CHAPTER 1

Marriage

"Senyorita, pinapatawag na po kayo ni Senyor."

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Emma sa labas ng aking silid. Ibinaba ko ang towel na ginagamit sa pagpupunas ng basang buhok. Katatapos ko lang maligo at nakasuot na ako ng pantulog. I slowly walks towards my door and opened it. Nakangiti si Emma na sinalubong ang tingin ko.

"Sige, susunod ako." I answered her.

Pinagmasdan ko siya, hindi maipagkakailang magandang dalaga si Emma. She has a shoulder length hair and the ends were curled naturally. Her lips were full that sometimes I envied because mine were thin. Mapilantik din ang kaniyang pilikmata at hindi man kakapalan ang kilay, maganda pa rin pagmasdan. Matangos din ang ilong at higit sa lahat, matambok ang pisngi.

She's a year older than me and yet she kept on calling me Senyorita no matter how many times I told her not to. She have been working her ever since I can remember. Matagal nang nag tatrabaho sa amin ang mama niya, hanggang sa napagdesisyonan ni 'Nay Esma na pati na rin siya ay dito na manilbihan kapalit ng pagpapaaral nila daddy.

"Masusunod, Senyorita." aniya saka nagyuko ng ulo.

I sighed. Ang tigas pa rin ng ulo niya. Simula yata nang nagkamuwang siya, palagi na niya akong tinatawag na ganoon. Pinagsabihan ko na siyang itigil na lalo pa't mas matanda naman siya sa akin. I am fine if she'll address me with my name alone, but she just couldn't.

"Emma," I called her name with authority and she knows what I'm about to say next kaya hindi na ako nagtaka pa ng magpaalam na ito sa akin.

"Mauuna na po akoSenyorita, tutulungan ko pa po si nanay." she said, as if avoiding my rants.Hindi na nito hinintay ang sagot ko saka agad na tumalikod.

Pinagmasdan ko ang papalayo niyang bulto, hindi lang siya kasambahay sa bahay na ito kahit noon pa man, itinuring ko siyang kaibigan. Hence, we needed to part ways as I have to pursue my college degree in the U.S and when I came back, she changed.
We don't hang out like before and she started distancing herself frome me. Nagbago ang pakikitungo niya sa akin.. kahit hindi ko naman gusto, hindi na ako nagreklamo at piniling respetohin na lamang ang desisiyon niya.


I closed the door and resumed on wiping my hair with a towel before sitting at the edge of the bed. Ngayong araw lang ako nagkaroon ng pagkakataong umuwi dito sa bahay, kung 'di lang din dahil kay mommy, hindi pa siguro ako uuwi. May sarili akong condo at doon ako kadalasan umuuwi.

Masyado akong naging abala nitong mga nakaraang buwan at ayaw ko ring nababakante ang oras ko dahil hindi ko mapigilang mag-isip. Na ako rin mismo ang nahihirapan kaya hangga't maari, gusto ko laging may pinagkakaabalahan.

Nang masigurong tuyo na ang buhok ko, inayos ko muna ang sarili bago tuluyang lumabas. Hindi ko alam kung ano itong importanteng sasabihin nila daddy at agaran akong pinauwi. I don't want to turn them down that's why I freed my schedule for this day.

When I reached the first floor, I strides towards the dining room and saw my whole family. Even Zayd was present who seldom visit the manor. Naroon din si ate Giselle kasama si kuya Tyrone, her husband. Siya ang panganay sa aming tatlo at bunso naman si Zayd.

"Good evening, everyone!" I greeted them with enthusiasm.

Napabaling ang tingin nila sa akin, ngumiti ako bago unang linapitan si mommy. Nasa kabisera si daddy, sa kanan niya si mommy habang katabi naman ni mommy sila ate.

"Hi, Mom!" I kissed her cheeks and she giggled. Mahina akong natawa.

"Hello there, my beautiful daughter! I missed you." Mommy beamed.

My heart swelled with happiness the moment those words reached my ears. It's been a long time since we had our bonding. Kung hindi ako nagkakamali, noong nasa law school pa ako, tuwing na stress ako at kailangan ko ng distraction. Now that I am already 27, turning 28 on December 27, we barely went out like before.

