Chapter 9

Kabanata 9

Not Invited



All things were not really just for someone. People with lucky side is rare. People who likes their destiny is rare. At hindi ako kasali dun.

Life is so unfair!

Hindi sinunod ni Jared si daddy at ang suhestiyon ko. Hindi sya sa FHU nag-aral. Doon sa Andwae University na isa sa sponsored school ng Cordova's ang in-enrolan nya! Hindi nya talaga gustong makita ako lagi. Kainis sya!

And if he think that I would just go with the flow, no, I can't. I have to do something. Hindi pwede iyong ako lang ang mahulog, dapat ay siya rin.
And you know what? Hindi niyo alam, 'no? May isa pa akong strategy para mapansin ni JKL. And that is to... be an artist!

Hindi artist that has something to do with arts or painting but to be an artist who has to do something with acting. Yeah, kung gusto kong gumawa ng paraan, dapat ay 'yung malapit sa kanya. Dapat ay maging artista ako para maka-level sya. He's a singer and I am an actress. What a perfect combination, right?

Kaya nga ako nandito ngayon sa harap ng malaki at mataas na building para mag-book ng appointment sa CEO nila. Sa may-ari. Para naman malaman ko kung kwalipikado ba ako o hindi. I've once auditioned to be an artist when I was young and unfortunately, hindi ako nakuha. Suportado naman ako ni daddy but mommy? I don't know. Hindi ko sya tinanong.

Dumiretso ako sa reception area saka lumapit sa babaeng naka-uniform ng kulay pula na pinaresan ng kulay black. May name tag din sa dibdib nya.


"Good morning, Ms! Welcome to Beatrize Dream Agency!" nakangiti nitong ani.

Nginitian ko rin sya, "Yes, good morning din. Uh... may I ask... where's the office of the CEO?" diretso kong tanong.

"May appoinment po kayo? Let me check, po." aniya.


Hinarap nya ang laptop nya saka may hinalungkat doon. Nag-scroll sya nang nag-scroll hanggang sa ilang minuto ay hinarap nya rin ako.


"Wala pong appointment si Ms. Bea ngayong araw pero hindi rin po pwedeng magpa-appointment. As of now ay busy pa po sya." aniya at ngumiti.

Tumango ako, "Well... I just want to audition." sagot ko.

Nanlaki ang mga mata nya at bahagya pang nagulat bago nagkandarapang inakay ako papunta sa elevator.

"We are so glad to have a gorgeous actress here, Ms! Siguradong sisikat lalo ang Beatrize Dream Agency lalo na ngayong andito kayo."

Pinindot nya ang elevator kaya pumasok rin ako doon. Sumunod rin naman sya.

"Ms. Beatrize will be really really grateful if you finally meet her, Miss... uh... what's your name?"

Bahagya akong napailing dahil sa sinabi nya. Kanina pa sya feeling close dito pero hindi nya pala natatanong pangalan ko.

"Lancy Cordova." ani ko.

Tumango-tango sya kasabay ng pagbukas ng elevator.

"Yes, Ms. Cordova. Here's the way," aniya at iginiya ako papasok sa isang office.

Binuksan nya iyon kaya sumunod kaagad ako.

"Good morning, Ms. Bea!" aniya.

Tumingin ako sa babaeng maputi, makinis at maganda na nakaupo sa swivel chair kaharap ng glass table nyang may mga folder na patong-patong.

"Oh, yes, Trina?" aniya at tinaas ang kilay.

Hinarap nya ako saka sya tumayo. Sinalubong nya ako ng beso at yakap.

"Glad to meet you, Ms. Cordova." aniya.

Tumango ako at ngumiti. Alam kong kilala nya ako, magka-partner itong BDA sa agency namin kaya marahil ay kinilala nya rin muna ang mga partner nya sa negosyo nang makasiguro.

"Glad to meet you, Ms. Arcenal." ani ko at ngumiti.

"Have a seat,"

Umupo naman kaagad ako sa sofa nya saka nagde-kwatro. Umupo rin sya sa tabi ko at inutosan iyong receptionist na si Trina na kunan ako ng juice.

"What brought you here, Ms. Cordova? May kailangan ba ang parents mo?" tanong nya.

Ang agency namin ay puro singer lang ang tinatanggap. Actually, dito sa BDA napupunta lahat ng mga artista na nag-au-audition sa amin. Tapos, ang lahat naman ng singer na nag-au-audition sa BDA ay napupunta naman sa amin. Kaya free lahat ng singers and artist na bumisita sa dalawang agency kasi magka-sosyo lang naman ang dalawa.


Umiling ako saka ngumiti, "No, Ms. Bea. I just want to ask kung free ba ang mga casters nyo dito?" tanong ko.

Bahagyang kumunot ang noo nya, "Why?"

