Last Chapter
Last Chapter
Beneath the Snow
Some things weren't just really for you. Even if you've got used to that thing, you can't change the fact that it isn't for you. If it isn't for you, just accept the truth because it's your fate in the first place. Fate is the number one traitor in our life. I can say that it is not because I already met my fate and I know how it works. When fate decided, you can't do anything. We are not powerful... We're just normal creatures.
"More apples and oranges, Mom, please!" I shouted.
Tumingin sa akin si mommy na abala sa paghiwa ng watermelon. Kita ko naman ang pagtaas niya ng kilay dahil sa sinabi ko pero wala na siyang nagawa kun'di ang gawin na lang ang hinihingi kong pagkain.
"You told me earlier that you want watermelon, and now? Apples and oranges? Good thing that your cousin brought fruits."
Inilapag niya ang isang plato ng sliced apple sa harap ko at ang sumunod naman ay ang mga piraso ng orange. Napangiti naman ako bago yumakap sa baywang niya.
"Thank you, Mom!" sambit ko.
Hinaplos niya ang buhok ko bago bumuntong-hininga, "Wala ka ba talagang planong sabihin kay Jared na nine weeks pregnant ka na? You know, being a single mom isn't easy. Even if we're still here, me and your dad, but it doesn't mean that we can give your child the care he or she needs. A child needs a father, darling." seryosong sabi niya.
Ngumuso ako bago umiling-iling.
"I don't want to, Mom. I need to let go. We weren't just for each other kaya hayaan na lang natin... and this baby?" I held my belly saka hinaplos iyon kahit hindi pa kita na buntis ako, "I can take care of this baby. I will be her father and mother, at the same time." I said, smiling bitterly.
Kahit na sabihin ko sa kanila na kaya ko, ang totoo, nagsisinungaling lang din ako... hindi lang sa kanila kun'di maging sa sarili ko rin.
I always tell myself that I can do it without him pero ang totoo, hindi ko kaya. It's been more than two months since we haven't seen each other. In-activate ko na 'yong mga accounts ko pero 'yong iba ay si Honeylyn na ang umaasikaso. I temporarily quit being an actress kasi hindi ko kayang manatili lang do'n sa Pinas at magpanggap na okay lang. Ako mismo, alam kong hindi ako okay.
It's been two months na rin since I've decided to take a long vacation here in Norway. My dad is in Philippines right now while my mom always took a visit here in my condo. Bumibisita rin ang pinsan ko sa side ni mom na si Sam Venyce Gordiette. Tumutulong rin kasi si Venyce sa pag-aasikaso sa Diamond Agency kaya siya bumibisita sa akin.
"Okay, if you say so. I just want you to know that Jared breach the long-term contract in Diamond Agency for personal reasons. Hindi na kami nakapag-usap pagkatapos no'n kasi nagmamadali na rin ako para puntahan ka." ani mommy.
Pinigilan ko na lang ang sarili ko na magtanong. I can't be selfish again... I can't let my longing for him win me. Kahit na nagtataka ako kung bakit niya sinira ang kontrata niya sa DA. Maybe, his mother wants him to work with other agencies. That day rin siguro na pag-breach niya sa contract was the day na nalaman kong buntis ako. Nagpasama pa ako kay Venyce sa mall na bumili ng pregnancy test kasi iyon ang suggestion niya kasi raw napapansin niya na lagi na lang akong nagsusuka.
No'ng nalaman kong buntis ako? I was so damn happy and sad, at the same time. Happy because of the fact that I am now bearing the child of the person whom I love the most in this world. Sad because I know, I cannot and my baby can't have a complete family.
"Hoy, bakit may canned alcoholic drink?" Tanong ko kay Venyce na siyang kumukuha ng mga products sa gilid.
Nandito kami ngayon sa isang convenience store sa Norway. Ako ang nagtutulak ng cart kahit ayaw niya ay nag-insist pa rin ako. Ayoko namang nakasunod lang ako sa kan'ya. Ayaw niya rin akong sumama baka raw mapaano ako pero nagpumilit ako. Hindi naman pwedeng nando'n lang ako sa condo at nanonood lang ng movies. Ang boring kaya minsan.
"Because it's your birthday, couz. If there's a birthday, there's a celebration, and if there's a celebration, alcoholic drinks are needed, okay?" aniya at nagtaas ng kilay.
Napairap na lang ako bago binitawan ang cart. Kumuha ako ng mga karne sa meat section saka iyon ibinigay sa kan'ya.
