Chapter 7
Naglalakad sa hallway papunta sa canteen si Aira nang may humawak sa braso niya kung kaya't napatigil siya.
"Aira, can we talk?" agad na tanong ng babae. It was Francine. Kilala niya ito dahil ito ang nagpasa sa kanya ng korona bilang Ms. IS.
Aira looked at her watch. Limang minuto pa naman bago ang napag-usapan nila ni Ayder na magkita sa canteen. May klase rin kasi ito kanina kaya hindi na siya nasundo sa classroom.
"Just for a minute," dagdag nito. Her voice had that sense of urgency though her face show otherwise. Maybe she wants to say something about her role as the reigning Ms. IS. Nang tumango siya ay iginiya siya nito paliko sa pasilyo ng AVR kung saan walang taong nagdaraan.
Nang tumigil sila ay iniabot nito ang hawak na white envelope.
"Get this. Promise me, titingnan mo lang ito kapag nasa bahay ka 'na. Please never show it to anyone especially to Ayder," sunod-sunod nitong sabi. Napakunot-noo siya. Inilagay nito ang envelope sa kamay niya. She looked at it puzzled.
"Please treat its content with strictest confidence. Hurry, put it in your bag. Alam kong magkikita kayo ni Ayder. Mahirap na," muli nitong wika nang hindi siya magsalita. Her voice was low as if to make sure no one could hear them. Ano naman kaya ang laman niyon? Is this a prank? Hindi ba rumored ex-girlfriend ito ni Ayder? What is she up to?
"I am not doing this to discredit Ayder or ruin whatever you have with him. I just don't want you to experience the same thing I did," she stated. Francine looked at her with concern. Gusto niyang isipin na nagbibiro lang ito o bitter lang pero mukha naman itong sinsero. Wala siyang maisagot dahil wala naman siyang ideya sa pinagsasabi nito.
"There are other victims before me." She saw how she swallowed hard before speaking again. "And how I wished one of them warned me about Ayder pero lahat sila tikom ang bibig," madamdamin nitong pahayag. A tear escaped her eye. Doon na nanayo ang balahibo niya sa hindi mawaring kadahilanan. It made her static.
"Mag-ingat ka. He is more than dangerous as what you could imagine, Aira," wika nito bago naglakad paalis. She had questions in mind but was unable to say anything before she left. Napatitig siya sa hawak na envelope. Mas lalo tuloy siyang na-curious.
Bubuksan sana niya ito nang mag-vibrate ang phone niya. It was Ayder calling. She inhaled deeply and shook her head. Baka nga prank lang 'yong ginawa ni Francine. She put the envelope in her bag and just shove her thoughts away.
Pakiramdam niya ay niloloko niya si Ayder dahil sa buong oras na magkasama sila ay pinapakiramdaman niya kung may bahid nang katotohanan ang sinabi ni Francine na nakatatakot ito. They were seated opposite each other. Sinadya niya iyon kanina para maobserbahan itong maigi.
Napatigil lang siya nang mapansin ng binata na may iba sa inaakto niya.
"Hey, is there something wrong?" tanong nito saka tumitig sa kanya nang mataman. She swallowed hard. Bakit ba kasi parang apektado siya sa sinabi ni Francine kanina? Was it woman's instinct? She shook her head.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" Kulang na lang ay pumiksi siya nang dumukwang ito at hawakan ang noo niya. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pinakiramdaman nito ang temperatura niya sa noo at leeg.
"Okay lang ako. Medyo pagod lang," tugon niya sa binata. Tumango naman ito. His eyes were genuinely concerned. Nakunsensiya tuloy siya. He was nice in every sense of the word since the first time they had a conversation.
"It's not bad to skip your next class kung talagang masama ang pakiramdam mo," sambit nito.
"Even superheroes need rest, you know." Ngumiti ito at lumipat sa tabi niya. Kinabig siya nito at isinandal ang ulo niya sa balikat nito. She inhaled deeply and closed her eyes. Doon lang siya tuluyang napayapa. Wala siyang makitang mali sa binata. Maybe Francine was up to something. Baka bitter lang ito.
Her day concluded with a dinner date with Ayder after her class. Gaya ng dati, driver nito ang nagmaneho sa kotse niya papunta sa bahay nila saka lang niya minaneho ang kotse nang papasok na sa garahe.
"May ka-date ka na yata kaya hindi ka na nagdi-dinner dito sa bahay ah." Napatingin siya sa ina na pababa mula sa hagdan. Tumawa lang siya nang mahina bilang sagot saka ito sinalubong at humalik sa pisngi nito. She proceeded to her room after. Hindi naman din nagtanong pa ulit ang ina at dumiretso na rin pababa ng hagdan. Kailangan na siguro niyang mag-set ng araw para ipakilala si Ayder ng pormal bilang boyfriend sa mga magulang niya.