"I want to audition here. As an actress." ani ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata nya, "Really?! Wow! We're glad to have you here! Hindi na kailangan ang audition besides we're partner at alam kong kaya mong um-acting. Hindi na kailangan iyon. You're in!" aniya.

Umiling-iling ako, "No... Ms. Bea. I want to audition. Hindi pwedeng hindi kasi artista ang papasukan ko, showbiz. Kailangang malaman ko kung kaya ko ba and the only way is to audition. Kailangan nyo parin akong suriin kasi 'pag in na ako agad-agad ay malilito ako kapag may binigay na project sa akin. So, please, Ms. Bea, I want to audition. Para malaman ko kung kaya ko ba o hindi." seryoso kong tanong.

Tumango-tango sya saka tumayo. Nginitian nya ako saka naglahad sya ng kamay.

"My agency is lucky to have you, Ms. Cordova. To have a professional woman like you." aniya.

Ngumiti ako saka tumayo, "Thank you, Ms. Bea." sagot ko.

Tumango-tango sya saka umupo sa swivel chair nya, "I'll just call you kung kailan free ang mga casters ko." ngumiti sya ulit.


Tumango ako ng ilang beses dahil sa tuwa. Finally, I have the chance to be on the same level with the beast. Jared Keir Leigh Tuazon, be ready because I never back out on something... be ready to fall! Hahaha!

Time went fast. It's October now and it's my birth month. Next Saturday will be my birthday.

Kaya unang linggo palang ng buwan ay pumunta na ako sa Andwae University para imbitahin si Jared. Naimbita ko na rin si Marya at pati si Jake ay inimbita ko rin. Pupuntahan ko pa si Gian bukas kasi absent sya kanina. May lagnat raw.

Pagkapasok ko palang ng gate ay panay na ang tinginan ng mga estudyante sa akin. May mga lalaki na malagkit ang tingin habang ang mga babae naman ay nagbubulongan.


"Who is that blonde girl?"

"She looks from an elite family."

"Siguro ay may kailangan sa dean."

"O baka ay transferee."


Hindi ko na napigilan. Nilapitan ko na ang mga nagbubulongan saka sila tinaasan ng kilay.


"Hi..." ani ko sabay ngiti.

Tinaasan ako ng kilay ng isang babae. Limang babae sila. Ang apat ay halos mapuno na ang mukha ng make-up habang ang isa ay mukhang nerd at tahimik lang syang nakatingin sa akin.


"Oh, hi! Are you a transferee?" tanong ng isa.

Umiling-iling ako saka inayos ang shoulder bag sa balikat ko.

"No... may bibisitahin lang." luminga-linga ako sa paligid, "Do you know Jared?" tanong ko.

Tumango ang isa pa.

"Jared Keir Leigh? The singer?" aniya.

Tumango ako, "Yes. Would you mind if magpapasama ako sa Business-Ad building?"

Umiling-iling silang apat, "No, no, of course not! Sige, samahan ka namin." ani ng isa.


Ngumiti ako saka sumunod na sa kanila. Mas matangkad iyong nerd sa kanilang lima pero mas matangkad pa rin ako sa kaniya. Sa tingin ko ay mas ahead sila sa akin ng isa o dalawang year.

Huminto kami sa harap ng isang building.

Lumingon-lingon ako sa paligid baka sakaling makita ko si Jared pero iba ang nakita ko.

Hinarap ko ang limang babae saka ako ngumiti.


"Hindi na pala kailangan. Thanks nalang!" ani ko sabay ngiti.


Tumakbo kaagad ako palapit sa isang lalaking nakasimangot na nakatingin sa may hallway. Nang makarating na ay kaagad kong tinapik ang balikat nya.

"Hi, Aiden!" ani ko.

Nakuha ko ang atensyon nya.


May lumitaw na isang ngisi sa labi nya saka sumagot, "Yes, Lancy Sapphire Cordova?" aniya.

"Have you seen Jared?" kaagad kong tanong.

Itinaas nya ang kilay saka nag-cross arms, "The singer? Bakit?"

"Wala! May sasabihin lang akong importante. Sabihin mo na nga!" inis kong sabi.

Tumango-tango sya pero may ngisi parin sa labi, "Okay, fine, Miss! Andun sa cafeteria kasama si Hariah. Hanapin mo nalang dun." aniya at natanggal na ang ngisi.


Tinaasan ko sya ng kilay saka inangkla ang kamay ko sa braso niya.


"You look piss, Mr. Devalli. What's up? Kani-kanina lang ay malaki ang ngisi mo pero bakit ngayon ay nawala bigla? You like that Hariah?" ani ko.

Napatingin sya sa akin at nag-iwas ng tingin saka tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya.

"Course not! Bahala ka nga! Hanapin mo nalang sa cafeteria. 'Wag mo 'kong guluhin!" inis nyang ani saka umalis na.


Ngumisi ako saka umiling-iling. Oh no... no, Devalli. You can't lie to me. You like Hariah.

