Simula

Tinignan ko ang isang simpleng kulay cream na bintana sa harapan ko. Isa itong painting na pinadala sa akin ng tita ko galing Cebu. Balita ko ay marami doong magagaling na artist. Lagi nya akong pinapadalhan ng paintings. Kahit ano ang naka-paint doon ay hindi bale na sa akin dahil maganda pumili ang tita ko. She's my favorite auntie among all Cordova's.

"Okay na ba 'to?" tanong ko sa isang maid namin.

Kumunot ang noo ko nang hindi sya sumagot. Tinignan ko ang bago kong yaya at tinaasan sya ng kilay. Hindi sya nakatingin sa akin at kasalukuyan nyang pinuputol ang mga kuko nya sa kamay.

Inis kong ibinato malapit sa kanya ang teddy bear ko dahilan para mataranta sya.

"Busy ka, yaya?" nakataas-kilay kong tanong. In a sarcastic way.

Nakita kong nanginig ang mga kamay nya kaya tumaas uli ang kilay ko, "H-Hindi naman po, Senyorita." halata ang kaba nya.

Naglakad ako palapit sa kanya at kinuha sa kamay nya ang nail cutter na ginagamit nya kanina, "Sa oras ng trabaho ay trabaho lang dapat ang atupagin mo. Hindi ka binabayaran ni daddy para gawin ang gusto mo." ani ko nang walang preno.

Natigilan sya at kahit ang kamay na nanginginig ay hindi na nya naigalaw. Kilala nya ako kung magalit kaya dapat ay alam nyang ayoko ang mga iresponsable.

"P-Pasensya na po... h-hindi na po mauulit."

Nginisihan ko sya at tinuro ang pintuan ko, "Hinding-hindi na talaga dahil mula ngayon ay wala ka nang trabaho. Labas!" singhal ko.

Nalaglag ang panga nya dahil sa sinabi ko pero hindi ko iyon pinansin at inis kong iniulit ang sinabi ko.

"Labas na!" sigaw ko.

"M-Ma'am, hindi po pwede iyon. M-Marami po akong anak. Nagtatrabaho naman po ako nang maayos. Hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho. Walang kakainin ang mga anak ko kapag nangyari iyon." halos maiyak na sya habang sinasabi iyon.

Umupo ako sa kama ko at humalukipkip, "Isa ka pala sa dahilan kung bakit pumapangit ang sistema ng bansa na'tin? Dahil sa inyong mga maraming anak ay humihirap ang ekonomiya na'tin! At isa pa, yaya, hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko. Labas na!" ani ko at tinuro ulit ang pinto.

Tinitigan nya ako na para bang sinusumpa nya ako dahil sa sobrang talim ng pagkakatingin nya sa akin. Well, hindi ako matitinag sa mga tingin na 'yan. Ganito naman lagi ang ekspresyon ng mga kasambahay namin pag napapatalsik ko eh. Para nila akong pinapatay sa isip nila. Tsk! As if naman takot ako sa kanila.

Pagkatapos nya akong tignan ng ganun ay lumabas na sya nang tuloyan ng kwarto ko pero wala pang isang minuto ay binalikan nya ang kwarto ko at hinablot sa akin ang nail cutter.

"Bwiset kang bata ka! Grade 6 ka palang ay sobrang spoiled mo na! Kung ako ay isa sa dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya sa bansa natin, ikaw naman ang dahilan kung bakit maraming naha-highblood! Bwiset ka talaga! Edi wow sa'yo! Sob–"

Hindi na nya naituloy ang sasabihin sana nang biglang dumating si daddy na naka-office attire pa. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap kaagad sya.

"Daddy! She cursed me! Narinig mo iyon, dad, hindi ba?" pagsusumbong ko sa kanya.

Bahagya nya akong inilayo sa kanya at pinameywangan ang yaya namin na parang tuod nang nakatayo malapit sa kama ko. Malapit na nga syang mapaupo dahil sa sobrang kaba sa akin. Buti nga sa'yo!

"No one dares to curse my daughter! Get out of this room if you don't want me to slap your filthy face!" sigaw ni papa sa kanya at wala pang limang segundo ay nagkukumahog na syang lumabas.

