Chapter 27

Kabanata 27

Sa Kwarto


Being scared is one of man's nature, let alone being nervous. Nervousness is a part of our life. It applies in any situations, wherever, whenever, or whatever the situation is. Kahit na ako na spoiled ay kinakabahan rin.

"You'll meet your manager today?"

Nadatnan ko ang nakataas-kilay na si Fern at Gian. Nag-aya ako sa kanila ng lunch kasi medyo matagal na nang makita o makasama ko sila. Siguro ay two months ago pa iyon. Mabuti na lang at free silang dalawa kasi kakatapos lang ng graduation nila kahapon. Si Marya ay inaya ko pero busy pa raw sa pagta-trabaho sa negosyo nila kaya hindi siya makakapunta.

"Unfortunately, yes." walang-gana kong sambit.

Nagkibit-balikat si Fern bago sinipsip ang milktea niya.

"Why 'unfortunately'?"

Tinaasan ko ng kilay si Gian na kanina pa hindi nagsasalita. May hinahalungkat sa phone niya at kung ano ay hindi ko alam. Mag-iisang oras na kami dito pero ngayon lang siya nagsalita except nang binati niya ako pagkarating niya.

"Fern..." kinalabit ko si Fern saka nagpalinga-linga ako sa paligid, "Do you hear something?" ani ko.

Tinitigan ni Fern ang tinititigan ko pero nagkibit-balikat uli siya.

"Wala naman. Bakit?" aniya at umayos sa pag-upo.

"Parang may naiipit eh. May nagsasalita. Hindi yata natin kasama. Baka multo." ani ko at um-acting na natatakot.

Nakita kong tumayo si Gian pero hindi ko siya pinansin. No'ng una pero kalaunan ay napapitlag ako nang bigla niya akong ni-headlock kaya napaubo-ubo ako ng kaunti.

"G-Gian..." sabay palo ko sa braso niya na nakapulupot sa leeg ko.

Umubo-ubo ulit ako nang naramdaman ko ang paghigpit ng pagkaka-headlock niya sa akin. Hindi ako tumigil sa pag-ubo hanggang sa niluwangan na niya at inalis na niya ang braso niya.

Tinitigan ko siya nang masama.

"Bakit mo ako hi-neadlock?! Ang sakit kaya sa leeg!" reklamo ko sabay nguso.

Bumalik siya sa kinauupoan sa tabi ni Fern, kaharap ko, bago siya kumamot sa batok niya.

"Eh kasi hindi mo ako pinansin. Nag-a-as if ka pa na wala kang naririnig... Ang sakit kaya sa feeling no'n. Ouch!" aniya at hinawakan pa ang dibdib.

Hindi ko na napigilan ang pagtayo at kaagad kong hinampas ang braso niya na siyang ikinadaing niya ng husto-husto.

Napairap ako sa kawalan.

"Hoy! Hindi masakit 'yon, ah!" pagdedepensa ko sa sarili.

Sumimangot siya bago ako inirapan.

"Masakit kaya! Kakainis ka na... hindi na kita kakausapin pa."

Umirap ako sa kawalan bago tinignan si Fern na nakabusangot habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Gian. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala ka bang planong gawing boyfriend 'yang si Gian? At ikaw Gian... hindi mo ba liligawan 'tong si Lancy?"

Muntik na akong mapaubo dahil sa biglaang sinabi niya. Napailing-iling ako bago nag-flip hair.

"Not in my plan, Fern at tsaka... itong si Gian..." tumayo ako saka yumakap sa leeg ni Gian.

Napansin ko pa ang paninigas niya ng katawan nang ginawa ko 'yon pero hindi ko na lang pinansin.

"Ano siya?" kuryos na tanong ni Fern.

"Best friend ko. 'Di ba, Gian? Magkaibigan lang tayo, hindi ba?" ani ko at nagtaas-baba ang kilay.

Tumikhim si Gian bago unti-unting inalis ang kamay ko sa katawan niya hanggang sa matanggal na ang pagkakayakap ko sa kaniya sa leeg niya. Napairap ulit ako bago siya hinampas sa dibdib.

"Ang OA mo!" ani ko at ngumiti.

