Chapter 26

Kabanata 26

Bagong Manager


"Don't forget your mall tour tomorrow."

"Na-memorize mo na ba ang script?"

"Awarding na bukas kaya magdasal ka na ikaw ang manalo."

"Vaseline or Pantene? Kailangan mo nang pumili!"

"Lancy, isang linggo mo nang hindi nire-replyan ang mga fans mo!"

"Sabihin mo ang mga hinaing mo tungkol sa nabubuong VERNCY love team!"


Sapo-sapo ko ang dibdib ko nang tumayo ako. Tinitigan ko isa-isa ang mga casters at personal assistants ko na kanina pa talak nang talak at kakapaalala sa akin ng mga dapat kong gawin.

Umirap ako bago nameywang.

"May mall tour ako bukas, okay. Saulo ko na ang script ko. Kahit hindi ako magdasal ay siguradong best actress ako sa awarding. Pantene. Ri-reply-an ko na sila mamaya. Ayoko ng Verncy love team. Okay na?" sunod-sunod kong ani.

Tumango sila isa-isa at nagsilabasan na ng private room ko. Bumuntong-hininga ako bago ginulo ang buhok. Shez! Nakaka-stress talaga!

Umupo ako sa silyang kaharap ng salamin saka tinitigan ang mukha ko. Bubuntong-hininga na sana ako nang marinig kong may tumikhim. Napaikot ko na lang ang mga mata habang tinitigan si Keira na isa sa mga PA ko mula sa salamin.

"Ahm... Kailangan niyo pong mag-video or mag-post man lang sa social media account niyo na nagpapahiwatig na 'ayaw niyo ang love team na binuo ng mga fans niyong dalawa ni Vernon' para po tumigil na sila sa pagsi-ship sa inyo." halatang kinakabahan niyang ani.

Nagkibit-balikat ako bago umiling.

"No need. Iyon ang gusto ng mga fans. Ayokong i-disappoint sila kaya hayaan na muna natin. Mawawala rin 'yang ship na 'yan." ani ko na lang.

"Yes po..." aniya at narinig ko na ang pagsara ng pintuan.


Napailing na lang ako. For all the months of me, being an actress wasn't really easy. Sobrang hectic ng schedule. Sobrang daming projects na kailangang harapin katulad na lang ng endorsements sa isang product and modelling sa mga stilletos. Nakakapagod na, sa totoo lang. Alam kong hindi ko naman talaga gusto ang maging artista. Ang dahilan ko lang naman kung bakit ako nagdesisyon na sumabak sa showbiz ay si Jared. Gusto kong maging ka-level niya balang araw pero hindi ko naman inakalang ang hirap pala talaga.

Well, I'm a lier if I will say that I haven't had fun in showbiz. Being an actress is difficult but it's interesting in any aspects, really. Ayokong itanggi na nagugustohan ko na rin ang pagiging artista ko.

Hindi lang maiwasan ang ma-stress dahil sa mga fans na sobrang demanding. Gusto nila ay kada-oras ay active ako. Ano akala nila sa akin, robot? Napapagod rin ako, 'nu ba! Kahit na ang robot ay kinakalawang kapag maraming ginagawa, ako pa kaya na tao lang? Siyempre napapagod na rin ako.

Dumagdag pa ang laging trending na ship sa kahit anong social media na 'Verncy'. Nakakainis! Kung kaya ko lang manipulahin ang fans ko ay minanipula ko na sila. Alam kong, yes, mabait si Vernon. Sa ilang buwan naming magkasama kasi madalas kaming kasama sa movie ay talagang masasabi kong mabait siya at maalagain pero sino ba naman akong mahulog sa kaniya? Busy ako at ang love life ay wala pa sa isip ko, well... if Jared is here ay okay lang.

Napabuntong-hininga ako.

Kunti nalang talaga at babayaran ko na ang mga fans ko na gumawa naman sila ng love team namin ni Jared. Jancy sounds good, right?

Napailing na lang ako. Hindi ko mapigilan ang ngumuso.

Hindi ko pinapahalata sa mga casters and personal assistants ko pero hindi ako masaya kahit na lagi akong nakangiti. I am just... I am longing for him. It's been a year since we've seen each other and I hate to admit but... I really really miss him... so much. Kahit hindi niya ako miss, miss ko pa rin siya. I sound so corny right now pero talagang may kulang sa akin and I know kung ano 'yun. It's Jared Keir Leigh Tuazon. The gorgeous beast. The cold, mysterious, unreadable beast.

As our eye blink fasts, my days went fast, as well. Kahit na hindi pa ako nananalo sa awarding ay naging Best Actress ako. Maybe that was because of my first melodrama movie that revolves in a typical family wherein the father had a mistress and that was  the reason why the family started to ruined and wrecked just by that plot twist in life. My character was a bit different from what I am in real life.

