Chapter 34

Kabanata 34

Guilt

Kinaumagahan ay hindi ako pinalagpas ng hangover. Talagang uminom pa ako ng gamot para lang hindi na sumakit ang ulo ko.

Kinuha ko iyong purse sa gilid bago hinalungkat ang mga gamit doon.

"Lipstick, wallet, and cellphone... Where's my car key?!"

Hinalungkat ko ulit ang purse ko para hanapin ang susi ng kotse ko pero ilang minuto na lang ang lumipas ay wala talaga akong makapa. Hinampas ko nang mahina ang ulo ko para maalala kung saan ko inilagay ang susi ng sasakyan pero hindi ko talaga maalala.

Nabaling ang tingin ko sa cellphone ko nang bigla iyong nag-ring. I reached out my hand before answering it.

"Hello?" utas ko.

Narinig ko ang pagsara ng isang pinto bago sumagot iyong nasa kabilang linya.

"I'm outside of your gate. Get your damn car here."

Naalerto agad ako nang marinig ang boses ni Jared sa kabilang linya. Tumayo ako bago tumakbo papunta sa bintana. Hinawi ko iyong kurtina at sumulyap sa bandang gate. I saw a figure of a man who was leaning on my car. So... Nasa kan'ya ang susi ng kotse ko?

"Okay. I'm coming." sabi ko na lang at in-end na ang call.

Kahit na nagugulohan kung paano n'ya nalaman ang number ko ay isi-nave ko na lang ang number n'ya. Pinalitan ko na ang number ko at close friends ko na lang ang may alam ng bago kong number. Maybe kay daddy s'ya nanghingi or what.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at ng bahay mismo. Dumiretso ako sa gate saka iyon binuksan. Nadatnan ko ang nakatikom n'yang labi at nakakunot na noo. Nakasandal pa rin s'ya sa kotse ko.

I raised my brow before I crossed my arms in my chest.

"Bakit hindi ka na lang nag-doorbell? Marami kaming katulong na pwede kang pagbuksan." singhal ko agad.

Nang-igting ang panga n'ya bago ako hi-nead-to-toe at pabalik ulit.

"What a nice way to greet me." he mockingly smirk.

Inis ko siyang hinampas sa dibdib n'ya.

"Ang kapal mo talaga, Jared! You're a beast! Pervert! Cheater! Nakikipaghalikan sa best friend! I want to kick your ass right now! Mapanakit! Selfish! Hypo-"

Napatigil ako sa paghampas sa dibdib n'ya nang yakapin n'ya ako nang mahigpit kaya wala na akong nagawa at niyakap na lang din s'ya pabalik.

"We weren't kissing in that picture. Hariah is just my friend and I don't want to die yet."

Kumalas ako sa yakap n'ya bago kinunot ang noo, "Weee?" I am not convinced.

Ngumisi s'ya at nagkibit-balikat, "She's pregnant with Aiden's child."

I stared at him to find a hint of lie but he's so damn serious. My eyes widened before my hand fled in my mouth out of shock.

"Really?!" Shit! I don't know what to do first. Congratulating Aiden or what?

Kinuha n'ya ang kamay ko at inilagay doon ang susi ng kotse ko.

"I'll get going. I need to rehearse. I'll see you next week."

Magtatanong pa sana ako kung bakit next week pa pero pinara na n'ya ang taxi na dumadaan sa village namin kaya hindi ko na s'ya natanong. Tinitigan ko na lang ang taxing sinakyan n'ya na papalayo saka bumuntong-hininga.



"Are you sure you won't come?" Tanong ni Dad isang gabi.

I shook my head bago nagkibit-balikat. May party kina tita Belsie na business partner rin namin at nag-iinvest din kami sa kompanya nila and vice versa kaya inimbita sina daddy at mommy. Si mommy ay dumiretso na lang doon.

"Hindi na po, Dad. I'm tired and I need to take a rest." sabi ko na lang.