Umiling-iling naman si Fern at ipinagpatuloy ang pag-inom niya sa milktea niya. Sinulyapan ko si Gian at nakita kong wala pa rin siyang imik kaya kinalabit ko na siya.

"What?" taas-kilay kong ani.

Umiling lang siya bago tumikhim.

"Bumalik nga tayo sa topic. Bakit 'unfortunately'? Hindi ka ba masaya na sa wakas ay makikilala mo na rin ang magiging manager mo? Dapat nga ay siya ang magsabi ng 'unfortunately' kasi ikaw ang pagsisilbihan niyang artista. I'm sure na kapag nakilala ka na niya, magba-back-out kaagad 'yon. Maghanap ka na lang ng iba pa habang maaga."

Sinamaan ko ng tingin si Fern dahil sa sinabi niya pero hindi siya natinag. Suminghap na lang ako bago tinaas ang kilay.

"Well... I'm nervous baka pagalitan niya ako kapag nagkamali lang ako sa isang bagay... baka insensitive siya at sobrang sama pala... baka pahirapan niya lang ako at kahit na hindi ko gusto ay ipagpipilitan niya..." sabi ko.

Tumango-tango naman si Fern, "Hindi imposible. Baka mas higit pa sa'yo ang personality niya kaya maghanda ka na. Siguradong babagsak ang ekonomiya ng mga spoiled brat kapag natalo ka ng isang mere manager." aniya.

Tumango ako. Yes, kaya nga ako kinakabahan at baka kung sinu-sino lang diyan sa paligid ang manager ko. Baka unprofessional at bossy pa. Ayokong nalalamangan ako. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na madi-disappoint ako sa new manager na makikilala ko mamaya.

Mabilis lumipas ang oras at nakarating na rin ako sa tapat ng BDA.

Ngumiti ako kay Gian bago kinuha ang itim na surgical mask kong dala-dala.

"Thank you, Gian... Sa susunod ulit." sabi ko at tinanggal na ang pagkakasuot ko ng seatbelt.

Nang makalabas na ay sumilip muna ako sa bintana ng kotse ni Gian at kinawayan siya. Nginitian niya ako bago nagpaalam. Tumango na lang ako at agad isinuot ang mask.

Mahirap nang makita ng paparazzi ang paggala-gala ko kasama ang kaibigan ko. Ayokong madamay ang kaibigan ko sa isyu kung sakali man kaya mas mabuti na ang nag-iingat. Malay naman natin kung hanggang saan ang kaya ng mga paparazzi, makahanap lang ng pwedeng ibentang balita or pictures.

Isasara ko na sana ang elevator nang makita ko ang babaeng nagmamadali para lang makaabot kaya pinindot ko muna ang button sa gilid para hindi sumara ang elevator.

Tumikhim ako bago tumingala.

"Lancy?"

Tamad kong tinignan ang babaeng pumasok sa elevator nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Kasabay ng pagtingin ko sa kaniya ay ang panlalaki ng mga mata ko.

I saw a fine-looking lady with her simple white cottony dress with 3-inches high heel. She's not wearing any makeups except for her fake eyelashes but she's looking so damn fine! I mean... wait!

Hi-nead to foot ko siya at nang ma-satisfy ay tinaasan ko siya ng kilay.


"Honeylyn Lastimosa? Is that you?" hindi-makapaniwalang sabi ko.

Hinalakhakan niya ako na tila ba may nakakatawa sa sinabi ko. Tamad ko lang siyang tiningnan hanggang sa matapos siyang tumawa. Inayos niya ang sarili niya at suminghap bago nagkibit-balikat.

"Ano namang ibig-sabihin ng reaksyon mo kanina? Starstruck ka masyado, 'no? Hindi mo inakala na mas gaganda pa pala ako sa'yo-"

"Shut up! Mas maganda pa rin ako sa'yo!" putol ko sa kaniya.

It's true naman! Yes, naging maganda siya, well... maganda naman talaga siya kahit na noon pa pero parang mas gumanda lang siya o talagang naninibago lang ako. Matagal na nang huli kaming magkita at iyon ay no'ng burol ni tatay Jun. Wala na akong balita sa kaniya pero kina Aling Losing at Cloud ay meron. Kinakamusta ko sila minsan kaya alam kong okay lang sila kahit na wala na si tatay Jun na haligi ng tahanan nila.