My name was Fairy in that movie entitled 'Imperfect Family' and I was a simple and open-minded daughter na siyang naging daan para magkaayos ang lahat-lahat kasali na doon ang mga magulang ko. I have a brother and sister in that movie but they were with their own family and because I was the youngest, ako 'yong nakasaksi sa lahat. Kahit na anong nangyari ay patuloy pa rin ako sa pagpapakatatag, maayos lang ang pamilya ko and that was the ending of the movie... my family reunited again.

Hindi na ako nagtaka nang manalo ang 'Imperfect Family' bilang Best Movie of the Year because it was just too beautiful. The whole story, indeed.


Nang dumalaw ako isang araw sa Crystal Agency ay sinalubong ako ng natatarantang si Minky. Tila hindi mapakali. Pabalik-balik siyang naglalakad habang hinihintay na bumukas ang elevator.

Ipinilig ko ang ulo bago tumakbo palapit sa kaniya. I am just wearing a simple pink bouncy dress under the knee and pumps kaya hindi ako nahirapang tumakbo.

Natigilan siya nang makita ako. Nag-iwas pa siya ng tingin.


"What happened, Minky?" kaagad kong tanong.

Nag-iwas siya ng tingin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkagat niya ng pang-ibabang labi.


"Minky... You know me, I have the shortest patience among all human living here on Earth." ani ko with a hint of authority.

Napabasabunot siya sa sariling buhok bago ako hinarap.

"Eh, kasi po... si Ms. Zevy-"


Hindi na niya naituloy ang sasabihin pa sana nang bumukas ang elevator at iniluwan no'n ang isang babaeng matangkad at makinis na nasa mid-30's na. Mas lalong nataranta si Minky nang makita iyong babae hanggang sa hawakan niya ang kamay no'n.

"Zevy... kumalma ka lang. 'Wag kayong umalis dito sa BDA. Hindi na kami makakahanap ng katulad mo. Masipag at professional na manager. Babalik pa si Jared... Babalik siya dito at ikaw pa rin ang manager niya. Maniwala ka. Ang Diamond Agency ay sa Cordova's pa rin naman kaya hindi mo na dapat ipag-alala pa 'yon. 'Wag niyo nang i-breach ang contract niyo. Long-term contract ang pinirmahan mo kaya hindi pwede..."


Kumunot ang noo ko habang nagmamakaawa si Minky kay Ms. Zevy. Bakit nasali ang pangalan ni Jared? Ang manager thingy? Ang agency namin sa Norway? Ang breaching ng kontrata?

Umiling si Zevy bago tinanggal ang pagkakahawak ni Minky sa braso niya.

"I'm sorry, Minky and Ms. Lancy... I already breach the contract." aniya at nilagpasan na kami.

Tinitigan ko ang likuran niya hanggang sa makalabas na siya nang tuluyan.

Tumingin naman ako kay Minky na nanginginig. Bakit ba big deal sa kaniya ang pag-alis ng Zevy na 'yon?

"Magkaano-ano kayo no'n at bakit parang takot na takot ka?" seryoso kong ani.

Umangat ang tingin niya pero kaagad ring bumalik sa pagkakatungo niya.

"A-Ako ang nag-rekomenda sa kaniya na dito magtrabaho bilang manager. Nakinig siya sa akin kaya dito niya napiling magtrabaho. Pumirma siya ng long-term contract para maging manager ni Jared. Pero ngayong may in-announce ang Diamond Agency na pumirma ng kontrata si Jared doon ay na-disappoint si Zevy. Nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Ma'am Monica at Zevy dahil sa biglaang desisyon niya na i-breach ang contract. Hindi rin naman talaga kasalanan ni Zevy na aalis na siya. Bigla kasing nagpalit ng manager si Jared eh. Pinanghahawakan ni Zevy na babalik si Jared kasi 'yon ang sinabi niya pero hindi na pala mangyayari 'yon."


Kitang-kita ko ang pagtakas ng luha niya mula sa mga mata.

Ipinilig ko ang ulo bago kinuha ang tissue sa purse ko. Ibinigay ko iyon sa kan'ya na kaagad niya namang tinanggap.

"S-Salamat po..." aniya at ginamit iyong tissue sa pagpunas sa luha niya.

Tumikhim ako bago nagkibit ng balikat.

"What are you scared for?" kunot-noo kong tanong.

"B-Baka po mawala ang dalawang napakaimportante sa buhay ko."

Magtatanong pa sana ako pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Umiyak ulit siya bago umupo sa sofa ng lounge area. Sumunod ako sa kaniya pero hindi ako umupo. Tumayo lang ako sa harapan niya.

