6
Ito na ang ikalabing apat na araw na magkasama kami ni Heeseung. Isa lang din ang ibig sabihin noon. . . ngayon na ang takdang araw ng pagbagsak ng asteroid.
Kailangan na naming magmadali patungo sa bunker. Kailangan kong mapigilan ang nakatakdang pagkamatay ni Heeseung.
Oo, iyon ang plot twist na inilagay ko sa akda ko. . . Na tagumpay na makararating ang dalawang karakter sa labas ng bunker ngunit dahil punumpuno na iyon ng tao ay isa lang sa dalawa ang papayagang makapasok. In the novel, Heeseung will insist the female lead to enter the bunker while him? He met his death when the asteroid fell from the sky.
I can't let Heeseung die. Iyan ang pangako ko sa sarili ko.
We parked the car not too far from the entrance. Sinalubong kami ng limang sundalo na buffed ang katawan.
“Papasukin n’yo kami, sir.”
Mataman kaming tiningnan ng sundalong pinaka-leader.
“Isa lang ang puwede, miss.”
Nanlumo ako sa napakinggan ko. Kung gayon, hindi ko pa rin talaga mababago ang parteng ito ng akda ko.
I smiled internally. Pwes, may paraan pa siguro para mabago ko ang ending ng kuwento.
Habang pinipigil ang luha ay hinarap ko si Heeseung.
"What did they say, Margaret?”
I forced a smile and held his hands. “They allow us to come in.”
“Really?”
I nodded continuously.
Isa-isang pinasalamatan ni Heeseung ang mga sundalo. Hindi niya alam, buong pait ko siyang tinititigan mula sa likod habang nagpipigil ng luha.
Nang matapos siya ay hinarap niya ako. “We’re safe, Margaret!”
“Yes we are.” Ewan ko kung nahalata niya ang pag-crack ng boses ko.
“Ten minutes before the impact.”
Napatingin kami sa leader ng mga sundalo na nagsalita.
“Go inside, Heeseung. I'll enter right after you.”
"Okay, Margaret."
Pina-escort-an ko si Heeseung sa isa sa mga sundalo. Nang tuluyan siyang makapasok ay saka ako napahinga nang maluwag.
“Your turn, Marga. . .ret?” Nawala ang ningning sa mga mata ni Heeseung nang makita ang ginagawa ko.
I’m walking. . . but backwards.
“Margaret!” Akma siyang lalabas pero pinigilan siya ng dalawang sundalo.
Sa puntong iyon ay tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.
“S-Stay there, Heeseung. Turn around and never look back, please?”
“B-But Margaret? You cannot stay outside. It's dangerous!” Sinusubukan niyang suntukin ang mga sundalo para makawala pero kulang na kulang ang lakas niya para magpumiglas.
Binalingan ko ang mga sundalo kahit tigmak ng luha ang aking mga mata. “Sige sir, ipasok n’yo na po siya.”
“N-No! Let go of me! Let go of me!” Tiningnan ako ni Heeseung. I felt a pang in my heart when I saw him crying. “Margaret, I love you. Please be with me.”
Gustong-gusto kong sagutin siya pero tuluyan na nilang ipinasok si Heeseung sa loob. Pagkatapos noon, isang nakabibinging tunog ang umalingawngaw sa paligid nang tuluyan na nilang selyohan ang pinto na gawa sa titanium.
Nanlulumo akong sumalampak sa mabuhanging lupa. Iniyak ko nang iniyak ang nararamdaman ko. Iyak sa tuwa dahil nabago ko ang tadhana, na nailigtas ko si Heeseung. At iyak sa lungkot dahil nabago ko man ang kinahinatnan ng akda ko, iisa pa rin ang pinatunguhan nito. . .
Trahedya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top