Chapter 30
Kabanata 30
Help
"Okay, pack up now!" Sigaw ng direktor ng shoot ko sa Happy France na perfume.
Sinalubong ako ni Keira na may dala-dalang bottle of green tea kaya ininom ko agad iyon.
For the past few weeks ay sobrang hectic ng sched ko. Isang oras na lang 'yong break time ko at for lunch lang 'yon. I don't even have break for snacks. Tanging tubig or teas na lang ang iniinom ko after the shoots.
Tinatanggap ko kasi ang lahat ng ino-offer sa akin ng iba't-ibang commercial brands except kapag rivals ang brand na iyon katulad ng shampoo, kailangan 'pag Pantene na ang napili ko, hindi ko na dapat tanggapin ang alok ng Keratin brand. That's the rule.
"Ms. Lancy! Tara na raw po!" Rinig kong tawag ng assistant manager ko.
Tumango ako at dumiretso na sa van namin. Nang makasakay na ang lahat ng taga-BDA ay kaagad na pinaandar ni kuya Min ang sasakyan.
"Let's fix your make-up po muna..." ani ng make-up artist ko na si Star.
Tumango ako at ipinikit ang mga mata. Didiretso na kami sa pictorial ko sa bagong movie. Ngayon ko na makikilala ang leading man sa movie pero malakas talaga ang kutob ko na si Vernon iyon. Sigurado akong iingay na naman ang Verncy fanbase kung sakali mang tama ang kutob ko.
"Andito na po tayo..."
Narinig kong sabi ni kuya Min. Nagsiunahan sa paglabas ang mga kasama ko sa agency. Bubuksan ko na sana ang pinto nang naunahan ako ng manager ko na nakangiti.
Tumaas ang kilay ko.
"Why are you smiling, Manager?" ani ko.
Nagkibit-balikat siya bago ngumisi.
"Just because," aniya at nauna nang maglakad papasok sa loob ng HK building na siyang venue ng pictorials sa movie.
I can say that the building is indeed wondrous... Maybe because every floors were filled with different ambience and decorations like for example, in the first floor, all rooms has the beach-vibes ambience and in the second floor, forest-vibes ambience naman. Ayun, iba-iba ang mga decorations and places kaya maganda. I also heard some rumors that the crews and staffs in HK were cautious towards the artist that would visit their building.
Mabilis naming narating ang tenth floor ng building. Nasa likuran ko ang mga kasama sa BDA habang nasa unahan ko ang manager ko nakakibit-balikat.
Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa amin ang isang staff na naka-black simple dress na lagpas-tuhod at may I.D. na kulay peach ang lace.
Ngumiti siya bago nakipagkamay kay Honeylyn.
"Nice to meet you, Ms. Lastimosa." aniya. Pagkatapos ng kamayan nila ay bumaling naman siya sa akin, "As gorgeous as always, please to meet you, Ms. Cordova." nakangiting bati niya sa akin at yumuko ng kaunti para magbigay galang man lang.
Tumango ako at ngumiti.
"The sixth room is ready for your shoot, Ms. Cordova. Mr. Renales is also there... Waiting for you." aniya at iginiya kami papunta sa ika-anim na room.
I heard about Mr. Renales. He is the owner of HK building and I've heard that he is the so-called 'Mr. Hospitality' for he is kind and a comfortable person to talk to. He is the owner, yet, he is also the camera director.
Binuksan ang sixth room ng staff nang nasa tapat na kami no'n.
Bahagya pang umawang ang labi ko nang makita ang kabuoan ng room. It was a huge room with an ambience of a peaceful garden. Maraming bulaklak na kulay pink. Iba't-ibang klase iyon. May iilan ding kulay brown na mga paru-paro'ng lumilipad.
"Wow!" manghang-mangha kong ani habang patuloy na tinititigan ang room.
Napatigil ako sa pagsulyap sa paligid nang may tumikhim.
Bumungad sa akin ang mukha ng isang mid-30's na lalaki na natatawa. Inilahad niya ang kamay sa akin bago ngumiti.
"I am very pleased with your reaction, Ms. Lancy. Walang halong biro ang pagkamangha mo sa designs ng room na 'to! Hindi ka plastic katulad ng ibang artista kaya I am very excited to work with you." nakangiting sabi niya.
Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.
"Thank you, Mr. Renales. I am pleasured to work with such a veteran camera director..." sabi ko.
Tumango siya bago itinuro iyong couch na nasa dulong bahagi ng room.
"Take a seat first. We'll just wait for your leading man." aniya.
Tumango ako at umupo doon sa couch. Tumabi naman kaagad sa akin si Keira at Honeylyn.