Hinintay ko lang siya na matapos sa pag-iyak at maya-maya ay medyo kumalma na siya.

"Pasensya na po, Ms. Lancy. Natatakot lang po ako na baka hindi na ako kausapin pa ni Zevy, ng kaibigan ko... and worst po ay mawalan ako ng trabaho... Baka galit rin po sa akin si Ma'am Monica. Ayoko pong masisante dito sa Crystal Agency..." tumulo na naman ang mga luha niya kaya kumuha ulit ako ng tissue at ibinigay sa kaniya.

Bumuntong-hininga ako bago nagkibit-balikat.

"Hayaan na lang natin si Zevy. Tama rin naman ang ginawa niya kasi kahit na bumalik dito si Jared ay hindi na siya ang manager nito. Pero... Sino ba ang bagong manager niya?"

Nagkibit-balikat lang si Minky at hindi na sumagot. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. I can't blame her thought if she's acting like that. Alam kong hindi madali kapag nawalan ka ng trabaho.

Kahit na gaano ko man kagustong alamin kung sino ang bagong manager ni Jared ay talagang wala akong oras na i-search pa iyon. I am busy sa mga sumunod na araw.

Nandito ako sa isang mini beach resort na kakabukas lang. Kinuha nila akong model ng beach nila at ang partner ko ay si Vernon na gwapong-gwapo sa sarili habang pinapasadahan ng kamay niya ang magulo niyang buhok.

Napairap ako sa kawalan nang kindatan niya ako.

Marami kaagad ang nagtilian dahil sa ginawa niya. Kahit na 'yong mga nanonood sa amin at pati na mga camera directors ay sumasali na rin sa tilian at hiyawan. Nakakainis! Kaya laging trending ang 'Verncy' eh, dahil sa mga pinaggagagawa niya!

Bandang hapon na nang matapos ang photoshoot kaya kaagad akong lumayo kay Vernon para makapagbihis na. Nakasuot lang kasi ako ng orange na two-piece pero hindi naman gano'n ka-revealing habang siya naman ay naka-beach shorts at walang saplot sa itaas.

"Water please..." kaagad kong sabi sa mga assistants ko.

Lumapit sa akin si Keira at binalutan ang katawan ko ng puting tuwalya.

"Thank you," wala sa sariling sambit ko.

Umupo ako sa foldable chair na dala-dala ng agency ko para sa amin ni Vernon saka ko kinuha ang cellphone ko.

"Tubig niyo po..." ani ng isa ko pang assistant na Shell ang pangalan.

"Thank you." maikli kong sambit saka iyon ininom.


Nagpatuloy ako sa paghalungkat ng cellphone ko hanggang sa mag-notify ang twitter ko.

Ki-nlick ko iyon at ang bumungad sa akin ay siyang nakapagpakunot ng noo ko.

'Caught on cam: The singer, Jared Keir Leigh, who signed a long-term contract in Diamond Agency with his new manager as they were having lunch.'

Zi-noom ko iyong picture ni Jared kasama ang isang babae na sinasabi nilang 'bagong manager' kuno niya. Walang duda nga si JKL nga ang lalaki pero sino 'tong babae? Mukhang ka-edad ko lang ang babae kaya ako nagtataka. Manager? Manager lang ba talaga?

"Oy, sino 'yan, huh?"

Kaagad kong pinatay ang cellphone ko saka sinamaan ng tingin si Vernon na bigla nalang naninilip.

"May lahi ka bang multo? Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot?!" inis kong sambit.

Sinimangutan niya ako at nginuso ang cellphone ko na naka-lock na.

"Ano? May bibig ka, please lang." sabay paikot ko ng mga mata.

Kumamot siya sa batok niya bago nagkibit-balikat.

"Hindi ba si Lysian 'yon?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Anong 'Lysian'? Sino at saan?"

Hinablot niya ang cellphone ko bago iyon ipinakita sa akin ang tinitignan kong picture kanina.

"This," itinuro niya ang babaeng katapat ni Jared, "Ito 'yong kasama mong babae sa exhibit mo sa United States of America, 'di ba?"

Kinuha ko ang cellphone ko sa kamay niya saka iyon tinitigan. Mula sa buhok ng babae hanggang sa ngiti at pananamit niya... walang duda.

"Si Lysian Poarch ang bagong manager ni Jared?!" hindi-makapaniwalang ani ko.

Tinitigan ako ni Vernon na parang hindi makapaniwala. Hinawakan ko ang kwelyuhan niya saka siya kinalog-kalog.

"SI LYSIAN POARCH ANG BAGONG MANAGER NI JARED?! PAANO?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top