Chapter 15

Kabanata 15

Shut up


"Hindi ka pa kakain?"

Tiningnan ko saglit si Fern na nasa pinto ng room ko saka umiling.

"Later..." sagot ko.

Isinara nya iyong pinto pagkatapos tumango.

It's lunch time pero hindi parin ako dinadalaw ng gutom. Maybe ganun talaga kapag busy ka. It's tiring to set aside your current work just to eat. Kanina pa ako nag-si-sketch ng kung anu-ano pero lagi ko iyong pinupunit. I can't focus on my sketch. And I really don't know why.

It's the fifth day of our trip at apat na araw na rin akong wala sa mood. Why apat lang? It's because, nung dumating ako dito ay may mood pa ako, nakagawa nga kaagad ako ng magandang sketch eh.

Ginugol ko ang lahat ng oras ko dito sa Boracay nang kaharap ang sketch pad, umaga, tanghali, hapon, pati na gabi.

Napaisip ako saglit.

Ano na kaya ginagawa ni Jared at ng kasama nyang Florence ba 'yun? Basta ayun. Hindi naman siguro sila ganun ka-close hindi ba? Jared is cold. He isn't friendly. Even nga sa akin na dapat ay makipagkaibigan sya ay hindi nya ginawa because he's just too cold. Siguro ay hindi sila nag-uusap nang ganun.


Napatalon ako sa gulat nang sunod-sunod ang katok sa pinto.

Frustrated akong tumayo saka kaagad iyong binuksan.


"What, Fern?! You almost broke the door!" inis kong sabi.

Imbis na sumagot sya ay kaagad nya akong hinila palabas ng room hanggang makalabas kami ng beach house.

Nagpumiglas ako nang makarating na kami sa may beach hut.


"Fern! