Chapter 21

Kabanata 21

Later

I stared at the painting in front of me then I smiled. It's a painting of a guy who has a mask in his hand, despite of that smiling mask, it didn't take away his pain that was plastered in his teary eyes. More like dark ang kulay ng background, abstract-like, habang ang mask na nasa kamay niya ay colorful.

Napangiti ako. It's my masterpiece. Ito ang ilalaban ko next month sa exhibition ng mga classmates ko na kumuha rin ng short course sa BFA.

It's been a year, I guess? Since I came here in America and it's been a year since I saw my dad. My mom visited me here in my condo unit last month but I missed her, too.

Speaking of her... my phone is ringing and the caller was my mother.

Ngumiti ako bago umupo sa couch ko at sinagot iyon.


"Hey, mom?"

"Darling... your dad..."


Nakaramdam kaagad ako ng biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa mahinang boses ni mommy.


"W-Why, mom? What happened to dad?" pilit kong ikinakalma ang sarili.

"I'm here, baby!" ani ng nasa kabilang linya.

Napahinga naman ako nang maluwag bago ulit ngumiti.


"Dad naman! You're scaring me!" medyo inis kong sabi pero nakangiti pa rin.

Humalakhak si daddy hanggang sa narinig ko ang paghampas ni mommy sa braso niya. Tumigil din naman kaagad si daddy nang ilang ulit na siyang nahampas ni mommy. Siguro ay namumula na ang braso niya ngayon.

"I will visit you with your mom and your tita Carlota there, next month. Kailangan naming ipakita ang suporta sa'yo. Can you take a picture of your masterpiece? For spoiler?" excited na excited ang boses niya.

Napaikot ako ng mata pero nakangiti pa rin.

"Dad! No! Kailangang walang spoiler... but I am telling you, for sure, I will be the winner of our exhibition! I've made a masterpiece! Really!" excited na rin ako.

Humalakhak ulit si daddy habang si mommy naman ay napahagikgik rin.

"Okay, baby. I know you can do it. I can pay the judges so that you will be the winner of that exhibition!" aniya at tumawa ulit.

"Dad! Don't do that! Wala ka bang tiwala sa skills ko? I wouldn't take this course if I know that I'm not capable of winning in an exhibition..." ani ko at ngumuso.

"Of course, baby... I wouldn't do that. I am just kidding. Why are you so serious? Anyway, isasama ko si Jared next month para makita niya rin ang piece mo."


Kaagad akong nakaramdam ng pangamba dahil sa sinabi ni daddy. Napakagat ako sa labi ko. No, right? He's just kidding. He's just... kidding. Jared is busy... kahit wala na kaming communication ay alam kong busy siya. Hindi nga lang ako sigurado kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Siguro... he's still attending school and pursuing his passion more.


"May I beg your pardon, dad?" ani ko.

"Just kidding, baby... He's busy, alam mo 'yan."


I nodded bago nagpaalam. Yeah... he's busy. Noon pa lang ay sobrang busy na niya kaya malamang, hindi niya uunahin ang hindi importante sa kaniya at... ako 'yon.

Huminga muna ako nang malalim bago ngumiti. Kahit gusto ko na siyang makita ay alam kong wala kami sa tamang kondisyon... may pinag-awayan kami noon at dahil 'yon sa pride ko. Kinuha ko ang laptop ko saka nagsimulang mag-type. I need to prepare my own documents about my painting.


Nang dumating ang araw ng exhibition ay sobra ang pangangamba ko. I know that I can present my masterpiece well but... hindi ko mapigilan ang mangamba talaga.

Aminado ako na maganda ang gawa ko at sigurado rin ako na may possibility na ako nga ang mananalo pero talagang... nakakaba lang. Magagaling rin kasi ang mga kaklase ko. Ayaw magpatalo kaya isa lang ang naging kaibigan ko.


"I am really really excited to show-off my work later, Lancy! I have done everything just to make a masterpiece so, I couldn't wait for the judges!" sabay tili ng nag-iisang kaibigan ko na si Lysian Poarch.


She's a full-Norwegian lady. She has curved eyelashes, ash-colored eyes, pointed yet small nose, plump lips, perfect shape cheekbones, and natural tone skin. Her hair is normally brown below the shoulders and it's wavy. All in all, she's breathtakingly beautiful.

Maganda rin naman ang piece n'ya and I am threatened by her's. Ang ipininta niya ay isang batang babae at batang lalaki na nakaupo sa isang swing at ang background ay kulay pastel and it's abstract-style rin. Maganda ang kan'ya pero I can say that mine looks intimidating.

Nginitian ko siya.


