Chapter 10
Hindi maampat ang luha ni Aira nang may dumantay na palad sa balikat niya. The pair of sneakers infront of her as she wiped her eyes made her static. Unti-unti siyang napatingala. Her heart pounded fast as she stared at the face she longed to see for months.
"Ayder," she mumbled. Agad siyang tumayo at yumakap dito. Her eyes watered as she sobbed on his chest. Yumakap naman ito nang mahigpit.
"It'll be okay," he kept whispering as he caressed her hair down to her back. Mas lalo siyang naiyak. Hindi maampat ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi. It felt like it was the only embrace she needed in order to pour her heart out.
"I'm so sorry for your lost," Ayder mumbled. Inalalayan siya nitong makaupo saka humila ng upuan paharap sa kanya.
"Wala na si dad," sambit niya. Tinitigan naman siya nito.
"But you're back," she added with a smile amidst her anguish. Ayder didn't react. Huminga lang ito nang malalim. Hindi niya maarok kung ano ang nasa isip nito.
"I'm glad you came," she mumbled as she embraced him. Napapikit siya nang hindi agad ito yumakap. Nag-umpisa na namang manikip ang dibdib niya.
"I missed you, Ayder," she said as she wept another tear. She felt relieved when he caressed her back. Muli siya nitong inalalayan para umayos ng upo.
"Dumaan lang ako. Kagagaling ko lang sa airport," saad nito nang magkaharap na sila. Napatango siya. Maybe he went away after their breakup. Hindi na niya tinanong. She was too tired to still think of it. Ilang minuto silang naging tahimik at nakatingin lang sa kabaong ng ama.
Napatingin siya kay Ayder nang tumikhim ito.
"Would you be okay if I leave now?" tanong nito habang hawak ang magkabilang kamay niya. Napahigpit siya ng hawak rito. Muling nanikip ang dibdib niya.
"Sama ako," parang bata niyang sabi. Ayder caressed her hands as he stared at her.
"Your father needs you more, now," he said disagreeing to her. Napasulyap siya sa kabaong ng ama. Her heart crumbled realizing what he meant. Ayder was right. Huling serbisyo na niya ito sa ama.
Napatango na lamang siya kalaunan bilang pagsang-ayon.
"Balik ka ha?" pakiusap niya rito. Tumitig ito nang matagal bago tumango. He moved closer and kissed her forehead. She smiled as her tears rolled down again. Agad naman nitong pinunasan gamit ang mga hinlalaki.
"Take care of yourself, okay?" sambit nito bago siya binitawan. She only nodded in response. Gusto niya itong samahan palabas ng chapel pero pinigilan siya ng tiyahin. Bawal raw maghatid ng bisita. Naupo na lang din siya at pinanood itong umalis.
Ayder no longer showed up the next day and even during her dad's funeral.
"Aira, let's go," anyaya sa kanya ng ate niya nang sila na lang ang matira sa libingan ng ama.
"Mauna na kayo, ate, pakiiwan na lang 'yong sasakyan ko," sambit niya.
"Are you sure kaya mo nang magmaneho pauwi?" nag-aalala nitong tanong. She nodded slowly.
"Kung gusto mo, sabihan ko muna si Jezreel na antayin ka," suhestiyon nito. Si Jezreel ang pinsan niya na nagmaneho ng sasakyan niya kanina papunta sa libingan.
"Hindi na ate, ako na ang bahala," tugon niya. Tiningnan naman siya nito nang mataman bago tumango at nagpasyang mauna na.
Her heart sank staring at her father's grave. Parang doon lang lumabas ang lahat nang luhang kanina pa niya pinipigilan. Her dad was gone. Wala na ang taong gabay niya sa lahat ng bagay. Her shoulder shuddered as her tears rolled. How could she ever live each day without him?
"D-daddy..." her heart twinge in pain. Muling dumaloy ang masasaganang luha sa kanyang mga mata kasabay ng panghihina ng tuhod niya. Napasalampak siya sa sahig.
Akala niya sa pelikula lang nangyayari ang mga ganitong eksena pero kapag pala totoo na, hindi na mapipigilang manghina.
"Daddy ko!" pagtangis niya habang inaalala ang mga araw na sinusundo siya nito pauwi. Napahawak siya sa dibdib at hinabol ang paghinga. Her eyes watered some more. Hindi na niya alintana kung naghalo ang sipon, laway at luha. She had no energy to wipe them off her face.
