Chapter 29

Kabanata 29

Mas Nahuhulog

Naghintay ako ng ilang minuto bago naluto ang beef steak na request ko.

Excited na akong tikman ang luto niya kasi alam kong masarap 'yan. Siya pa ba. Makapangyarihan yata siya eh. Sumulyap ako sa kaniya nang ipinaghain niya ako. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang makita siya na parang kinakabahan.

Humagikgik ako nang ilapit niya sa akin ang pinggan na may kanin at madaming beef steak sa gilid.

Sinimangutan ko siya.

"Bakit ang dami?" sabay nguso ko.

Tumikhim siya bago umupo sa katapat kong upuan. Nagkibit-balikat siya at pinagmasdan ang inihain niyang pagkain.

"I don't want to starve you." matabang niyang ani.

Hindi ko na napigilan ang umirap.

"Anong akala mo sa 'kin? Patay-gutom? Ang dami nito eh. Hindi ko 'to mauubos." patuloy ko pa ring reklamo.

"Eat that or I'll kiss you nonstop."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Naghuramentado na naman ang mga sistema ko. Darn! Gusto kong kumain pero mas gusto kong halikan niya ako nang walang tigil. Sht! I'm getting naughty here!

Pinaikot ko ang mga mata at hindi pinahalata na gusto ko 'yong second option niya.

Nagsimula akong kumain at unang subo ko pa lang ay nanlaki na ang mga mata ko.

"Darn! Ang sarap!" tuwang-tuwa kong sabi at tinignan siya.

Tumikhim lang siya saka nag-iwas ng tingin pero kita ko ang multo ng ngiti sa labi niya. Bahagya akong ngumiti at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Shet! Boyfriend material na nga, husband material pa! I'm sure, kung yayayain niya ako ng kasal ngayon din, hindi na ako tatanggi! Blessings eh!

Kinaumagahan no'n ay inayusan ko ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng simpleng pink sleeveless button down shirt na pinaresan ng fitted denim jeans at pink pumps lang.

Ginawa ko lang na ponytail ang buhok kong blonde pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng almusal.

Pagkababa ko ay nadatnan ko si daddy na naka-office attire at mag-isang kumakain. Usually kasi ay sabay sila ni mommy kumain habang ako ay minsan lang makasabay sa kanila. Madalas kasi akong maaga umalis para sa shoots at tapings ko.

Lumapit kaagad ako kay daddy at humalik sa pisngi niya.

"Good morning, Dad." sabi ko at umupo sa tabi niya.

Pinunasan niya ng tissue ang labi bago tumayo.

"Good morning din, baby. I'll be going kasi maaga ang meeting namin." aniya at kinuha ang suitcase niya sa sofa namin saka lumabas din kaagad ng bahay.

Suminghap na lang ako bago kumain ng sandwich na may strawberry jam at uminom lang ako ng fresh milk. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa garahe.

Nadatnan ko naman ang driver namin na si kuya Min na nakahiga sa ilalim ng van namin at mukhang inaayos ang gulong.

"Kuya Min..." tawag ko.

Sumilip naman kaagad siya mula sa ilalim at nginitian ako.

"Good morning po, Ma'am!" aniya.

Tumango ako, "Napano po ang gulong?" tanong ko.

"Ay, nasira po eh. May pupuntahan po ba kayo? Sabado ngayon, ah?"

"Yes, sa Peace Garden lang po. Dadalawin ko si tatay Jun. Saka, okay lang kung hindi niyo na ako ihatid... Magta-taxi na lang ako." sabi ko na lang.

Napakamot siya sa ulo bago bumuntong-hininga.

"Baka po mapano kayo. Sikat pa naman po kayo baka dalhin ka ng driver sa bahay nila at i-kidnap for ransom." aniya na mukhang nag-aalala talaga.

Bahagya na lang akong tumawa dahil sa sinabi niya.

Hindi pa nag-iisang taon si kuya Min sa amin bilang driver pero alam na naming mapagkakatiwalaan siya. Maalagain din sya at sobrang bait. He already has a family. Dalawa ang anak niya at puro lalaki. Inirekomenda siya sa amin ng empleyado namin sa agency. Naghahanap siya ng pwedeng trabaho kaya kinuha agad siya ni daddy.

Pumara kaagad ako ng taxi pagkalabas ko ng High Hail Village. Nagsuot muna ako ng mask bago pinara ang paparating na taxi.


"Sa Peace Garden lang." sabi ko at inayos sa balikat ang purse na dala-dala.

Tumango iyong driver. Tahimik lang ako habang tinatahak ng taxing sinasakyan ko ang sementeryo kung saan nakalibing si tatay Jun.

It's been two months since I last visited him pero apat na oras ako doon. Nagkuwento ako sa kan'ya tungkol sa mga ginagawa ko o mga nangyayari sa akin. Kahit na hindi niya na ako sinasagot kagaya no'ng buhay pa siya ay malaking bagay na sa akin na maikuwento ko naman sa kaniya ang mga bagay-bagay na pinagdadaanan ko.

