Chapter 3
Kabanata 3
Delikado iyon
I am Lancy Sapphire Cordova, the star. No one could ever get my position as the highest among all women. I am full of pride, full of myself, and I know how to hurt people even if I won't touch them. I have a mouth. A very very sharp mouth.
Umiling-iling ako dahil sa pagdadrama ko sa aking isip.
Damn, kasalanan ito ni Honeylyn eh! Kakainis talaga 'yung babaeng 'yun! Ano bang nakain ni JKL para magustohan ang bruhildang Lastimosa na 'yun? Siguro ay ginayuma nya si Jared. Tsk!
Inayos ko ang bag na nasa balikat ko at tumayo na kaagad.
Nahagilap ng mga mata ko ang isang lalaki na nakasandal sa kotse nyang kulay black. Mukhang bago ito base sa kalinisan nito at pwede kang manalamin sa kahit anong parte ng kotse.
"Lancy!" ani nya kaagad saka tumakbo papalapit sa akin.
Nginitian ko sya saka napatingin sa kotse nya.
"Bago a?" ani ko.
Kumamot sya sa ulo nya na tila nahiya dahil sa sinabi ko. Binawi ko iyon ng isang ngiti bago nagsalita.
"Yayayain mo naman siguro akong ihatid, 'di ba?" nakangiti kong tanong.
Nakita kong bahagya syang natulala pero kaagad ring tumango-tango bago binuksan ang pintuan ng front seat.
"Thanks, Gian." nakangiti kong sabi sa kanya.
May ngiting kumubli sa labi nya bago umikot sa driver's seat.
Isinuot ko ang seatbelt bago inilagay sa taenga ko ang kunting buhok na kumawala sa pisngi ko.
"What's with the face?" hinalakhakan ko sya nang kaagad syang umayos at nagsimula nang mag-drive.
Nakatulala kasi sya sa mukha ko habang ginagawa ko iyon kanina.
"Wala yata ang driver nyo?" tanong nya nang bahagyang huminto ang sasakyan dahil sa traffic.
Tumingin-tingin muna ako sa katabing mga kotse bago sumagot, "Nagpapahinga kasi may lagnat." malungkot kong ani.
"Oh, sorry..."
Kaagad ko syang tinignan at nadatnan ko na parang malungkot rin. Nginitian ko sya at umiling-iling.
"I will pray for him para makatulong na maging maayos na sya." nakangiti nyang ani.
Nakakagaan talaga ng loob 'tong lalaking 'to. He always look for me and everytime he sees me, he would treat me for lunch or even sa paghatid ay inaaya nya ako pero minsan ay tumatanggi naman ako.
I know he's hitting on me, so, I won't dare to make him fall on me harder.
"Saan nga pala bahay nyo?" Tanong nya nang lumiko ang sasakyan sa isang banda.
"Sa High Hail Village," sagot ko.
Tumango sya at kaagad na nakuha ang sinagot ko. Isa lang naman ang High Hail Village dito sa lugar namin at ang nagmamay-ari lang ay ang Cordova. Cordova lang din at mga kakilala lang namin ang pwedeng makapasok doon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag nang bigla itong umilaw.
May tumatawag.
Sinagot ko iyon at bahagyang umayos nang mabasa na si mommy iyon.
"Hello, mom?" kaagad kong sabi.
"Darling, can you please get my purse? I think I left it on our agency..." ani nya sa Aussie accent nya.
"Yes, mom." sagot ko at pinatay na nya ang tawag.
My mom, Monica Jenner Cordova is half-Australian and half-Filipino, while my father, Nickel Jay Cordova is a half-American and half-Filipino kaya ako, komplekado ang lahi.
I am one-fourth Australian, one-fourth American, and a half-Filipino.
Mas matingkad man ang lahing Filipino ko ay ibang lahi ang sinisigaw ng mukha ko. I have a fair skin tone, natural eyebrows, slightly deep eye na kulay lupa, my nose is small yet pointed and my natural reddish plump lips makes me look a not-Earthian-human. Natural na blonde ang kulay ng buhok ko. Medyo maalon ito sa dulong bahagi. 4-inches below the shoulder ang buhok ko.
Tinignan ko si Gian saka nginitian.
"Sa Crystal Agency mo nalang ako i-drop." ani ko.
Tumango sya at ngumiti bago iniliko ang sasakyan papunta sa agency ng pamilya ko.
Pagkatapos kong magpasalamat kay Gian ay hindi ko na sya hinintay pa na sumagot.
I immediately walked inside of the elevator and then, I pressed the 20th floor kasi andun ang office ni mommy.
Nang makalabas ay sinalubong ako ng sekretarya ni mommy na dala-dala ang purse na naiwan nya.
Nilapitan nya ako at inilahad iyon sa akin.
"Naiwan po ni Ms. Monica," aniya.
Kinuha ko iyon sa kanya at bahagyang pinagpag ang parte na nadantayan ng kamay nya. Sa lace at kunting bahagi ng mismong gamit.
"Next time, wait for me. You don't need to hand it to me personally. Baka may germs pang makuha ang pamilya ko dahil sa'yo." ani ko at pinaikutan sya ng mata.