"Well... I'm nervous. Aren't you nervous?" tanong ko saka sinulyapan ang painting ko na isinabit na sa wall ng isang American guy.

"Me? Nervous? It's not in my vocabulary, Lancy! Why are you nervous? You shouldn't be!" aniya at hinila ako.



Hindi ko pinahalata na mas na-threatened ako sa sinabi niya. She's not nervous pero ako ay kinakabahan. She really got the confidence.

Kumunot ang noo ko nang tumigil kami sa labas ng gallery. Binitawan niya ang kamay ko saka itinuro ang isang sasakyan na paparating. Kulay gold iyon kaya agaw-pansin talaga.


"That's... my crush's car and I would introduce you to him!" aniya.


Gulong-gulo ako kung bakit niya ako ipapakilala sa crush niya kuno at lalo na nang ngitian niya ako at hinigit papunta sa harap ng kaka-park lang na kotseng iyon.


"Who is he?" kunot-noo kong tanong.

Hinawakan niya ako sa braso ko saka bahagya iyong pinisil.

"Ow!" inis kong ani pero wala lang iyon sa kaniya.

"I told you... my long-time crush!" nakangiti niyang sabi.


Umiling nalang ako at nagkibit-balikat bago tinignan iyong napisil niya sa braso ko. I'm not sensitive pero talagang malakas ang pagkakakurot niya nu'n kaya bahagya iyong namula.

Impit na napatili si Lysian nang marinig kong bumukas iyong kotse. Busy pa rin ako sa paghimas sa braso ko na namumula talaga kaya hindi ko na tiningnan pa ang mukha ng lalaking kinababaliwan niya.

"You need to secure your paintings, studs. Any minutes from now, we'll officially start the exhibition. Thank you."

Hindi ko na hinintay pa si Lysian at dali-dali na akong pumasok ulit sa loob ng art gallery na venue ng exhibition. Kahit na hindi pa nagsisimula, kinakabahan talaga ako.

My daddy, mommy, and tita Carlota said that they would come for my exhibition and maybe, maya-maya rin ay darating na sila.

Maya-maya ay tinawag na kami ng Art professor namin na si Mr. Hanz. Nagkukumpolan na kami sa gitna ng gallery nang maramdaman ko ang paghawak ni Lysian sa akin sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.


"You left me... I'm pissed." aniya at ngumuso.

Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at hindi nalang siya pinansin pa.

She's really like that, kapag may ginawa akong hindi niya gusto, nagpapaawa at kaagad na magtatampo. Well, hindi ko na lang siya pinapansin pero kalaunan ay siya rin ang unang papansin. Kung hindi lang siya friendly ay talagang wala akong kaibigan sa short course ko hanggang ngayon.


"So, I expect that you have a spare documents with you because... I know this is a little bit late announcement but we have four judges now, not two nor three, but four. That's it, I know you're always ready, so, it's not a problem for you."


Kumunot ang noo ko bago sumagot kay Mr. Hanz.


"Sir? You told us that we only had three judges. Why a sudden change?" nagugulohan kong tanong.


Kahit nga ang iba ko ring kaklase ay nagugulohan. Ang iba ay nagrereklamo na sa matigas na English. I mean, who wouldn't get surprised? It's not like we had a spare time to make another document about our paintings! Gosh!


"Why, Lancy? You don't have a spare document with you? Even just a blueprint?" ani Lysian.

Kinagat ko ang labi ko bago umirap.

"I have a blueprint, yes! But I did not bring it with me! Sht this! They would make decisions out of the blue? Where's the justice here?!" inis kong asik at bahagya pang ginulo ang nakalugay kong blonde na buhok.


Gugulohin ko sana ulit ang buhok ko dahil sa inis nang may humablot ng kamay ko. Inis na inis kong binalingan ng tingin ang gumawa nu'n pero nalusaw kaagad ang inis ko.


"It's not our fault if you are not ready, Lancy. You are just irresponsible, so, don't blame us, judges." malamig niyang ani.


Nalaglag ang panga ko. My heart was beating so fast. My systems were messed-up because of his simple gestures. I can felt the butterflies in my stomach. For the last one year, I never felt this and now, I am experiencing it again! Damn this beast!

I was taken aback when he smirked.


"W-What are you doing here?" pilit kong pinainis ang boses ko para malaman niyang inis na inis ako.


Tinanggal ko rin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko saka nagkibit ng balikat. Naramdaman ko naman ang pagsulpot ni Lysian hanggang sa inangkla niya ang kamay niya sa braso ni Jared na ikinakunot ng noo ko.


"You knew each other, Jared?" ani Lysian na nakangiti.