Kaagad akong lumabas ng kotse ko pagkatapos kong ibigay ang bayad.

Dumiretso rin ako agad-agad sa harap ng puntod ni tatay Jun pagkatapos ay umupo ako sa bermuda grass sa tabi ng puntod. Hinawi ko muna ang mga dahong nakatakip sa pangalan ni tatay Jun pagkatapos ay bumuntong-hininga ako.

"'Tay Jun... How are you? Miss na miss na po kita... Kahit na masaya ako sa ano mang mayroon ako ngayon ay pakiramdam ko may kulang pa rin... I think it's you. Alam kong masaya na kayo kung nasaan man po kayo ngayon kaya masaya rin po ako para sa inyo... Sa susunod po, dadalhan ko kayo ng maraming bulaklak." hindi ko mapigilan ang mga mata na manlabo dahil sa namumuong mga luha.

Ilang oras pa akong nanatili doon at nagkuwento lang sa kaniya nang kung anu-ano. I know he's listening... from heaven kaya kahit ilang oras akong nagkuwento ay hindi ako nakakaramdam ng pagod.

Bumuntong-hininga ako bago tumayo. Pinagpag ko muna ang jeans ko bago inayosan ang sarili.

"Bye, tatay Jun..." utas ko at ngumiti bago ako humakbang para umalis na.

Nang makapara ako ng taxi ay kaagad akong sumakay doon. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa loob ng purse ko kaya kinuha ko kaagad iyon.

Napasinghap ako nang mabasa ang pangalan ng manager ko.

"Hello? Lancy? Where are you? Pumunta ka dito sa agency. May naghahanap sa'yo. Dalian mo."

Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay binabaan agad ako ng tawag ni Honeylyn.

Napaikot ko na lang ang mga mata bago suminghap. Paano kami magiging magkasundo kung puro trabaho ang nasa isip niya? Tsk.

"Sa BDA po, manong." sabi ko sa driver ng taxing sinasakyan.

Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na rin ang BDA. Dumiretso ako sa elevator at nang bumukas iyon ay sumakay kaagad ako at pinindot ang floor ng office ni Ms. Bea. Siguradong nando'n din si Honeylyn.

Nang bumukas ang elevator ay dumiretso ako sa opisina ni Ms. Bea. Kumatok ako doon. Pinagbuksan rin naman ako ni Honeylyn agad-agad.

Nadatnan ko siyang nakasimangot kaya inirapan ko siya.

"What?" inis kong sambit.

Umiling siya bago bumalik sa pagkakaupo sa sofa ng office. Nadatnan ko naman si Ms. Bea na may kausap na lalaking may salamin at nakasuot ng office suit. Nasa mid-50's na siguro siya.

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nila at nakuha ko rin naman agad.

"Oh, nandito ka na pala, Lancy." aniya at bumeso sa akin.

Bahagya akong ngumiti pero naglaho kaagad iyon nang maglahad ng kamay iyong lalaki.

"Hi, Ms. Cordova. I am Diego Maipit. Nice to meet you." aniya at ngumiti.

Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang kamay niya pero binawi ko iyon kahit na hindi pa nagdadalawang-segundo na nakipagkamayan ako. I felt something weird ang I don't know why...

Nagpilit ako ng ngiti.

"Nice to meet you." utas ko.

"Psst."

Napatingin ako kay Honeylyn nang tawagin niya ako. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya. Bumuntong-hininga ako at lumapit rin.

"That's Mr. Trinidad's secretary." mahina niyang sambit.

Kumunot ang noo ko. Mr. Trinidad is the owner of the agency who recruits sexy and gorgeous women to be a calendar girl. No'ng nakalipas na mga buwan ay palaging nag-eemail sa akin si Mr. Trinidad. Gusto n'ya raw akong kunin bilang calendar girl pero hindi ako pumayag. Ayoko.

It's a great offer, yes pero hindi iyon ang point ko. Marami nang balita tungkol sa mga nare-recruit niya. Palaging may mga masasamang nangyayari sa mga babaeng naging calendar girl. Hinihipuan niya raw sa kahit anong parte ng katawan. Iyon ang dahilan ko kung bakit hindi ako pumapayag. I know it's just a rumor and not yet proven pero masama rin ang kutob ko sa Mr. Trinidad na 'yon.

Napapitlag ako nang lumapit sa akin si Mr. Maipit.

Inilahad niya ang folder na kanina pa nasa kamay niya.

"This is your contract regarding your partnership and Mr. Trinidad's recruiting company." aniya.

Nagkibit-balikat lang ako at tinaasan siya ng kilay.

"I'm sorry, Mr. Maipit... I am not interested to be one of the calendar girls. Just tell Mr. Trinidad to find someone else who is interested. Stop wasting your time on me." seryoso kong sambit.