Kaagad ko syang tinalikuran pagkatapos.
Don't get me wrong. I am not a spoiled-brat-for-nothing. Pinipili ko lang rin ang mga taong dapat tratuhin ko nang masama. And... my mom's secretary is one of them. I saw her last time, nung nagbihis si daddy sa opisina nya ay nakita ko syang impit na kinikilig. Dahil doon ay nainis na ako sa kanya.
No one dares to ruin my family. A mere secretary cannot do that.
Papasok na sana ako sa elevator nang makauwi na nang bigla kong narinig ang isang empleyado ng kompanya namin kausap ang isang caster.
"Jared Keir Leigh wrote a song for his incoming album?" ani ng empleyado.
"Yes! Ang ganda nga eh. Gusto mo bang marinig? Atin-atin lang 'to tutal ay empleyado naman tayo dito. Hindi mo naman siguro vi-videohan ang pagre-record nya saka i-post iyon, 'di ba?" natawa ang caster sa mismong sinabi nya.
Tumaas ang kilay ko at lumapit sa kanila. Bahagya pa silang natigilan at naghahampasan pa dala marahil ng pangamba.
"Of course you won't do that. That's a huge spoiler kung magkataon man! At ikakasira iyon ng sorpresa nya para sa mga fans." ani ko.
Tumango iyong caster at nakuha ang confident na sumagot sa akin.
"You are right, Miss Lancy! Kaya nga itong si Minky ang sinabihan ko dahil may tiwala ako sa kanya." ani nito at ngumiti pa.
Nagngiting-aso ako, "Uh-huh..."
Tinignan ako ng empleyadong si Minky bago hinila papasok sa staircase area.
Sumunod rin iyong caster sa amin.
Binawi ko kaagad ang kamay mula sa pagkakahawak ni Minky sa akin saka sya sinamaan ng tingin.
"Ano ba?! Ba't ka nanghihila?" inis kong sabi.
Bahagya syang namutla na tila nasindak dahil sa asta ko sa kanya. Nilapitan siya ng caster at inakbayan. Nilingon nya ako at tinaasan ako ng kilay.
"'Wag mong sabihing 'ayaw mong marinig ang bagong kanta ni JKL'?"
Humalakhak ako at nagkibit ng balikat, "Are you serious? Tinatanong pa ba iyon?" ani ko at nauna nang maglakad pababa ng hagdan papunta sa 19th floor.
Nilingon ko sila na tila nagugulohan pa sa sinabi ko.
"Tara na! Akala ko ba ay gusto niyong marinig?" ani ko at pinaikutan sila ng mata.
Nagkatitigan sila at nawala na 'yung sindak sa mukha ni Minky saka sumunod na sila sa akin sa pagbaba.
Hawak-hawak ng isang kamay ko ang purse ni mommy habang ang isa ay kaagad kong hinawak sa paa ko at hinilot nang kaunti dahil sa kunting sakit dulot ng pagbaba kanina sa hagdanan.
Sapo-sapo ng caster at ni Minky ang mga dibdib nila bago hinawakan ang door knob ng recording room.
"Ano, Miss Lancy? Tara na!" ani ng caster.
Tumango naman ako at kaagad na dumiretso sa loob ng room na iyon. Nauna ang dalawang kasama ko sa loob pero bigo ang mga mukha nila nang tumingin sa akin na nakatayo parin malapit sa pinto sa loob.
"Nahuli tayo," bigong sabi ni Minky.
Sumimangot naman iyong caster at tumango-tango, "Tapos na pala eh... Biruin mo? Natapos kaagad sa dalawang recording lang? Grabe pala 'tong si Tuazon eh. Sobrang galing!" manghang-manghang sabi ng caster.
Nginitian nila ako nang magpaalam na sila na uuwi.
Nginitian ko rin sila at nagpaalam rin.
"Oh, ano? Kamusta ang recording?"
Nang inilipat ko ang paningin ko ay nadatnan ko si Jared na umiinom mula sa bottled water. Kada lunok nya ay ang syang pagtuyo ng lalamunan ko. Damn? Sobrang nakakakilig ng adam's apple nya na gumagalaw dahil sa pag-inom nya. Fvck it! He's really a beast! Masyadong mapanganib ang ginagawa nya dahil para akong mawawalan ng hininga sa kunting gestures na pinapakita nya.
Tinakpan nya iyong iniinuman bago sinagot ang kaibigan nyang si Jake.
"Nagbibiro ka ba, dre? Syempre, successful. Tsk!"
Napairap ako dahil sa sagot nyang iyon. Darn! Ang yabang ni Tuazon!
"Oh! Andito pala si Lancy eh!"
Kaagad kong inayos ang sarili ko nang mapatingin sa akin ang kaibigan ni Jared. Inipit ko ang buhok sa tenga ko nang bigla itong pumunta sa mukha ko.
Ngumiti si Jake sa akin at kaagad akong nilapitan.
"Lagi ka bang pumupunta dito?" nakangiti nitong tanong.