Naghintay muna ako sa male lead nang ilang oras. Yes, inabot ng oras. Ang alam ko ay ten-thirty dapat magsisimula ang pictorial hanggang twelve noon na 'yon pero malapit nang mag-twelve at wala pa rin ang lead.
Wala na akong next shoot sa hapon pero kailangan kong magpahinga at mag-memorize ng script ko kasi next month ang simula ng taping ng movie kaya hindi ako pwede ngayong hapon.
Habang naghihintay ay kung anu-ano na lang ang ginawa ko para hindi ma-bored sa kakahintay sa male lead ko. In-open ko muna ang insta ko bago nag-selfie nang nakangiti. Ipi-nost ko agad iyon at ang nilagay kong caption ay 'free time'. Maraming nag-comment at nag-like ng post kong iyon kahit hindi pa nag-iisang minuto.
Bumuntong-hininga ako bago tinignan ang oras sa cellphone ko.
Napaikot ko ang sariling mga mata nang makitang lagpas twelve na nga. Bakit ba kasi ang tagal dumating ng Vernon na 'yon? Ano? Busy siya? Busy rin ako pero naghintay ako ng ilang oras at hindi pa rin siya dumadating?! Darn!
Tumayo ako at nilapitan si Mr. Renales na abala sa laptop niya.
Naramdaman niya kaagad ang presensya ko kaya agad niya akong tinapunan ng tingin pagkatapos niyang isara ang laptop niya.
"Mr. Renales... Hindi po ba kayo ki-nontact ng agency o manager man lang ng male lead at sinabi kung anong oras siya makakarating?" Tanong ko agad.
Tumayo si Mr. Renales bago tiningnan ang relo niya.
"I contacted them earlier but wait," sabay kuha niya sa sariling phone.
May hinalungkat siya doon at pagkatapos ay inilagay sa tainga ang cellphone niya. Narinig kong nag-ring iyon at ilang segundo ang lumipas ay mukhang sinagot na nga ng kabilang linya.
"Excuse me." aniya at bahagyang lumayo.
Hinintay ko lang siyang makipag-usap doon. Tinitigan ko na lang ulit ang buong room. Sobrang ganda talaga ng ambience. Sino kaya ang nakaisip ng gan'tong mga decorations? Maybe, interior designer ang nag-design nito kasi bihasa, eh. Malinis ang pagkakagawa.
Umayos ako sa pagkakatayo nang makita ko ang pagbaba ni Mr. Renales sa tawag. Pagkatapos ay kaagad siyang lumapit sa akin.
"Sorry, Ms. Cordova. The male lead isn't available right now sabi ng manager niya. Maybe, bukas na lang raw or next next day. Pero pwede ring unahin na kita baka busy ka..."
Kaagad akong umiling.
"No, next next day is fine. Mas maganda na magkasama kami ng male lead." mahinahon kong sambit.
Sa totoo lang, gusto ko nang sabunotan ang male lead ko nang sa gano'n ay maipaghiganti ko ang nasayang na higit dalawang oras kong kakahintay sa kan'ya.
Nang dahil sa inis ko ay parang ang bilis lang ng oras at naging araw rin kaagad iyon. Sa pangalawang pagkakataon ay nagustohan ko ang mabilis na paglipas ng oras. Mamayang two-thirty magsisimula ang pictorials na supposedly ay no'ng isang araw pa pero dahil sa nakakainis kong male lead ay hindi natuloy.
"Kapag talaga nakita ko si Vernon mamaya sa HK ay pipiktusan ko siya nang malakas hanggang sa magkasugat-sugat siya! Nakakainis!" singhal ko nang nasa van na kami at papunta ulit sa HK.
Narinig ko namang tumawa ang nasa back seat na si Keira at may pahampas-hampas pa siya sa upuan niya.
Nasa shotgun's seat ako katabi si Honeylyn na busy sa kaka-cellphone niya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero kanina pa siya tahimik.
"Putcha kayo, Ms. Lancy! Baka magkatuluyan kayo ni Vernon dahil sa kaka-hate mo sa kan'ya! Gano'n sa romance movies eh, from hating each other to loving each other! Totoo 'yon, Ms. Lancy. Mangamba na po kayo!" ani ni Keira.
Tinitigan ko siya nang mariin kaya kaagad niyang tinikom ang bibig. Napairap na lang ako bago bumuntong-hininga.
"Are you okay?"
Sinulyapan ko si Honeylyn na bigla-bigla na lang nagsasalita. Akala ko ako ang kausap niya pero may katawag pala siya. Nag-aalala ang mukha niya pero napalitan kaagad iyon ng inis ilang minuto lang ang lumipas.
