Chapter 12
(A/N: Morbid Chapter. Parental guidance is recommended. Lol. Salamat po pala sa lahat ng naghintay sa akin. Nanganak kasi ako noong 2020 at 2021. Yes, magkasunod na taon. Congratulations to my husband. Haha! Humabol kami. I got married in 2019. I was 34, then. Gave birth at 35 and 36. I'm turning 37 this March. YES! 'WAG MAWALAN NG PAG-ASA mga tita. Haha! Darating siya sa panahong itinakda ng tadhana. Charot.)
_______________
The next days felt even more empty for Aira. Pakiramdam niya ay walang katuturan ang paggising. Her dad was gone. Ayder was gone, too. Lutang siya sa lahat ng ginagawa kahit sa harap ng hapag. She only eats because her sister Aisha fetches her on her room each and everytime.
Hindi rin siya makasunod sa mga pinag-uusapan ng mga ito. She can hear them, she could understand, but it seems like she cannot process her thoughts. She couldn't even say a word. Tanging tango at iling na lamang ang isinasagot niya.
Sumasama siya sa mga ito para maggrocery o kumain sa labas pero wala sa tamang hulog ang sarili niya.
Pakiramdam niya ay hindi bumubuti ang bawat araw na nagdaraan. Lalo na noong inihatid nila ang kapatid sa airport matapos ang mahigit isang buwan mula nang mamayapa ang kanilang ama.
Gusto ng mommy niya na manatili ito para sa negosyong naiwan ng daddy nila pero tumanggi ito. Naintindihan naman niya ang kapatid. Maging siya ay gusto na ring umalis at magpakalayo-layo pero hindi niya alam kung saan magtutungo at kung papaano at kung papayag ang ina.
Nagising si Aira sa mga yugyog sa braso niya. She lazily opened her eyes. It was her mom.
"Anak, hindi ka ba papasok sa school?" malumanay nitong tanong. Sinabi nga pala ng ina na binigyan siya ng tiyansang mag-cope up sa mga school requirements para makapag-midterm exam.
Ayaw na muna sana niyang pumasok pero ayaw niyang masayang ang effort ng ina na sumadya pa sa paaralan nila at kinausap ang mga propesor niya.
Paglabas pa lamang ng bahay nila ay muli na naman siyang ginapi ng lungkot pagkaalala sa amang naghahatid-sundo sa kanya kapag coding ang sasakyan niya.
Pinilit niyang labanan ang emosyon pero nang makarating nang paaralan, si Ayder naman ang naalala niya. Sobrang sakit lang talaga ang tuluyang pamamaalam nito. Mas masakit pa noong una itong hindi nagpakita kasi ngayon alam niyang tuluyan na itong nawala kung kailan nasa gitna siya ng pagdadalamhati sa pagkawala ng ama.
She eventually went to school everyday, but she felt like a robot. No more mind of her own. No more heart and soul.Naririnig niya ang mga lectures pero walang tumitimo sa utak niya. Paulit-ulit man niyang basahin ang modules ay wala pa rin. Her friends invite her out, but she kept refusing. Wala talaga siya sa mood. Inside her were shattered pieces, that gets pounded every single day that her dad and Ayder, the love of her life, are no longer part.
Walang nagawa ang mommy niya nang sabihin niyang ayaw muna niyang pumasok sa paaralan. It was like she didn't want to do anything. She just wants to stay on her bed. Pakiramdam niya ay laging pagod ang katawan at diwa niya.
She would open her social media accounts, but gets bored and eventually turns it off. She'd listen to music but ends up crying. She'd watch TV but her eyes were so tired.
Pati ang paghinga ay kinapapaguran niya. She was too tired to think of anything, but her mind would often imagine the what ifs.
What if hindi siya nabarkada? Hindi rin kaya madidisgrasya ang daddy niya?
She'd dwell on it until guilt consumes her being.
What if hindi siya natakot noon? Sila pa kaya ni Ayder hanggang ngayon?
Mababawasan panigurado ang lungkot niya. Ayder was good at making her feel better.
PERO wala na rin ito.
From the thought, Aira would start crying again and again. Makakatulugan ang pag-iyak pero sa halip na makabawi ng pagod pagkagising muli na namang bumabalik ang hungkag na pakiramdam. That emptiness felt like nothing and no one could ever fill dahil wala na ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya.
It was mid afternoon. She found the courage to open her social media accounts once again. Hindi niya napigilang bisitahin ang profile ni Ayder. Her heart pounded in pain when she saw his new picture. Naka-side view ito pero halatang maaliwalas ang mukha.
It made her feel even more hurt. Maayos na ito samantalang siya ay hindi na yata bubuti pa. The pain in her chest got worse at the thought. She pounded it using her fist. Mas lalo lamang siyang naiyak sa sakit hanggang sa habulin ang paghinga. It was the worst pain she ever felt in months. Napaupo na lamang siya.
She knew she had to liberate her feelings, but she had no one to talk to. So, she grabbed a paper and pen and wrote down all her angst about Ayder breaking her heart at the height of misery on her father's death.
Akala niya gagaan ang pakiramdam niya pero mas lalong sumikip ang dibdib niya. She went to her bathroom and filled the tub. Gusto niyang lunurin ang mga nararamdamang sakit pero walang nagawa ang malamig na tubig. Sobrang sakit na parang mas mabuti na lang na mawala siya kaysa maramdaman pa.
She went to grab a bottle of pain reliever capsules before going back to the tub. Uminom siya ng isa pero hindi pa rin mawala ang sakit sa dibdib niya. She grab another capsule. Hanggang sa mailabas niya lahat ng laman ng bote sa mga palad at wala sa sariling ininom ang isang dakot.
All she wants was the pain to subside.
Then, it happened.
She felt groggy before everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top