Chapter 39
Kabanata 39
One Room
"The number 131 flight, 9:30 A.M. will take off fifteen minutes from now. Passengers, please take your seats."
Tumayo kaagad kami ni Jared mula sa pagkakaupo sa departure area nang marinig ang announcement na iyon mula sa eroplano.
"I'll take care of these," sabi niya kaagad nang akmang kukunin ko na sa kan'ya ang maleta ko.
Tumango na lang ako at hinayaan siya na magdala ng maleta naming dalawa. Isang maleta lang ang dala ko at isang sling bag na kulay peach na nakasabit sa balikat ko ngayon. I am just wearing a simple white bouncy dress that was three inches above my knee and it was paired with a simple flesh-colored pumps.
My boyfriend is wearing a dark blue button-down long sleeve shirt that was rolled up below his elbow. It was paired with black slacks and black leather shoes. Nakasuot rin kami ng surgical mask ngayon for safety pero nang makarating na kami sa loob ng eroplano ay tinanggal ko na iyon.
"Let's sit here, Jared." sabi ko habang nakatingin sa seat na malapit lang sa bintana ng eroplano.
Kumunot ang noo ko nang hindi siya sumagot. Nang lingunin ko siya ay bahagyang tumaas ang kilay ko nang makita siya na inalalayan ng isang flight attendant na medyo maganda sa paglagay ng maleta namin sa ibabaw.
"Jared!" medyo inis kong sambit.
Sa wakas ay nakuha ko rin ang atensyon niya. Tinanguan niya ako pero ilang segundo lang ang lumipas ay bumaling ulit siya sa FA na tapos na sa ginagawa. Nakangiti na ito kay Jared gamit ang kumikislap niyang mga mata.
"Thank you, Ms." rinig kong sambit ni Jared.
I bitterly smirked bago dumiretso sa seat malapit sa bintana. Umupo agad ako doon at sumimangot habang pinagmamasdan ang labas ng eroplano. Passengers were still busy in approaching this airplane. May nakita pa ako na tumatakbo na. Marahil ay akala niya, maiiwan na siya ng eroplano.
"Lancy..."
Kahit na naramdaman ko ang pag-upo ni Jared sa tabi ko ay hindi ko siya tinignan. Ngumuso lang ako bago binuksan ang cellphone ko para naman may pagka-abalahan. I don't want to talk to him.
My brows furrowed when I got a message from Gian. Binuksan ko iyon agad.
From Gian:
I heard na may problema raw sa agency niyo sa Norway. Sakto at andito ako ngayon sa Norway para bumisita ng relatives ko kaya didiretso rin ako sa agency niyo para makatulong.
Bahagya akong napangiti dahil sa text niya kaya agad akong nag-tipa ng mensahe.
Me:
Really, Gian? Thank you!
Nakangiti pa ako habang nagta-type. Naramdaman ko ang bahagyang pagyugyog sa akin ni Jared pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya! Mabuti pa makipag-usap na lang kay Gian.
From Gian:
No worries, Lancy. After all, I know how to handle those 'tricks' by the so-called 'rats'. I'm a businessman. I know the right thing to do.
Bahagya akong umirap dahil sa kayabangan ng dating ng reply niya pero may ngiti pa rin sa labi ko.
Me:
Oh, thank you, Gian! Btw, I miss you na. Tell me if you come back in Manila. I will treat you to dinner.
From Gian:
Really? Great! I miss you, too. How are you and Jared pala?
Napawi ang ngiti ko nang masali sa usapan namin si Jared. I bitterly smiled before I typed a reply.
Me:
Complicated.
Reply ko. Hindi na nagtagal ang pagte-text namin ni Gian kasi kailangan ko nang i-off ang phone ko for the safety of the airplane raw sabi ng announcer sa eroplano. Maybe it was the pilot or the purser basta in-off ko na rin agad ang cellphone ko at ibinalik iyon sa sling bag ko.
Umayos ako ng upo nang maramdaman ang safety gear na bumalot sa katawan ko.
