7

“Three minutes before the impact.”

Napatingin ako sa system-generated na speaker sa taas ng bunker. Mayamaya pa ay nakita ko na rin ang isang maliit na bagay mula sa taas na tila ba palaki nang palaki. Ito na nga yata ang asteroid.

Narinig ko ang pagbukas ng bunker. “Miss, pasok ka na! May namatay na isa sa loob dahil sa atake sa puso kaya may slot na ulit.”

Napatayo ako nang narinig ko iyon. Hahakbang na sana ako papunta sa loob para makasama ko na si Heeseung ngunit agad din akong natuod sa kinatatayuan ako.

Nagtatalo ang dalawang bahagi ng isip ko. Kung papasok ako, tatanggapin ko na nang tuluyan na maging parte ako ng mundong ito kung saan masaya kami ni Heeseung. Kung mananatili naman ako sa labas, mamamatay ako sa asteroid at baka ito pa ang maging portal para makabalik ako sa tunay kong mundo.

Kailangan ko nang magdesisyon.

“100 seconds before the impact. 99. . . 98. . . 97.”

“Miss, ano na?”

Isang makahulugang tingin ang ipinukol ko sa sundalo. Sa puntong iyon ay isang desisyon ang aking nagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top