahigpit na bilin sa akin ng asawa niyo na kailangan niyong kumain. Ipagpaliban mo na muna iyan at heto," she placed the paper bag in front of me. "..kumain ka,"

"Asawa?" tumaas ang kilay ko.

"Yep, si Mr. Fuentes mismo ang nagdala niyan dito." she grinned.

Napaayos ako nang upo. I looked at her seriously.

"Are you sure it was him?"

"Walang iba! Ang sweet niya nga 'no?" panunukso pa niya.

I forgot that it is lunch breaktime so she's not being professional.

"Aalis na ako. Babalikan ko 'yan mamaya, ha. Simutin mo lahat ng dapat masimot! Huwag mong sayangin ang effort ni Mr. Fuentes, ang mahal pa naman ng gas ngayon!" she didn't wait for my reply and stormed out of my office immediately.

Napabuga ako ng marahas na hininga sa kinilos ng sekretarya ko. From the door, my eyes drifted to the thing above my table. I grabbed the papar bag and was about to set this aside but I stopped.

Gamit ang hintuturo, bahagya ko itong sinilip para makita kung ano ang nasa loob. Kumunot ang noo ko ng may mapansing papel sa ibabaw. Dala ng kuryusidad, tuluyan ko itong binuksan at bumungad sa akin ang maliit na sulat. The penmanship was clean and manly. I silently scanned the content without moving the note on its place.


Miss Perez,

Ubusin mo lahat ng 'to. For your parents, woman. Keep that in mind.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top