Chapter 7

Kabanata 7

I won't tell you



Life is simple. It's simple if you live your life to the fullest. It's simple if you just go with the process. It's simple if you don't have serious things to worry of. It's simple if you only think positively.

But my life... isn't simple.

I'm rich, I have unlimited money. I have many assets. I have the spotlight. I am beautiful, sexy and spoiled. Of course, hindi pwedeng hindi isali ang spoiled. It's me.

Pero... sa eighteen years ko dito sa mundo ay narealize kong hindi lahat madali. Hindi lahat... nakukuha mo. Alam ko iyon, mula nang inamin ko sa sarili ko na gusto ko si Jared ay talagang hindi naging madali. I have to write letters, I have to behave in front of him, and I have to control my systems.


Hanggang ngayon, kahit ilang buwan na ang lumipas ay talagang hindi madali.

Isang month nalang ay graduate na ako sa high school. Sa susunod na mga buwan ay college na ako.


Suminghap ako bago nagpatuloy sa pagbabasa ng history book ko. May exam kami ngayon sa history subject kaya eto at kailangang mag-aral para hindi mabaliw sa mga tanong ng teacher mamaya.

"Number one," ani ng guro namin kahit hindi pa sya nakakapasok sa room nang tuluyan.

Tuliro ang iba kong kaklase at kahit ano nalang ang hinahanap o hinihingi nila sa katabi nila. Habang ako ay ready nang sagutan ang questions na itatanong ng guro.

"Lancy, pahinging papel."

Napatingin ako sa katabi kong babae na nakalahad ang palad nyang nakabukas.

Kumuha ako ng isang lengthwise piece of paper saka iyon ibinigay sa kanya.


"Thank you!" aniya at ngumiti.

Itinuon ko nalang ang tingin sa guro namin na pinandidilitan ng mata ang mga kaklase kong natutuliro sa sariling ginagawa.


"Uy, Lancy... ano rin..." tumingin uli sa akin ang katabi ko nang nakalahad ang palad, "...ball pen din sana." aniya at ngumiti.


Napailing-iling ako bago ibinigay sa kanya ang spare gel pen ko sa sling bag. Nagpasalamat ulit sya at maya-maya ay nagsimula rin ang test.

Hindi madali ang mga questions ng guro. Alam ko kasi kahit nga ako na nag-review ay nahirapan, paano pa kaya ang mga kaklase kong walang ibang ginawa kundi ang mangopya.

Nang natapos ang test ay tuwang-tuwa ako nang marinig ko ang score ko.


"Only Ms. Cordova got the passing score. Forty seven out of fifty." aniya at tiningnan ako.

Kaagad akong tinignan ng mga kaklase ko at inasar-asar. Ang iba ay nainggit pa nga.

"Thank you, thank you!" ani ko at ngumiti.

Napatahimik kami nang suminghap ang guro namin.

"Next week na ang final examination nyo, studs. Pero bakit wala paring pag-asenso ang scores niyo? Si Lancy nalang lagi ang nakaka-passing sa mga tests ko. Gayahin nyo nga sya. Kayo kasi ay inuuna ang lovelife." ani ng guro at umiling-iling.

Maraming nagreklamong estudyante dahil sa sinabi nya. Mayroon pang nagsabi na 'bitter ka lang, sir eh'. Marami pang mga biro ang sinabi ng kaklase ko pero inilingan lang sila ng guro.

"Okay, class dismiss. Sana ay bukas, mag-improve kayo." paalam nya.


Habang naglalakad ako sa hallway ng school namin ay parang mga bubuyog ang mga kaklase ko sa kakatalak.

"Pakopya naman bukas, Lancy." ani ng isa.

"Oo nga!" sagot naman ng isa.

Tinignan ko ang limang babae na nakasunod sa akin saka sila nginitian.

"Ano ba kayo... review lang naman ang kulang sa inyo eh. Sige na, uuwi na ako. Bye!"


Bago pa sila makapag-react ay umalis na kaagad ako.

Napangiti ako nang makita si tatay Jun na nakangiti rin sa akin. Nakatayo sya sa harap ng van namin.

Tuwang-tuwa akong lumapit sa kanya saka agad-agad na yumakap nang mahigpit.

Ilang buwan ko na ring hindi nakikita si tatay Jun dahil nagpapahinga sya sa bahay nila. Minsan ay bumisita naman ako sa kanila at dinalhan sya ng mga prutas at preskong vegetable tapos mga maintenance nya rin.

