Chapter 2

Kabanata 2

Concern sakin


Tinitigan ko ang sarili sa isang whole-length mirror sa girl's restroom saka bahagyang ngumiwi. Fit na fit sa akin ang kulay puti nilang top habang ang short naman ay sobrang ikli rin. Parang makikita na ang cycling shorts ko 'pag gumalaw ako ng kunti.

Tinignan ko si Marya na nakangiting-aso at tumango-tango bago ako hinila palabas doon sa restroom.

"Pssst! Marya!"

Napatingin si Marya sa lalaking tumawag sa pangalan nya saka tumigil sa paglalakad. Ako naman na hila-hila nya ay napatigil rin.

Nginuso ako ng lalaki bago tinanong ang kaibigan ko.


"Sino 'yan? Transferee ba?" tanong nito na nakangisi sa gawi ko.

Tinignan ako ni Marya bago umiling-iling, "Hindi. Substitute lang ng team namin. Nagkasakit kasi ang isang mate namin eh." sagot ni Marya.

Tumango iyong lalaki saka naglakad palapit sa amin.


"So... pwede bang manghingi ng number?" nagtaas-baba ang kilay nya.

Napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi nya saka ko sya tinawanan. Tinignan naman ako nito na parang nababaliw na ako.


"Are you serious?" sarkastiko kong ani dito.

Kumunot ang noo nya at tumango-tango, "Of course, I am. Sa tingin mo ay nang-go-goodtime lang ako?"

Napatigil ako nang dahil sa sinagot nya. I shouldn't act as a spoiled brat here... I shouldn't.


I smiled at him bago kinuha ang cellphone ko sa shoulder bag ko. Ibibigay ko na sana ang number ko sa kanya nang bigla akong makarinig ng tawanan ng dalawang lalaki.

Para akong naging tuod sa kinatatayuan ko nang marinig ang tawa nya. Damn?! Lalo na yata akong natuod nang marinig ko ang boses nya na nagsalita.


"Crush? It's not in my mind right now, Jake." ani nya na may kunting hagikgik pa.

Nagtago ako sa likod ni Marya na tila kinakabahan rin.

Of course, bitch! You should be! Damn, Marya!!

Sumilip ako sa kanila at halos malaglag ang panga ko at automatikong nangatog ang tuhod ko nang makita ang kabuoan nya.

He is so fvcking gorgeous in his overall skyblue jersey! Sleeveless iyong kulay langit na damit nya at medyo may kahabaan iyon. Habang ang kulay langit rin na jersey short nya ay lagpas one-inch below his knee. Pinaresan nya iyon ng kulay puting sapatos na may maliit na tsek sa gilid. Damn!

Who's this gorgeous beast? Of course, it's Jared Keir Leigh Tuazon!

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ang kaibigan nya na Jake ang pangalan sa gawi ko kaya kaagad akong nagtago. Halos lahat ng santo ay dinasalan ko na sana hindi sya lumapit dito dahil panigurado ay isasama nya rin si Jared.


"The game will start five minutes from now!"

Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng emcee na nasa stage.

Inakbayan ni Jake ang kaibigan nya papunta sa bleachers.

Tinignan ko si Marya na sapo-sapo ang dibdib dahil sa kaba.

"Tara na," aniya.

Tumango ako at sumunod na sa kanya.

Lumapit kami sa nagkukumpolang apat na babae sa kabilang side. Sila iyong kausap ni Marya kanina.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ng iba habang papalapit kami. Taas-noo ko silang hinarap at nginisihan.


"Who's this?" kung hindi ako nagkakamali ay ito 'yung maarteng nagco-conyo kanina.

"Hi, I'm Lancy Cordova." pakilala ko sa kanila.

They don't need my full name, anyway.

Tumango sya at nginitian ako, "You're the substitute? I expect that you know how to play volleyball." aniya.


Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi nya. Fvck! Like I said, hindi ako interesado sa P.E. class. Tapos hindi ako um-attend sa subject na 'yan sa school namin. Kaya obviously ay hindi ko alam kung paano maglaro. Fvck? Ano itong pinasok ko?


Napatingin ako kay Marya nang kalabitin nya ako, "Ano? Marunong ka hindi ba? 'Wag mong sabihing hindi dahil manonood si JKL panigurado." mahinang sabi nya sa akin.

Huminga ako nang malalim bago tumango-tango.

