Chapter 22

Kabanata 22

Hickeys

"So, as I was saying, only one piece will be chosen among all twenty art pieces. The champion is only one, so, it means that the winner will be the representative piece for world competition of arts."

Sa lahat yata ng sinabi ng isang judges namin ay iyon lang ang naintindihan ko.

Hindi ko talaga magawang i-focus man lang ang atensyon ko sa nagsasalita. Kahit gaano pa iyon kaimportante ay talagang ang sinabi lang kanina ni Jared ang laman ng isip ko.

"Sa condo mo, Lancy." paulit-ulit iyong bumabalik sa isip ko.

Hindi ko maiwasan ang mamula at mangamba. Bakit sa condo ko? Bakit kailangan doon? May iba namang lugar na pwede kaming mag-usap. Pwede nga dito mismo sa gallery, pagkatapos ng exhibition. Ang ipinangangamba ko ay kung ano ang sasabihin niya. I am sure na hindi lang tungkol sa piece ko ang pag-uusapan namin... it's deeper than that and I don't know kung ano.

Sinulyapan ko ng tingin ang apat na judges na nakaupo na ngayon sa long table na nasa harapan namin. American ang tatlong judges at si Jared lang ang naiiba. Darn kasi! Bakit ba siya pumunta dito? Bakit siya isa sa mga judge? Bakit siya pa?

"Hey,"

Bumaling ang tingin ko sa katabi ko na mahinang siniko ang tagiliran ko.

"Why?" tanong ko nalang.

Nginuso niya ang table ng mga judges kaya sinundan ko ang nginunguso ng labi niya.

Kumunot naman ang noo ko nang mapatingin kay Jared na kaagad nag-iwas ng tingin. Anong problema niya?


"He has been checking you all along... Like you are his most treasured person..."

Hindi ko na napigilan ang tumawa nang kaunti dahil sa sinabi ni Lysian sa akin. What? Nagpapatawa ba 'tong babaeng 'to?

Tinitigan ko ulit si Jared na nakatingin ulit sa akin pero inilipat niya rin kaagad ang paningin niya sa katabing babaeng judges na kanina siya kinakausap.

Napairap ako sa hangin dahil sa akto niya.


"Stop it, Lysian. Let's go and prepare ourselves." ani ko nalang.


Hindi ko na siya hinintay pa at kaagad na akong dumiretso sa harap ng painting ko. Tinitigan ko iyon saka bumuntong-hininga. May tiwala ako sa skills ko and alam ko na kakayanin ko 'to.


"Kinakabahan ka ba, bebe ko?" sabay akbay sa akin ni Vernon.

Wala na akong pinalampas na oras. Kaagad kong inalis nang padabog ang kamay niya sa balikat ko saka tinaasan siya ng kilay.

"Akala ko ay umalis ka na? Ano pa ang ginagawa mo dito?"


Nakita ko siya kanina na lumabas ng gallery. Akala ko ay umuwi na siya pero ito pa pala at ginugulo ulit ako.

Bahagya siyang ngumuso.

"Pinapaalis mo na ako, mahal?"

Pinigilan ko na talaga ang sarili ko na batukan siya. It's been a year and I promise myself that I need to be proper as my dad and act prim like my mother. Prim and proper... Yes. I need to do that and to prove that I've change is to ignore Vernon's cocky personality.

Bumuntong-hininga ako bago nagkibit ng balikat.

"Vernon... Please naman... I need to focus on my painting dahil maya-maya lang ay ako na ang tatanungin." ani ko.

Inakbayan niya uli ako, "Sure, babe. I will do what you told me to pero pwede namang manood ako sa 'yo, 'di ba? You need to have an inspiration and that's me." mayabang niyang sabi na ikinailing ko na lang.

I don't know what to do with this man. Really!

Akmang tatanggalin ko na sana ang kamay niya sa balikat ko nang maunahan ako ng isang lalaking nakakunot ang noo, madilim ang paningin, tikom ang labi at nang-iigting ang panga.


"It's your turn, Miss. Don't let anyone destructs you." malamig nitong ani at binitawan na ang kamay ni Vernon.

Kinunotan naman ako ng noo ni Vernon pero inirapan ko na lang.

"Just go, Ferester. Magkita na lang tayo pagkatapos ko dito."


Tumango siya sa sinabi ko at lumabas na nga ng gallery. Totoo nga 'yong sinabi niya kanina na susundin niya ang ano mang gusto ko. Well... I hope lahat. Even this beast in front of me.

Napatingin ako kay Jared saka suminghap. Well... I guess, this one is hard to tame.

Tinaasan niya ako ng kilay saka tinitigan ang painting ko na nakadikit sa pader na nasa harap namin.