I was just staring at the ground when the airplane immediately take-off, making me want to vomit. Darn! What now?! I know that I am not a sensitive person in terms of fear of height pero bakit ako nasusuka?
I compose myself bago tinanggal ang gear sa katawan at kahit na hindi ko gustong kausapin si Jared ay napilitan na lang ako.
"I... need to go to the restroom." paalam ko.
Kumunot ang noo niya pero tumayo rin agad na siyang ikinakunot ng noo ko.
"I'll come with you," malamig n'yang sabi.
Wala na akong nagawa kundi ang payagan siya kasi pakiramdam ko ay susuka na ako kung makipagtalo pa man sa kaniya. Jared asked one of the FA that was passing by about the restroom at pagkatapos no'n ay dumiretso na kami ni Jared sa harap ng pinto sa may dulong bahagi ng eroplano.
"Thank you," I muttered bago pumasok ng restroom.
Sumuka agad ako doon. Pakiramdam ko ay masusuka ko na rin ang bituka ko kapag hindi pa ako tumigil sa pagsuka kaya kaagad ko na lang inayusan ang sarili ko. Pinunasan ko ang kaunting pawis sa leeg at noo ko dala ng pagod sa pagsusuka kanina gamit ang wet wipes na dala-dala ko.
"Let's go," sabi ko nang makalabas na ng restroom.
Nauna na akong umupo sa seat ko habang siya ay nakakunot ang noo. Hinawakan niya pa ang pang-ibabang labi niya bago hinipo ang leeg at noo ko. Hinayaan ko na lang siya kahit na nagugulohan na ako.
"Are you sick?" tanong niya gamit ang malambing na boses.
I bit my lower lip before I shook my head. Tumango na lang siya bago kinuha ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. I stop myself from smiling pero hindi ko na napigilan pa.
"Ang daya mo... I was angry with you, eh!" sabay sapak ko sa dibdib niya.
He let out a manly laughed and after a while, isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at hinaplos ang buhok ko gamit ang free hand niya.
"Take a rest, first, love." mahinang sambit niya.
I nodded bago yumakap sa baywang niya. Ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang init ng yakap niya sa akin. Ngumiti ako nang ma-realize na hindi ko talaga siya matiis-tiis kahit ano pa ang gawin niya. I really love him. I smiled wider when I felt him kissed me on my temple.
"Really? You love my songs?" boses iyon ni Jared.
"Of course! I am your number one fan, I guess?" a voice of a woman.
Iminulat ko ang mga mata ko at nanliit ang mga mata nang makita ang isang FA na kausap si Jared na nasa tabi ko. Natatawa pa iyong FA kaya hindi ko mapigilan ang umirap.
"Ehem," tumikhim ako kaya nakuha ko ang atensyon ni Jared at ng FA.
"You're awake," bungad ni Jared.
I faked a smile before I hit his arms with a slap. I am frustrated right now. Natulog lang ako tapos 'pag gising ko ay iyon ang una kong maririnig? Jared and the FA's conversation? Wow, ah! Sana pala ay hindi na lang ako natulog.
"Uh, Jared-"
Hindi na naituloy ng FA ang sasabihin sana nang tumawa ako nang sarkastiko. Pumalakpak pa ako na parang namamangha sa narinig sa kan'ya.
"Wow! 'Jared'? Are you close with him? With my boyfriend? Are you interested in him? Huh?" I darted my eyes on her's.
Nakita ko ang pag-panic niya. Namutla pa nang kaunti at napakagat pa siya sa labi niya. Naramdaman ko ang mahinang paghawak ni Jared sa balikat ko upang pakalmahin ako pero hindi ko siya pinansin. Tinaasan ko ng kilay iyong FA na hindi makapagsalita.
"Don't you have a tongue? Can't you talk?!" inis kong sambit, naiinis na ako kasi ang tagal sumagot, eh.
I saw how she pinched her fingers before showing me a shy smile.
"S-Sorry, po, Ms. Cordova. I am just a fan and I was just telling him that I love his songs. Pasensya na po talaga. Wala naman po akong balak na guluhin kayo..." aniya at kahit na nakangiti siya ay may mga luhang namumuo sa mga mata niya.