Okay, for Jared! Wala akong hindi kayang gawin para sa kanya. Game ba!

"Okay, position." ani ng conyong babae.

Pumunta ako sa gilid ni Marya na susunod nang mag-serve sa isa naming teammate.

Pumunta iyon sa kabilang team at natamaan agad iyon ng babaeng may kagandahan pero halatang malaki ang arte sa katawan.

Honeylyn Lastimosa?

Naalerto ako nang makita ko ang bola na malapit sa akin kaya agad ko iyong tinamaan at humiyaw ako nang makitang hindi nakabawi ang kabilang team.

Naghiyawan ang karamihan sa mga estudyante dito sa gymnasium nila at kadalasan pa ay mga lalaki. May sumisipol pa minsan.

Umiling-iling ako bago tinignan si Marya na nag-thumbs up sa akin.

Pumunta ang kaibigan ko sa likuran ko at nag-serve. Mabuti at in iyon pero hindi natamaan ng kabilang team. I smirked after I took a glimpse of Honeylyn's sneer. Tsk!

Mabilis ang laro. Tie lang ang dalawang grupo. Nasa kabila narin kaming bahagi ng net kasi ikalawang round na. Kami ang nanalo sa unang round kaya confident ang mga kasama ko na mananalo ulit kami.

Dapat lang. Nandito ako eh.


Nang ako na ang magse-serve ay padabog iyong itinapon sa akin ni Honeylyn kaya medyo natamaan ang abdomen ko dahil sa ginawa nya.


"Hoy, Honeylyn! Ano 'yang ginagawa mo?!" si Marya na kaagad tinanong ang bruhilda.


Sinulyapan ko si Honeylyn habang ang kanang kamay ko ay hinawakan ang abdomen ko na natamaan ng bola. Hindi naman ganun kasakit pero medyo rin.

Umirap ang bruhilda bago nag-apologetic smile.


"Naku, sorry, sorry. Okay ka lang ba?" pekeng tanong nya.


Nilapitan nya ako at umaktong concern at bahagya pang hinawakan ang abdomen ko kaya kaagad kong inalis ang kamay nya.

Nabigla nalang ako nang bigla nyang hawakan ang kamay nya at sinamaan ako ng tingin.


"What did you do? Bakit mo ako siniko?" naiiyak nyang sabi.

Umirap ako sa hangin at padabog na binitawan iyong bola saka ko sya nginisihan.


"Sorry, ah? Hindi ko naman alam na nasiko pala kita at isa pa, ikaw ang nauna kaya dapat ay patas lang." ani ko at tinaasan sya ng kilay.


Hinawakan nya ulit ang kamay nya at bahagya iyong minasahe.

Nagsilapitan na sa amin ang mga estudyante na kaagad inusisa ang nangyari.


"Hindi ka naman nasiko ni Lancy, Honeylyn, eh. Nag-iinarte ka lang ba? For what?"

Tumango-tango ako sa sinabi ni Marya. Hindi ko naman talaga sya nasiko eh. Inalis ko lang ang kamay nya. Iyon ba ang nasiko sa kanya? Wow a? Hindi ko alam na ganun na pala ang definition ng 'nasiko'.

Tumango iyong ibang estudyante sa sinabi ng kaibigan ko.

Kaagad akong nagtago sa likod ni Marya nang makita na paparating si Jared at ang kaibigan nyang si Jake sa kinaroroonan namin.

Halos mapunit na ang damit ng kaibigan ko dahil sa hawak ko dito. Darn! Kinakabahan ako baka makita ako ni Jared dito!

Humalukipkip si Jared at tinitigan ang kamay ni Honeylyn na nasiko ko kuno.


"What happened, Lyn?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong na iyon ng crush ko sa bruhilda.

"Close ba sila?" mahina kong bulong kay Marya na kaagad akong inilingan.

Tinignan ko ulit si Jared at nalaglag na talaga ang panga ko nang makitang minamasahe nya ang kamay ni bruhilda. Nasulyapan kong nagngiting-aso si Honeylyn dahil sa sinabi ng crush ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan na humalakhak. Nawala 'yung takot ko na baka makita ako ni Jared. Gusto ko lang talagang harapin 'tong bruhildang Honeylyn na 'to.