"Who would drink? I'm three months pregnant and alcoholic drinks are not allowed for me." sambit ko.
Pinaikutan niya ako ng mata at inilagay sa cart ang mga karne. Kumunot ang noo ko nang makitang kinuha niya ang isang canned alcoholic drink at agad iyong binuksan saka nilagok. Wala pang isang minuto ay naubos na niya iyon.
"See? Kaya kong ubusin lahat." maarteng sabi niya at ibinalik ang lata sa cart.
Napailing na lang ako sa pagta-tagalog niya. Halatang hindi bihasa pero masarap pakinggan sa tainga ang pagka-bulol niya. Maarte lang talaga pakinggan.
"Okay, you can... but don't bring mess on my condo. I know you'll turn into a careless person when you're drunk. Baka gawin mo pa akong yaya mo. Imbes na ako ang alagaan mo ay ako pa mag-aalaga sa 'yo." naiiling na sambit ko.
Pinaikutan niya ako ng mata bago nagkibit-balikat.
"Alright! Then, I'll just call my boyfriend para you don't have to look after me." aniya at nag-dial sa cellphone niya.
Hinintay ko na lang na sagutin 'yong tawag niya ng boyfriend niya kuno. Lagi niyang ikinukwento sa akin ang lovelife niya. First boyfriend niya raw ang ka-relasyon niya ngayon at mag-iisang taon na sila sa November.
"Hey, baby!" lumawak ang ngiti niya nang sagutin iyon ng boyfriend niya.
Nagpaalam siya saglit at lumayo sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pamimili ng mga ingredients sa lulutoin mamaya at pagkatapos ay dumiretso na ako sa cashier. Natigilan pa iyong babae nang makita ako. Kinunotan ko na lang siya ng noo.
"You're that actress from Philippines, right? That... That... Uh... Lala? Uh, no... La... Lancelot? Uh, no! Ah, yes! Lancy! You are Lancy!" sambit niya at ngumiti nang malawak.
I just smiled awkwardly saka bahagyang tumango. I didn't expect na may makakakilala sa akin dito sa Norway. I mean, yeah, internet and technology is really popular now. Napatingin siya sa tiyan ko at bahagyang nawala ang ngiti niya. She, then, point my belly.
"You... You're pregnant?! That's the reason why you quit as an actress, right?!" lumipad sa labi niya ang sarili niyang palad.
Biglaang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba dala ng sinabi niya. Lalo na yata nang ilabas niya ang cellphone niya at vini-deohan ako. Kaagad akong naglakad nang mabilis at iniwan iyong mga pinamili ko. Dali-dali akong pumara ng sasakyan at sakto namang may humintong taxi kaya agad akong pumasok doon.
Damn! I am sure that she'll upload that! I know na hindi pa masyadong kita na buntis ako pero kapag sinabi niya sa caption niya na gano'n ang sitwasyon ko, maniniwala ang mga tao! Darn! Kakalat ang video na ia-upload niya at siguradong makakarating iyon sa Pinas and... Jared would know! Shit! Baka ano ang gawin niya kapag nalaman niya na may responsibilidad siya sa akin.
Oo, alam kong hindi niya pwedeng malaman na buntis ako. Kaya ko nga siya iniwan para ipagpatuloy niya ang passion pero sa oras na malaman niyang buntis ako, babalik siya sa akin at iiwanan niya ulit ang mommy niya kaya masisira ulit ang iniwan kong dahilan na iniwanan ko siya! Darn it!
Nagkulong na lang ako sa loob ng kwarto ko buong araw. Kahit na birthday ko, hindi ako nag-eenjoy. I can't believe this... Sa araw pa talaga ng birthday ko? Bakit ba kasi hindi ako nagsuot ng trench coat para takpan ang katawan ko? Bakit ba kasi nagpumilit ako na sumama? This is because of my stubbornness!
My eyes got teary when I heard knocks on the door hanggang sa narinig ko ang boses ni Venyce.
"Couz! Couz! Are you there? Why did you left me and the stocks we bought in the convenience store?! I was so worried! Answer me!"
I shook my head before I answered.
"I'm fine, Venyce! Just... Just don't disturb me now! I don't want to celebrate my birthday!" inis kong sambit habang humagulgol sa pag-iyak.
Tumigil ang katok sa pinto ko hanggang sa marinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Alright, couz. Just call me if you need something. I'm just a meter away, okay?" she said, softly.