Pinaikutan ko sya ng mata nang tumingin uli sya sa akin saka binelatan ko rin.

"Where are you going, Nina?" tanong ng isang babae gamit ang Aussie accent nya.

Natataranta kong tinakbo ang distansya namin ni daddy at kaagad na nagtago sa likuran nya saka kumapit sa baywang nya. Hanggang baywang pa lang ako sa kanya kasi matangkad siya. Nasa 179 centimeters yata ang tangkad nya.

Mas humigpit ang yakap ko sa kanya nang marinig ang takong na papalapit sa kwarto ko.

"What did you do to our housemaid, Sapphire?" seryoso nyang ani at nagkibit ng balikat.

Dahan-dahan kong hinawakan ang laylayan ng suit ni papa upang humingi ng tulong. Naintindihan nya naman iyon kaya sinagot nya ang tanong nito.

"She did nothing wrong, Monica. Don't accuse her." seryosong sabi ni papa.

Tumaas ang kilay ng babae at tinignan ako, "And don't defend her, Nickel." ani nya na sa akin parin ang tingin.

Tumungo ako at dali-daling tumakbo palabas ng kwarto ko pero nahawakan kaagad ako ng babae at hinawakan nang mariin ang mga balikat ko.

"Where do you think you're going, darling?" tanong nito.

Nagpumiglas ako sa hawak nya at nang magawa ko ay lumayo kaagad ako sa kanya, "I did not do anything, mom! You're being hysterical again!" sigaw ko at tumakbo kaagad palabas ng kwarto ko.

Pagkalabas ko ng bahay ay dumiretso ako sa harap ng garahe namin. Nanlabo ang mga mata ko bago lumapit sa driver ng pamilya namin.

"O? Anong nangyari sa alaga ko?" tanong ni Tatay Jun sa akin.

Umiling-iling ako at niyakap kaagad sya.

"Tatay Jun..." saka ako humagulgol.

Hinaplos-haplos nya ang ulo ko bilang pag-alo sa akin.

"Pinagalitan ka na naman ba ng mommy mo?" mahinahon nyang tanong.

Tumango-tango ako bago kumalas sa yakap, "She defended a yaya again!" inis kong ani.

Lumuhod sya sa harapan ko at pinunasan ang luha ko sa mga pisngi, "Kasi sinesante mo?"

Umirap ako at namaywang, "She deserved what I did naman kasi, Tatay. Minura nya ako eh. No one dares to curse me. Kahit ikaw na may karapatan ay hindi mo ginawa... siya pa kaya na isang passer-by lang." nakanguso kong sabi.

Nginitian nya ako at tinapik ang ulo ko, "Paano ako magkakaroon ng karapatan sa'yo kung driver niyo lang naman ako?"

Sinimangutan ko sya, "Tay naman eh! May karapatan ka sa akin dahil isa ka sa nag-alaga sakin mula noon pa. Kaya 'wag niyo iyang sabihin sa akin." ani ko.

Tumango-tango sya at kinurot ang pisngi ko.

"O siya... babalik na ako sa trabaho ko. Mag-ipod ka nalang muna doon sa loob." mahinahon nyang sabi.

Tumango-tango ako at sinunod ang sinabi nya. Nang makarating ako sa tapat ng pinto namin ay nilingon ko si tatay Jun na nagtatrabaho na. Pero hindi ko napigilan ang mga luha na pumatak nang makita syang umubo-ubo at nang itaas nya ang puting panyo nya ay nasulyapan ko ang dugo mula roon.

Masakit makita ang isang taong napakaimportante sa'yo na makita silang nahihirapan na nang sobra.

Bata palang ako ay kilala ko na si tatay Jun. Fifty-seven na sya pero ito parin at pinagsisilbihan nya pa kami bilang driver. Halos kalahati ng edad nya ay ang pagiging driver nya sa amin. Kung lahat ay sinusungitan ko, si tatay Jun ay hindi ko ginaganun. Simula pa kasi nun ay mabait na sya sa akin. Sobrang maalaga nya pagdating sa akin. Nakakainis lang dahil sa lahat ng taong magkakasakit ay sya pa ang binigyan.