Narinig ko kina mommy at daddy nung isang gabi na pinag-uusapan nila ang pagbalik ni tatay Jun bilang driver namin. Hindi nalang ako nagtanong kasi busy rin ako nung isang gabi sa projects ko.


"Okay na po ba kayo? Kailan lang po kayo nakarating sa bahay namin? Nagkausap na ba kayo ni daddy at mommy?" sunod-sunod kong tanong nang nasa tapat na kami ng agency.

Kailangan ko rin kasing pumunta dito dahil iniutos sa akin ni daddy na kunin daw 'yung suitcase nya sa office kasi nakalimutan nyang dalhin.

"Okay na ako, anak. 'Wag kang mag-alala. Kanina ay nakapag-usap na kami ng mga magulang mo." sagot nya.

Tumango-tango ako at ngumiti bago nagpaalam na lalabas lang saglit.

Kinuha ko kaagad ang suitcase ni daddy sa office nya sa 20th floor bago dali-daling sumakay ng elevator.

Hawak-hawak ko iyong suitcase nang bigla akong makarinig ng pamilyar na boses nang makarating ako sa ground floor.

Bahagya akong nagtago sa reception area saka sumilip.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makita ang nakatikom na labi at nakakunot na noo ng lalaking matagal ko nang iniiwasan.

Right, iniiwasan. Nag-request ako kay daddy na sabihan nya si Jared na 'wag nang ituloy ang pagsundo sa'kin kada biyernes. Ilang buwan na nga eh. Nihindi pa nga siguro nakakasampung beses ang pagsundo nya sakin pero pinahinto ko na kaagad. Ayokong mag-isa akong mahulog kasi alam ko... hulog na hulog na talaga ako.


"'Yung mga track songs sa album na sinulat mo? Medyo malakas ang dating sa isang relationship. Ano? Para kanino 'yun?" boses iyon ng babae.


Kaya sumilip uli ako upang tignan kung sino iyong nagsalita. Isang may katangkarang babae ang nakita ko. Maputi at makurba ang katawan pero nasa 30's na ata.

I once seen her... saan nga ba iyon? Right! Sa contract! Sa resume! Siya iyong manager ni Jared.


Kinalabit ni JKL ang gitara nya sa likuran bago iyon inilahad kay Zevy.

"'Wag po kayong maisyu baka may makarinig at magselos pa." aniya.

Bahagyang nalaglag ang panga ko dahil sa sagot nyang iyon.

Magseselos? Sino naman kaya iyon? Damn? Bakit parang natatamaan ako? Syempre naman! Kung dedicated to someone nga ang sinusulat nyang kanta, siguradong magseselos ako. Hindi lang selos kundi maiinis din. Para kanino kaya ang bagong album nya?

Ipinilig ko ang ulo nang biglang may lumitaw na babae sa harapan ko.


"Ms. Lancy! Anong ginagawa nyo dito?" malakas ang pagkakatanong nya kaya kaagad akong nagtago.

"Ano ba?!" inis kong sabi pero hininaan ko lang ang boses ko.


Sumulyap ako sa kinatatayuan nila ni Jared at ng manager nya kanina pero ang naabutan ko lang ay si Zevy na nakakunot ang noo.

Luminga-linga ako sa paligid bago nagsalita.


"Asan na 'yun?" mahina kong tanong sa sarili.

"Sino?"


Kaagad na naghuramentado ang buong sistema ko nang marinig ko ang boses nya malapit sa akin. Muling nabuhay ang mga kulisap sa tiyan ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko na parang ewan. Ano ba?! Kumalma naman kayo sandali!

Tinitigan ko si Jared na nakapameywang na sa harapan ko saka tinaasan ng kilay.

"Si Minky." sagot ko.

Nginisihan nya ako dahilan kung bakit nalusaw ang lahat ng nararamdaman kong pag-iwas sa kanya. Damn? Bakit?


"You lying?" malamig nyang tanong.

"Of course not! Si Minky talaga ang hinahanap ko. Now, may I excuse myself?"


Aalis na sana ako pero hinarang nya ang katawan nya.

Tinaasan ko uli sya ng kilay saka sinamaan ng tingin.

"Ano ba?!"

"Ako ang hinahanap mo." hindi iyon tanong, it's a statement and I hate it! Parang sigurado sya!