Lumipad ang palad ko sa labi kong nakaawang dahil sa pag-iyak. Bakit ba kasi ngayon pa? Bakit sa lahat ng taong mahihirapan ng gan'to, ako pa? Karma ko na ba 'to? Kasi ang maldita ko noon, sobrang spoiled ko, hindi ko iniisip ang ibang tao, nagpapatalsik lang ako sa kahit na sino... Dahil ba sa lahat ng nagawa kong mali kaya ako nahihirapan ngayon? Bakit ba kasi bumalik pa 'yong mommy ni Jared, eh. Okay na sana ang lahat pero dahil sa kanila ni Lysian ay nahihirapan ulit ako... Nahihirapan ulit kami.
Nakatulog ako ng mahigit tatlong oras sa kwarto ko. Magna-nine na ng gabi nang mapagdesisyon kong lumabas ng kwarto ko. Medyo kumakalam na rin kasi ang sikmura ko.
"Of course, baby! I really know how to cook! My daddy taught me and if you'll say that again, I will break up with you! Understand?!"
Rinig na rinig ko ang inis na boses ng pinsan ko mula sa dining area ng condo ko. Mukhang may kasama siya. Maybe, it's her boyfriend.
"Okay, okay! I admit my defeat! You're really similar to my friend. Masyado kang attitude."
Nanlalaki ang mga matang dumiretso ako sa dining area kung saan ko narinig ang boses ng sobrang pamilyar na tao. Lumipad ang palad ko sa labi ko habang pinagmamasdan si Venyce na nagluluto at nakayakap sa baywang niya ang isang lalaking napakapamilyar.
"Pssh. Stop being a baby, will you?" humarap si Venyce sa lalaki.
Umiling agad iyon bago dinampian ng magaang halik ang labi ng pinsan ko. Napapikit si Venyce dahil sa halik pero nang tinigil ng boyfriend niya ang paghalik sa kan'ya ay saka naman lumipat ang tingin niya sa akin.
"OMG! Couz!" natatarantang sambit niya.
I crossed my arms below my chest bago tinaasan ng kilay iyong boyfriend niya kuno. Nanlalaki rin ang mga mata niya katulad ng reaksiyon ko kanina.
"Gian? Ikaw ang boyfriend ng pinsan ko?" hindi-makapaniwalang tanong ko sa kaibigan ko.
Nalaglag ang panga niya bago tumakbo palapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Napaikot na lang ang mga mata ko bago gumanti ng yakap. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha ng pinsan ko kaya humiwalay na ako sa yakap ni Gian.
"You two knew each other?" tanong ni Venyce saka kumapit sa braso ni Gian.
Tipid akong tumango bago umupo sa upuan. Sumunod naman agad si Gian sa akin habang hila-hila ang pinsan ko na nagtataka pa rin. Nagkibit-balikat si Venyce bago sinimangutan si Gian.
"Is my cousin your first love? The girl you're talking about that has the 'ma-attitude' personality like mine?" she pouted.
Gian nodded bago hinawakan ang panga ni Venyce, "Was, Venyce. You're the woman I love now, so, don't be jealous, hmm?" malambing na sambit niya at walang anu-anong hinalikan ulit sa labi ang pinsan ko.
Napangiwi ako bago kinuha ang lettuce na nakita sa gilid saka ibinato iyon sa kanila kaya napatigil sila sa paghahalikan.
"Public Display of Appearance." I hissed.
Tumawa lang si Venyce at kumuha ng sandok bago hinarap ang niluluto habang si Gian ay umupo sa harap ko. Nakangiti siya at parang batang pumangalumbaba sa mesa saka ako tinignan.
"Happy twenty-third birthday, Lancy. Wala akong regalo sa 'yo pero sa susunod na birthday mo ay dalawa na ang ibibigay ko, okay ba?" nagtaas-baba ang kilay niya.
Ngumiti na lang din ako at tumango. The world is really a small place. Hindi ko man lang na-imagine na magiging kapamilya ko na rin si Gian soon kapag sila ang nagkatuluyan ni Venyce pero I hope ay sila na. Wala namang hadlang sa kanila... hindi katulad namin ni Jared.
Nang maluto na ang nilulutong chateaubriand ni Venyce ay nagsimula agad kaming kumain. May cake ring bi-nake ang pinsan ko na may pangalan sa gitna na LSC. Wala sa sariling napahawak ako sa kwintas na suot-suot ko. Pait akong napangiti at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi pa ako natatapos sa pagkain nang kumanta bigla si Gian ng happy birthday.
Nakatayo na siya ngayon habang hawak-hawak iyong cake. Inilabas na rin ng pinsan ko ang cellphone niya at itinutok iyon sa akin.