Gusto kong lumaki na para ipagamot sya kasi wala pa akong maraming pera. Meron man ay hindi pa iyon sapat kaya dapat ay gawin ko ang lahat para mapagamot siya.





Isang araw ay sinundo ako ni tatay Jun mula sa paaralan ko.

Grade 7 na ako ngayon at bago na naman ang school na pinapasukan ko. Isang buwan palang simula nang magpasukan at wala pa akong nakikilalang kaibigan kahit niisa man lang.

"Asan si daddy, tay?" tanong ko nang magsimula syang mag-drive ng van namin.

"Nandun sa Crystal Agency. May bago raw nag-audition. Gusto niya raw makilala sa personal dahil nagtataka sya bakit hindi ito tinatanggap ng ibang agency gayong sobrang talented nito." pagke-kwento nya.

Nagkibit ako ng balikat at bahagyang tumaas ang kilay, "Siguro ay wala pang experience. Ganun naman talaga ang ibang agency, 'di ba? Masyadong choosy. Hindi binabasehan ang holistic perspective." ani ko.


Tumango-tango si tatay Jun at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Ilang minuto ay bigla syang napa-break nang dahil sa gulat sa pagtapik ko sa balikat nya.

"Let's go to the agency!" masaya kong sabi.

Tinignan nya ako at kinunotan ako ng noo, "Ano? Gusto mong pumunta sa agency niyo?" halos hindi makapaniwalang sabi nya.

Tumango-tango ako at itinuro ang daan, "Tara na, tay Jun!" utos ko.

Wala na syang nagawa kundi ang sundin ako. Isa rin ito sa dahilan kung bakit malapit ako sa driver namin dahil kahit anong gusto ko ay ginagawa o binibigay nya kaagad. Sana ay ganito lahat ng tao, 'yong ibibigay ang gusto ko.

Hindi ko na sya pinasama sa akin papasok ng building namin nang huminto ang kotse.

Dali-dali akong pumasok sa elevator at pinindot ang floor ng audition room ng Crystal Agency.

Pagkabukas ng elevator ay kaagad akong pumasok sa audition room ng building namin.

“I lay my love on you,

It's all I wanna do...

And everytime I breath,

I feel brand new...

You open up my heart,

Show me what–”

Hindi ko na napigilan ang mamangha dahil sa malamig na boses na aking naririnig mula sa loob ng room na iyon.

Parang bumagal ang ikot ng mundo, humina ang galaw ng aking relo, at parang pwede na akong mag-donate ng oxygen dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa room na iyon at ang unang nakita ko ay ang chinito pero mapungay na mga matang nakapikit. Matangos na ilong. Manipis na mapupulang labi na mahinang gumagalaw at ipinagpatuloy ang pagkanta. Naggigitara sya sa harap ng mga casters ng kompanya namin.

“I lay my love on you...”

Tango-tango ang aking nakita sa mga judges at casters, pati narin kay daddy at kay mommy na manghang-mangha sa boses ng lalaki.


"Well, you have an angelic voice. You're in," ani ni daddy sa lalaki.

Tumango lang iyong lalaki at parang pilit pa iyon. Parang hindi talaga sya masaya na natanggap sya.

Inilagay nya sa likuran nya ang gitara at nakipagkamay kay daddy pati na sa mga casters.

Para akong natuod sa kinatatayuan ko nang maglakad sya palapit sa akin. May simangot ang maninipis nyang labi. Kung ibang tao ang natanggap sa audition ay siguradong tuwang-tuwa pero bakit ito ay kabaligtaran? Pinaglihi ba 'to sa sama ng loob?

"Excuse me?"

Kaagad kong inayos ang sarili nang bigla syang magsalita. Demn! Gwapo ng boses eh!

Nakataas ang kilay nya nang madatnan ko ang itsura nya. Kung gwapo sya sa malayo ay mas gwapo sya sa malapitan.

"You're blocking the way." simple nyang sabi.

"A-Ahh... sorry." ani ko at umalis sa daanan.

Tinitigan ko ang likuran nya naglalakad palayo sa akin at bahagya akong napangiti.


"Damn! He's a beast!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top