Ngumiti si Mr. Maipit at parang hindi man lang tinablan ng tanggi ko.

"At least, read it first, Ms. Cordova. Siguradong magugustohan mo ang mga terms and conditions kapag puma-"

Hindi ko siya pinatapos.

"Pwede ba?! Ayoko nga sabi! Hindi niyo ba ako maintindihan?!" inis kong sambit.

"But, Ms. Cordova-"

"Please... Mr. Maipit, umalis na lang po kayo. 'Wag niyo pong pilitin ang taong ayaw sa offer niyo." narinig kong sabi ni Honeylyn na nakatayo na ngayon.

Bumuntong-hininga si Mr. Maipit bago ngumiti. Napairap ulit ako. Nakuha pa niyang ngumiti?!

Tinignan ko si Ms. Bea na tahimik lang sa gilid bago ako suminghap.

"Sorry, Ms. Bea..." mahina kong sambit at lumabas na ng office niya.

Nakasimangot ako nang marating ang private room ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin ng room bago umiling-iling.

May mga tao talagang kahit na anong tanggi ang gawin mo ay pipilitin at pipilitin ka talaga para lang sa kagustohan nila.

Kinuha ko na lang ang script sa tabi ko bago binasa iyon. May movie ulit ako. Usually, melodrama ang tinatanggap kong project pero ang genre ng bagong movie ko ay teenfiction at may light romance. Hindi ko pa kilala ang male lead pero may kutob ako na si Vernon 'yon. Daming kapit no'n eh.

Napatigil ako sa pagbabasa nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang natataranta kong personal assistant na si Keira. Yes, siya na lang ang natira kong PA. 'Yong iba ay nag-back out na nang malaman nila ang totoo kong ugali.

"M-Miss L-Lancy... M-May l-lalaki s-sa l-lounge area. G-Gwapo at s-sobrang s-sikat. S-Sobrang y-yummy r-rin po..."

Umirap ako sa kawalan bago nagkibit-balikat.

"Can you please talk... properly?" utas ko.

Humugot siya ng malalim na hininga.

"May gwapong lalaki po sa lounge area. Sobrang sikat no'n! Palaging pinapanood ng kapatid kong babae sa laptop niya! Kilala ko 'yon eh pero nakalimutan ko pangalan. Basta singer iyon at model na rin yata! Kayo po ang hinihintay niya!" natataranta niyang sabi.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Isa lang naman ang kilala kong gano'n at alam kong si Jared 'yon!

Mabilis akong nakrating sa lounge area ng first floor at kaagad na umawang ang labi ko nang makita si Jared na may hawak-hawak na bouquet of roses. He is wearing a longsleeve striped shirt na pinaresan ng pair of black slacks at itim na leather shoes. Medyo magulo ang buhok niya pero ang gwapo-gwapo niya pa rin. Prente lang siyang nakaupo sa couch.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo saka naglakad palapit sa akin.

Tumikhim ako at kinagat ang pang-ibabang labi bago tumingin sa kan'ya na nasa harapan ko na pala.

"W-What are you doing here?" shet! Nauutal na naman ako!

Bumaling ang tingin ko sa gilid namin kung saan nakita ko ang mga empleyado ng BDA kasama na ang ibang manager at artista na tumitili habang nakatingin kay Jared.

Narinig ko ang pagtikhim niya bago inilahad ang bulaklak sa akin.

Kumunot ang noo ko at pilit na pinapakalma ang puso kong sobrang lakas ng tibok. Nahiya pa! Lumabas ka na nga lang!

"P-Para saan?"

Tumitig ako sa mukha niyang sobrang gwapo pero agad rin akong umiwas nang maramdaman ko ang titig niya sa labi ko.

"Binibisita ka. Isn't it obvious?" sabay ngisi niya.

Bahagya kong hinampas ang dibdib niya. Pasimpleng tsansing lang eh! And... What did he say?! He... He is visiting me? Why?

Bahagya akong umirap habang nagpipigil ng ngiti. Buti na lang at napipigilan ko pa ang pagngiti sa mga oras na 'to. Kahit na kanina ko pa gustong ngumiti pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Nagkibit-balikat ako bago tinanggap ang bulaklak. Inamoy ko iyon at shet! Kaamoy ni Jared!

"T-Thank you..." ani ko at ngumiti.

Nilagay niya ang mga kamay sa bulsa niya bago ngumisi.

"Don't thank me, yet... or else, hindi na ako babalik dito." aniya.

Tumango na lang ako na may ngiti pa rin sa labi.

Narinig ko ang paglakas ng tili ng mga tao kaya tumikhim ako at inamoy ulit ang bulaklak na bigay niya.


'Yong inis ko kanina dahil kay Mr. Maipit ay biglang naglaho nang makita ko si Jared. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Noon pa man ay ang dami na niyang nagagawa. He can take away my annoyance in just a tick of a hand clock! He is really a powerful beast! Kaya nga mas nahuhulog ako sa kan'ya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top