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday, Lancy..." pagkanta ni Gian.
Hindi ko na napigilan ang mga luha na pumatak mula sa mga mata ko. Pait akong napangiti habang tinitignan si Gian na nakangiti nang malawak. Lumipat ang tingin ko kay Venyce na vini-videohan ako.
"Make a wish," sambit ni Gian.
Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang cake bago pumikit.
"My only wish is for him to be happy..." bulong ko sa isip ko bago binuksan ang mga mata at hinipan na ang kandila.
Sana... kahit maldita ako, kahit spoiled ako, kahit na ang dami kong kasalanan ay pakinggan Niyo ang tanging hiling ko. Gusto ko lang na sumaya ang buhay ko kasi ang buhay ko ay si Jared. Sana mahanap niya lahat ng mga bagay na pwedeng makakapagpasaya sa kaniya. Sana hindi siya mahirapan. Sana kalimutan niya na lang ako... Live your own life without me, my beast...
Mabilis lumipas ang mga araw na naging buwan rin agad hanggang sa dumating ang buwan ng Disyembre. It's the twenty-fourth day of the month of December at ngayong gabi, exactly midnight ay pasko na. Ito ang unang pasko na hindi ko makakasama ang parents ko pero ito rin ang unang pasko na kasama ko si Venyce at si Gian.
Nandito na ako sa harap ng neighborhood sa Finnmark, Norway kasi kagagaling ko lang sa malapit na fruit store para bumili ng oranges at apples. I'm happy because my baby inside my womb isn't that picky. Ang tanging pinaglilihian ko lang ay ang orange at apple kaya hindi ako nahihirapan.
Napangiti ako bago napatingin sa langit nang maramdaman ang snow flakes na pumapatak mula sa kalangitan. Ganito talaga sa Norway, between December and April ang snow season. Halos hindi na rin makita ang mga puno at daanan dahil sa snow na bumabalot sa buong paligid.
Last week pa nagsimula ang snow season dito kaya talagang medyo mahirap daanan. Last last week lang kami dinala ni Gian dito kasi nag-rent siya ng isang big wooden house na simple lang pero second floor. Maganda rin ang ambience ng paligid, lalo na sa loob ng bahay. Puno na rin ng snow ang bubong ng bahay.
I was about to get inside of the house when I saw an old woman that was holding her heart weakly. Dali-dali akong naglakad papalapit sa kan'ya at agad siyang inalalayan na makatayo. Buti na lang at naka-boots ako kaya hindi masyadong mahirap na maglakad sa snow.
"Grandma! Are you okay?" nag-aalala kong sambit.
Tumango siya bago ako nginitian.
"I'm okay, young lady. I just got dizzy but I'm fine." sambit niya nang nakangiti.
Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya pero hindi ko pa rin pinapakawalan ang braso niya baka sakaling mahilo ulit siya. Napatingin ako sa paligid at naghanap ng bench para maupuan saglit pero wala akong nakita.
"Where do you live, grandma? I will ask my friend to drive you home incase you got dizzy again. Is it okay, po?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya bago tumango, "No, I'm fine, hija. By the way, are you a Filipino? I am also a Filipino pero half lang. Bakit ka napadpad dito?" sunod-sunod niyang sambit.
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya, "Talaga po?! Pinay po kayo? Eh, same question po, bakit kayo napadpad dito? Ako kasi ay nagbabakasyon lang..." sabi ko.
Bahagyang siyang tumawa bago itinuro ang bahay na nasa tapat namin.
"That's where I live. I am a permanent citizen here since I was a teenager. Dito na kami tumira ng pamilya ko. May anak rin akong lalaki pero namatay na kaya ang apo ko na lang ang natitira sa akin. Patay na rin kasi ang asawa ko." bakas sa lungkot sa mukha niya kaya inilagay ko ang kamay sa likod niya at marahan iyong tinapik.
"I'm sorry for asking, po. By the way po, asan na ang apo niyo? Bakit hindi kayo sinasamahan na maglakad-lakad? Hindi po pwedeng mag-isa lang kayo kapag may pupuntahan baka po mapa'no pa kayo." sambit ko.
Umiling siya bago tumayo at umikot-ikot pa. Nang makailang ikot na siya ay pinigilan ko na dahilan para bahagya niyang mahawakan ang tiyan ko.
"You're pregnant?" hindi-makapaniwalang aniya.
Tumango ako at nagkagat-labi, "Yes, po... Five months."
