Chapter 6
That day was the start of everything. Lagi na siyang sinasamahan ni Ayder maliban na lang kung may klase siya. After class, they'd wander around the metro trying different cafes and restaurants. Pag-uwi ng bahay, convoy na lang sila. If her car was on coding, he'd drop her off on their carshop. Sa daddy naman niya siya sumasabay pauwi like the usual.
Lumalabas din sila ng weekends. She usually goes out on a weekend even before Ayder came in the picture so her parents never ask. Alam na ng mga ito na namamasyal lang siya kasama ang mga kaibigan o mga kaklase. She enjoys that freedom since 18, but she was responsible enough o text them every now and then on her whereabouts.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Aira nang makitang hindi pamilyar ang tinatahak ni Ayder na daan. He grinned mischievously as he held the steering wheel and didn't say a word. It would have been creepy if only she didn't trust him. Sa mga nagdaang linggo, nakita niya kung gaano ito kaingat at ka-gentleman sa kanya. He never took advantage of her even if she allows him to kiss her. Hanggang halik lang ito. Ramdam niya ang madalas nitong pagpipigil na lubos niyang ipinagpapasalamat. Ayder earns her respect and admiration each and everyday. Gusto na nga niya itong imbitahin sa bahay nila at ipakilala sa mommy at daddy niya ng pormal bilang boyfriend.
Napakurap siya nang ipasok nito ang sasakyan sa basement parking ng Empire Hotel. Alam niyang pag-aari ng mga ito ang naturang hotel. He said his father was managing it and he was bound to replace him after college, which is a few months away.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang alalayan siya nitong bumaba ng sasakyan.
"Ano'ng gagawin natin dito?" dagdag niya nang hindi ito sumagot. She looked at him.
"You know, it's about time to---" Ngumiti ito nang nakakaloko. Napalunok siya. I-che-check in ba siya nito?
Ayder put his hands on the car roof enclosing her to an embrace.
"Get yourself ready, baby!" he whispered on her ear giving her goosebumps.
"N-ngayon na ba talaga?" she stuttered. Is it okay if she didn't shave down there? Hindi naman makapal, but what if he wants it clean-shaved? She shook her head erasing that thought.
"At gusto mo rin talaga, ha!" Ayder laughed as he pinched her nose. Natatawa nitong hinawakan ang kamay niya at iginiya papunta sa elevator. Pinamulahan pa siya sa naisip kanina.
He was still smiling as the elevator ascend to the top floor. Pagbukas ng elevator door, bumulaga sa kanya ang malawak na helipad na may chopper sa gitna. She misses riding one. May helicopter sila noong high school na binili ng ama niya pero ibinenta rin matapos ang ilang taon dahil hindi na kayang i-maintain.
"Ate Aira!" Deshima came out from nowhere. Nakasunod si Dirran sa kapatid nito habang papalapit sa kinaroroonan nila.
"My beautiful ate Aira, I miss you!" Deshima said sweetly as she embrace her.
"Hi, ate!" Dirran also greeted when she looked at him.
"Nice to see you again, Dirran." Nginitian niya ito at tinanguan. Ngumiti naman ito nang tipid. He really looked like his dad.
Muli siyang napangiti nang bigla siyang hilahin ni Ayder. Alam na niyang inilayo lang siya nito sa kapatid. He led her towards the chopper.
"Akyat na rin kayo!" utos nito sa mga kapatid bago siya alalayang umakyat sa cockpit area. He guided her to sit beside the pilot's seat. She was unable to say a word.
"Marunong ka nito?" tanong niya nang okupahin nito ang pilot's seat. Ayder only smiled. Pagtingin niya sa likod, prente na ring nakapuwesto ang dalawa nitong kapatid at nakasuot na ng headphones. For them to be that calm, she presumed Ayder was a pro. Bakit naman hindi? His family also owns an aviation company.
She sat quietly as he maneuvered the chopper. Bagay nito ang maging piloto. Mas lalo tuloy siyang nai-inlove rito.