"Bakit naman kita hahanapin?"


Pumihit akong umalis at laking pasalamat ko nang hindi na nya ako hinarangan.

Dumiretso ako sa tapat ng girl's restroom dahil feel kong mahimasmasan man lang ng kunti.

Pero bago pa man ako makapasok doon ay kaagad akong hinawakan ng isang kamay at sa isang iglap lang ay nakasandal na ako sa pinto ng restroom.

Halos tumalon-talon ang puso ko sa sobrang kaba dahil sa ginawa nya.


"You miss me?" ngumisi sya.

Uminit ang pisngi ko at pilit na kumalas pero hindi ko nagawa dahil sobrang lakas nya.

"Jared! Let go of me!" sabay piglas ko.

Umiling-iling sya pero nandoon parin ang ngisi sa labi nya. What now, Jared?

"I won't, Lancy. Let's talk."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago tumango, "Fine! Let's talk! Nang walang sandalang nagaganap!" sagot ko.


Nang tumango sya ay akala ko papakawalan na nya ako pero hindi. Mas lalo lang humigpit ang hawak nya sa akin. Uminit nang husto ang pisngi ko nang bigla nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"I told you, let's talk. Without shouting, whining, and moving." seryoso nyang sabi.

Tumango ako.

"Spill it. Sabihin mo na dahil nagmamadali ako."


Talagang nagmamadali ako dahil malapit nang mag-alas sais at medyo dumidilim. Si tatay Jun ay pinaghintay ko pa nang matagal. Baka nag-aalala na iyon, hindi pwede baka ma-stress at magkasakit uli.

"Bakit ka nagmamadali? Do you have date?" malamig na ang boses nya ngayon.

Tinaasan ko sya ng kilay, "And if I say 'yes'? May magagawa ka ba?" pagtataray ko.

Sinusungitan ko sya pero sa kaloob-looban ko ay sobrang tuwa ko na. Sobrang masaya ako ngayon. At itong kasiyahang 'to? Hindi ko na alam kung legal pa ba dahil masyadong nakakabaliw.


"I don't have anything to do with your date with someone. I just want to ask kung bakit hindi ka na nagpapasundo?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi saka nag-iwas ng tingin.

"Uhh... kasi... magka-college na ako! Tama! And I can have my driver's license kasi nasa legal age na ako. Hindi ko na kailangan ng driver." sagot ko.


Plano ko naman talagang bumili ng kotse. Lalo na ngayong magka-college na ako dahil gusto kong maging independent. Gaya ng sabi ko, I'm in legal age now at kaya ko nang gawin ang hindi ko kaya noon.

Suminghap si JKL saka sa wakas ay binitawan na ako. Hinawakan ko iyong wrist ko na hinawakan nya kanina at bahagyang napangiwi nang makita ang pulang marka doon dahil yata sa higpit ng hawak nya.


"You know... you can have me as your driver. Papayag ako kung ikaw mismo ang hihingi ng pabor."


Medyo nagulat pa ako dahil sa sinabi nya. It's unusual. He's cold. Bakit nya ako pagbibigyan? Bakit sya papayag na maging driver ko ulit? Why? Why, Jared? Why are you so freaking mysterious, beast?! Fuck! Hindi ko talaga sya mabasa!



Umirap ako, "Sabihin mo muna sakin. Ano meron sa inyo ni Honeylyn? Gusto mo sya? O kayo na ba?" ani ko.

Bahagya syang sumimangot bago ulit ako isinandal sa pader.

Tinitigan nya ako sa mga mata bago sya sumagot, "I am not interested in anyone else, Lancy." ani nya.


Tuliro ang mga mata ko dahil sa sobrang kaba. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil doon.

Hindi ko napigilan ang tumingin sa labi nyang maninipis ngunit mapupula.


Napalunok ako bago nagsalita, "K-Kanino ka interesado kung hindi sa kanya?" mahina kong tanong at hindi ko matanggal ang tingin ko sa labi nya.


Hinawakan nya ang chin ko kaya naggulo ulit ang sistema ko. Sa kunting hawak nya palang sa katawan ko ay sobra-sobrang paninindig ng balahibo ang natatanggap ko. Paano pa kaya kung halik na? Damn!! Stop it, Lancy Sapphire!

Tumunog ang pagngisi ng labi nya bago ako pinakawalan.

"I won't tell you, yet."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top