Chapter 4
Kabanata 4
I don't
I allowed Jake to have my number not because I wanted to text and even call him, but because... I want to know things and update on Jared's everyday life. Syempre ay hindi naman ako nakakapagtanong lagi kay Marya dahil busy din ako sa school kaya iyon ang naisip kong paraan para kahit na busy man ako, magkakaroon ako ng inspiration sa tulong ng informations kay JKL.
But my desire vanished.
Dinelete ni Jared ang number ni Jake sa cellphone kaya hindi ko na sya mati-text pa para magtanong.
Darn naman kasi! Bakit nya dinelete? Tapos sinabi pa nya na kung kailangan kong malaman ang mga ginagawa nya, gamitin ko ang sarili kong paraan?
Well, having Jake's number was one of my way to know him more!
Ipinilig ko ang ulo ko pagkatapos naglakad ng hagdan ng bahay namin pero hindi pa ako nakakalimang hakbang ay napatigil ako nang marinig ang boses ni daddy at mommy.
Bahagya akong sumilip at nakita silang nasa ilalim ng hagdanan, nakatayo malapit sa guest room.
"Is that his final decision?" ani mommy.
Tumango si daddy at namaywang, "Yes, he told me that. I already asked him a lot of times but... that's his final decision. He would pursue his passion more than his studies..." ani daddy.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni daddy. I have a hint kung sino ang pinag-uusapan nila pero hindi, 'di ba?
"Well, he can have home study, instead."
Napasandal ako sa railings ng hagdan namin nang biglang mapatingin sa gawi ko si mommy.
"That's right. I can hire a personal teacher." ani daddy kay mommy na sa akin parin ang tingin.
Napatingin narin si daddy sa akin dahil kay mommy.
Ngumiti ako bago nagsalita.
"Hi, mom! Hi, dad!" ani ko.
Tumango si daddy at kinawayan ako. Si mommy naman ay tanging isang ngiti ang ibinigay sa akin.
"Si Jared ba 'yung pinag-uusapan nyo?" hindi ko na napigilan ang mapatanong.
Tumango si daddy at nagkibit-balikat, "Hihinto raw muna sya sa pag-aaral. He likes to focus on his passion." aniya.
So, that beast really love his passion that much?
"Pero... 'di ba ay higit isang buwan nalang ay ga-graduate na sya sa grade 10? Bakit hindi nya nalang ipagpatuloy?" curios kong tanong.
Tinignan ako ni mommy nang matalim kaya medyo nagdikit ang mga labi ko dahil sa takot.
"Are you interested on that singer, darling?" ani nito na ginamit ang Aussie accent nya.
"N-Nagtatanong lang po..." ani ko saka tumalikod na.
Nagpatuloy na ako sa paghakbang papunta sa kwarto ko.
Binuksan ko ang laptop ko at hinalungkat kaagad ang google bago iti-nype ang pangalan ni JKL.
Unang bumungad ay ang news na hihinto na nga sya sa pag-aaral. Ang sabi doon sa article ay gusto nyang mag-focus sa pagkanta.
That news was good and bad for me. It's good because I can see him every time I'll visit our agency, while, it's bad because I don't have any reasons to visit Marya on their school.
I sighed. Maybe, I'll just text her sometimes.
Kaya sa mga dumating na araw ay lagi akong dumidiretso sa kompanya namin. Gusto ko talaga syang makita. I want to see his beast feature.
Jared is indeed cold, suplado, masungit at sobrang misteryoso din. Hindi ko sya mabasa kahit ano ang gawin kong paraan. Lahat ng ginagawa nya ay hindi ko malaman-laman kung bakit nya iyon ginagawa. Hindi ko lang talaga sya mabasa.
Ngayong araw ay pupunta ulit ako sa agency namin.
Nagsuot lang ako ng white bouncy dress at pinaresan ko iyon ng silver stilletos tapos ay ready to go na ako.
"Si Jun po!"
Kaagad kong nabitawan ang purse ko dahil sa gulat sa biglaang pagdating ni yaya Irma sa kwarto ko.
"Bakit?!" inis kong tanong.
"S-Si Jun po... isinugod sa ospital." aniya.
Ibinato ko ang purse sa gilid ng kama ko at dali-daling lumabas ng kwarto ko dahil sa kaba.
Namutla ako dahil sa nalaman. Hindi ko alam kung may lakas pa ba ako. Hindi ko na alam kung paano pa ako nakarating sa ospital. Kinakabahan ako.
Panay ang nginig ng labi ko dahil sa sobrang kaba. No... no... no... wait for me, Tatay Jun.
Lumabas kaagad ako ng taxi na sinasakyan pagkatapos kong magbayad saka ako patakbong dumiretso sa lounge area kung saan nakita ang mga nurse na nag-aasikaso doon.