Aiden Blake Carlos Devalli was our family friend. Nag-invest din kami sa Devalli's Corporation na kompanya nila. Kaya kilala namin ang isa't-isa at komportable ako kapag kausap sya.

Nagtungo kaagad ako sa cafeteria ng school nila para hanapin si Jared at nang makarating na ay kaagad akong ngumiti.

Lalapit na sana ako sa kanya nang makita ko ang isang maganda, matangkad, makinis, at maputing babae na hanggang balikat ang straight na buhok. Kumunot ang noo ko lalo na nang hinila niya ang taenga ni JKL at nagtawanan sila.

Umirap ako sa kawalan saka tumalikod na.

There is someone who can make the beast laugh like that? What?! Bakit hindi ako na-informed? And that is Hariah? Yes, she's beautiful pero mas maganda naman ako and I'm rich! I have the spotlight! Damn! Why do I sound so insecure? No! I'm not insecure! I'm just pissed! I'm pissed because I will spare another time again just to invite him. Darn it!


Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na ang birthday ko.

My family don't usually had celebrations except for my birthday at anniversary ng agency namin pero nagpaalam ako na hindi na muna ako magpapa-bongga ng birthday.


"Dad... mom... I want to go sa DCBAr nalang sana and doon ko na ise-celebrate birthday ko." ani ko nang mag-lunch kami sa bahay.

"Well, I won't stop you kung iyon nga ang gusto mo... pero sino ang kasama mo doon?" ani daddy.

"Some close friends and classmates lang naman, dad." ani ko.

Tumango-tango sya kaya tumingin ako kay mommy.

"Mom... papayag ba kayo?"

Of course, she's my mom. Kailangan ko ring hingin ang opinyon nya.

"If that's what you want, then, okay. Anyways, may mga gifts and flowers na darating para sa'yo mamaya galing Cebu at sa ibang business partners natin. Just check it out nalang mamaya. Ididiretso ko nalang iyon sa kwarto mo." aniya.

Tumango ako saka ngumiti.

Nang dumating ang gabi ay kaagad akong naligo at nagbihis din kaagad. Pinili kong suotin iyong kulay pastel na cottony style dress ko na 2-inch above the knee saka nagsuot lang ako ng black stilletos. Nag-lipstick lang ako ng kulay red. Manipis lang ang pagkakalagay ko nun sa labi ko para hindi naman ano tignan.

Nang pababa ako ay nadatnan ko si daddy na may hawak-hawak na susi ng kotse.

Kumunot ang noo ko.

"Dad? Where are you going?" tanong ko.

"Ihahatid na kita." aniya.

Tumango nalang ako dahil wala na akong magagawa kapag sya na ang nagsabi. Mas mabuti nga siguro iyon baka uminom ako at malasing. Hindi ko kayang mag-drive pauwi. Magta-taxi nalang ako.

Inihinto ni daddy ang kotse sa harap ng isang bar saka ako tinignan.

"'Wag masyadong uminom, Lancy baka ano ang gawin mo." banta niya.

Tumango ako at tinanggal ang seatbelt sa katawan ko.

"Anyway, Jared will be driving you home, later."

Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya iyon. Kinunot ko ang noo saka lumipad sa bibig ko ang kanang palad dahil sa gulat.


"Pardon, dad?" ani ko.

Ngumisi si daddy bago tinapik ang ulo ko, "I invited him. Hindi ako mapakali na iwan ka sa bar kaya sinabihan ko sya na pumunta at bantayan ka. I was startled when he said na hindi mo sya inimbita. Bakit?"

Umirap ako saka nagkibit ng balikat, "I'm pissed. Hindi ko naman sya kailangan pero thank you, dad. Hindi lang talaga ako nakahanap ng tamang tiyempo para imbitahin sya." sagot ko at ngumiti.

Binuksan ko na ang pinto saka humalik sa pisngi ni daddy.

"Bye, dad!" ani ko saka pumasok na sa DCBAr.


Bumungad sa akin ang isang waiter na kakilala ko. May hawak-hawak syang tray na kaagad inilapit sa akin.

"Drink, Ms. Cordova." aniya.

Kukuha na sana ako ng isang baso nang may humila sa akin palayo sa waiter. Malakas ang pagkakahila sa akin ng lalaki at kahit na hindi ako tumingin sa kanya ay alam ko kung sino sya. Hanggang sa makarating kami sa isang sofa ay binitawan na nya ang kamay ko.

Nadatnan ko si Marya, Gian, Jake, Daryl at ang dalawa ko pang kaibigan na babae sa university namin.


"Kararating mo lang, Lancy." malamig na sabi ng lalaking humila sa akin.

Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay saka inirapan.

"I can do what I want to do, Tuazon." matabang kong sabi.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo at doon ko nakita ang matatalim at dangerous nyang mga tingin.

"Happy birthday, Lancy!" sigaw ng mga kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top