Chapter 20

Kabanata 20

Next Time

"Baby... halika na!"

I combed my hair using my finger pagkatapos ay tinali ko iyon hanggang sa maging bun. Hindi naman pangit tignan ang buhok ko kahit na kamay ko lang ang ginamit kong pansuklay. Siguro ay dahil maganda na ako at bagay lang sa akin ang blonde kong buhok kaya kahit ano ang gawin ko, itali, itirintas, i-fishtail o ano pa ay talagang babagay sa akin.

"Do you have a box of tissue there?"

Iyon ang bungad ni daddy sa akin pagkatapos kong ayusan ang sarili. Nagsuot lang ako ng puting lacy dress at black pumps.

Pabiro kong hinampas ang braso niya dahil sa sinabi niya.

"Dad naman eh!" inis kong ani saka sumiksik sa braso niya.

Hinalikan niya ang ulo ko, "Sorry, baby." aniya.

Hinila ko na siya palabas ng bahay namin saka kaagad din akong dumiretso sa back seat ng van namin.

Hindi pa kami nakakahanap ng bagong driver kaya dumiretso na siya sa driver's seat at pinaandar ang makina. Binusenahan niya si mommy na hindi pa rin lumalabas kaya pagkatapos marinig ang busena ni daddy ay nagmamadali itong tumakbo papunta sa van namin.

"Can't you wait?!" inis niyang bungad.

Tinawanan lang siya ni daddy pagkatapos ay tumabi na sa akin si mommy.

Naka-white dress rin siya at simpleng flat sandals na kulay itim. Si daddy naman ay naka-black t-shirt at puting jeans.

"Hi, darling..."

Napatingin ako kay mommy nang bigla niyang hawakan ang kaliwang kamay ko saka iyon pinisil. Bumuntong-hininga nalang ako bago siya binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Are you alright?" malambing niyang tanong.

I shook my head, "Yeah, mom. I'm fine." ani ko nalang.

Tumango nalang siya at hanggang umandar na ang van ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko. I know... she's just comforting me para hindi ako umiyak. Yeah, hindi na dapat ako umiyak pa. Gusto ko... ngayong huling araw na mapagmamasdan ko si tatay Jun ay nakangiti ako. Yes, ngiti.

Minutes had passed ay nakarating na rin kami sa simbahan.

Kararating lang din nila ni Honeylyn, Cloud at aling Losing. Naka-black t-shirt silang tatlo at mugtong-mugto ang mga mata nila. Nag-iwas ako ng tingin kasi ayokong maiyak nalang din. Alam kong nasasaktan ako... pero wala iyon sa sakit na nararamdaman nila.

Napatalon ako ng kaunti nang may maliit na kamay na humawak sa kamay ko. Pagkakita ko sa kanya ay bahagya akong nag-bend saka tinapik ang ulo niya.


"Are you going to cry today, ate Sapphire?" aniya.

"Hmm..." nginitian ko siya bago umiling, "Hindi... how about you, baby Cloud?" pabalik kong tanong.


Humawak siya sa mukha ko at bahagyang pinisil ang mukha ko kaya kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.


"What the?! Gawain mo bang mamisil ng pisngi ng isang magandang tulad ko?" taas-kilay kong tanong.

Umiling-iling siya at humagikgik.

"Ang ganda niyo po talaga, ate Sapphire... gusto kong maging girlfriend ka balang araw. Alam kong papayag si tatay--aray!"


Sabay kaming napatingin sa lalaking nambatok sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Cloud kasabay ng pagfist-bump nila ng lalaking kinaiinisan ko.


"You know each other?" hindi-makapaniwalang tanong ko.


Nilapitan ako ni Vernon saka walang preno akong inakbayan. Kaagad ko naman siyang tinaliman ng tingin.


"Cloud, you know that you cannot do that. You are not allowed to like Lancy because I am here... I will be her future boyfriend."

Inis kong inalis ang pagkakaakbay niya sa akin saka inirapan.

"Fvck off, Ferester!" inis kong sabi.


Lumapit kaagad ako kay mommy na nakatingin pala sa akin nang taimtim.

"Mom, tara na sa loob?" aya ko saka inangkla ang kamay ko sa braso niya.

"You know Vernon?"

Napatigil ako sa paglalakad at tumango.

"I just saw him twice but... I don't really know him. He's annoying." ani ko.



Tinitigan ni mommy ang nasa likuran namin kaya napatingin din ako sa tinitignan niya. Kumunot ang noo ko nang binuhat ni Vernon si Cloud at kinurot-kurot ang pisngi. Nang mapatingin siya sa akin ay kaagad niya akong kinindatan. Napaikot nalang ang mga mata ko saka binalingan ng tingin si mommy.

