Chapter 4
__________________
A/N: Hello! Sorry kung hindi ito na-update nang matagal. Alam n'yo na first trimester feels, first pregnancy at 35. Wala akong gustong gawin buong quarantine period kundi kumain at umupo. Ayaw ko gumawa ng kahit ano. Siguro, gawa nang matanda na nag-asawa at nabuntis, nag-iinarte lalo na't alagang-alaga. Hahahaha.
Sa mga nagtatanong po, this is the other side of Breaking His Callous Heart. May tatlo po siyang sides- Aisha, Aira and Ayder's. Don't worry short novels lang bawat isa. Puwede n'yo pong balikan kapag buo na para less hassle. Kung kailan matatapos? Hindi ko rin alam. Hahaha! BUT THANK YOU SO MUCH for patiently waiting. Take care and may God bless you all.
_________________
"Sabi mo may klase ka? Bakit wala namang tao?" nagulat pa si Aira nang biglang may magsalita. It was Ayder. Tiningnan lang naman niya kung totoong nakadisplay sa lab ang specimen na ipinasa niya. Ni hindi niya napansin na sumunod pala ito.
Lumabas kasi saglit ang lab-in-charge pagkatapos siyang papasukin. Kilala naman siya nito kaya pinagkatiwalaan siyang mag-stay sa loob. Sinabihan lang siyang i-lock ang lab kapag hindi pa ito nakabalik agad.
"Sumaglit lang naman ako rito bago pupunta sa klase ko," sambit niya.
"Wala ka naman talagang klase," natatawa nitong sambit. Sasagot sana siya nang makarinig sila ng usapan sa labas. Sinenyasan siya ni Ayder na tumahimik kaya hindi niya naituloy ang sasabihin.
"Sakto walang tao," sambit ng lalaki pagpasok sa lab kasunod ang isang babae. The two seem like couples. Nakatago naman sila ni Ayder sa eskaparate kaya hindi sila masyadong pansinin.
"Dito na, mabilis lang naman," sambit ng lalaki na parang nagmamadali.
"Baka may tao," luminga ang babae pero sa kabilang side ng lab.
"Wala, nakasalubong ko kanina yung in-charge dito," giit ng lalaki. Nagkatinginan sila ni Ayder. Pinipigilan nito ang matawa. Siya naman ay nagugulahan sa sense of urgency ng dalawa. She only get what was happening when the man kissed the girl. Napalunok siya. What? Biglang bumilis ang tibok ng puso at pinamulahan ng mukha. What are they doing?
Gusto niyang magsalita para patigilin ang dalawa pero walang lumabas na salita sa bibig niya. In a split second, nakita niyang nagtanggal ng belt ang lalaki at ibinaba ang pantalon. Nakatalikod ito mula sa direksyon nila. Nakasandal naman ang babae sa isang lab table. Tumalikod siya at nasapo ang dibdib. Pakiramdam niya ay aatakihin siya sa puso. Pinagpawisan siya nang malapot nang marinig niya ang mahihinang halinghig ng babae.
When she opened her eyes, Ayder was staring at her with a mischievous grin. Kumindat pa ito. Naningkit ang mga mata niya. Saka lang siya nagkalakas-loob na tapikin ito para pigilan ang dalawa sa ginagawa. Umayos siya nang tayo.
"Hoy!" she shouted facing the two. Nakababa na ang suot na panty ng babae at nakataas ang skirt. Natigilan ang dalawa. Mukhang hinugot pa yata ng lalaki ang nakabaon nang pag-aari nito sa babae. Mabilis nilang inayos ang suot na damit saka tumakbo palabas ng lab.
Ayder laughed as the two ran away.
"You're so mean to them," he said laughing.
"Bakit kasi dito sila gumagawa ng milagro?" wala sa loob niyang sagot.
"Bakit saan ba dapat?" natatawa nitong sambit. Natawa rin siya nang mapagtanto ang nangyari. Namawis pa siya na hindi niya maintindihan.
"Tara na nga," sagot na lang niya. Natatawa naman itong sumunod sa kanya papunta sa pintuan. Siya namang pagpasok ng lab-in-charge. She was a middle-aged woman. She eyed them skeptically as they walk towards her.
"Ano'ng ginawa ninyong dalawa rito?" nagdududa nitong tanong. Napakunot-noo pa siya at tumingala kay Ayder na nagkibit-balikat lang.
"T-tiningnan ko lang po yung specimen," kaswal sana ang pagsagot niya pero ewan niya kung bakit siya nautal. Tumango-tango naman ito.