"Ai, what are you doing to yourself?"
Mas lalo siyang naluha nang maramdaman ang mga bisig na umakay sa kanya patayo. It was Ayder. Hindi na niya aninag ang mukha nito dahil sa mga luha sa mata pero kabisadong-kabisado niya ang boses at yakap nito.
"Wala na si Daddy. He's gone forever," iyak niya saka sumubsob sa dibdib nito. Ayder held her tight and kissed her hair. He didn't say a word, but continued caressing her back. Hinayaan lang siya nitong umiyak sa dibdib.
Hindi niya alam kung ilang minuto siya sa mga bisig nito, naramdaman na lamang niya ang pagtuyo ng mga mata at pagtigil ng mga hikbi niya.
It didn't took long before Ayder held her chin and guided her to face him.
"Let's go?" anyaya nito. Gumaan ang pakiramdam niya nang masilayan ang mukha nito. Hindi siya nagsalita at nagpatianod na lang nang akayin siya nito papunta sa nakaparadang kotse. Iniabot niya ang susi ng sasakyan para ipaalam na nandoon ang sasakyan niya kahit alam naman niyang nakita na nito marahil ang sasakyan. Tumango naman ito at kinuha sa kamay niya saka iniabot sa driver nito na naka-stand by sa tabi ng sasakyan nito.
They rode on his car for quite awhile without any word. Nagpatianod ulit siya nang bumaba ito ng sasakyan at alalayan siya.
She found herself seating with him on a picnic table outside a café. Magtatakip-silim na pala.
"I know you haven't eaten anything yet. You have to eat, Aira," he said pushing the plate of pasta and a glass of lemonade towards her.
"Wala akong gana," tugon niya habang nakatingin sa plato sa harap niya. She swallowed hard to calm her aching heart down.
"I don't know what you are going through right now kasi never ko namang naramdaman ang mawalan ng ama," umpisa nito. Napatingala siya rito. His face spoke of empathy.
"But if this counts, I also lost my mother for more than a decade," he added. Gumuhit ang lungkot sa mukha nito pagbanggit sa ina.
"And I made it because I still had my sister and my dad. Sigurado akong makakayanan mo rin," alanganin itong ngumiti. She knew his parents' story, but never how Ayder felt about it.
"I know it's a different story, but despite all any lost, life goes on. It must," he said swallowing hard. He had a point. She inhaled deeply. Unti-unti siyang napatango.
She sip on her lemonade. Parang gumaan ang lalamunan niya sa pagdaloy ng malamig na inumin. She earned the courage to take a spoonful of pasta. She surprisingly continued eating until she finished her plate.
"Want more?" Ayder asked watching her. Umiling naman siya. Mas gumaan talaga ang pakiramdam niya ngayong nandito na si Ayder sa tabi niya. He seemed to magically set things okay. Pilit man ang pagngiti niya nang tingnan ito pero galing iyon sa puso.
They were silent for a while until they decided to go back to the car. Umangkla siya sa braso nito habang naglalakad. She felt like she needed his arm for support.
"Thank you for coming back," she mumbled as they settled on their seat. Nakita niya ang paglunok ni Ayder at pagtitig sa kanya nang diretso. Parang nanunukat ang tingin nito. She felt nervous at his reaction.
"Bakit iiwan mo ba ulit ako?" agad niyang tanong rito. Ayder inhaled deeply. She got nervous at his stare. She felt like he wanted to answer yes.
"Let's not talk about it now. Ihatid na muna kita sa inyo," saad nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
"No.I don't want you to leave. Not again, Ayder," pagsusumamo niya.
"I'm so sorry for prejudging you. God knows pinagsisihan ko 'yon." Yumakap siya rito nang mahigpit. Ayder was static. Pakiramdam niya ay muli na namang nagsikip ang dibdib niya.She only felt better when he caressed her back.
"I'll take you home. So, you can take a rest, okay? Sunduin kita bukas," bulong nito. His last remark calmed her heart.
Inihatid siya nito sa bahay nila gaya ng dati nilang ginagawa. Hindi na ito lumabas ng kotse dahil biglang may tumawag sa smartphone nito.
Dumiretso siya sa kuwarto pag-uwi at hindi na bumaba para maghapunan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top