Chapter 14

Tinawagan ni Aira ang kapatid kinagabihan at pumayag naman nito. Na-excite tuloy siya.

"That would be good. I'm going to make reservations," saad ng kanyang kapatid.

"Ako na, ate. Alam kong busy ka sa business natin. Baka nga stressed ka na. I know you never liked to manage our car shops." She chuckled softly. Kahit siya ay natuwang marinig ang sarili niyang tumatawa sa maliit na bagay. Matagal na panahon na palang hindi siya natawa ng ganoon.

"Great. Thanks," her sister answered energetically.

"Wala iyon ate. Ikaw pa?" natatawa ulit niyang tugon. Sandali itong natahimik sa linya bago nagsalita

"So, how are you really?" Aisha started.

"I mean, is it okay to talk about Ayder Filan now?" tanong nito. Huminga siya nang malalim. She unconsciously smiled at the thought of Ayder. She still have what ifs, but she now accepts the fact 'theirs' was a book that she must finally close.

"Wala na 'yon, ate. Baka nga talagang hindi lang kami para sa isa't-isa. You and mom are right, I still have a bright future ahead," magaan niyang sagot.

"A-ano ba talagang nangyari sa inyo? Ginawan ka ba ng masama?" tanong ulit ng ate niya. Napakunot ang noo niya sa tanong nito pero naisip niyang baka ito ang naging sapantaha ng ate niya dahil sa nangyari sa kanya.

"Ayder is the nicest man I knew. Akala ko nga talaga kami na hanggang sa huli. Kaya lang bigla na lang niya akong iniwasan." She sighed. Hindi naman niya maitangging sa mga panahong nagkasama sila ng binata ay sobra siya nitong inalagaan. Hindi rin siya nito ginawan ng masama. Siya lang naman ang hindi agad nagtiwala rito. Ayaw na niyang sabihin sa iba ang nakaraan nito at totoong dahilan ng pag-iwan nito sa kanya. Kahit iyon man lang ang maisukli niya sa lahat ng naging kabutihan nito.

"When I got the chance to confront him, he said he never loved me at all." She added inhaling deeply. Napangiti siya. She chose not to taint Ayder's image to her sister. It's the least, she can do for him.

"Maybe that's just it. Hanggang doon na lang siguro ang parte ko sa buhay niya. Self-destruction will not bring him back to me," she added with sincerity.

"I'm glad you can already see things clearly," saad naman ni Aisha.Napatango na lamang siya kahit na hindi naman nito nakikita ang reaksiyon niya.

"Are you sure, he never hurt you physically?" naniniguro pang tanong ng kapatid. Marahil ay nag-aalala lang ito sa kanya.

"Ayder won't ever do that to anyone. He was too good to be true." She was sincere with that. Naniniwala naman talaga siya sa kabutihan ng binata sa kabila ng pangit nitong nakaraan.

"But he was able to hurt you," komento niya.

"Perhaps yes, but it was a different story," she answered.

"Gabi na ate. I'm sure pagod ka sa trabaho. You need to rest," Aira muttered to end their conversation.

"Mabuti pa nga," sang-ayon naman nito. She inhaled deeply as she turned of the call.

She felt relieved to finally let go of all her anger against Ayder. Iyon naman kasi ang dapat.



Days went by so fast. Excited kasi siya sa kanilang bakasyon na mag-iina kaya lang isang araw bago sila tutulak pa-Manila para sa flight nila, nag-cancel ang ate niya. May malaking kliyente raw ang kanilang car shop na nagpa-schedule ng meeting at hindi maaaring tanggihan. Nalungkot sila ng ina pero wala naman silang magagawa. Sayang din kasi ang mga reservations nila dahil non-refundable ang mga nakuha nilang bookings.

Umuwi sila ng Manila at tumuloy muna sa bahay nila dahil kinaumagahan pa ang flight nila. Gabi na silang nakauwi pero hindi nila nadatnan ang kapatid sa bahay, hindi rin nila ito ma-contact.

Her room felt nostalgic, which made her awake until midnight. Na-imagine niya kasi ang mga panahong ikinulong niya ang sarili sa loob nito. Parang ang hirap paniwalaan na nalagpasan niya ang mga iyon. Kinailangan pa talaga niyang makagawa ng hindi kanais-nais sa sarili para matauhan.

She got up when she couldn't still sleep. She needs to breathe in some air. She drove her car around the city. Nakaka-miss din palang gumala. She was driving along when she saw her favorite bar. Ito ang lagi niyang pinupuntahan noon kasama ang mga barkada noong mga panahong umalis si Ayder at bago nadisgrasya ang ama.

The bar looked the same. She particularly liked that place because it was a non-smoking area inside. Inom lang talaga. There is a designated place for smokers on a veranda on the second floor. She inhaled deeply as she fully stepped inside. Maybe she needs a little drink. She only took a shot of tequila. Kailangan niya kasing umuwi dahil maaga ang flight nila.

Nakalabas na siya sa exit nang makita ang ate Aisha niya na may kayakap sa 'di-kalayuan. Huminga siya nang malalim at pilit pinayapa ang sarili. Kahit nakatalikod ang binata ay alam na alam niya kung sino ito.

"Ayder," she mumbled unsconsciously. Her heart beats faster. Napahawak siya sa dibdib. It trembled when she saw him cupping her face. Hanggang sa nagyakapan ang mga ito.

Her heart sank. She took a step backwards. Nakita niyang tumingin ang ate niya sa direksyon niya bago siya tuluyang tumalikod at umalis sa lugar.

Kahit natanggap na niyang wala na sila ni Ayder, masakit pa rin palang makita ito sa piling ng iba, at sa ate niya.

She was crying while driving her car. Inihinto niya muna ito sa gilid nang hindi makalma ang sarili. Ayaw na niyang gumawa ng bagay na pagsisisihan niya. Bata pa siya. She has a beautiful life ahead of her inspite of her brokenness.

Ayaw na niyang balikan ang panahong naging miserable siya at hindi naalagaan ang sarili. Masakit lang talaga na ang ate niya ang ipinalit nito sa kanya.

She was wondering if they met abroad when Ayder went away. Kung kaya't tanong ng tanong ang ate niya tungkol sa naging ex niya.

Did he also admit to her sister about his past? Kaya tinatanong ng ate niya kung sinaktan siya nito noon physically?

Whatever it is. She still felt betrayed. Kung alam ng ate niya na naging sila ni Ayder dapat hindi na nito pinatulan out of delicadeza.

She cleared her mind. Nakararamdam na kasi siya ng galit kahit alam niyang tapos na ang sa kanila ng binata. Hindi dapat. Wala na siyang dapat pakialam kung sino ang mamahalin nito dahil matagal nang natuldukan ang sa kanila. Siya lang naman ang hindi nakatanggap noon.

Now, she must accept things as it is.

Huminga siya nang malalim saka nagpasyang muling magmaneho pauwi.

She prepared herself for the trip when she arrived home. Nagpasalamat siya na hindi kasama ang ate niya sa lakad nila. Otherwise, she wouldn't know how to act infront of her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top