"Bakit pawisan ka? Malakas naman ang aircon dito sa loob?" muli nitong tanong. Hindi pa siya nakapagsalita.
"Po?" gulat niyang sambit. Ang lagay sila pa ang napagkamalang may ginagawang kababalaghan?
Ayder chuckled.
"Binibiro ka lang ni Ms. Lena," natatawa nitong sambit sabay hawak sa balikat niya. Tumawa naman ang ginang.
"Joke lang 'yon, Aira. Mabait 'yan si Ayder, hindi ka niyan gagawan ng masama," natatawa nitong sambit saka natawa nang mahina.
"Sige po, Ms. Lena, mauna na kami," paalam nito. Tumango naman ito. Kilala yata lahat ng binata ang mga empleyado ng eskuwelahan.
"Kilala mo ba lahat ng empleyado dito sa IS?" tanong niya nang makalabas sila. Ayder chuckled.
"Sus, kung ano-anong tinatanong. Iniiba mo lang ang topic para hindi mapag-usapan ang nangyari kanina sa loob," he said with a grin. He pulled her close and kissed her hair. Saka lang niya napansin na nakaakbay pala ito sa kanya hanggang paglabas nila sa hallway. Napatingin pa sa kanila ang mga kasalubong na halatang narinig ang sinabi nito. Their eyes were suspicious. O baka naiinggit lang.
"Bakit kailangan mo akong akbayan?" taas-kilay niyang tanong.
"Baka kasi bigla kang maghanap ng partner. Na-curious ka sa ginawa ng dalawa," may himig pagbibirong sambit nito
"What!?" Tumigil siya sa paglalakad at humarap dito. Though it was intended to be a joke, it sounded off to her. She brushed his arm off her shoulder.
"I'm just kidding. Basta nandito lang ako kung kailangan mo ng ----," ibinitin nito ang sasabihin.
"Kailangan ng ano?" taas-kilay niyang tanong kahit alam naman niya ang tinutumbok nito.
"Kausap," he answered with a chuckle.
"Ang saya mo rin 'no?" she commented. Naalis na ang pagkainis niya. Batid kasi niyang tinutudyo lang siya nito.
"Birthday kasi ng kapatid ko kaya masaya ako," Ayder responded.
"Weh?" Gusto mo rin siguro yung nakita mo 'no?" ganting-biro niya.
"Bakit gusto mo rin ba?" Ayder's face turned serious.
"Bastos!" hindi niya napigilang hampasin ito ng mahina sa braso.
"Joke lang." Ayder laughed. Inakbayan siya nito at sinabayan nang maglakad ulit. It's as if they've been together for a long time. Namalayan na lang niya ang sariling nakikipagbiruan na rito.
They stayed at the canteen eating nachos and fries and talking just about anything for about an hour and a half. Inihatid pa siya nito sa susunod niyang klase.
She was surprised to see him outside their classroom after her class, but she didn't dare ask anything. Nakangiti itong lumapit at kaswal na sumabay sa kanya pagsakay sa elevator.
"Do you have a curfew at home?" tanong nito nang maglakad na sila papunta sa parking. She stopped and stared at him. She wanted to say yes, but she shook her head instead. Ayos lang naman kasi sa parents niya na ma-late siya ng uwi basta i-text niya kung nasaan siya at kung anong oras siya uuwi. She had that freedom when she turned 18 and started driving her own car.
"Great! Pasyal muna tayo at mag-dinner na rin sa labas after," he stated. Nagulumihan siya. He smiled then pursed his lips awaiting for her approval. She looked at him in the eyes.
"Sige," napatango niyang tugon. There was something in his eyes today that is hard to resist.
"Give me your car key, doon ka na lang sa kotse ko sumakay. Isusunod na lang ng driver ko 'yang sasakyan mo," saad nito. She handed it without a doubt. Iginiya siya nito patungo sa sasakyan nito.
When he opened the passenger door to his car, a bouquet of flowers met her eyes. Kinuha nito ang palumpon sa upuan ng sasakyan saka nakangiting iniabot sa kanya.
"Happy first weeksary!" he said. His dimple appeared.
"First weeksary?" naguguluhan niyang tanong kahit na may parte ng puso niya ang sumikdo.
"Happy first date as couple na lang kung ayaw mo," he said with a chuckle.
"Huwag mo nga akong pinaglololoko," ingos niya rito. Natawa naman ito.
"Sumakay ka na nga baka magbago pa ang isip mo, i-break mo pa ako," natatawa nitong sambit. He guided her to sit and so she did, just like that..