Lumipad sa labi niya ang sariling palad bago tinuro ang tiyan ko, "Where's the father? Kasama mo rin ba dito? Eh, sa ganda mong 'yan ay sigurado akong hindi ka iiwanan ng kahit na sinong lalaki. Tama ba ako, hija?"
Pait akong napangiti bago umiling.
I heard her sighed bago inilahad sa akin ang kanang kamay niya. Nagtataka man pero ibinigay ko na lang ang kamay ko sa kaniya.
"May ipapakilala ako sa 'yo..." aniya.
Hihigitin na niya sana ang kamay ko nang biglang dumating ang sasakyan ni Gian. Lumabas mula doon ang pinsan ko na may dala-dalang mga plastics at sumunod naman agad si Gian na kinawayan ako.
"Tulongan mo kami dito ng girlfriend ko. Hindi por que buntis ka ay may special treatment ka na." natatawang sambit ni Gian.
Napairap na lang ako bago tumingin kay lola at ngumiti nang matamlay.
"Paano po, lola? Sa susunod na lang po." sambit ko.
Tumango na lang siya kaya nagpaalam ulit ako at dumiretso na sa bahay na ni-rent ni Gian. Pagkapasok ko ay nadatnan ko na si Venyce na naghihiwa na ng garlic habang si Gian naman ay inilalabas pa lang ang ibang pinamili. Lumapit na lang ako sa kanila at tutulong na sana nang pigilan ako ni Gian. Kinunotan ko siya ng noo pero umiling ulit siya at pinaupo na lang ako. Wala na akong nagawa kun'di ang sumunod.
Medyo matagal silang natapos kaya inilabas ko muna ang cellphone ko sa purse at nag-browse sa contacts. Napatigil ang kamay ko nang makita ang number ni Jared. Pinalitan ko na ang 'My Hot Jared' into 'Mr. Tuazon'. Is it still his number? O pinalitan na niya? Suminghap ako bago lumipat sa ibang application.
Bumuntong-hininga ako bago in-activate ang totoong account ko sa insta. Mag-a-anim na buwan na mula nang mapagdesisyonan kong i-deactivate ang account ko sa lahat ng social media.
@iamlancysc
138 posts, 14.63 M. followers, 90 following
Napangiti ako nang ma-realize na dumami ang followers ko. Noon kasi ay 13 million pa pero ngayony 14 million na pala at malapit nang mag-15 million.
Nag-scroll ako nang nag-scroll sa news feed nang mapatigil ang kamay ko sa nakitang isang post.
@jaredkelei
Coming through, Oslo
It was a minute ago post. It's nothing special. It's just a picture of a snowy day. Kung hindi ako nagkakamali ay ang city ng Oslo ang kinuhanan niya ng litrato.
My heart was beating so fast because of that post. Yeah, it's nothing really special but, damn! He's in Norway! He's in Oslo, Norway! What is he doing here?! Did he... Did he saw the video that the cashier in convenience store took two months ago? Did he? Oh, no! I forgot! My cousin begged that cashier to not post the video and she even gave her money and then, she agreed. No, right? Ghad! I should stay calm! Right! His grandmother is living in Norway! Right! Ang daming lugar sa Norway... Oslo, Troms, Finnmark, Trøndelag... name it! Basta marami!
I sighed bago pinatay ang cellphone ko. Sakto namang luto na ang beef soup na niluto ni Venyce kaya kumain agad kami. After we ate, I immediately walked upstairs and sleep in my room.
It was past nine in the evening when Gian knocked on my room's door kaya nagising ako dahil do'n. Kinusot ko muna ang mata ko bago naglakad papunta sa pinto at agad rin iyong binuksan.
I saw Gian smiling widely and then, he hand me a paper bag that has the logo of Louis Vuitton.
"What's this?" kunot-noo kong tanong bago tinanggap ang paper bag.
Inilabas ko ang isang pulang tela bago tinignan si Gian. It was a scarf that was obviously handmade. Color red iyon at makapal rin. Napatigil ako nang may mahulog na letter mula sa scarf. Kinuha iyon ni Gian mula sa sahig saka ibinigay sa akin.
"Merry Christmas raw," aniya at tumalikod na.
My brows creased when I flipped the small card. Mas lalo lang nangunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat doon.
Merry Christmas, love. That red scarf is my grandmother's gift for you. Wondering what's my gift? Look at the window and see it for yourself
–missing u
The calligraphy isn't familiar for me but when I read the letter, I know it's from him. Namuo ang mga luha ko sa mga mata bago tinitigan ang scarf na binigay raw ng lola niya. I sniffed before I hugged the scarf I was holding. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiiyak dahil sa saya at lungkot pero nang mabasa ko ulit ang letter ay bumilis ang tibok ng puso ko.