Base sa tingin niya nang bumababa na ang chopper ay sa isang isla sila sa Bataan lumapag. It was a typical island resort. Ang ipinagkaiba lang ay wala masyadong tao maliban sa mga unipormadong staff. Dumiretso sina Dirran at Deshima sa pathway papunta sa dagat na sinundan naman nila. Natanaw niya sa isang cottage ang mga magulang ni Ayder kasama si Desiry. Kumapit siya sa braso ng binata na ikinatawa naman nito nang mahina.
"Masanay ka na," bulong nito saka hinalikan siya sa tuktok. Her heart leaped. She didn't know, but she felt so loved by that gesture.
She was greeted by his parents with an embrace. Si Desiry naman ay tumango lang at ngumiti ng tipid bago tiningnan nang makahulugan si Ayder. There was something in their exchange of stares, but she tried to brush that thought away.
"You are just in time for lunch," his mom told them.
"Wow! My favorites!" Deshima exclaimed. The long table was full of different kinds of grilled and steamed seafoods match with sauces and fresh cut fruits set for a boodle fight. May mga nabalatan pang niyog na may straw para sa juice nito. Her mouth watered at the sight. Napalunok pa siya.
"Mas masarap ako riyan," Ayder whispered on her ear. Masyado bang halata na nagustuhan niya ang nakikita sa mesa o napansin nito ang paglunok niya?
"Crazy!" irap niya rito.
"Wanna find out later?" he asked enough for her to hear. Hinampas naman niya ito nang mahina sa braso. Natawa naman ito sa inasal niya.
"Hey, tama na muna 'yan. Kumain na muna tayo," saway ng mommy nito sa kanila. Nagkatinginan tuloy sila ni Ayder. Pinaningkitan niya ito ng mata samantalang ito naman ay kumindat saka ngumiti nang nakakaloko. Mas masarap ba talaga ito kesa sa pagkain? She looked at his chest. Bumabakat kasi ito sa suot na semi-fit shirt. She swallowed at her own imagination and tried to brush it off.
When she look up at Ayder, he was smiling. Kinabig siya nito at hinalikan sa tuktok. "Later, baby," he whispered on her ear. Pinanayuan pa siya ng balahibo.
"Kain na nga raw," rinig niyang sambit ni Desiry. Nang tingnan niya ay naiiling nitong binawi ang tingin sa kapatid.
"Let's eat," kaswal namang anyaya ni Ayder. He led her to the sink on the corner of the cottage to wash their hands. Biniro pa siya nitong huhugasan na ang mga kamay niya pero binawi niya dahil baka masita na naman sila.
Eating with Ayder's family was fun. Parang bonding yata ng mga ito ang kumain. Mabuti na lang talaga wala siyang sinusunod na diet. They were all so full after. Tahimik silang umupo at nagpahangin habang inililigpit ng staff ang mga pinagkainan nila.
"I'll go swimming. Ate, sama ka?" tanong ni Deshima matapos ang ilang minutong katahimikan. Nakatingin ito sa kanya. Gusto rin sana niya dahil mukhang nag-aanyaya ang dagat at hindi rin masyadong matingkad ang araw pero wala siyang dalang damit.
"Nope, we're going somewhere else," sagot ni Ayder bago pa man siya magsalita. Tiningnan niya ito pero hindi na lamang nagprotesta. Maybe he will tour her around.
"Ayder, no monkey business, okay? Bata pa kayo," his dad reminded.
"Like how old are you when you got married, dad?" biro ni Ayder. Natawa naman ang mommy niya. Matatawa rin sana siya dahil naikuwento na ni Ayder ang tungkol sa love story ng mga magulang nito pero sumingit si Desiry. "And what happened after?" seryoso nitong sabi. Tinitigan nito ang kapatid na binata.
"-is history!" Ayder answered in the same tone. Ngumisi si Desiry bago nagbaba ng tingin. She shook her head and stayed quiet. May iba sa reaksyon nito na hindi niya mawari pero ayaw naman niyang mag-isip ng kung ano-ano. Ayaw lang siguro nitong ulitin ng kapatid ang pagkakamali ng mga magulang na nag-asawa ng maaga.
Magsasalita sana ang daddy nila pero tumayo si Deshima at inaya si Dirran na sumamang mag-swimming kaya nawala na ang usapan.