"Where's the room of Jun Lastimosa?" inis kong tanong.
Nagkukumahog ang nurse sa pagta-type sa monitor na kaharap dahil marahil sa takot sa akin.
"Damn! Bilis!" inis ko paring sabi.
Tumingin sya sa akin at sumagot, "Ward 104 po sa third floor." sagot nya.
Tumango ako at dali-daling tumakbo papunta sa elevator.
Papunta palang ako sa ward 104 ay sobrang kaba na ang nararamdaman ko.
Binuksan ko ang door knob nang makita ang room number nya saka dali-dali akong pumasok sa loob at halos hindi ako makagalaw nang makita si tatay Jun na maraming apparatus na katabi.
Bumilis ang paghinga ko nang makita si daddy na kausap ang doctor.
Hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pag-uusap tungkol sa kalagayan ni tatay Jun.
"Malala na ang tuberculosis nya, Mr. Cordova. Lalo na ngayong bigla syang inatake dahil sa sobrang emosyon. Hindi na pwedeng operahan sya dahil mas delikado na... I'm sorry, Mr. Cordova pero hanggang dito nalang talaga ang kaya ng katawan nya."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matumba nang biglang mangatog ang tuhod ko. Nanlabo ang mga mata ko habang hinahawakan ang hospital bed ni tatay Jun.
"'Tay Jun..." umiiyak kong sabi.
Nakita kong aalalayan na sana ako ni daddy nang hindi ako nagpatinag.
Yumuko ako at tinakpan ng mga palad ko ang mukha ko. I look so pathetic right now for crying out loud but if the reason is tatay Jun, then I don't care! I want him safe! Gusto ko iyong inaalo nya ako dito habang umiiyak ako. Gusto kong... ligtas sya.
"Baby... stand up." mahinang sabi ni daddy.
Umiling-iling ako bago pinunasan ang mga luha.
Narinig ko ang pinto na bumukas pero wala na akong oras na tignan oa iyon.
Akala ko pa naman ay safe sya doon sa bahay nila. Hinayaan namin sya na magpahinga muna sa bahay nila nang sa ganun ay umayos-ayos ang kalagayan nya pero hindi ko naman alam na aatakihin sya. Darn!
"Stand up,"
Nangingilid ang luha ko sa mga mata nang makita ko ang mukha ng taong gusto ko.
Tinanggap ko iyong kamay nya na nakalahad pagkatapos ay inalalayan nya akong umupo sa sofa ng ward.
Yumuko ako kasi ayokong nakikita nya akong umiiyak. Ayokong sabihin nya na mahina ako. Hindi ako mahina. Spoiled ako. Basta spoiled, hindi pwedeng umiiyak kasi bakit ako iiyak kung binibigay naman lahat sa akin ni daddy ang hinihingi ko?
Tumingala ako bago pinunasan ang sariling mga luha.
Inirapan ko sya nang madatnan ang titig nya sa akin.
"Bakit mo ako tinititigan ng ganyan?!" inis kong ani.
Umiling-iling sya bago tinanggal ang itim na denim jacket nya.
Kumunot ang noo ko nang inilahad nya ito sa akin. Tinignan ko si daddy na nakikipag-usap ulit sa doctor. Pagkatapos ay si Jared naman ang tinignan ko.
"A-Ano gagawin ko sa jacket mo?" tanong ko.
Hindi sya sumagot bagkus ay lumapit sya sa akin. Napaatras ako dahil sa sobrang kaba lalo na nang maramdaman ko ang mainit ngunit mabango nyang hininga malapit sa leeg ko.
Naghuhuramentado na ang mga kulisap sa tiyan ko. Ano ba? Bakit ganyan ang reaksyon nyo tuwing malapit sya?
"Gusto mong kainin?"
Inirapan ko sya at bahagyang itinulak bago pinagkibitan ng balikat.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang bigla nya iyong ipinulupot sa baywang ko. Halos mamutla ako dahil sa ginawa nya. Damn! Lalo na yata nung maramdaman ko ang pagdantay ng braso nya sa likuran ko.
Hindi ako gumalaw dahil wala akong lakas.
"O-Okay na!" kinakabahan kong ani bago lumayo sa kanya.
Nakatali na iyong jacket nya sa likuran ko. Natatakpan na ang medyo expose kong legs dahil sa suot kong dress kanina.
"T-Thank you..." mahina kong sabi.
Tumango lang sya at sinimangutan ako bago nya hinarap si daddy.
"We'll just go outside, baby. Ipapasundo nalang kita sa driver natin mamaya." ani daddy at hinalikan ako sa noo.
Tumango-tango ako at tumayo saka umupo sa tabi ni tatay Jun.