Napakabilis ng tibok ng puso ko at naging triple iyon lalo na nang hawiin ko ang kulay berdeng kurtina na tanging nakatakip sa bintana at glass-walled na bahay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakatayo doon.
He was wearing a black t-shirt beneath the beige trench coat and a pair of black pants paired with a simple black boots. He was just standing there while taking a glimpse of the night sky. Snow was pouring into his flurried hair. I bit my lips to stop myself from smiling when I saw messed his hair even more. He looks so cute when he does that! I want to hug him right now... but, I know... I couldn't.
"Lancy," bumukas ulit ang pintuan at iniluwa no'n si Gian.
"Tell him to go... home." I whispered.
Gian shook his head before handing me my phone. Kumunot na lang ang noo ko dahil sa ginawa niya. Pinanood ko lang siya na halungkatin ang cellphone ko. Minutes had passed, inilagay niya iyon sa kamay ko.
"Talk to him. He's active on instagram right now. At least, in the phone... talk to him or even just send him a message... kung ayaw mong buong gabi siyang mananatili sa ilalim ng malamig na panahon. Make a wise decision, Lancy... It's now or never." aniya at iniwan na ako.
Umupo ako sa kama ko bago kinagat ang labi. In-open ko ang insta ko. Bumuntong-hininga ako bago nag-type ng message sa kaniya. Kagat-kagat ko ang labi habang nagta-type.
To: @jaredkelei
Go home, please.
After I sent the message, tumayo ako at sumilip sa bintana. Nadatnan ko siyang may tina-type sa cellphone. The phone's light was reflecting in his gorgeous face as he was typing. After a minute, a notification pop up.
From: @jaredkelei
I dare not to.
Maikling reply niya. Bumuntong-hininga ako bago nag-type ng reply.
To: @jaredkelei
Please, Jared. Do what I say.
As much as possible, kailangan ko siyang pauwiin. I am worried kung ano ang mangyari kapag nakita niya ako... and my five months belly... Hindi pwedeng balikan niya ako. Ayokong masira ang pangarap niya. Kailangan kong isipin ang pwedeng mangyari kapag pinigilan ko ang sarili ko na tumakbo sa kaniya at yumakap nang mahigpit... I need to control myself.
From: @jaredkelei
Don't you want to see me? Because I want to see you badly. Please, Lancy
I bit my lower lip for the nth time. Gosh! Jared! When did you became so stubborn?! Umuwi ka na lang! 'Wag mo naman akong pahirapan ng ganito! Ayokong tumakbo sa 'yo at yakapin ka nang mahigpit kasi alam kong... hindi ko na kayang bumitaw pa. Bumuntong-hininga ulit ako bago nag-type ng reply.
To: @jaredkelei
I'm warning you, Jared. Hindi kita gustong makita kaya umuwi ka na lang, please!
I put an exclamation mark for him to feel that I am now angry. Sana ay mahalata niya 'yon. Kung patuloy lang siyang magmamatigas, hindi ko alam kung hanggang saan na lang ang pagpipigil ko.
From: @jaredkelei
Hindi mo ako gustong makita? Then, why am I seeing you from here?
Naalerto agad ako nang dahil sa reply niyang iyon. Nang tumingin ako sa labas ay sobra ang pangamba ko lalo na nang madatnan na nakatingin siya sa akin. Darn! Dali-dali kong tinakpan ang bintana ng green curtain bago umupo sa kama nang sapo-sapo ang dibdib. Wow! That was... so scary! Suminghap ako bago ulit nag-type ng reply. It's the last reply. Papatayin ko na ang cellphone ko pagkatapos.
To: @jaredkelei
I'll sleep na, Jared. Umuwi ka na, please lang. I'm tired and sleepy.
Sa totoo lang, I am not sleepy. Kakagising ko lang at matutulog ulit ako? I need to eat dinner pa kaya! I need to lie to him for the sake of his future. Hinintay ko muna ang reply niya. Wala pang sampung segundo ay nakapag-reply agad siya.
From: @jaredkelei
Why are you so sleepy? Nang nakausap ko si Gian kanina ay sinabi niyang 'tulog ka' at ngayon matutulog ka ulit? What's going on with you? Are you sick? Tell me, love.