Tinitigan ko ang kamay niya na nasa braso ni Jared. Hindi ko maiwasang mainis o magselos kasi hindi niya man lang hinawi ang kamay ni Lysian sa kaniya. Hindi man lang siya nainis.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago nag-iwas ng tingin.


"Yeah, Lyse. I know her... really well..."

Tinitigan ko si Jared at sinamaan ng tingin.

Tumango-tango naman si Lysian bago tumingin sa akin.

"So... you already knew each other. I didn't have to introduce my crush to you, Lancy."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Wala namang ibang lalaki dito na nilapitan niya kaya malamang ay si JKL nga ang sinasabi niyang crush kuno niya.


"Lyse... stop." malamig ang boses ni Jared nang nakita kong hinawi na niya sa wakas ang kamay ng kaibigan ko sa braso niya.


Nang makita ko ang paghakbang niya palapit sa akin ay umatras kaagad ako.

"S-Stop right there, Tuazon!" inis kong sabi pero nginisihan niya lang ako hanggang sa hindi ko na napigilan ang tuluyan niyang paglapit sa akin hanggang sa mapatingin siya sa leeg ko.


Nakita ko ang pang-iigting ng panga niya at ang pagdilim ng mga mata niya nang makita nang malapitan ang leeg ko.

"W-What?" inis kong ani.

Naghuramentado nang sobra-sobra ang katawan ko lalo na nang hawakan niya ang baywang ko. Ipinulupot niya ang braso doon saka bahagyang inilapit ang labi niya sa taenga ko.

"You really want to receive my punishment so bad, Miss?" bulong niya.

Alam ko ang meaning ng sinabi niya. Hindi ko suot ang kuwintas na ibinigay niya noon sa akin. Hindi naman sa ayaw ko, in fact ay araw-araw kong suot-suot iyon pero ngayon ay hindi ko dinala. Ayaw kong mawala 'yon kasi... bigay niya sa akin 'yon. Besides, hindi ko naman alam na makikita ko siya ngayon dito eh. He's busy pero bakit siya napadpad dito sa US at bigla nalang magpapakilalang isa sa mga judge ng exhibition namin? He is really mysterious!

Tumikhim ako bago inalis ang braso niya sa baywang ko saka lumayo sa kaniya. Sakto namang nakita ko sa malayuan ang pamilyar na lalaking tumatakbo palapit sa kinatatayuan ko.


"Babe ko!"


Napaikot ang mga mata ko lalo na nang walang preno niyang hinalikan ang pisngi ko.

Napansin ko ang biglaang pag-iba ng timpla ng mukha ni Jared nang dumating si Vernon. What, Jared? Are you jealous?

Nag-iwas nalang ako ng tingin bago tinitigan nang masama si Vernon na nakangiti sa akin. Isa pa 'tong lalaking 'to. Bigla-bigla nalang sumusulpot. Kainis!


"You're really something, Ferester! You always steals the spotlight!" saka inikot ko ang mga mata.


Akmang aakbayan na niya sana ako nang umiwas kaagad ako sa kaniya.

This man is really full of himself! Walang hiya!


"Pinuntahan kita sa condo mo, wala ka doon. Kaya ako pumunta dito para suportahan ka! 'Di ba ang bait ko?" aniya at nilagay ang kamay sa panga saka nag-pogi sign.

Inikot ko nalang ang mga mata.

"I'm busy, Vernon. Don't make me mad." may diing sabi ko.


Bahagya siyang ngumuso bago inilahad ang isang clear folder na sobrang pamilyar sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko na napigilan ang yumakap sa kaniya bago hinablot sa kamay niya ang folder.

"This is my blueprint! How did you know that I need this?" nakangiti kong sabi.

I just can't believe it. Hindi ko alam kung paano at bakit dinala niya ito dito. Is he a fortune teller or what? For the first time in history ay ngumiti ako dahil kay Vernon Ferester!

Kumamot sa batok si Vernon bago ngumiti.

"Well, you can tell that I know what you need... and of course, I want to be a responsible boyfriend to you..." aniya at kumindat.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilapitan nalang ang kanina pang madilim ang tingin sa akin at kay Vernon.

"Here's the blueprint of my piece. I hope you don't mind using this..." ani ko at inilahad iyon sa kaniya.


Kahit na nandidilim ang paningin niya ay kinuha niya iyon sa akin saka tinignan ang nasa loob nu'n. Tikom ang bibig, kunot ang noo, at nang-iigting ang panga.


"It's understandable but I need to ask a few questions to you later..."


Bahagya akong natigilan nang hinapit niya ang wrist ko saka inilapit ang labi niya sa taenga ko at bumulong.


"Sa condo mo, Lancy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top