I sighed bago nagbigay ng isang alanganing ngiti.
"Okay, I'm sorry, too. You can go on, then." malamig kong sambit.
Nang makaalis na iyon ay agad kong naramdaman ang titig ni Jared sa akin na para bang sinasabi niya na 'ang sama ko' or something like that.
I clinged on his arms, "Galit ka ba? If you are, then, I'm sorry, hmm?" ngumuso ako.
He just looked away at tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Napanguso na lang ako at hindi na umimik. Buong byahe ay hindi namin iniimik ang isa't-isa. Bahala siya, kung ayaw niya akong pansinin, edi 'wag. Gusto niya sigurong makipag-usap na lang doon sa babae kanina.
Ako na ang kumuha ng maleta ko nang makarating kami. Pumara agad siya ng taxi nang may makita. Umirap ako bago lumapit sa kan'ya. Nang tumigil ang taxi ay lumabas muna ang driver at inilagay ang maleta namin sa likuran ng kotse.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat kaya nauna na akong pumasok sa kan'ya. Sumunod rin naman agad siya.
Until nakarating kami sa CHESKA na isang hotel sa Cebu ay tahimik pa rin kaming dalawa at hindi nag-iimikan. Ako na ang nagdala ng maleta ko. Dumiretso agad siya sa reception area kaya sumunod rin ako sa kan'ya.
"Good afternoon, Sir and Ma'am!" bati ng receptionist na may hawak-hawak na ballpen.
Tipid lang akong ngumiti sa kan'ya. Habang si Jared ay tumango lang. Nakangiti iyong babae pero nang mapansin ang ekspresyon namin ni Jared ay naging awkward ang mukha niya.
"Uh, isang room po ba or dalawa?" tanong niya.
Nagkatitigan kami saglit ni Jared at nandoon pa rin ang lamig sa mga mata niya kaya ako ang unang nag-iwas ng tingin. Tumingin ako sa receptionist bago tinalian ang nakalugay kong buhok na bumalik na sa original state niya.
"Two rooms, please." sagot ko.
Tumango naman siya bago hinarap ang laptop niya. She was looking and reading something there at pagkatapos ay humarap ulit siya sa amin.
"Room 142 and 143 po. Thirtieth floor," aniya at ibinigay sa amin ang key card.
I immediately get the left key card at ibibigay na sana ang black card ko para magbayad nang makita ang pagpapa-cute ng kararating lang na pamilyar sa akin. She's... I know her... Right! One of the model I knew! Nakasama ko na siya sa endorsement ng Trendy Shoes na brand, two months ago.
She was smiling wide at Jared na hindi man lang tumitingin sa kan'ya. Napairap ako nang lakas-loob niyang hinawakan ang braso ni Jared at humalik sa pisngi ng boyfriend ko.
Nanlaki agad ang mga mata ni Jared bago bahagyang itinulak iyong model. Tumawa ito at hindi natinag. Hinawi pa niya ang buhok niya at kumindat kay Jared bago nagkagat-labi.
"Who are you?" malamig na sambit ni Jared sa model.
Hindi ko na napigilan ang tumawa nang sarkastiko dahil sa ginawa niya. The model's face got awkward when she realized what Jared said. Pero ilang segundo lang ang lumipas ay naglahad siya ng kamay.
"I'm Bianca Jones..." malandi niyang sabi.
Sumulyap sa akin si Jared. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagkibit-balikat. My expression was telling him to not talk to that model but he smiled at her before accepting her hand.
"I'm Jared Keir Leigh Tuazon, Ms. Beautiful."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Jared. Lumiwanag agad ang mukha ng model bago yumakap sa braso ng boyfriend ko na hindi man lang nagreklamo. Nang sulyapan ako ni Jared ay agad kong ibinalik ang key card ko at kinuha ang key card na para sana kay Jared.
"One room, then!" inis kong sambit saka pinanliitan ng mata si Jared na tinatanggal na ang kamay ng model.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top