Tumango-tango siya, "Ay... Ayaw tanggapin? Why?" nang-aasar niyang sabi.

Umirap ako sa hangin bago nakipagtitigan sa elevator. Sakto namang tumunog at bumukas iyon kaya kaagad akong lumabas.

Dumiretso ako sa office ni Ms. Bea at nag-beso kaagad kami pagkatapos ay umupo na ako sa sofa ng opisina niya.

"Buti naman ay nakarating ka na. Paparating na rin ang manager mo... tumawag siya kanina na malapit na raw siya." aniya at bumalik sa ginagawa niya.

Tumango na lang ako at nagkibit-balikat. In-open ko ang cellphone ko bago naisipang pumunta sa contacts. Tinitigan ko ang pangalan ni Jared bago bumuntong-hininga.

Ilang araw ko nang sinusubukan na tawagan siya pero hindi ko ma-contact ang number niya. Kung hindi busy ay out of coverage naman kaya tumigil na ako.

For the last time ay tinawagan ko ulit ang number niya pero hindi na iyon nag-ring.

The number you've dialed doesn't exist

Kumunot ang noo ko bago tinitigan ang sariling cellphone. Ngumuso ako at kinuhanan ng picture ang sarili habang gano'n pa rin ang itsura. Nakanguso at mukhang malungkot. Pagkatapos ay ipi-nost ko iyon sa insta ko. Ang caption ko ay pa-mystery effect na 'how?'. Siguradong magugulohan ang mga fans ko dahil sa caption pero isa lang naman ang totoong dahilan o meaning no'n.

How can I contact you?

Iyon ang meaning ng caption. Sa showbiz kasi, dapat ay pa-mystery ka muna para may thrill.

Tinago ko ang cellphone ko sa purse nang bumukas ang pinto ng opisina ni Ms. Bea.

Nakangiting tumayo si Ms. Bea habang sinasalubong ng ngiti ang babaeng kakarating lang. Kumunot ano noo ko bago itinuro ang babaeng manager ko kuno.

"She's... She's my manager?" kunot-noo kong ani.

Ngumiti si Ms. Bea bago hinila iyong babae palapit sa akin.

"Meet you manager... Ms. Honeylyn Lastimosa..."

Tuluyan na ngang nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.

Bumagsak ang balikat ko kasabay ng panlulumo. Si Honeylyn ang manager ko? Paano? Bakit siya pa? Andami namang iba diyan na mas qualified kaysa sa kaniya pero bakit?

Umiling-iling ako.

"I can't believe this." sabay iling-iling ko.

Yes! I can't believe this is happening to me! How can a mere bitchy-attitude woman can be my manager? Is this even true?! Gosh! Fate is really unpredictable. That's why I hate mysterious things! I can be mysterious and of course... Jared can but fate can't! OH MY GHAD!

"Nice to see you again, Lancy." naglahad ng kamay si Honeylyn pero tinitigan ko lang iyon.

Umirap ako bago nag-martsa palabas ng office.

Mabilis lumipas ang araw at promise, ngayon ko lang nagustohan ang pagbilis ng takbo ng panahon kasi ayokong nakakasama ang isang taong hindi ko naman gustong kasama.


"Bakit hindi mo pa ni-rereply-an ang mga fans mo, Lancy? Litong-lito na sila kung ano ang ibig-sabihin mo sa last post mo sa insta. Wala ka bang planong makipag-interact sa kanila? Baka mawalan ka ng fans kapag nagsawa na sila sa'yo!"

Tinitigan ko si Honeylyn na kanina pa bulyaw nang bulyaw sa akin.

"I'm tired... and busy. Galing rin ako sa photoshoot sa Maharlika brand ng bags. Nakakapagod kayang tumayo at mag-pose nang mag-pose." reklamo ko.

Inirapan niya ako bago pinameywangan.

"Bakit hindi mo lang sabihin na tamad ka? Na plastic ka sa mga fans mo?"

