Chapter 3

Aira hates it when men ogle at her, but now she hates it even more when girls do. Hindi rin siya sanay nang tinataasan ng kilay.

"Huwag mo na nga kasi akong sabayan papuntang klase ko," bulong niya sa lalaking kasabay. Talagang hindi siya nito iniwan sa canteen kanina. Tahimik naman ito at hindi siya ginagambala kahit na nagkunwari lang naman siyang nagre-review ng notes.

He only signaled her to walk on and didn't say anything. Kung ma-attitude lang siya baka pinamilugan na niya ito ng mata. She only inhaled deeply and decided to ignore the students on the hallway. Kung bakit ba kasi ang prominente ng lalaking kasabay niya kahit na nasa International School sila. Ang dami namang foreign students at iba na may lahi rin pero marami pa ring nagkakagusto rito. Was it because his family owns the biggest share of stocks in their school?

Napatingin ang mga classmates niya pagpasok sa classroom, akala niya maiiwan si Ayder sumama pala ito sa loob. They all have that questioning look in their eyes. Nagkibit-balikat lamang siya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng classmates niya. She sat on the third row and made sure there was no vacant seat beside her but Ayder faked a cough. Kaya boluntaryong lumipat ang lalaking katabi niya.

"Okay na ako dito, puwede ka nang pumunta sa klase mo," bulong niya rito. Ayder stared at her before speaking.

"I don't have a class until 4 P.M." he whispered. Hindi siya nakapagsalita nang hawiin nito ang buhok niya. He tucked the strands of her hair behind her ear and smiled. She felt awkward and averted her gaze only to see her seatmate's teasing smile.

"Boyfriend mo?" bulong nito. Umiling siya. Good thing their instructor came in. Everyone looked infront as she started to give an overview on what to do for the session. They all listened as she started discussing some topics. Nagbigay ito ng tanong at tumingin kung sino ang puwedeng sumagot nang makita si Ayder. They allow seat-ins in their classes kaya okay lang na nandoon ito. Nagbigla lang siguro.

"Oh, my most brilliant student in Physical Science is seating in my Biology class,"she exclaimed looking at Ayder. Lahat sila ay natuon ang atensyon rito.

"Nagsawa ka na ba sa business subjects mo? I told you, mas bagay ka sa Science or medicine courses," the instructor went on speaking without minding the whole class. Ayder glanced at her before looking at their instructor with a shy smile as he shook his head.

"Will you explain to the class how thermodynamics is applied in biological science?" she said redirecting the question to Ayder. Nahihiya naman itong tumayo. All of them stared at him with awe as he discusses how thermodynamics is applied to form carbohydrates and its application in bioengineering and biotechnology.

Napalunok siya. How brilliant could he be? Iyon kasi ang binabasa niya kanina sa canteen at alam niyang tama ang sinasabi nito.

She was silent the whole class.

"Hindi mo naman ako kailangang samahan kung saan-saan," sambit niya paglabas nila sa classroom. It was already 3:00, just in time for snacks. Her next class is also at four o'clock.

"Don't worry, kapag natapos ang investigation ng tungkol sa pagka-flat ng kotse mo, hindi na kita babantayan. That's what I promised to your dad," he answered flatly. Napatingin siya rito. Pakiramdam niya ay nasaktan ito sa pagtataboy niya. Hindi kasi maipinta ang mukha nito. Huminga siya nang malalim at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungo sa elevator. Their school is a 20-floor building with large land area. Ang bawat courses ay magkakaiba ng floor pero mayroon silang common canteen na nasa iisang floor. Limited lang ang number of students. International School kasi, may sinusunod silang standards and only few can afford it.

"Don't worry the admin says, within this day, makakapagbigay na sila ng full report," he added. She nodded in response. Hindi niya alam kung bakit siya naman ang nadismaya. Hindi na lamang siya nagsalita. Tahimik sila pareho nang nasa loob na ng elevator. When they went out at the canteen floor, they both went into a stall and ordered food before walking to a vacant table. Pareho silang tahimik na naupo.

"Bakit hindi ka kumuha ng science courses kung doon ka pala magaling?" tanong niya nang hindi matiis ang katahimikan. Ayder stared at her. Matagal bago ito sumagot.

"Why do I need to study something I already knew or I can study myself?" balik-tanong nito.

It should've have sounded boastful but he said it profoundly that it sounded ideal. Tumango na lamang siya at hindi nagsalita.

"My uncle owns a pharmaceutical and chem lab," Ayder said breaking the silence. Napatingin siya rito.

"Your instructor is actually his wife. She teaches part time out of passion," dagdag nito.

"Si Miss Samaniego?" pagka-klaro niya. Ayder nodded.

"Itinuro na niya 'yon sa akin nasa high school pa lang ako. Baka tiningnan lang niya kung naalala ko pa," he said with a small smile. Siya naman ang napatango. They aren't just billionaires, they are also intelligent people.

