Chapter 6

Kabanata 6

Falling hard


"I will be fetching you on Monday, Lancy. Sorry to disappoint you..."

For the nth time, inulit ko na naman sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Jared nung biyernes.

I swear! I'm gonna go mad right now! Masyadong nakakapagpaggiba ng sistema ang sinabi nyang iyon sa akin!

Like, bakit nya ako susunduin? Ayaw nya ba na sunduin ako ni Gian o ng kung sino man? Bakit? Nagseselos ba sya? Damn! Selos? Niwala nga iyong pake sa akin eh! Selos pa kaya? Siguro ay naaapakan lang ang ego nya kaya nya iyon sinabi.


Tumango-tango ako bago huminga nang malalim.

I'm not gonna lie. Namulat nalang ako isang araw na gusto ko na si Jared. My reason is because he's cold, passionate, mysterious, and an unreadable beast. Why did I called him a beast? Because he is indeed a beast! Halimaw lang ang nakakapaggiba ng sistema ng isang tao. Halimaw lang ang nakakapagpabuhay ng mga namatay na mga kulisap at iyon ay ang nagagawa nya palagi.


True enough. Nang dumating ang lunes ng hapon ay nalaglag ang panga ko nang makita sya na nakasandal sa pulang Toyota nya. May shades sa mata at nakasuot ng stripe longsleeve na maraming butones. Nasa bulsa ng kanyang jeans ang mga kamay nya.

Halos hindi ko na napigilan ang malaglag ang panga habang pinagmamasdan ang kabuoan nya. Am I not dreaming? Really?!


Napatikhim ako nang bigla nyang tinanggal ang shades sa mata saka ako kinunotan ng noo.

Unti-unti akong lumapit sa kanya saka nginitian ko sya.


"Ang aga yata ng sundo ko?" ani ko, natatawa.

"Stop." malamig nyang sabi.


Napairap nalang ako bago pumasok sa kotse nya. Kakatapos ko lang magsuot ng seatbelt ay kaagad rin syang pumasok sa sasakyan saka pinaharurot rin agad-agad ang kotse nya.

Huminto ang sasakyan nya saglit dahil medyo traffic din.


I sighed bago tumingin sa kanya, "Sundo lang ba talaga ang kaya mong ibigay sa'kin?" ani ko.

Sinulyapan nya ako saglit at kaagad ding ibinalik ang tingin sa kalsada, "That's all I can give." malamig nyang sagot.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi, "Kahit dinner lang?"


Oo, desperada ako. Dinner lang naman eh. Walang masama doon saka... I'm not asking too much, right?


Kumuyom ang panga nya bago ako sinagot, "You tell me first... why did you stop writing love letters for me?"


Nag-iwas ako ng tingin. Darn! Umingit ang pisngi ko dahil sa sinabi nyang iyon! Nabubuhay na naman ang mga kulisap sa tiyan at hindi ko na alam kung paano ko sila mapipigilan!

Tama sya. Huminto na talaga ako sa paggawa ng love letter sa kanya magmula nung maging substitute ako sa volleyball sa team nina Marya. Hindi ko alam ano ang dahilan pero huminto na lang ako ng kusa. Maybe I was disappointed? Because he doesn't read my letters. He just read Honeylyn's letters and that... hurts.

Suminghap ako.

"Hindi ka na naman nag-aaral kaya wala na akong rason pa para bigyan ka nun saka... hindi mo naman binabasa." ani ko.

Tinitigan ko nalang ang mga nadadaanang gusali mula sa labas ng bintana ng kotse. Hindi na traffic kaya umandar na ulit ang kotse.

"Binabasa ko. Hindi ko lang tinatapos." sagot nya.

Medyo uminit ang pisngi ko dahil sa kilig. Damn? Binabasa nya ba talaga? Weee? Ey! Hindi ako naniniwala! Basta halimaw, sinungaling.

Tinitigan ko sya kahit na nasa daan lang ang tingin nya saka ako nagtaas ng kilay.


"Kung binabasa mo... nasimulan mo na eh bakit hindi mo nalang tinatapos? Bakit kay Honeylyn ay tinatapos mo?"

Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita. Maybe it was my bitter side.