I'm not lying, bukod sa paparating na taping ng GOWY ay hectic pa rin ang sched ko. Isinisingit pa 'yong mga kailangan kong i-endorse na product. Pwede namang i-cancel 'yong iba pero hindi ko pwedeng i-cancel 'yong mga napirmahan ko na.

Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko nang biglang mag-ring ang cellphone na nasa mini cabinet ko kaya agad ko iyong kinuha.

"Hello, Aiden?" bungad ko kaagad.

"Where are you? Your guy is pestering my woman, Lancy. I will punch him kapag hindi n'ya nilubayan si Hariah." inis n'yang sabi sa kabilang linya.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi n'ya.

"Jared is there and he is pestering your woman?!"

"Yes, Miss!"

Ramdam ko ang pagkainis n'ya nang sobra-sobra kaya naman napakunot ang noo ko. Bakit ba s'ya naiinis? Eh, 'di ba nga ay buntis si Hariah? Wait... Hindi kaya, hindi pa inaamin ni Hariah 'yon kay Aiden? Oh, great! Pero alam ni Jared? Tsk!

"Then, I'll hang up now! Gugulohin ko muna si Jared!" inis kong sambit.

Hinanap ko agad ang numero niya sa contact ko at nang mahanap ko na ay kaagad ko iyong tinawagan.

Ilang ulit iyong nag-ring pero ki-nancel n'ya ang tawag kaya naman napairap ako sa hangin dahil sa inis. Damn busy, huh?

Kagat-kagat ko ang labi ko habang paulit-ulit s'yang tinatawagan pero ring lang iyon nang ring at hindi n'ya sinasagot kaya naman naisipan kong mag-text na lang.

Ako:

Where are you?

Naghintay ako ng ilang segundo pero naging minuto iyon at hindi pa rin n'ya ako nire-reply-an kaya nagtipa ulit ako ng mga mensahe.

Ako:

I'm curious.

Ako:

I'm hungry

Ako:

Sagutin mo tawag ko, please.

Ako:

JARED! FUCKING BEAST! SEND A RESPONSE PLEASE!

Ako:

I'm at Purple Lit bar. I'm drunk.


Bumuntong-hininga ako bago si-nent ang panghuling message ko. Siguro naman ay hindi n'ya ako matitiis. Siguro ay tatawag na 'yon. Siguro ay-damn! Hindi ko na natiis. Tinawagan ko ulit s'ya at laking tuwa ko nang sinagot n'ya iyon.

"What do you need, Lancy?" frustrated n'yang bungad na ikinairap ko.

Nagkibit-balikat ako bago lumiwanag ang mukha nang may maalalang kalokohan.

"Jared... I'm at the bar. Sunduin mo ako, please... Ang daming lalaking umaaligid sa akin dito at... 'yong iba ay nakikipagsayawan pa... Please... fetch me..." lasing na sabi ko.

"Fuck! Wait for me!" inis n'yang sabi at binabaan ako ng tawag.

Halos mababaliw na ako sa ngiting tagumpay ko ngayon. At least, 'di ba? Uuwi s'ya at susunduin raw ako.

Humiga ako sa kama ko bago hinintay ang ilang minuto at nag-text ulit.

Ako:

I'm at home, now. Nakasakay ako ng taxi.

Then, I sent it. Hinintay ko ang ilang minuto bago siya mag-reply.

My Hot Jared:

Okay.

Bahagya akong napasimangot sa text niyang iyon. Okay lang? Nag-tipa ulit ako ng message.

Ako:

Cold mo naman. Asan ka na ngayon?

Ilang segundo lang ang lumipas ay nakapag-reply na s'ya.

My Hot Jared:

Just arrived at home. Akala ko ba ay lasing ka? Bakit nakakapag-text ka pa?

Patay! Nag-tipa kaagad ako ng reply.

Ako:

Matutulog na nga. Good night.

My Hot Jared:

GN.

Kahit iyon lang ang reply n'ya ay nakakakilig pa rin. At least ay may 'GN'. Good night, 'di ba? Shet! Dahil doon ay nakatulog ako na may ngiti sa labi.