"Uncle mo sa mother side?" tanong na lamang niya. Hindi kasi sila magkaapelyido.

"Father side. Hindi lang niya ginagamit ang Filan na apelyido dito sa school. She doesn't want to intimidate people."

Napatango siya. She felt like the more he volunteers information the more she wants to know about his family. Parang ang interesting nilang tao. Magtatanong pa sana siya pero may nag-serve na ng pagkain nila kaya kumain na lamang muna sila.

It's surprising how their simple conversation made her feel at ease. Gusto pa sana niyang makipagkuwentuhan pagkatapos nilang kumain pero may tumawag rito sa smartphone. She received a message as well telling her to report at the guidance office right away. Itinawag pala ng guidance kay Ayder na may full report na ang imbestigasyon tungkol sa sasakyan niya samantalang siya ay itinext lang.

They both went to the guidance office. Doon nila nalaman na may mga estudyante palang nang-trip lang na butasin ang mga gulong ng sasakyan niya. They showed them the CCTV footage and it has nothing to do with Reigan. Nagkataon lang pala na napadaan ang mga ito. Nasa kabilang room na raw ang mga salarin at binabasahan ng sanction.

Hindi niya alam ang mararamdaman nang makalabas sila ng guidance room. Mag-aalas-kuwatro na kasi, kailangan na nilang pumunta sa kani-kanilang klase.

Ayder faked a cough. Pareho kasi silang nakatayo sa harap ng guidance. Paano magkaiba sila na sila ng pupuntahan. Sa lower floor ito at siya naman ay sa upper floor.

"Dadalhin daw ng driver sa shop ninyo ang kotse mo rito mamaya sabi ng daddy mo kaninang umaga. In case, hindi madala ang kotse mo, you may call my number, I can bring you home," he said. Napatingin siya rito at hindi nakapagsalita.

"Hand me your phone," he said. It was more of a command than request. She didn't know why she immediately obliged without second thoughts. Ini-unlock niya ito bago iniabot sa binata.

Ayder smiled as he tapped her phone.

"Hatid kita sa room mo?" tanong nito nang ibalik ang phone niya.

"Huwag na baka ma-late ka sa klase mo," she finally said. Tumango naman ito. Wala siyang choice kundi panindigan ang pagtanggi. Parang slowmotion pa ang paglakad niya palayo rito. She did not look back. She's afraid she might feel something she wasn't prepared to.

Pakiramdam niya ay napakatagal natapos ng klase niya. She went at the parking right away. Nawala pa ang excitement niya nang makita ang kotse niya sa parking space.

She pulled out her phone. Nagdalawang-isip kung tatawagan ba si Ayder o hindi. Sa huli, naisipan na lang niyang mag-message ng thank you at sinabing nandoon na ang kotse niya. She received no reply. Hanggang sa makauwi siya ay wala itong sagot.

Napakibit-balikat na lang siya. Boyfriend lang ang peg kaninang umaga tapos wala nang reply.

Ilang araw niya itong hindi nakita. Iisa lang din ang canteen floor nila at parking area pero hindi pa niya ito nakikita ni minsan. Tinudyo tuloy siya ng ilang classmates niya na flavor of the day lang siya ni Ayder. Buwisit. Maybe Ayder is also one the billionnaire brats in the school at alam iyon ng mga classmates niya. Sila kasi ang mahilig mang-stalk sa buhay-buhay ng mga schoolmates nila.

Papunta siya sa bio lab nang madaanan ang lounge area ng mga maintenance personnel. Parang nagkakasayahan ang mga ito pero ang lubos na ipinagtaka niya ay nang makita si Ayder sa loob. Na-curious tuloy siya at napasilip. Laking gulat niya nang may tumapik sa balikat niya. Si manang Cecille pala.

"Birthday raw ng kapatid ni Ayder kaya nagdala ng pagkain. Halika sa loob," anyaya nito. Napailing naman siya.

"May pupuntahan pa po ako. Sige po, mauna na ako," magalang niyang tugon sa ginang. She glanced inside the room before leaving. Sakto namang napasulyap si Ayder. Her heart skipped a beat especially when he waved with a smile. Hindi niya tuloy alam kung aalis na o kakaway rin. Bago pa man siya maka-react, lumapit na ito sa kinaroroonan niya.

"Saan ang punta mo? Samahan na kita?" he asked right away.

"Hindi na. Papunta lang naman ako sa klase ko," alibi niya. Saka naglakad na papuntang bio lab. Nakaramdam na naman kasi siya ng pagkaasiwa at hindi rin niya alam kung paano kontrolin ang biglang pagbilis ng pintig ng puso niya.

"Hey, Aira!" he shouted but she walked as fast as she can.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top