"I missed you too Mom," I replied before hugging her.

Mommy caress my shoulder, "Loosen up a bit, Sofia. It is not healthy working non stop." she uttered, voice is laced with concern.

I smiled. "Believe me mommy, I am not stressing myself. I know what I am doing, no need to worry." I kissed her head before withdrawing from the hug.

I also kissed ate and she warmly smiled at me. Ngumiti si kuya Tyrone na agad kong sinuklian ng ngiti. I then went to daddy' side. Katulad ng ginawa ko kay mommy at sa kapatid, I also kissed his cheeks. Good thing hindi siya nag-komento pa.

Tumuwid ako ng tayo saka nilakad ang distansya ng upuan katabi ni Zayd. My little brother has sour expression when I tired to kiss him. Mabilis pa nga niyang inilayo ang mukha na parang may nakakahawa akong sakit. Mahina akong natawa na lalong nagpasimangot sa kaniya.

"Hindi mo ba na-miss si ate?" tudyo ko bago naupo.

Zayd pouted. "No, hindi kita na-miss kaya tumigil ka." supladong aniya.

Napasinghap ako. "You're mean, little bother! Why? Dahil ba may girlfriend ka na, ha?"

Ramdam kong nakikinig din sa min sila mommy, maging ang hagikhik ni ate Giselle ay hindi nakatakas sa pandinig ko.

"Umayos ka nga ate, kaya ka iniwan ni kuya Drake, e."

Nawala ang ngiti sa labi ko. I looked at my brother dumbfounded. Pilit kong pinaalala sa aking sarili na kapatid ko siya, hindi ko pwedeng patulan. Kapatid ko siya, mahal ko 'yan kahit gustong gusto ko na siyang kaltukan sa ulo. Ngumisi si Zayd nang makita ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko.

"Alright kids, that's enough." sambit ni daddy.

I sighed before sitting properly in my seat. In front of me is ate Giselle who's now five months pregnant. Tudo alalay sa kaniya si kuya Tyrone lalo na at matigas din ang ulo ni ate.

I timidly smiled watching her face filled with happiness. Masaya na ako na nakikitang masaya ang pamilya ko.
I've grown tired pushing myself to someone who doesn't see my worth. Akala ko kami na ang magkakatuluyan ni Drake hanggang sa huli pero nagkamali ako.

We were so compatible to each other. I tried my best to be good girlfriend afraid that he will leave me but eventually, he did. Sa kabila ng pagmamahal na pinakita at pinaranas ko sa kaniya, iniwan niya pa rin ako. He was my first boyfriend. I love him so much kaya nang nakipaghiwalay siya sa akin, para na rin akong nawalan ng karapatang huminga.

But, I have to move on and accept the fact that he wants out of our relationship. I accepted his decision even though I was being stab painfully.. bleeding my heart.

"Anak,"

My father's voice snapped me from reverie. Nag-angat ako dito ng tingin bago siya nginitaan.

"Po?" The food was already served and my sibling's ate in silence.

Lumingon si daddy kay mommy, ngumiti naman si mommy na parang nagsasabing ipagpatuloy lang niya.
Tumikhim si dad, saka muli akong binalingan ng tingin.

"You don't have a boyfriend now, right?"

I nearly choke on the food I was chewing when I heard his question. I can feel how my cheeks turned crimson red especially when I heard Zayd laugh. I turn my head to his direction before glaring at him.

Ano ba ito si daddy? Kailangan pa talagang itanong iyon sa harap ng hapag? And even his voice! It's as this topic is just nothing!

Heto nga ako't lugmok na lugmok pa rin sa ex ko, tas ipapaalala pa niya ang masakit nakatotohanang iyon?

I gnaw my lower lip as I secretly roamed my eyes in the table and saw all of them eyeing me. Dumako ang tingin ko kay daddy who has a hopeful expression.

"None dad, wh-" I didn't finished my sentence when mommy butted in.

"Great! Tama talaga kami ng daddy mo anak!" she said smiling widely. Binaba nito ang hawak na kutsara't tinidor saka ako tuluyang hinarap.

"Sofia, anak..."