"Tatay Jun naman eh... gumising ka nga diyan. Kung hindi ay magha-hunger strike ako. Bahala ka, tatay!" ani ko at hinawakan ang kamay nya.
"Basta, maging mabait ka sa harap ng tatay mo..."
Kumunot ang noo ko nang makarinig ng usap-usapan mula sa labas ng ward ni tatay Jun.
"Oo nga, mama eh! Paulit-ulit ba tayo dito?"
Kumulo ang dugo ko nang marinig ang boses ni Honeylyn.
"'Wag mo akong masigaw-sigawan, Honey! Dahil sa'yo ay inatake sa puso ang papa mo! Kung hindi sana sa katigasan ng ulo mo na umalis kagabi ay sana hindi ito nangyari!"
Binitawan ko iyong kamay ni tay Jun saka hindi na napigilan ang maglakad papunta doon sa pinto.
"Nakipagkita lang naman sa akin si Jared eh!"
Binuksan ko ang pinto. Nakita kong nanlaki ang mga mata ng nanay nya habang sya naman ay tinaasan ako ng kilay.
Dali-dali ko syang hinawakan sa kamay nya nang mahigpit bago hinila papunta doon sa harap ng girl's restroom ng hospital.
"What?!" inis nyang ani nang makarating kami doon.
Pinagpag ko ang kamay ko saka sya nginisihan, "Grabeng germs naman!" ani ko at kinati-kati ang kamay na animo'y may germs nga talaga.
"Ano?!" inis nyang sabi.
Lumapit ako sa kanya saka sya dinuro-duro.
"Ikaw pala ang dahilan kung bakit inatake si tatay Jun?! Bruhilda ka talaga, Honeylyn! Bakit hindi nalang ikaw 'yung inatake tutal ay wala ka namang silbi dito! Plastic ka lang! Nakaka-polusyon sa mundo!" inis kong sigaw sa kanya.
Nginisihan nya ako at tinaasan uli ng kilay, "Wow, ah? Akala mo sino kang mataas? Mayaman ka lang, Lancy! Ako, maganda na, hindi pa spoiled!"
Humalakhak ako, "Maganda? 'Yang mukha mo, maganda? Grabe ka! Manalamin ka nga, Honeylyn! Sobrang plastic mo! Wala ka nang ginawang tama dito at ikaw pa ang dahilan kung bakit sinugod si tatay dito?!"
Nilapitan nya ako at walang anu-anong tinuro ang jacket na nakapulupot sa baywang ko.
"Bakit na sa'yo 'yan? Ano? Inaakit mo rin ang boyfriend ko?!"
Hinalakhakan ko ulit sya, "Assuming! Hindi bobo si Jared para gawin kang girlfriend! Sa bagay, sino ba naman ang magkakagusto sa'yo kung mahirap na nga, feeling mayaman pa. Alam mo, Honeylyn, ito itatak mo sa isipan mo, ah? Basura ka lang! Kung maraming uri ng basura, nabibilang ka sa non-recyclable dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi ka na magagamit pa ng kung sino!" inis kong sigaw sa kanya.
Pinandilatan nya ako ng mata bago inamba ang kamay nya sa ere upang sampalin ako pero bago nya pa man magawa iyon ay may pumigil na sa kanya.
"Will you please stop?!"
Tumingin ako kay JKL nang sabihin nya sa akin iyon.
Napaismid ako bago padabog na ibinalik sa kanya ang jacket nya saka kaagad ko silang nalagpasan.
Nakasimangot ako habang padabog na naglalakad paalis doon.
Hindi pa ako nakakalayo nang bigla akong matapilok pero mabuti nalang ay hindi ako natumba. Padabog akong yumuko at tatanggalin na sana ang stilletos ko nang may bumuhat sa akin.
Halos kumawala ang puso ko dahil sa sobrang paghuhuramentado nito mula sa loob.
Ipinilig ko ang ulo bago tinignan si JKL na magsiabot ang kilay habang buhat-buhat ako.
"Ibaba mo nga ako!" Inis kong sabi saka akmang bababa nang taliman nya ako ng tingin.
Wala akong nagawa kundi ang matahimik. Damn! Those dangerous eyes!
"Will you stop wearing dresses?"
Napatingin ako sa kanya nang bigla nya iyong sinabi.
Inirapan ko sya, "And why would I?"
Nanatiling malamig ang ekspresyon nya habang buhat-buhat ako.
"Do you like me, Jared? Are you concern?" ani ko.
Tinignan nya ako at walang prenong ibinaba ako.
Muntik na akong matumba dahil sa ginawa nya pero buti nalang ay hindi.
Tinitigan nya ako saka ibinalik sa baywang ko ang jacket nya.
"I... don't," malamig nyang ani at iniwan ako doon.
Napairap ako. Damn that beast!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top