Mabilis lumipas ang mga araw. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa sling bag na dala-dala ni Keira nang matapos ang photoshoot ko sa LV saka iyon in-open. Kumunot ang noo ko nang sunod-sunod iyong tumunog at sunod-sunod din ang notifications ng twitter.

Binuksan ko ang apps na iyon at dumiretso sa trending. Gayun na lamang ang pagkabigla ko nang mabasa ang number one trending with million of tweets.

#1: The King of Stage is back!

At hinalungkat ko iyon nang hinalungkat. Eighteen hours ago pa iyon trending at kahit hanggang ngayon ay may mga newest post ng kahit sinong account sa twitter. Kasabay nang pagkalaglag ng panga ko ay ang pagsulpot sa harapan ko ni Honeylyn na mukhang nagmamadali.

Sinalubong ko s'ya ng pagyugyog ko sa balikat n'ya.

"Concert ngayon ni Jared?!" kinakabahan kong utas sa kan'ya.

Hinawakan n'ya ang mga kamay ko na yumugyog sa kan'ya saka tumango nang tumango.

"Yes! Actually, kanina pa natapos." aniya.

Nasapo ko ang noo ko nang dahil sa na-realize. That night when I went to Marya's mini beach resort, when he asked me if I am free next week at night, he was pertaining to his concert? And he want me to watch it? Damn!

Guilt strike my whole system. Buong linggo akong nagsisi na hindi man lang ako nagtanong kung bakit niya ako tinanong kung free ba ako. I am guilty kasi ako sana ang unang sumusuporta sa kan'ya sa importanteng event sa buhay n'ya pero hindi man lang ako nagpakita kahit isang oras lang.


"I'm so dumb!" utas ko sabay sandal sa backrest ng upuan ko.

"Are you okay?"

Napatingin kaagad ako sa gilid ko nang magsalita ang manager ko. Malapit na kami sa main venue ng taping sa movie. This is the first day of the taping of GOWY. I am excited yet a bit nervous. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang male lead ko ngayon. I've never expected that I would be so dumb!

Tanging isang tipid na tango lang ang nakaya kong isagot sa kan'ya. Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto ang van namin sa harap ng isang charity.

Sinalubong kaagad ako ng mga staff ng BDA. Si Keira naman ay pinayungan kaagad ako kahit na hindi naman gaano kainit. Hinayaan ko na lang.

"This way po, Ms. Lancy," sabi ng isang empleyado.

Tumango ako at sumunod sa kan'ya. Walang masyadong tao ngayon sa charity. Siguro ay sinabihan na ng mga staff ang may-ari nito. Tantya ko ay nasa-thirty lang ang bilang ng mga bata na nandito. Mga may kapansanan sila lahat.

"Magbihis na po muna kayo. Five minutes from now ay magsisimula na." sabi naman ng isa sa camera director ng BDA na may earpiece sa tainga.

Dumiretso ako kay Honeylyn na kaagad kinuha ang mga damit na kakailanganin ko. Isang white t-shirt at short shorts na denim. Kinuha ko agad iyon saka dumiretso sa fitting room.

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong pinagmasdan ang sarili sa whole-length mirror ng room. Bahagya akong napangiti nang makita ang pagbabago sa buhok ko. No'ng isang araw ay nagpa-salon ako kasama si Honeylyn. Nagpakulay ako ng itim pero temporary lang naman.

Inipit ko sa tainga ang kumawalang buhok sa mukha ko bago lumabas ng fitting room.

Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si Honeylyn at ang iba pang staff na kasama ko kanina sa room. Umupo muna ako sa sofa at hinubad ang heels na suot-suot. Kinuha ko iyong sneakers na gagamitin bago iyon isinuot.

Hindi pa ako natatapos sa ginagawa nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na tingnan ang pumasok. Nang tumayo ako ay kinuha ko iyong gitara sa gilid na gagamitin ko sa first take.

"Lancy..."

My heart beat fast when I heard someone called my name. It's been a week since I've seen him and up until now, I still don't know how to face him. I am really guilty. Sagad sa buto.