"Ah... kaya pala nagpapanggap kang nasiko ko para mapansin ni Jared, 'no? Wow ah! Artista ka na pala ngayon, Lyn?" sarcastic kong ani.

Ginaya ko si JKL na 'Lyn' ang tawag kay Honeylyn. Lyn? Para syang lyndol! Tsk!

Humarap sa akin si Jared kaya medyo umawang ang labi ko dahil sa gwapo nyang itsura.

Kumunot ang noo nya at itinago si Honeylyn sa likod nya na parang pino-protektahan nya ito mula sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay, "What?" inis kong ani.

Umiling-iling sya at hinawakan ang panga nya, "You're unbelievable, Lancy Sapphire." may diin nyang sabi saka iniwan ako doong tulala.



"Dinala nya raw si Honeylyn sa infirmary sabi ng isang teammate natin." ani Marya ilang minuto ang lumipas mula nung game.

Inilahad nya sa akin ang isang bottled water na kaagad kong ininom.

"Kailangan ba talagang samahan nya 'yun? Anong gagamutin ng nurse sa kanya eh hindi ko naman talaga siya nasiko." sabay irap ko.

Napatingin ako kay conyo girl na may dala-dalang isang plastic bag. Ngumiti sya at dumiretso sa bleachers kung saan kami nakaupo.


"Ito... ice pack. Ilagay mo sa hand mo. Kanina ko pa nafe-feel that namamaga 'yan." ani nya.

Ngumiti ako at tinanggap iyong plastic.

Nginitian nya ako at naglahad sya ng kamay, "Sorry hindi kaagad ako nakapagpakilala sa'yo. I'm Fern Silver Gomez." pakilala nya.

Kaagad ko iyong tinanggap saka ngumiti, "I'm Lancy Sapphire Cordova." nakangiti kong sabi.


Ngumiti sya at kalaunan ay nagpaalam na rin dahil gumagabi na rin kasi at nandyan na raw ang sundo nya.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko kay Marya.

"Hindi na muna. Mamaya nalang pagkatapos mong ilagay ang ice pack sa kamay mo." aniya.

Tumango-tango ako at kinuha ang isang ice pack sa plastic.

Ilalagay ko na sana iyon sa kanang kamay ko nang may humablot nun sa kamay ko.

Umangat ang paningin ko at halos umawang ulit ang labi ko nang makita ang mukha ng lalaking crush na crush ko.

Bahagyang tumayo si Marya at lumayo sa amin. Kinunotan ko sya ng noo pero tinanguan nya lang ako.

Kunot-noo kong tinignan si JKL at hinablot sa kanya ang ice pack.


"Akin na. Puntahan mo nalang si Honeylyn dun." ani ko.

I stiffened when he sat beside me. Mas trumiple ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang hawakan nya ang kamay ko.

Sobrang init ng kamay nyang malambot at medyo mahaba ang mga daliri nya na sobrang puti. Dahil doon ay hindi ko napigilan ang mapangiti.

"Why are you here?" mahina nyang tanong at busy sa pagdampi ng ice pack sa kanang kamay ko.

"W-Wala lang..." sagot ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko.

Medyo umangat ang tingin nya pero kaagad nya rin itong binalik sa pagkakatingin sa kamay kong medyo nawala na ang pamamaga.


"You shouldn't come here, again, Lancy... or you might get hurt again." seryoso nyang ani.

Nakayuko parin sya kaya sobrang lawak ng pagkakangiti ko. Panandalian lamang iyon dahil kaagad nyang inangat ang tingin nya at binitawan na ang kamay ko.


"Concern ka ba sa akin, Jared?" tanong ko sa kanya.

Natigilan sya pero sinimangutan nya lang ako bago tumayo.

"Magbihis ka na. Malamig baka magkasakit ka pa." aniya at tinalikuran ako.


Kaagad kong inilagay sa balikat ko ang shoulder bag ko saka patakbong sumunod sa kanya. Ang bilis kasing maglakad eh.

"Concern ka, 'no?" tanong ko.

Tumigil sya sa paglalakad at sinimangutan ulit ako.

"Saan mo napulot 'yang pag-a-assume mo?" aniya at nagkibit balikat.

Inirapan ko sya at nauna na akong maglakad.

Hindi ko napigilan ang pagngiti ng sobrang lapad dahil sa inakto nya kanina.

His first touch! Then, hindi nya man sabihin ay sigurado akong concern sya sakin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top