Nagpabalikbalik ang tingin niya sa akin at kay daddy. Daddy on the other hand is all smile like they've just win a lottery. My brows furrowed in confusion. Why is my parent's acting this way? Their smile is creeping me out.

"B-Bakit kayo nakangiti ng ganiyan mommy, daddy?" hindi ko mapigilang magtanong.

Hindi naman sa ito ang unang beses kong nakita silang ngumiti subalit iba ang kutob ko sa ngiting nakaukit sa mga labi nila.

I heard ate Giselle's laughed followed with her voice. "Maybe they're planning to marry you off with one of their business partner's son, Pia." she calmly exclaimed before flashing her sweet smile.

My brows furrowed more, na sa tingin ko ay halos mag-isang linya na ang mga ito. Naguguluhan kong binalingan ng tingin ang mga magulang. I am not against fixed marriages since I know mommy and daddy was the product of it and as the year passed, they learned to love each other like a real couple. As if their relationship didn't start in that context.

Pero ang isipang magiging isa ako sa mga dalagang pinagkasundo ng kanilang mga magulang?
Hindi ko nga maisip na uso pa ang mga gano'n sa panahon ngayon. At hindi din lahat ng kaso humahantong sa katulad ng mga magulang ko.

"I don't think mom and dad will arranged me to someone I didn't even meet." sagot ko.

It's been five months since Drake decided to broke up with me and I am still in the healing process. Hindi pa ako handa para pumasok sa isang relasyon.

"Right mom?" I tilted my head.

Nagkatinginan sila mommy at daddy sa isa't-isa. Panic rose up my chest as I waited for their response. Their silence and the the way they stared at each other makes my inside be in chaos. My palms started sweating.

It couldn't be right?

Hindi naman siguro nila ako ipapakasal sa kung sino lang. Hindi naman...

"This is for your own good anak. Nag-aalala kami na masyado mo nang pinapagod ang sarili mo sa trabaho at napapabayaan mo na ang iyong kalusugan lalo na't mag-isa ka lang sa condo mo." Mommy narrated.

I swallowed hard. Para akong nabingi sa kompirmasyong iyon.

"Kapag naikasal ka na, mas mapapanatag kami ng daddy mo. We won't need to overthink all day and night because we knew you have someone by your side to protect you." she added.

Umawang ang labi ko.. is this for real?

"Your mom is right, Sofia. With your profession, we are worried that something bad will happened to you. Wala kami lagi sa tabi mo, hindi rin kami palaging mananatili sa mundong ito. You are declining to have your bodyguards and this is the only way we thought we can have our peace of mind." si daddy.

My head suddenly aches. Then it dawned on me how she persuaded me to come home as they have an announcement to make. Akala ko isang simpleng anunsyo lang ang sasabihin nila pero nagkamali ako! Iyon pala ay tungkol na sa pagkakasundo nila sa akin sa kung sino man.

"Chaz is a good man, I'm sure he will take good care of you anak. Hindi ka naman namin ipagkakasundo sa lalaking hindi namin kilala." sagot naman ni Mommy.

I intently looked at them. Nakangiti si mommy habang mariin lang na nakatingin sa akin si daddy. Ginapangan ako ng kaba.

"Kaya ko naman po ang sarili ko mom, dad. Hindi ko kailangan ng ibang tao para lang mag-protekta sa akin." mahina kong sagot.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang pagkain. Nakatutok ang isipan ko sa usapan na hindi ko mahanap ang lakas para ipagpatuloy ang pagkain.

"We knew anak. We raise you to become an independent and strong woman. Alam naming kaya mo at kakayanin mo but dear, hindi natin hawak ang mga posibleng mangyari. You've received numerous death threats at hindi namin makakaya kong may masamang mangyari sa'yo. Mabuti nga at hanggang pagbabanta lang ang ginagawa nila, paano kung mas malala pa doon?" mahabang paliwanang ni mommy.

She's right, marami na akong natanggap na mga death threats at sa awa ng Diyos, hindi naman nangyayari. Nasanay na ako at siguro dahil na rin palaging nariyan si Drake noon.. naging kampante akong magiging ligtas pero ngayon.