"Pasyal lang kami sa isla," sambit ni Ayder nang makaalis ang dalawa saka siya inalalayang makatayo. Nagpaalam naman siya sa mga ito.
They walked inside the two-storey resort hotel. Maliban sa ilang staff na palakad-lakad, wala nang katao-tao sa lugar. Napahawak siya kay Ayder nang tunguhin nito ang isang pasilyo at huminto sa tapat ng elevator. It opened when Ayder scanned his eyes.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya rito nang igiya siya papasok.
"Mag-eexperiment," tugon ng binata saka ngumiti nang makahulugan. Her eyes narrowed remembering the scene in the bio lab.
"Iba na naman 'yang iniisip mo!" Napakislot siya nang pitikin siya ni Ayder sa noo saka tumawa. Napakurap pa siya. The elevator went down instead of going up.
Reception desk ang bumungad sa kanila pagbukas ng elevator pero wala namang tao. She felt cold kaya kumapit siya kay Ayder. Tumapat ito sa pintuan na awtomatikong bumukas nang ma-scan ang mukha nito.
Her eyes widened when they went inside. It was a large chemical laboratory. May glass partitions ang bawat sections at kitang-kita mula sa hallway ang mga machines na gumagana sa bawat partitions. This wasn't her first time to see a chem lab, but it was different because it was unmanned. Naglakad sila nang naglakad. Siya naman ay abalang iginala ang paningin sa mga machines sa loob. Saka lang siya nakakita ng tao nang marating nila ang quality control section. Sa mga sumunod na sections ay nakita na niya ang mga chemists na may kanya-kanyang ginagawa sa loob.
Sa huling section siya nakakita ng pamilyar na mukha. Kinawayan ito ni Ayder na ngumiti at lumapit sa sliding door na awtomatikong bumukas.
"Miss Samaniego," magalang niyang bati sa professor. She was really Ayder's aunt.
"Hello, Tita!" bati naman ni Ayder.
"Hey, Vance sweetheart, I want you meet one of my best student in Chemistry," saad nito habang nakatingin sa isang lalaking may kausap sa isang work table. Nang tumindig ito at tumingin sa kinaroroonan nila, pakiramdam niya ay nakakita siya ng holywood star. He was perfect if only he was as young as Ayder. He had green eyes and a perfect pair of lips and nose. Napakurap pa siya.
"Si Tito Vance, ka-triplet ni daddy," pakilala ni Ayder.
"Hello, you must be Ayder's---" he said with a smile. Mas lalo itong gumuwapo nang ngumiti. Even at his age, he could make any woman swoon. "Aira?" he added as he shook her hand.
Ayder's Aira? Napangiti siya. Hindi rin masyadong bolero ang tito nito.
"Yes, my Aira," Ayder answered. Inakbayan siya nito.
"Yung itinuro ko sa 'yo. Huwag mong kalimutan, ha," paalala nito sa pamangkin. He was grinning ear to ear.
"Ano'ng itinuro?" Nakataas-kilay na singit ni Ms. Samaniego. "Please Ayder, do not listen to your Tito Vance," dagdag nito. Tinawanan lang naman ito ng asawa saka kinabig at inakbayan.
They showed her around the section, but what fascinated her was when they went on the side of the room and Vance swiped his palm on the white wall turning it into a clear glass. There she saw underwater marine life. Nagsimula namang magbigay ng ilang impormasyon ang mag-asawa. Nasa ilalim pala ng dagat ang laboratory para walang maperwisyo. Ang mga chemical wastes din ay ginagawang marine foods at bio-friendly chemicals.
Hapon na nang makalabas sila ng lab. "May executive suite sa second floor," pahabol pa ng Tito Vance nito nang ihatid sila sa elevator. Pinagalitan naman ito ng asawa kaya natawa na lang siya.
Ipinagpaalam na siya ni Ayder sa pamilya nito nang bumalik sila sa cottage dahil malapit nang magdapit-hapon. Ihahatid pa siya nito pauwi.
They had dinner at the Empire Hotel before going home. She was happy to know Ayder's family little by little. Sabi kasi nila kapag daw ipinakilala sa pamilya ng lalaki ibig sabihin seryoso ito sa babae. She hopes so.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top