Binuksan niya iyong sarili niyang folder at kumuha rin siya ng ballpen niya. Nasa likuran lang ng folder niya ang blueprint ng painting ko. Inangat niya ang tingin sa painting ko saka hinawakan ang panga niya.


"What material did you used in your painting?" iyon ang unang tanong niya.

Nagkibit ako ng balikat.

"Pigments and of course, paint." simple kong sabi.


Tumango siya at may sinulat sa A4 paper na nakadikit sa folder niya. Tinitigan ko siya habang kunot-noo na sumusulat doon. Hindi ko napigilan ang ngumiti. Kahit na ganyan lang ang ginagawa niya ay mas lalong nadedepina ang kagwapuhang taglay niya. This beast is really something! I mean, how can he looked so handsome and passionate at the same time just by writing something? This is unbelievable!

Bigla akong napaiwas ng tingin nang bigla siyang tumikhim.

Damn! Did he caught me staring at him like a stupid spoiled brat?! Gosh!


"Focus, please." seryoso niyang ani.

Tinitigan ko siya at inirapan.

"What? I am focusing here, okay?" sarcastic kong sabi.

Hinawakan niya ang panga niya bago ako tinaasan ng kilay.

"Oh, really? So, staring at me instead of staring at your own painting was considered 'focusing'? I did not know that." aniya, halatang nang-aasar.

Kaagad ko siyang hinampas sa dibdib niya. Sht! Kahit na hampas lang iyon pero ramdam ko ang tigas ng dibdib niya. Darn him!

"Ow? Should I take thank you for touching me or should you thank me instead?"

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niyang iyon. Pinakalma ko muna ang sistema ko bago siya inirapan dahil sa hiya. Damn, Jared!

"Thank you your face, beast!" inis kong asik.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at pinagkibitan ng balikat. Akala ko ba ay andito siya para i-judge ang piece namin? Bakit parang andito siya para mang-asar? This man, really!

Napatingin ako sa pinto ng gallery nang makarinig ng kaunting tawanan ng pamilyar na mga tao. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita si daddy, mommy at tita Carlota na busy na pagtatawanan. Halata ring nae-excite sila.

"Tonight, Lancy. Don't forget."

Kahit na nagugulohan ay hindi ko nalang pinansin ang sinabing iyon ni Jared. Tumakbo nalang ako palapit sa pamilya ko at kaagad na yumakap sa kanila, isa-isa.


"Bakit ang tagal niyo?" ani ko nang matapos ko silang yakapin.

Hinaplos ni daddy ang buhok ko bago hinawakan ang pisngi ko.

"I miss my daughter, so much." aniya at hinalikan ang noo ko.

Bahagya kong hinampas ang braso ni daddy bago inangkla ang kamay ko sa braso ni mommy na may hawak-hawak na bouquet ng white roses.

"It's nice to see you again, tita Carlota!" nakangiti kong sabi.

"It's nice to see you again din, my favorite niece! I am really excited to see your piece right now! Pwede na ba naming makita?" halatang excited siya.

Nginitian ko sila, "Yes, tita, mom and dad! You can see it now!" ani ko at nauna nang maglakad.


Pero hindi pa ako nakakailang hakbang nang mabunggo ko ang isang matigas na bagay. Nang umangat ang paningin ko ay kinagat ko ang pang-ibabang labi.


"Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" hindi ko pinahalatang kinikilig ako dahil naka-tsansing ako sa dibdib niyang matigas. Kanina pa ako nakaka-tsansing ah?

Ipinilig ko ang ulo ko bago lumayo nang bahagya.

"Jared? Ikaw ba 'yan, hijo?"

Kumunot ang noo ko nang biglang tapikin ni daddy ang balikat ni Jared habang si mommy naman ay bineso siya. Si tita Carlota ay nginitian lang siya.

"Hi, tito, tita." aniya at ngumiti.

Tumango si daddy at ngumiti.

"It's been a year... How are you doing? Is your grandmother doing well?"

Tuluyan na ngang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni daddy kay JKL.

Hindi ko na napigilan ang magtanong.

"Dad? What are you saying?" gulong-gulo kong sabi.

"Darling... Don't tell me that you didn't know that he migrate in Norway to take care of his ill grandmother?"

Nalaglag ang panga ko.

"What, dad? Do you mean that he quitted being a singer one year ago? But, it's his passion! How did he manage to left that?!" hindi-makapaniwalang tanong ko.

Tumikhim si daddy at tinapik ang braso ni Jared.

"Maybe, mag-usap nalang kayo. We'll give you time. Bukas nalang tayo mamasyal o kumain para mag-celebrate, alright, darling?"