Tumango-tango ako at sinulyapan si Jared na inaayos ang sariling gitara sa lalagyan nito.
"Ah... oo... medyo..." sagot ko kay Jake.
Naglahad sya ng kamay kaya tinignan ko ang mukha nyang sobrang aliwalas tignan.
"I'm Jake Forrosuelo... ikaw si Lancy Sapphire Cordova, 'di ba?" nakangiti nitong ani.
Tinanggap ko ang kamay nya, "Oo, ako nga. Paano mo ako nakilala?" tanong ko dito.
Bahagya nyang nginuso ang kaibigan nya na nakasabit na ang gitara sa likuran nito.
"Kinuwento nya ako sa'yo?" excited kong tanong.
"Hindi... tinanong ko sya."
Bahagya akong sumimangot dahil sa sagot nya.
Darn! Nag-expect kaya ako na kinukwento ako ni Jared sa kanya. Hindi naman pala. 'Wag kang mag-alala, Jared dahil 'pag dumating ang araw na mahulog ka sakin ay hindi na ako kailangan pang mag-expect dahil ikaw mismo ang magkekwento sa akin.
"Ah... ano..."
Natawa ako sa kanya dahil sa ginawa nyang pagkamot sa sariling ulo.
"What, Jake?" ani ko, natatawa.
Bahagya syang ngumiti saka may kinuha sa bulsa ng jeans nya. Hanggang sa inilahad nya sa akin ang cellphone nya.
"Can I have your number?" ani nito.
Kaagad kong kinuha ang cellphone nya sa kamay saka tumango-tango, "Sure, sure!" ani ko at inilagay nga ang number ko doon.
Nakangiti sya nang ibinigay ko pabalik sa kanya ang cellphone nya.
Kinuha ko rin 'yung cellphone ko at ibinigay sa kanya, "Give me your number," ani ko.
Tinanggap nya iyon at kaagad na nag-type pagkatapos ay ibinalik na nya ang cellphone ko.
"Thanks!" nakangiti kong sabi.
Tumango si Jake at ngumiti bago tinignan ang kaibigan nya.
"Mauna na ako sa'yo sa labas." aniya.
Tinignan ko si Jared Keir Leigh na kasalukuyang nakabusangot ng bonggang-bongga.
Imbes na pumangit sya ay shit! Sobrang gwapo nya pa rin eh!
Hindi ko napigilan ang mapahagikgik bago umupo sa sofa ng room. Hawak-hawak ko ang paa ko habang tumatawa. Bahagya ko iyong hinilot-hilot dahil may kunting kirot paring natira.
Yumuko ako at hinubad ang one-inch heel school shoe ko na kulay itim.
Nang iangat ko ang paningin ay bahagya akong napaatras nang makita si Jared na nakatayo na sa harapan ko habang naka-cross arms. Nakabusangot parin ang mukha.
Inipit ko ng bahagya ang kumawalang buhok ko sa taenga saka kinunotan sya ng noo.
"Why are you staring?" seryoso kong sabi.
Humakbang ang isang paa nya kaya medyo umatras ako dahil doon.
"Will you please stop doing that move?" malamig nyang sabi.
Nagkibit ako ng balikat, "What move, Jared?" tanong ko.
Humakbang pa ulit sya at bahagya pang nag-bend kaya umatra na talaga ako. Nakahilig na ako ngayon sa foam ng sofa.
"'Yung iniipit mo ang buhok mo sa taenga." mahina nyang sabi.
Tinaas ko ang kilay ko, "Bakit naman? Normal gesture ko na iyon noon pa man kaya bakit ko ititigil?"
Inilingan nya ako na tila hindi makapaniwala.
"Give me your phone..."
Ibinalandra nya ang palad nya sa akin na nakabukas.
"B-Bakit?"
Damn! Nakakautal talaga 'tong lalaking 'to! Kainis!
Nabitawan ko ang cellphone na hawak-hawak ng kanang kamay ko nang bigla nyang inilapit ang mukha sa akin.
Napapikit ako nang lumapit pa talaga sya ng sobra-sobra hanggang sa naramdaman ko ang kamay nya na dumantay sa sofa.
Dumilat ako nang lumayo na sya sa akin. Hawak-hawak na nya ngayon ang cellphone ko.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong ko at tumayo.
Sumilip ako sa ginagawa nya pero tumalikod sya sa akin at nagpatuloy sa paghalungkat ng cellphone ko.
What is he doing?
"Done..." aniya at ibinato sa kamay ko ang cellphone ko.
Sinamaan ko sya ng tingin pero nginisihan nya lang ako. Halos mahulog ako sa kinauupoan dahil ngisi nyang iyon! Para bang may napagtagumpayan syang isang laban. Anong laban nga ba iyon?
"Next time, mag-isip ka muna bago ka gumawa ng hakbang. Kung gusto mong malaman kung ano ang ginagawa ko, hindi mo na kailangan makipagpalitan ng number sa kaibigan ko o kahit na kanino... kung gusto mong malaman ang mga ginagawa ko, maghanap ka ng sarili mong paraan. Don't give your number to everyone... delikado iyon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top