Kumuyom ang panga nya saka inihinto ang sasakyan.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang resto sa harap namin. Gabi na kaya tumitingkad ang pangalan ng restaurant sa ibabaw na 'Eden's Paradise'. Bet ko ang pangalan ng restaurant, a?

"Ang haba ng sulat mo. Kay Honeylyn, isang paragraph lang." matabang nyang ani at lumabas ng kotse nya.


Hindi ko inaasahan na pagbubuksan nya ako ng pinto. Kinurot-kurot ko pa ang pisngi ko para lang masiguradong hindi ako nananaginip at nang masigurado ko nga ay saka palang ako bumaba.

Panay ang ngiti hanggang sa makapasok kami sa restaurant. I just can't believe it! Unti-unti ko na bang nakukuha ang halimaw? Katulad ko ba ay naggigiba narin ang sistema nya? Darn! Gusto ko palang sya pero sa mga iniisip ko ay parang handa na akong sumugal para sa kanya!


Ipinilig ko nalang ang ulo bago pumili ng pagkain sa menu.


"Sweet and sour fried chicken nalang 'yung akin tapos isang basong Emperor's smile." ani ko sa waiter.

Tumango iyong waiter at walang reklamo pero ang kasama ko yata ang nagreklamo dahil sa order ko.

"Anong 'Emperor's smile', Lancy? Gusto mo bang umuwi nang lasing?" matalim ang titig na ipinupukol nya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ibahin ang order ko.


Hindi ko napigilan ang manghinayang habang hinihintay ang order namin.


"Sayang. Ang sarap kaya ng Emperor's smile." nakanguso kong ani.

"Sana ay sa bar nalang tayo pumunta kung gusto mo palang uminom." malamig na ani ni Jared.

Tinitigan ko sya at sinimangutan bago nilantakan ang pagkaing in-order ko na kakadating lang.


"Isang baso lang naman 'yun, eh. Sige na, Jared, please?" nagpaawa ako gamit ang cute kong ngiti pero hindi nya pinansin.

Inirapan nya lang ako kaya ngumuso nalang ako hanggang sa matapos kaming kumain at ihatid nya ako sa bahay namin.


"Salamat," mahina kong sabi at ikinalas ang seatbelt ko.

Hindi sya sumagot hanggang sa makababa ako ay ipinaharurot nya kaagad ang pulang kotse nya.

Napairap ako sa hangin. Darn! Kung magka-kotse lang ako, siguradong lalamangan ko 'yang kayabangan mong halimaw ka! Tsk!

Napangiti ako bago pumasok sa bahay namin. That was our first dinner together. Damn, Jared-beast! I'm looking forward to our second dinner!

Mukhang hindi yata ako mahal ng kalikasan kasi hindi na naulit pa ang dinner namin dahil minsan nalang nya akong masundo kasi busy sya. Busy sya sa pagsusulat ng kanta. Alam ko iyon pero hindi ko maiwasang magtampo. Um-oo sya, pumayag sya sa sinabi ni papa na sunduin ako kada-biyernes pero hindi nya napanindigan.

Hindi na nagbalik pa ang mga kulisap sa tiyan ko at hindi narin gumugulo ang sistema ko. Namatay na ata ang mga parte ng katawan ko dahil matamlay na ako ngayon. Lagi nalang akong nakasimangot. Feeling ko menopause ko na dahil sa sobrang simangot. Darn! I miss him!


Ipinilig ko ang ulo saka nilapitan ang isang lalaking kaklase ko. I need to do something!

"Hi, Daryl!" kaagad kong bati sa kaklase ko.

Medyo nagulat pa iyon dahil sa bigla kong pagkausap sa kanya. Hindi ako madaldal na tao, ayoko nga sa maiingay pero kapag ako ang may mood mag-ingay, 'wag na kayong umangal.


"Oh, hi, Lancy!" ani nya at ngumiti.

Tumango-tango ako bago sinulyapan ang relo ko saka sumimangot ng bahagya.

"Ano... pwede mo ba akong pasabayin sa pag-uwi? Sa Fly Highest University lang sana." ani ko saka ngumiti.


Inayos ko ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko saka bahagya iyong inilagay sa taenga ko.

Nakita ko ang pagsunod nya sa ginawa ko kaya kinunotan ko sya ng noo.

"Bakit?" ani ko.