Hindi ko na napigilan ang pagtayo at pagtaas ko ng kilay sa kaniya.

"Hindi ako tamad at mas lalong hindi ako plastic lalo na sa mga fans ko. Kung sa'yo pa, oo! Plastic ako sa'yo!" inis kong sambit.

"Ayan... Ayan ang problema mo, Lancy. Sobrang taas ng pride mo! Sobrang pangit ng ugali mo! Ang gusto mo lang ay 'yong mga gusto mo nga! Hindi mo ba alam ang salitang 'professionalism?'"

Umirap ako, "Of course, alam ko! What do you think of me? Bobo?"

Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi naniniwala na alam ko nga ang salitang iyon. Well, alam ko naman talaga.

"You don't know that word, Lancy. Hindi mo alam? Pwes, ipapaliwanag ko sa'yo. A person who can set aside his/her personal feelings from work is what we called 'professional' at klarong-klaro lang na wala ka no'n! Kasi kung mayroon man ay siguradong hindi mo ako tatarayan sa oras ng trabaho. Kung meron, sana ay ginagalang mo ako bilang manager mo. Kung meron, sana ay hindi tayo nagkakaproblema dito! Get a grip of yourself, Lancy! Kung patuloy kang gaganyan ay walang magsi-stay sa'yo? Naiintindihan mo ba?!"


Hindi ko alam pero hindi kaagad ako nakapag-react sa sinabi niya. Napako lang ako sa kinatatayuan ko at kahit na pikit ng mata ay hindi na magawa pa. Am I really that bad? Am I not professional? Kung patuloy akong ganito... wala ba talagang magsi-stay sa akin?


"Anyway, nakabalik na raw si JKL sa Pilipinas kanina lang. Kasama 'yong manager niya. Siguro ay nagpapahinga na 'yon sa bahay niya."

Nagkaroon na ako ng lakas na tingnan siya.

"Sinasabi ko lang 'to sa'yo kasi alam kong gusto mo na siyang makita. Nasa sa iyo na rin kung pupuntahan mo ba siya o dadalawin bukas. Magsabi ka lang kung magiging busy ka para naman ma-cancel ko ang mga shoots mo... Pagkatapos mong ayusin ang sarili mo, umuwi ka na. Alam kong pagod ka na rin." mahinahon niyang sambit bago kinuha ang sling bag niya.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"T-Thank you and... sorry rin." sabay iwas ko ng tingin.

Ayokong makita ang reaksyon niya pagkatapos kong sabihin iyon. Of course, I can say 'thank you' and 'sorry' to those people who deserve it and... I think... Honeylyn deserves my apologize, too.

Hindi niya ako sinagot at dire-diretso lang siyang lumabas ng private room ko.

Wala na akong hinintay pa na oras at kaagad ring kinuha ang purse ko sa gilid.

Mabilis akong nakarating sa labas ng building kaya kaagad kong hinanap ang van namin. May personal driver na ako at nasa forty years old na siya. Lalaki at mabait rin. Siya 'yong laging sumusundo sa akin. Kahit na sa shoots ay ang van rin namin ang ginagamit na sasakyan papunta sa venue.

Sakto namang lumabas ang van na iyon mula sa parking lot ng building kaya agad akong pumasok doon.


"Sa Green Rain subdivision po, kuya." sabi ko kaagad.

"Yes po, ma'am." sagot naman niya at kaagad na pinaharurot ang van nang mabilis.

Shet! Hindi ko maiwasan ang kabahan at ma-excite kasi makikita ko ulit siya sa muling pagkakataon. Kamusta na kaya siya? Sigurado akong mas tumangkad pa siya at mas naging ehem... ma-muscles at siguro ay mas gumwapo pa siya lalo. Damn! Iniisip ko pa lang ay umiinit na ang mukha ko, paano pa kaya kung harap-harapan na? Shit!

Kumalabog nang mabilis ang puso ko nang maramdaman kong huminto ang van namin. Akala ko ay narating na namin ang sundivision ng bahay nina Jared pero huminto pala ang sasakyan dahil sa traffic.


"Bakit ngayon pa?!" inis kong sambit at napakagat-labi.

Nakita kong sumilip ang driver ko sa front mirror.