"But dad--" tututol na sana ako pero hindi niya ako pinatapos.

"We'll just check your piece, darling. Talk to you later."

Hindi na nila ako pinansin. Iniwan lang nila ako kay Jared na nakangisi na ngayon.

Inirapan ko lang siya at tinalikuran na.


Nang sumapit ang gabi ay inis na inis ako. Kahit na nakasakay na ako sa kotse ko ay inis pa rin ako. Umalis na sila ni daddy para mag-book ng hotel. Bukas na lang kami magkikita ulit. Kainis talaga!

Hanggang sa makarating ako sa harap ng condo unit ko at hanggang sa makapasok ay nakabusangot pa rin ang mukha ko.

"Damn!" ani ko at ihinagis ang purse ko.

Nag-landing iyon sa couch ng living room. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Naligo kaagad ako at saka nagbihis ng nighties na isang silky dress lagpas one-inch sa tuhod.

Akala ko ay mawawala na ang inis ko pero talagang hindi kahit na kakatapos ko lang kumain ay talagang hindi ko pa rin makalimutan ang resulta. You know what? Ugh! I can't even swallow that word! Tsk!

Umupo ako sa sala pagkatapos kong kunin ang remote ng 42-inches flat screen TV ko. Pinindot ko iyon at inilipat-lipat sa iba-ibang channel hanggang sa magustohan ko ang palabas.

Kahit papaano ay nabawasan ang inis ko sa tulong ng panonood ng T&J. Napapailing ako kasabay ng pagpalakpak ko dahil sa sobrang tawa ko. Kahit kailan talaga ay hinding-hindi magkakasundo ang pusa at daga. Bibili nga ako ng maraming tape ng T&J para naman kapag wala ako sa mood ay may papanoorin ako.

Napatigil ako sa pagtawa nang makitang umilaw ang purse ko na nasa couch. Kinuha ko iyon gamit ang paa ko kasi tinatamad talaga akong tumayo. Kinuha ko naman kaagad ang cellphone ko mula doon.

Cocky Ferester is calling

Napairap ako saka sinagot iyon.

"What?!" bungad ko.

"Galit ka ba sa 'kin? Sorry, babe ko kung hindi kita hinintay kanina. May shooting kasi... biglaan kaya hindi ako nakapagpaalam. Don't worry, I'll send you my selfies para naman mawala ang galit mo and then, para makita mo rin a--"


Hindi ko na siya hinintay na matapos. Pinatay ko na kaagad ang tawag. Muntik nang bumalik ang inis ko pero ibinaling ko na lang ang atensiyon sa panonood ng T&J. Tumawa ulit ako nang tumawa.

Hindi ko na alam kung anong oras na basta ang alam ko ay kanina pa ako nanonood.

"Ay? Ayan tuloy at naabutan ka! Tsk! Ang bagal kasing tumakbo eh!"

Umiling-iling ako kasi na-disappoint ako sa pagkakahuli ng pusa kay daga.

Napahawak ako sa throw pillow ko nang lumapit ulit ang pusa sa daga na umaatras. Ginagawa niya ang lahat para makatakas lang sa kaaway pero talagang malaki ang kalaban kaya wala siyang nagawa.

"Stupid naman!" naiiling kong ani.

Napatigil sa panonood ng T&J nang marinig na tumunog ang doorbell ng unit ko.

Sino naman kaya ang pupunta dito kahit gabi?

Binuksan ko iyong pinto at laking gulat ko nang makita ang isang lalaking naka-cross arms at nakataas ang kilay.


"J-Jared? What are you doing here?!" hindi-makapaniwalang ani ko.

"Nasabi ko na kanina na pupunta ako. Nakalimutan mo?" matabang niyang sabi.

Napasapo ako sa noo ko. Sinabi niya nga pala 'yon kanina pero bakit gabi? Bakit dito? Bakit hindi bukas? Bakit ngayon?

Ipinilig ko ang ulo bago dumiretso sa sofa ko at nanood uli ng T&J.

Nakita ko sa gilid ng mga mata na isinara niya ang pinto. Tumikhim ako nang bigla siyang tumabi sa akin at kinuha ang remote sa kamay ko.

Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Ano ba?!" inis kong singhal.

Ihinagis niya ulit sa akin ang remote. Nawalan na ako ng ganang manood kaya pinatay ko na lang ang TV saka lumayo nang kaunti sa kaniya.


"What do you want? Kung kakain ka, wala akong pagkain. Hindi ako marunong magluto. Kung may hihingin ka, hingin mo kaagad nang matapos na at makauwi ka na agad. Kung may sasabihin ka naman, sabihin mo na ngayon din para makatulog na ako." ani ko.


Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi man lang siya kumibo. Nakatitig lang siya sa mukha ko hanggang sa tingnan niya ang leeg ko.

"Why did you wear it? I thought you don't like it."

Hinawakan ko ang leeg ko at ang kwintas na suot-suot. Isinuot ko 'to kanina pagkatapos kong maligo.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Wala lang... Boring kasi." palusot ko.

I don't want to let him know that I love the necklace he gave me. Kaya ko ring maging mysterious, 'no. Hindi lang siya ang mysterious dito.

"Boring?"

Kaagad akong nakaramdam ng kaba nang lumapit siya sa akin at walang preno akong pinasandal sa backrest ng sofa.

Naramdaman ko agad ang pag-init ng pisngi ko dahil sa lapit niya. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko at naghuramentado ang lahat ng sistema ko dahil sa ginawa niyang paglapit.

Kinuha ko iyong throw pillow sa tabi ko at kaagad na hinampas sa dibdib niya. Nginisihan niya lang ako at kinuha iyon sa akin saka niya tinapon sa couch.

Yinakap ko ang sarili ko dahil wala na talaga akong maisip na pansangga sa sarili ko kundi ang sarili ko mismo.

Itinukod niya ang siko sa gilid ko habang hinawakan niya ang batok ko nang walang preno.

Kinabahan kaagad ako nang sobra-sobra dahil sa ginawa niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang lumipat ang kamay niya sa leeg ko. Hinawakan niya ang kwintas na suot-suot ko saka inilapit ang mukha niya doon. Napakapit ako sa batok niya dahil sa ginawa niya. Damn! Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga sa leeg ko!

Kinalma ko ang sarili at akma na sana siyang itutulak nang maramdaman ko ang labi niya na lumapat sa leeg ko.

Sobrang nag-init ang mukha ko dahil sa kilig at hiya nang dahil sa ginawa niyang paghalik.


"J-Jared..." nauutal kong sambit sa pangalan niya.


Hindi niya ako pinakinggan. Humigpit ang hawak ko sa batok niya nang kagatin niya ang leeg ko at sinipsip iyon.

Sinubukan kong itulak siya pero nahawakan niya ang mga kamay ko at sinikop iyon gamit ang isang kamay niya lang.

Umangat ang paningin niya sa labi ko. Nag-iwas ako ng tingin kasi hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya ng gan'to kalapit. Parang guguho ang sistema ko sa sobrang saya. Damn!


"That's your punishment, Lancy. Kung ayaw mong halikan kita nang walang tigil... Wear your necklace all the fvcking time." aniya.

Wala sa sarili akong napatango.

"O-Oo..." mahina kong sambit.

Binitawan niya ang kamay ko at tumayo na siya. Inayos niya ang button-down longsleeve niya at ginulo ng kaunti ang buhok niya. Kitang-kita ko ang pagkagat niya ng pang-ibabang labi bago ulit lumapit sa akin.

Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang laylayan ng dress ko. Akala ko, ano na ang gagawin niya, pero inayos niya lang iyon.

Binalingan niya ako ng tingin bago inipit ang ilang hibla ng buhok na kumawala mula sa taenga ko. Pagkatapos no'n ay lumayo na siya at inayos ang pagkakatayo.


"Congratulations on winning the second place in your exhibition."

Bumalik ang inis ko kanina dahil sa sinabi niyang iyon hanggang sa tumayo ako at pinaghahampas ang dibdib niya.


"Stop teasing me, Tuazon! I can't accept that damn result! Kasalanan mo 'to eh! Kung sana ay hindi mo ako binigyan ng mababang score ay sana ako 'yong nanalo! Fvck you, beast!" inis kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko saka ako nginisihan.

"I told you... Lysian's painting is worth to win. The meaning behind it was much clearer than you... That's because you stuttered."

"Nang-aasar ka?! Shut up! Go outside kung ayaw mong isumbong kita kay daddy!"

Bahagya niya akong tinulak nang mahina saka namulsa.

"Go ahead, daddy's girl."

Hinampas ko ulit siya saka tinalikuran na. Tumigil ako saglit at hinarap siya. Dinuro-duro ko siya.

"I really hate you!" inis kong sambit at tuluyan na siyang tinalikuran.

Sapo-sapo ko ang dibdib ko nang makapasok na ako sa kwarto ko. Hindi ko sinadyang mapatingin sa whole-length mirror ko at literal na nanlaki ang mga mata ko nang matingnan ang leeg ko.

Lumapit ako doon at hinawakan ang leeg ko. May tatlong red violet na marka sa leeg ko papunta sa collarbone ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano iyon.

"Are these... love bites? Hickeys?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top