Nag-iwas sya ng tingin saka suminghap bago pumayag na pasabayin ako. Tuwang-tuwa ako hanggang sa makarating kami sa harap ng gate ng university kung saan nag-aaral si Gian.


"Sorry talaga sa abala, Daryl. Hayaan mo, ililibre kita sa susunod." sabi ko saka tinanggal ang seatbelt sa katawan.

"Okay lang, Lancy. Anytime." aniya.

Tiningnan ko sya saka nginitian bago lumabas ng kotse nya.

Napangiti naman kaagad ako nang makita ko si Gian na kakalabas palang ng gate nila. May kasamang isang matangkad at maskuladong lalaki.

"Gian!" tawag ko sa kanya.

Nakuha ko kaagad ang atensyon nya. Nginuso pa ako ng kasama nya pero nginitian nya lang bago sila nagpaalam sa isa't-isa.

"Lancy! Anong ginagawa mo dito? Miss mo 'ko, 'no?" asar nya.

Tumango-tango ako at sinakyan ang asar nya, "Of course! Damn, I miss you, too!" ani ko at kinurot ang pisngi nya.

"Ow!" napadaing sya kaya binitawan ko na.


Pinagkibitan nya ako ng balikat saka tinaasan ng kilay.

"Totoo nga, ano ginagawa mo dito? Wala 'yung sundo mo?" seryoso na sya ngayon.

Bahagya akong tumango, "W-Wala eh... kaya nga ako andito dahil magpapahatid ako sa'yo sa agency namin. Gusto kong samahan mo ako hanggang sa loob nun kasi ayokong magmukhang lonely." ani ko at ngumiti.

Tinitigan nya ako na para bang sinusuri nya na seryoso ba ako o talagang nabagok lang ang ulo ko at nabaliw dahil dun.

I mockingly pinched his arms saka nauna na akong pumasok sa kotse nya.



"Hi, Ms. Lancy! Sino 'yan, boyfriend mo? Gwapo ah!" bungad ni Minky sa akin sabay sulyap kay Gian na kasama ko.

Sabay kaming sumakay ng elevator kaya nakita nya si Gian.

Nginitian ko sya saka umiling, "Hindi, Minky. Nakikichismis ka na naman. Sige ka, isusumbong kita kay daddy na hindi mo ginagawa ang trabaho mo." banta ko sa kanya.

Napasimangot sya saka ipinakita ang folder na dala-dala nya, "Ito nga oh. Galing ako sa office ng daddy mo para magpapirma nito." sagot nya.


Kinuha ko sa kamay nya ang folder saka kumunot ang noo ko.

"Long-term contract of Ms. Zevy Caxton? Sino 'to?" tanong ko sabay tingin sa resume ng babaeng si Zevy daw.

Nakita ko ang laman ng kabuoan ng kontrata. Halos tumaas ang kilay ko nang mabasa na siya ang magiging manager ni JKL as long as nasa kompanya namin sya.


Tinitigan ko si Minky habang nag-O ang labi ko, "OH MY GOD?" gulat kong ani.

Tumango-tango si Minky saka hinablot na sa akin ang folder nya.

"May manager na si Jared?" hindi-makapaniwalang tanong ko.

"Yes, Ms. Lancy! Nagiging sikat na lalo si JKL at mas sisikat pa sya dahil may magma-manage na sa kanyang manager nya mismo." aniya.

Hinila ko kaagad si Gian palabas ng elevator at kaagad na dumiretso sa recording room.

"Oops, hinay-hinay naman, Lancy." ani ni Gian nang malapit akong matalisod dahil sa pagmamadali.


Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto.

Nakangiti ako bago pumasok sa room pero napawi ang ngiting iyon nang maabutan ko si Jared na kayakap si Honeylyn.

Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa nakita.

Ang mga patay na kulisap ay hina-hunting ang buong sistema ko. Tinutusok-tusok nila lahat ng sistema ko at parang gusto nila akong patayin dahil sa disappoinment.

Damn!


Hindi ko na alam kung paano ko pa nagawang lumabas sa room na iyon. Basta ang alam ko lang, I need to stop this. I need to stop the insects inside me because this is bad... so bad! I think... I'm falling hard on him... on that beast. And this is freaking... bad!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top