Nakalimutan na sana niya ang tungkol sa envelope kung hindi lang ito napasama nang ilabas niya ang phone mula sa bag nang maisipang tawagan si Ayder para itanong kung nakauwi na ito. Katatapos lang niyang magpalit ng pantulog.
Out of curiosity, she opened the envelope. Naningkit ang mga mata niya nang makita ang mga larawan ni Francine na naka-underwear lang. She had bruises all over her body. She scanned the pictures and saw more pictures showing her bruises up close. She had some on both arms, wrists, legs, bites and bruises on her neck and breasts. She looked at the dates on the pictures. Naalala niya kasi na may time dati na laging naka longsleeve at turtle necks ito at pinagchichismisan na may skin disease.
She swallowed hard when the next picture revealed a mugshot of Ayder allegedly violating R.A. 9262.
She inhaled deeply. Gawa-gawa lang ba ito ni Francine? She scrutinized the pictures, baka edited lang o kaya ay makeup lang ang mga pasa. They seem real, but who knows?
Binuksan niya ang nakatiklop na makapal na dokumento kasama ng mga pictures. It was a court document about the case against Ayder on violation against women and children. Kasama rin dito ang kopya ng affidavit of desistance na pinirmahan ni Francine.
Agad niyang tinawagan ang organizer ng Ms. IS para hingin ang number ni Francine.
"Francine, ano 'tong mga 'to?" agad niyang bungad nang angatin nito ang tawag. She heard Francine's deep breaths before speaking.
"You can have it verified in court if you want," diretso nitong sagot. That gave her goosebumps.
"If it was true, bakit mo iniatras ang kaso?" nagugulumihan niyang tanong. Francine inhaled deeply.
"Pinakiusapan ako ng kapatid niyang Psychiatrist," tugon nito. Her forehead creased. Psychiatrist ba si Desiry? Ito lang naman ang kapatid ni Ayder na alam niyang nakapagtapos na ng college.
"Minahal ko rin naman siya kaya nga somehow pumayag ako na gawin niya sa akin 'yon kapag may nangyayari sa amin, but the last time was too much." She heard Francine's soft sob.
"I got almost killed. Doon ako natauhan," lahad ng dalaga. Napipi siya sa narinig.
"Those were the times na tiniis kong pag-usapan ng mga tao na may skin disease raw ako, but they don't know the truth," she said emotionally. Mas lalo lang siyang hindi nakapagsalita.
The story is so convincing, but she knew she needs to dig more or at least verify everything. There was a long pause before Francine spoke again.
"This is just to warn you, Aira. Ayoko lang na maulit sa 'yo ang nangyari sa akin. This will be the last time I'll talk about this. Huwag sana itong lumabas sa publiko. I promised his sister to keep everything a secret. Bahala ka na kung gusto mo pa rin siya o hindi sa kabila ng lahat."
Mas lalo siyang naguluhan sa huling mga pahayag nito. Puwedeng sinisiraan lang nito si Ayder pero bakit ayaw rin naman nitong ipagsabi? Why is he protecting his image afterall?
She tried to calm herself. Hindi siya makapag-isip ng tuwid.
Napakurap siya nang muling tumunog ang cellphone. Napatitig siya nang makita sa screen ang pangalan ni Ayder. Nagdalawang-isip pa siya kung sasagutin ang tawag o hindi. Sa huli ay napagpasyahan niyang sagutin na lang ito.
"Hello! Nakauwi ka na?" tanong niya nang angatin ang tawag. She tried hard to sound casual.
"Oo, kadarating ko lang dito sa bahay," tugon naman nito. Huminga siya nang malalim. Gusto niyang magtanong tungkol kay Francine pero hindi niya alam kung paano uumpisahan.
"Nag-usap kayo ni Francine kanina?"
Nagulat pa siya nang marinig ang tanong ni Ayder. It was as if he knew what she was thinking. Will she deny or what?
"Nagkasalubong lang kami sa hallway kanina at nagkumustahan. Bakit?" sagot niya. Pinilit niyang maging kaswal sa pagtugon.
"Sabi kasi ng nakakita sa inyo may inabot daw siya sa 'yo," wika nito. That made her nervous. Is she being watched? Or Francine?
"Wala naman," tugon niya rito. Nagpasalamat siyang wala ito sa harapan niya dahil kung hindi makikita sa mga mata niya na nagsisinungaling siya.
"I see. Do you know that she's my ex-girlfriend?" Ayder asked. She swallowed hard. At least, he was honest on that part.
"It may be unhealthy to talk to her," he added.
"I know, pero wala naman 'yon sa akin. She's part of your past, unless may dapat akong ikabahala?" buong tapang niyang sabi.
"Wala. Wala naman," agad nitong salo sa tanong.
"Just please, don't talk to her again," he told her. Doon na siya tuluyang nagduda. Ayder might actually be covering up something. There may be truth to Francine's allegations. BUT can Ayder actually do such a thing?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top