"Rush hour po, ma'am eh." aniya.

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay na umandar ulit ang sasakyan. Mas bumilis pa ang tibok no'n nang umandar na nga ang sasakyan.

Trumiple ang nararamdamang kaba ko nang makapasok na kami nang tuluyan sa subdivision. Huminto saglit ang sasakyan sa may guard house.

"Saan po ang tungo niyo?" narinig kong tanong ng guard sa driver ko.

"Saan po ba, ma'am?" bumaling sa akin ang tingin ng driver.

Tumikhim ako bago inayos ang pagkakaipit ng buhok ko sa tainga.

"Sa Tuazon's lang," sambit ko.

Tumango naman ang guard bago kami pinayagang pumasok.

Kinuha ko sa purse ang pressed powder bago tumikhim. Inayusan ko ang sarili ko at nanalamin pa sa cellphone ko. Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan kaya bumuntong-hininga ako.

"Nandito na po tayo, ma'am. Dalian niyo lang po baka maghanap na si Sir Nickel at Ma'am Monica sa inyo." ani ng driver.

"Yes po, kuya Min." sagot ko at binuksan na ang pintuan.

Pinindot ko kaagad ang doorbell ng gate ng bahay nila. Ilang pindot ko pa ng doorbell bago bumukas ang gate. Isang mid-40 na babaeng nakasuot ng maid uniform ang sumalubong sa akin.

"'Di ba po kayo 'yong artista na si Lancy Cordova? Iyong sikat na sikat na at nanalo pa ng Best Actress?!" hindi-makapaniwalang sabi niya.

Tumango ako at ngumiti.

"Pwede pong pa-autograph?" aniya.

Bumuntong-hininga ako bago nag-snap ng finger.

"Basta ba papasukin niyo ako." ani ko at tinaasan siya ng kilay.

Akala ko ay hindi siya papayag. Akala ko ay katulad siya no'ng maid rin ni Jared na si yaya Anne na hindi naniwala sa sinabi ko... pero kaagad siyang tumango-tango sabay kuha niya ng sariling ballpen na nasa bulsa niya.

Kinapa-kapa niya pa ang bulsa ng shorts niya bago kumamot sa ulo.

"Ay... wala po pala akong papel. Sayang po-"

"Sa damit niyo na lang po..." ani ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya bago tumalikod. Ibinigay niya ang ballpen niya sa akin bago tinuro ang likuran ng maid uniform niya.

"Diyan niyo po ilagay..." aniya at humagikgik.

Napangiti na lang ako at pinirmahan na ang maid uniform niya. Nilakihan ko pa iyon bilang bayad man lang sa pagpayag niya na pumasok ako sa bahay ni Jared.

"Done," sabi ko pagkatapos.

Ibinalik ko sa kaniya ang ballpen niya at nginitian ako.

"Thank you, hija! Sobrang ganda mo na nga, mabait pa! Kaya favorite ko po 'yong mga movies niyo eh. Siguradong hindi ko ito lalabhan. Itatago ko na lang para remembrance na nakita ko man lang kayo at nakilala pa." niluwangan niya ang pagkakabukas ng gate, "Sige po... pasok na po kayo." aniya at ngumiti.

Tumango ako at dumiretso na sa loob. Hindi pa rin nagbabago ang bahay nila Jared. Glass-walled pa rin at sobrang laki nga talaga. Nang makapasok na ako ay tinitigan ko ang buong bahay.

Simpleng kulay abo ang bahay niya sa loob. Mula sa mga kurtina, sofa at iba pang gamit habang ang iba naman ay gold ang kulay katulad ng chandeliers.

Natigilan ako sa ginagawa nang may marinig na boses sa itaas. Bumuntong-hininga ako bago umakyat sa hagdanan. Dumiretso ako sa kwarto kung saan nanggagaling ang boses ng nagtatawanan.

Kumatok ako ng ilang beses pero hindi pa rin binubuksan kaya hinawakan ko ang doorknob at laking pasasalamat ko nang hindi iyon naka-lock.

Nang tuluyan ko na iyong nabuksan ay napasinghap ako sa nadatnan.


"Shit!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top