"I hate you, fucking Ferester! Good bye! 'Wag na 'wag mo na akong tatawagan! Damn you!"
Napatakip ako sa tainga ko nang sumigaw bigla si Honeylyn. Inis na inis ang ekspresyon niya at parang sasabunotan na niya ang sarili dahil doon.
Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin.
"Was that Vernon?" tanong ko.
Umirap siya bago tumango.
"Sino pa ba! That annoying foreigner-blood." aniya at pinaypayan ang sarili na parang stress na stress na talaga.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Foreigner-blood? Does that mean that you are also a foreigner then?" gulat kong konklusyon.
Pinaikutan niya ako ng mata bago nagkibit-balikat.
"Of course, not! Siya lang. He's not my family."
Nanlaki ang mga mata ko, "What?" hindi-makapiwalang untag ko.
Tumango siya, "Yes. He's not my real cousin. No doubts. Wala namang nakakabanas sa lahi namin."
Nagtaas ako ng kilay, "Ginugulo ka ba palagi?" intrigued kong sabi.
Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang lumunok.
Tumango-tango ako, "Ikaw naman pala ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo no'ng isang araw sa shoot." naiiling kong sambit.
Inirapan niya ako, "Hindi! May pinopormahan 'yong ibang babae. Tss." aniya.
Umiling na lang ako at nagkibit-balikat. Something fishy...
Ang tagal ko nang kilala si Vernon kaya alam kong makulit nga siya na umaabot na sa point na nakakabanas na. Well, I can say that he's good, kind, and indeed, annoying.
Mabilis kaming nakarating sa HK kaya dumiretso kaagad kami sa tenth floor. Nang bumukas ang elevator ay dumiretso kami sa sixth room no'n.
Tatlo lang kami ngayon na magkasama. Ako, si Honeylyn, at ang P.A. kong si Keira.
Busy rin kasi ang ibang crew ng BDA kaya hindi na sila sumama. Okay na rin naman 'yong hindi sila sumama sa amin. Mapupuno lang siguro ang room kapag nagkataon man.
"Ms. Lancy!" bati ni Mr. Renales na nakangiti nang maluwag.
Ngumiti rin ako, "Hi, Mr. Renales! Nice to see you, again!" ani ko at iginala ang paningin sa kabuoan ng room.
Kagaya ng unang tingin ko sa room ay naninibago pa rin ako at syempre, namamangha pa rin dahil sa ganda ng ambience.
Hindi lang ang lugar ang decorations ang tinititigan ko, pati na rin ang couch. Nagbabakasakaling dumating na ang male lead pero gaya no'n, ako pa rin pala ang maghihintay.
"Paparating na raw ang male lead, Ms. Lancy. Take a seat first." sabi ni Mr. Renales.
Napahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti naman at sigurado na akong darating siya. Kapag talaga pumasok na si Vernon sa pintuan ay talagang pipiktusan ko siya nang walang tigil. Nanggigigil na ako!
Kakaupo ko lang sa couch ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa purse kaya dali-dali ko iyong kinuha.
May kakarating lang na email sa akin. Binuksan ko iyon at nanginig ang mga tuhod ko dahil sa kaba.
From: D. Trinidad
Come, save your friend here. I'll send you the address of my mansion. 'Wag na 'wag kang magtatangkang tumawag ng police kung ayaw mong gahasain ko ang kaibigan mong maganda at sexy.
Kusang nanginig ang mga kamay ko habang tinitignan iyong picture. It was Lysian. May duct tape sa bibig niya at may pasa pa siya sa pisngi. Mukhang nasampal siya. Nakatali ang buong katawan niya sa isang upuan.
Ipinasok ko ang cellphone sa purse ko at dali-dali akong tumayo.
"Hoy, Lancy! Saan ka pupunta?!" natatarantang tanong ng manager ko bago ako makalabas ng room na iyon.
Kaagad akong pumasok sa elevator at pinindot ang down button. Mabilis akong nakarating sa first floor kaya agad-agad akong lumabas ng building at nagpara ng taxi.
Sinabi ko agad ang address na isi-nend sa akin ni Mr. Trinidad.
Dire-diretso akong pumasok sa bahay niya nang tumigil ang taxing sinasakyan ko sa tapat ng isang malaking bahay na plain dark blue ang pintura.
"HELP!"
Kahit na nangangamba ay dumiretso ako sa second floor kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon. Alam kong si Lysian iyon. Kahit bitch siya ay naging kaibigan ko pa rin siya at may pinagsamahan kami kaya tutulongan ko siya.
Binuksan ko iyong nag-iisang kwarto sa ikalawang palapag at nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin.
"Lysian!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top