Sinulyapan ko lang s'ya saglit at kahit saglit lang iyon ay kitang-kita ng mga mata ko ang paglaglag ng panga n'ya. Umirap lang ako sa hangin bago s'ya nilagpasan at dumiretso na sa open tent kung nasaan ang staffs at camera directors na nire-ready na ang mga cameras and monitors.

"Lancy!" I heard him calling my name pero hindi ko s'ya pinansin.

Dumiretso na ako sa tabi ni Honeylyn.

"Good luck!" aniya at nginitian ako.

Tumango lang ako bago bumuntong-hininga. I don't know but, if I'm not mistaken, sinusundan lang ako ng tingin ni Jared. Kahit gusto kong kiligin ay mas nangingibabaw sa akin ang guilt na nararamdaman kaya dumiretso na lang ako sa upuang inilaan sa akin sa gitna ng tent.

"It's time, kids!"

Napatingin ako sa mga batang kararating lang na inaalalayan ng mga nurse. Hindi ko maalis ang mga tingin sa kanilang lahat hanggang sa makaupo silang lahat sa harapan ko. I smiled bitterly nang mapagmasdan ang nakangiti nilang mukha.

Kadalasan sa kanila ay mga bulag. 'Yong iba naman ay pipi at 'yong iba ay mga bungal pero kahit na ganoon ang mga sitwasyon nila ay nakukuha pa nilang ngumiti nang malawak. I smiled bago bumuntong-hininga.

"Lights on. Cameras on. Action!"

I strummed the guitar I was holding bago ipinikit ang mga mata para kumanta. Nagpaturo akong maggitara sa veteran guitarist na kakilala ni daddy last week. Buti na lang ay natuto kaagad ako. I don't have an angelic voice like the singers I knew, neither I have a cold voice like Jared...

“I wanna make you smile whenever you're sad,

Carry you around when your arthritis is bad,

Oh, all I wanna do is grow old with you...”

Iminulat ko ang mga mata bago ngumiti sa mga batang kaharap ko.

“I'll miss you,

Kiss you,

Give you my coat whenever you're cold,

Need you,

Feed you,

Even let ya hold the remote control,

So let me do the dishes in our kitchen sink,

Put you to bed when you've had too much to drink,

Oh, all I wanna do is grow old with you...”



"Okay, cut!" kaagad na sabi ng director.

I smiled before I placed the guitar in the chair I was sitting. After that, I immediately approached the children. Nag-squat ako sa harap ng isang batang bulag na kanina pa pumapalakpak pagkatapos kong kumanta.

Hinawakan ko ang kamay niyang maliit bago tumikhim.

"Hi, angel... Do you know me?" mahina kong sambit.

Kaagad naman s'yang tumango-tango kaya pinisil ko ang kamay n'ya na hinahawakan ko.

"Ikaw po si ate Lancy! 'Yong pinakamagandang artista na boyfriend si kuya Jared na male lead ng movie!" tuwang-tuwa n'yang sambit.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago ngumiti, "Paano mo nalamang maganda ako? At... Boyfriend ko si Jared?" medyo mahina na 'yong panghuli kong sinabi baka mamaya ay marinig pa ako ng beast na iyon.

"Kasi iyon po ang nakikita ng puso ko. Hindi man po ako nakakakita ay alam kong maganda po kayo at mabait pa po kaya bagay na bagay po kayo ni kuya Jared!" sigaw n'ya.

Alanganin akong napangiti bago bumaling sa paligid para tingnan kung may nakarinig ba. Napahinga ako nang maluwag ng masiguradong wala pa lang nakarinig no'n kaya tumayo na ako at nagpaalam sa bata.


Habang papalapit ako kay Honeylyn ay hindi ko mapigilan ang pagngiti ng mapait. Kahit na may mga kapansanan ang mga bata dito ay talagang nakukuha pa nila ang ngumiti. Kahit na mahirap ang sitwasyon nila ay nagagawa pa rin nilang magpakatapang para mabuhay. They're so strong...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top