I don't know but my eyes got teary again because of his reply. Damn! Kahit na ang sungit niya no'n, sobrang mysterious, at sobrang unreadable pero hindi ko pa rin maitatangging hindi pa rin siya nagbabago and he really had a soft heart for a person. Bakit ba pinuntahan niya ako dito? Dapat ay galit siya sa akin kasi iniwan ko siya. Dapat galit siya pero bakit nandito siya at sinusuyo ako? Where did he know that I am staying here in Finnmark? Did he asked my parents? I'm sure that my dad won't kasi may galit siya kay Mrs. Tuazon and hindi niya man sabihin, alam kong may galit rin siya kay Jared, so, no, it's not my parents. Did he asked Fern? Even Fern didn't know where I am staying! Ang alam niya lang ay buntis ako. Or sinabi sa kaniya ni Gian? Malamang! Darn!
I just stared at the ceiling of the house while I was waiting for the midnight to come. I'm sure, Jared have gone home, now. Kasi alam niyang hindi talaga ako lalabas. I know him. Kilalang-kilala ko na siya sa ibang aspeto.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon.
"Hoy, Lancy! Hindi mo ba talaga pupuntahan si Jared sa labas? Nilalamig na 'yong tao eh!" inis na sambit ni Gian na nakasandal sa pinto ng kwarto.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi pa umaalis si Jared?" hindi-makapaniwalang sambit ko.
"Obviously," aniya at bahagyang naglakad papunta sa bintana. Hinawi niya ang kurtina bago umiling-iling. Isinara niya rin iyon saka ako tinapunan ng tingin, "Kawawa naman si Jared, Lancy." sambit niya.
Nag-iwas ako ng tingin bago kinagat ang pang-ibabang labi, "Let him. It's his choice. Basta, hindi ko siya kakausapin." pagmamatigas ko.
I thought he left? I already told him through chat that I would sleep, so, obviously, hindi ko siya kakausapin o hindi ko siya gustong kausapin. Bakit pa siya andito? Hindi ba siya nilalamig? Ilang minuto na siyang nasa labas, ah? It's damn snowing! Ang lamig-lamig kaya ng panahon!
Bumuntong-hininga si Gian bago lumabas ng kwarto. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili na lumabas. I can't be selfish... I can't.
Napatingin ako sa pinto nang pumasok doon si Venyce na nakapamaywang.
"Couz, why won't you talk to him? Or even let him in? He's freezing to death! It's almost two hours since he came here and standing beneath the snowy night! I'm sure that he's super duper nilalamig!" maktol niya na siyang ikinanlaki ng mga mata ko.
Tinitigan ko siya nang hindi makapaniwala pero tinaasan niya lang ako ng kilay. I bit my lower lip bago dumiretso sa bintana at hinawi kaagad ang kurtina at pinagmasdan si Jared na nakatayo habang yakap-yakap ang sariling katawan.
Napakagat ulit ako sa pang-ibabang labi. It's two damn hours?! That fast? Akala ko ay wala pang isang oras! I thought only minutes had passed! Darn! Hindi ko man lang namalayan ang oras! What will I do? What do I need to do? Ano ba ang gagawin ko para pauwiin siya nang hindi ako nagpapakita?
"Shit!" inis kong sambit at kinuha ang scarf ko na black and white stripe saka iyon binitbit. Kinuha ko sa cabinet ang flesh-colored capelet coat ko bago iyon isinuot sa katawan.
Binilisan ko ang paglalakad pababa ng hagdan hanggang sa makarating ako sa living room kung saan nadatnan ko si Gian na umiling-iling habang tinitignan si Jared. Bumuntong-hininga ako bago tumakbo papunta sa double doors ng bahay.
Nang narinig ni Jared na bumukas ang pintuan ay kaagad siyang humarap sa akin. Kitang-kita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya nang sa wakas ay lumabas ako. Napairap naman ako bago naglakad palapit sa kaniya.
Tinitigan ko ang mukha niya nang malapitan. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ang namumula niyang ilong at tainga tanda ng lamig. He didn't even brought a hat with him!
"Damn you, Jared! Hindi ka talaga maawat, 'no?" sambit ko at ipinulupot sa leeg niya ang scarf ko.
Nakita ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya na mahigit limang buwan ko nang hindi nahalikan. Damn... I miss his lips and kisses.
Tumikhim ako bago walang anu-anong hinampas siya sa dibdib niya.