I sighed, isa-isa kong binalingan ng tingin ang pamilya ko. They are my source of strength, makakaya ko pa kung ako lang ang sasaktan ng mga kalaban ko pero kung idadawit nila sila.. ibang usapan na iyon.

"Isa pa, wala ka namang boyfriend diba?" dagdag niya.

I pressed my lips together. Isa pa iyan, gustong gusto kong makalimutan siya. I badly wanted to erased him in my mind and heart. Sa nagdaang mga buwan, iyon lang ang pinagkaabalahan ko. Nilulunod ang sarili sa trabaho, umaasang makakalimot ako.

"Please, baby do this for us. Para sa amin na lang." panunuyo niya.

Mariin kong ipinikit ang aking mata.

"Tama si mommy, Pia. Besides, you are not getting any younger. It's about time to settle down, bigyan mo na rin ng apo sina mommy para naman may makalaro yung anak ko." ate Giselle said.

Binalingan ko siya ng tingin. Nakangiti ito habang hinahaplos ang sariling tiyan. Ayaw ko pang maitali. I have a lot of plans, and becoming a wife at this age didn't cross my mind. More so, bearing another life in my tummy. Kahit noong kami pa ni Drake, hindi ko na isip ang magkaanak. Ang ikasal sa kaniya pwede pa, pero hindi sa ganito kaaga.

"Nag-aalala kami sa iyo, anak. This is our way of securing your safety. Though, we are not pressuring you, nasa iyo pa rin kung papaayag ka ba o hindi. Pero sana, pag-isipan mo ng mabuti ang mungkahi namin." sabi ni daddy.

I know how worried sick they were whenever someone would send me a death threats. They are even against me living in my condo unit alone, but I convinced them enough I am going to be alright. Wala namang kaso sa aking mga pagbabanta nila. At the past months, hindi na rin ako nakakatanggap ng mga pagbabanta.

Ngunit, hanggang kailan?

"Bigyan niyo siya ng panahon, dad. Hayaan niyong pag-isipan ni ate ng maigi ang sagot niya at kung anuman iyon, I hope you'll respect her. Kung sekyuridad ang pag-uusapan, we can hire her a bodyguards despite her strong disagreement. Hindi rin naman sa lahat ng oras kung sakali mang pumayag si ate sa alok niyo.. hindi lahat ng oras makakasama niya ang mapapangasawa niya. Threats are everywhere, not because she's married you can cease the plan of those fucktards."

Lahat yata kami bumaling sa katabi ko ng bigla itong magsalita.

"Zayd your mouth," suway sa kaniya ni mommy.

Nagkibit balikat ang katabi ko. "She's old enough to decide for her own life, Mom and Dad." Aniya pa saka sumubo sa kaniyang pagkain.

Tama ang kapatid ko. Hindi porque kasal at may asawa na ako, hihinto na ang kung sino man ang nagbibigay sa akin ng banta. It is inevitable especially with my work. Sumagi sa isipan ko ang masayang mukha ni Drake kasama ang babaeng ipinalit niya sa akin. Pinipiga ang puso ko sa isipang masaya na siya samantalang ako.. bigong bigo pa rin.

Muli akong pumikit. Huminga ng malalim saka tumingin sa mga magulang ko. Alam ko namang nag-aalala lang sila bilang isang magulang kaya nila naisipang ipakasal ako sa Chaz na sinasabi nila.

Back then, I imagined myself getting married at thirty with the man I love. I have reached my dream career and got everything that I need. Na tipong panahon na para ako naman ang magsimula ng pamilya.

Marriage for me is sacred.

Hindi ako pwedeng umatras o makipaghiwalay dahil para sa akin, isa iyong kalapastangan. I bowed in front of the altar and breaking it feels like a sin. Kaya hangga't maari, gusto ko kung magpapakasal man ako sa lalaking makakasama ko na habang buhay. Sa lalaking mamahalin ko habang buhay.

But now, seeing my parent's hopeful eyes, with my sudden heartbreak, I don't know if this will lead me to a better life. If this will finally be a way to forgot about the pain he gave me.

All I know is I want peace. At the same time, gusto kong mawala ang pangamba ng mga magulang ko.

"Okay, if that what make's you both happy and at ease then fine, pumapayag na po ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top