They were like ordinary couples hanging around the mall. Ipinagbili pa siya nito nang kung ano-ano. And because she loves reading, they also went to the bookstore, doon niya nalamang mahilig din pala sa astronomy ang binata.
After dinner, Ayder took her to a private house. Ninerbiyos pa siya,pero iginiya siya nito sa isang malawak na lawn kung saan kitang-kita ang kalangitan. There was less smog in that area kaya't kitang-kita ang kalangitan.
"Kanino 'tong place? Akala ko hindi kita ang mga bituin dito sa kalakhang Maynila. Sa probinsiya na lang kasi ako nakakapag-star gazing," saad niya nang hindi makapaniwala.
"Sa amin, my uncle helped me mapped this out. He's a real genius," may pagmamalaki nitong saad.
Napatango siya. She knew he was referring to Miss Samaniego's husband. Parang gusto niya tuloy makilala ito.
He led her towards the middle, where a mat with pillows are placed. Magkatabi silang humiga at tumingin sa kalangitan. They both enjoyed drawing with their finger tips of the visible constellations and stars. He was equally knowledgeable and she was happy to find it out.
It was past eleven when Ayder reminded her of going home. Nawili na pala siya masyado. She didn't want to end the night. Wala rin naman kasi silang pasok kinabukasan pero pinangunahan siya ng hiya kaya tumayo na lamang siya at naghanda. Wala silang imikan kahit hanggang sa loob ng kotse.
"Thank you for this wonderful night," she told Ayder. Nakarating na kasi sila sa tapat ng bahay nila.
"No, thank you for making it a wonderful night," he said sincerely. Napatango siya at napangiti. For the first time in her life, she got mesmerized by a man. Hindi dahil sa kaguwapuhan nito kundi dahil sa personalidad nito.
They stayed silent for a while before she earned the courage to hold the car door. Bubuksan na sana niya pero muli siyang tumingin kay Ayder. In a split second, she moved closer and kissed his cheek.
"Thank you," she mumbled. Napakurap pa ang binata sa ginawa niya. Maybe it surprised him. Ngumiti ito at tumango.
When she was about to open the door, Ayder pulled her head and kissed her on the lips. Napabitaw siya sa pintuan. When he moved his lips to deepen the kiss, she raised her hands on his nape and welcomed him. He gently pushed his tongue inside her mouth and tasted her fully. Her head was spinning at the sensation. It was her first kiss and it tasted heaven. Her stomach fluttered in unidentifiable sensation. It took few minutes before Ayder pulled away. She was gasping for air. Yuamakap ito sa kanya nang mahigpit. She buried her face on his chest.
"Good night, my sweet Aira," he mumbled in her ear when he finally let go of her embrace. Her face was burning hot but she couldn't feel any reservation.
"Good night," sambit naman niya. She held a deep breath before opening the car door.
Paglabas niya ng kotse, hawak-hawak na ni Ayder ang mga paperbags ng mga pinamili nito para sa kanya. He went to her car and put them inside. Kinuha nito ang susi ng sasakyan mula sa lalaking nakatayo sa tabi ng kotse niya saka bumalik sa kanya at iniabot.
"Tulog na yata ang parents mo," tumingala ito sa bahay nila. The lights were off except the lights on the garage and front porch. Napatango naman siya.
"Pasok ka na sa loob," sambit nito. She shyly nodded. Binuksan niya ang gate saka pumunta sa sasakyan at ipinasok sa garahe. She went back to close the gate. Pinanood lang naman siya ni Ayder.
"Good night," she said before closing the gate.Tumango naman ito. She waved at him as she went to their main door. Saka lang naman ito tumalikod nang makitang papasok na siya sa loob ng bahay.
"Boyfriend mo na?"
Halos mapatalon siya nang marinig ang boses ng ama. Tumayo ito mula sa couch.
"Daddy naman," nahihiya niyang sambit. Tumawa naman ito nang mahina.
"Please don't tell mom, she's too nosy. I will tell her when I'm ready," saad niya. Muling natawa ang ama.
Lumapit ito sa kanya at tinulungang bitbitin ang mga dala niya.
"You're old enough to decide on that. May tiwala rin ako sa 'yo. Just take care of yourself, okay?" saad nito. Magkasabay silang umakyat ng bahay. Inihatid siya nito sa kuwarto.
"I know the Filans are good people, but you still have to very careful, okay?" paalala ulit nito.
"Yes, dad!" tango naman niya.
She went inside her room feeling relieved. This day had just turned out to be the best day of her life so far.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top