Napaayos naman ako ng tayo nang madatnan si mommy na nanliliit ang mga mata habang nakatingin sa akin.


"You're close with him?" aniya.

Napairap ako, "Of course not, mom! He dream! Mayabang siya at feeling close pa. Tsk!" inis kong sabi.

Tinawanan ako ni mommy, "Then, be close with him. His family and he is breathtakingly wealthy. Magkasingyaman ang Cordova at Ferester. How about you make him your love team? He's an actor... a professional one, so, you really suit each other." aniya at ngumiti.


Pinaikot ko ang mga mata saka tumabi nalang kay daddy na nakaupo sa unahang bahagi ng simbahan. Nasa tabi niya si Aling Losing na katabi si Honeylyn na umiiyak na.

Nag-iwas ako ng tingin nang binalingan niya ako ng tingin. Tumikhim ako at tumahimik nalang.


Pagkatapos ng isang orasang misa ay dumiretso na si Honeylyn sa gitna ng simbahan. Dumiretso siya sa microphone.

Marami ang taong makikilibing kaya halos mapuno ang simbahan.

I'm not confused kung bakit madami. Tatay Jun was indeed a lovable parent, relative, or even employee. He was the perfect definition of mabait at maunawain kaya siguro marami ang pumunta para makasaksi sa huling hantungan niya.

Suminghap si Honeylyn saka tinumingin sa nanay niya.


"Hi, Lancy..."

Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin at kaagad siyang sinamaan ng tingin.


"What are you doing here?!" inis kong sabi.

Bahagya siyang lumapit sa akin kaya kinalabit ko si daddy na tahimik lang. Nakuha ko naman ang atensiyon niya kaya kaagad niyang tinignan si Vernon na umupo sa tabi ko.

"Dad... he's bothering me." ani ko.

Tumango si daddy bago tinitigan nang matalim si Vernon.

"Don't dare lay a finger on my daughter, Ferester... kahit na pamangkin ka ni Jun ay wala kang karapatan na hawakan ang anak ko." may diing sabi ni daddy.


Napatingin ako kay Vernon sa pag-aakalang nasindak siya pero nginisihan niya lang si daddy.


"You're scary, tito Nickel." aniya at bahagyang natawa.

Tumikhim si daddy, "Am I?" aniya at tumawa rin.


Gulong-gulo ang isip ko dahil sa tawanan nila. Are they close? Kaya ba hindi natatakot si Vernon na gulo-gulohin ako? Kasi close sila? And Vernon is tatay Jun's nephew? Bakit mayaman sila? Bakit sila tatay Jun ay hindi?

Hindi ko nalang sila pinansin pa at nakinig nalang kay Honeylyn na kakasimula pa lang sa speech niya.


"Unang-una, gusto kong magpasalamat sa pagpunta niyo sa lamay ng tatay ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kasi marami akong gustong sabihin sa kanya..."


Tumikhim si Honeylyn at bahagyang napatingin sa kabaong ni tatay Jun pero kaagad rin siyang umiwas at tumingala.

"Ate Sapphire!"

Tinignan ko si Cloud na biglang umupo sa kandungan ko. Hindi na ako nakapagreklamo kaya hinayaan ko nalang siya. Tinitigan ko nalang ulit si Honeylyn.


"...pero siguro ay sasabihin ko nalang kung gaano ako nagpapasalamat na siya ang naging tatay ko at kung gaano ko siya kamahal." aniya at pinunasan ang mga luha, "Tay... alam kong hindi ako naging mabuting anak sa inyo... hindi ko kaya ginalang... hindi ko sinusunod ang gusto niyong gawin ko pero sana ay malaman niyo kung gaano ako ka-thankful na kayo ang naging tatay ko sa loob ng dalawampung taon ng buhay ko... Pa, alam kong nasa langit ka na ngayon kasi sobrang bait niyo eh... kahit na lahat ng gusto ko ay hindi niyo kayang ibigay... alam kong para rin naman sa akin 'yong mga ginawa mo... para sa ikakabuti ko. G-Gusto ko lang sabihin na walang araw kitang hindi minahal. Hindi ko lang ipinaramdam kasi ayokong maramdaman niyo... gusto kong malaman niyo na hindi ko gusto ang mga desisyon niyo para sa akin pero... mahal na mahal ko po kayo... kahit na ang dami kong sinabing masasakit na salita... hindi ibig sabihin na hindi ko na kayo mahal. Ang totoo nga ay mahal na m-mahal ko k-kayo. G-Gusto ko ring ipangako sa inyo na g-gagawin ko ang lahat, m-matupad lang ang huling h-hiling niyo sa akin... hanggang sa muli... mahal kong ama."



Pagkatapos ng mahaba niyang sinabi ay kaagad siyang lumapit sa nanay niya at yumakap nang mahigpit.

Kahit na gustong-gusto ko na ring umiyak dahil sa lungkot ay pinigilan ko ang sarili ko... pinangako ko na hindi ako iiyak sa araw na 'to at tutuparin ko 'yon.

Napapikit ako.

"Hanggang sa huli nating pagkikita, tatay Jun. Mahal na mahal po kita..." bulong ko sa sarili ko.


Time really went fast. Nihindi ko nga namalayan na bukas na ang huling pagkikita namin ng mga kaibigan ko... bukas na bukas din ay magpapaalam na ako kasi pupunta na ako ng USA para doon na mag-aral. Bukas ay huling araw ko dito sa FHU and I hate to admit... but I will really miss the university where I met my two true friends. Papunta ako ngayon sa bahay nina Marya kasi gusto kong magpaalam rin sa kaniya. She's my first close friend and of course, one of my allies in high school.

Sinalubong ko kaagad siya ng mahigpit na yakap nang makita ko siya pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila.

Malaki ang bahay nila at puro glass-walled ang buong bahay pwera lang sa second floor na manipis na semento ang ginamit na wall.



"Congrats, Lancy! Big time ka na talaga! Biruin mo, artista ka na? Parang noon lang ay parang live your life to the fullest ka lang pero ngayon ay may sarili ka ng goal!" nakangiti niyang sabi at inabutan ako ng juice.

"Wala pa nga akong movie, Marya... and I'll get a short course in US saka na ako magfo-focus sa pag-aartista kapag nakatanggap na ako ng diploma." sabi ko.

Tumango-tango siya.

"Well... that's good. Pero 'wag mo 'kong kalimutan ah? Ako kaya ang taga-hulog ng sulat mo sa locker ni Jared nu'n."


Bahagyang nanikip ang dibdib ko nang marinig ang pangalan niya. It's been 3 months, I guess? Since our last meeting and that's when we had an argument. Hindi ko na siya nakita. Pumupunta pa rin naman ako sa agency namin pero talagang iniiwasan niya siguro ako kaya hindi kami nagkakabanggaan man lang... and, mas mabuti na rin siguro kung ganoon.

Ngumiti ako nang mapait kay Marya.


"Yeah, I won't forget you... don't worry." sabi ko nalang.


Nang dumating ang huling araw ng pag-aaral ko sa FHU ay kaagad kong kinausap si Fern.


"Nakakatampo ka! Alam mo 'yun? Bakit kasi hindi mo kaagad sinabi na mag-aartista ka pala? Edi sana ay nag-audition rin ako para magkasama pa rin tayo. Ang daya mo naman! Wala pa ngang isang taon nang maging close tayo tapos mang-iiwan ka agad?" kahit na nagtatampo siya ay nakuha niya pa akong yakapin nang mahigpit.

"Ang OA mo naman, Fern Silver Gomez! Magkikita pa rin naman tayo eh. Makakapag-communicate rin pero minsan nalang kasi magiging busy na ako."


Pagkatapos ng pag-uusap namin ay dumiretso kaagad ako sa building ng Business-Ad para hintayin si Gian.

Hindi naman ako nabigo kasi ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na siyang lumabas ng room nila. Wala siyang kasama kaya kaagad ko siyang nilapitan.


"Gian!" tawag ko saka tinapik ang balikat niya.


Tinitigan niya ako nang mariin bago ako nilagpasan.

Kaagad ko namang hinablot ang braso niya saka kinunotan siya ng noo.


"Gian?" nagugulohang tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin bago nagsimulang maglakad habang ako ay sinundan siya agad-agad.


"Gian naman! Did I do something wrong? O kung meron man, please, kausapin mo naman ako. May sasabihin akong importante. Sige na, huh, please?" nag-puppy eyes ako nang makaharang na sa kanya.

Nag-iwas lang siya ng tingin kasabay nang pang-iigting ng panga niya.

"Bakit Lancy? Noong sinabi ko bang may sasabihin akong importante sa'yo ay nakinig ka? Pinakinggan mo man lang ba ako? Hindi 'di ba?!"


Nanlabo ang mga mata ko.


"Gian naman... hindi ko naman sinasadya 'yon. Sumakit talaga ang ulo ko noong gabing 'yun kaya--"

"Kaya ka nagsinungaling na uuwi ka na? Na magpapahinga ka? Tangna, Lancy! Bakit hindi mo nalang sinabi na pupuntahan mo pala si JKL?! Bakit nagsinungaling ka pa?!"