"You are really careless! Paano kung magkasakit ka?! Ang lamig-lamig dito, 'di ba?! I told you na umalis ka na lang kasi hindi kita kakausapin! Pero bakit nandito ka pa rin?! Nakakainis ka talaga! Hindi mo man lang inaalagaan ang katawan mo! How can I live my life if you're sick? You're so madaya! Noon pa lang, ako ang unang bumibigay! Wala ka kasing pakealam eh. Ang tigas-tigas mo. I hate you!" inis kong sambit habang umaagos ang mga luha sa pisngi ko at patuloy siyang pinaghahampas sa dibdib niya.
Kusang tumigil ang mga kamay ko sa paghampas sa kaniya nang binalot niya ako ng napakainit na yakap. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko bago ko naramdaman ang paulit-ulit niyang paghalik sa buhok ko. Wala na akong nagawa kun'di ang umiyak nang umiyak dahil sa sobrang tuwa.
"I'm sorry... I'm sorry, my love... I just missed you, that's why. Please, don't leave me again... Hindi ko na kakayanin pa kapag iniwan mo ulit ako. I can't live without you, Lancy because you are my life. If I am your passion, then, you are my life... I want you mine, love. Please, I want to take care of you..."
Kumalas ako sa yakap niya bago tumungo, "I'm sorry, Jared... I'm sorry... Nakita mo na ako, you can go home, now... Go home and live your life as you've always wanted to, okay? I love you, Jared pero we're not meant to be... I'm sorry," sambit ko habang patuloy pa ring umaagos ang mga luha.
Humakbang agad ako palayo sa kaniya pero napatigil rin nang magsalita siya.
"How can I go home, Lancy?! How can I live my life as I've always wanted to when I don't have you?! I told you! You are my life! 'Yang sinasabi mong 'hindi tayo para sa isa't-isa' para mo na rin sinabi sa 'king 'mamatay na lang', Lancy! How can I go home without you?! Do you think na pumunta ako dito para lang isuko ka ulit? Para lang kausapin ka?! No! I am here because I am fetching you! Iuuwi kita sa poder ko ngayon din!" sigaw niya nang buong-buo.
Ibinaling ko ang tingin sa kaniya bago pinunasan ang mga luha ko.
"No, Jared! I won't go with you! I can't! So, just go home and be happy! Ipagpatuloy mo na lang ang passion mo, please! Umuwi ka na... Wala ka namang responsibilidad sa akin kaya please... pakiu-" he didn't let me finish.
He sarcastically laughed before he pointed my belly.
"I have, Lancy! I have a responsibility to you! And you know what? Dapat galit ako sa 'yo ngayon, eh. Because you left me alone in Cebu! Kasi iniwan mo lang akong mag-isa doon. How can you be so selfish? You didn't even thought what would I felt when you did that! You didn't even asked me first about the whole damn thing! Iniwan mo na lang ako bigla! And with that? Akala mo iiwan kita lalo na ngayong kailangan na kailangan mo ako? Ngayong kailangan ako ng mag-ina ko? Hell, no, Lancy! I won't leave you because you and our baby is my responsibility!" inis niyang sigaw.
Umagos na naman ang mga luha ko. Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa gulo ng sitwasyon namin ngayon.
Naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa akin hanggang sa inalis niya ang kamay ko sa mukha ko bago hinawakan ang chin ko.
He shook his head before giving me an assurance smile.
"Please, Lancy?" sambit niya.
I was about to answer him when he suddenly kneeled in front of me. Napatakip ako sa labi ko lalo na nang inilabas niya ang isang kulay gintong maliit na box. Kasabay ng pag-agos panibagong mga luha ko ay ang pagbanggit niya sa bagay na noon pa man ay hindi ko inakalang mangyayari.
"Marry me, Lancy. I am not asking you to marry me, but, I am certainly telling you that no matter what your answer would be, I will insist marrying you. I won't take 'no' for an answer, Lancy. I would never let you refuse me." I gasped when he opened the box. A diamond ring sparked from inside the moment he opened it.
"Jared..." humikbi ako.
"Marry me, Lancy Sapphire Cordova." kasabay ng pagsambit niya no'n ay ang pagsi-putukan ng maraming fireworks sa kalangitan.
I stared at his eyes before I nodded again and again.
"Yes, Jared. I will marry you." I said while tears were streaming down my cheeks. I smiled when I saw his eyes sparked, not because of the fireworks in the night sky but because of tears.
Tumayo siya at isinuot sa akin iyon. Pagkatapos niyang isuot sa akin ang singsing ay kaagad niya akong hinalikan sa noo. I smiled widely when he kissed my lips passionately and as he was kissing me, I heard our neighborhood happily said 'Merry Christmas'.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top