Nanghina ang katawan ko dahil sa narinig mula sa kaniya. Alam kong may mali ako... nagsinungaling naman talaga ako sa kaniya kaya hindi ko siya masisisi.

Pinawi ko ang mga luha sa mga mata at pisngi bago hinawakan ang kanang kamay niya.


"Gian naman eh... aalis na ako at lahat-lahat hindi mo pa rin ako kakausapin? Pakinggan mo muna kasi ako, please?" ngumuso ako.


Ginulo niya ang sariling buhok bago unti-unting tumango.

"Fine. One minute."

"Huh? Five, Gian!" inis kong sabi.

Nagkibit-balikat siya, "Kung ayaw mo edi 'wag. Hindi ako namimilit."


Lalagpasan na niya sana ako pero kaagad akong nagsalita.


"Fine! One minute!" ani ko.


Nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya pero kaagad rin iyong napawi nang tingnan niya ako.


"First of all, I'm sorry... I lied. Gusto ko lang naman na hindi ka mapahiya kasi alam kong hindi kita papayagan na maging boyfriend ko... No offend, Gian. I am just being honest kasi ayokong masira tayo... ayokong ipahiya ka sa mga bisita mo kaya ako nagsinungaling... Gian, aalis na ako. Kukuha ako ng short course na BFA major in painting sa U.S., please... ayokong umalis na hindi tayo bati. Mahalaga ka sa 'kin... you knew that... sige na, hmm?"


Napakagat siya sa labi niya.


"Tangna, Lancy! Sinong hihindi sa'yo? Masyadong malakas ang charms mo. Kainis!" ginulo niya ng bahagya ang buhok niya.


Hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa saya. Tinitigan ko siya at kaagad na niyakap nang mahigpit.

"Thank you, Gian... thank you... and I will really really miss you." ani ko.



Dala-dala ko ang maleta ko kinabukasan nang dumiretso ako sa agency namin.

Ihahatid lang ako nina mom at dad gamit ang kotse ni daddy. Nu'ng una ay alam kong hindi sila papayag na mag-isa ako doon sa US pero kalaunan, noong sinabi kong 'gusto kong maging independent' ay pumayag sila.


"Minky, dito muna ang maleta ko." ani ko kay Minky na nasa lounge.


Pagkatapos niyang tumango ay dumiretso na ako sa elevator. Nang bumukas iyon pagkarating ko sa fifth floor ay kaagad akong pumasok sa room ni JKL.

Bumuntong-hininga ako nang makita ko siyang hawak-hawak ang gitara na nakaupo sa couch. Nang magtagpo ang tingin naman ay kaagad na namuo ang sakit sa dibdib ko.

Gusto kong maiyak... gusto kong mainis... at gusto ko siyang saktan pero pinigilan ko ang sarili ko. It's the last time... last time.


"J-Jared..." tawag ko sa kaniya.


Pero hindi niya ako pinansin. Bumalik lang siya sa pagkalabit sa gitara niya.

Bumuntong-hininga ako bago naglakad palapit sa kaniya. Hindi man lang niya ako tinignan. Wala yata talaga siyang pakialam sa akin. Tumikhim ako bago inilapag sa tabi niya ang red box na may lamang gold na kuwintas na may pendant na LSC.



"I'll return this..." mahina kong sabi at kinagat ang pang-ibabang labi.


Tumalikod na ako nang masabi ko iyon.

Akmang aalis na sana ako nang hinablot niya ang kamay ko at hinila ako paharap sa whole-length mirror ng room niya.


"W-What are you doing?" hindi ko na napigilan ang sarili na mamula nang maramdaman ko ang malamig niyang kamay sa baywang ko. Nakatalikod ako sa kaniya pero kitang-kita ko ang malamig niyang ekspresyon sa salamin. Ang kaliwang kamay naman niya ay kaagad na dumantay sa red box saka niya iyon binuksan.

Nang makuha na niya ang kuwintas ay kaagad kong naramdaman ang kaninang malamig niyang kamay na naging mainit na nang dumantay iyon sa leeg ko.


Sinusundan niya lang ang galaw ng kamay niya na nasa leeg ko. Isinuot niya ang kuwintas na iyon sa akin bago ulit hinawakan ang baywang ko.

Nagkaggulo ulit ang sistema ko dahil sa kaunting galaw niyang iyon. Damn! He's a powerful beast! Really!



"If we run into each other next time... I need to see your neck with that necklace and if not... you'll receive a heartthrobbing punishment."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top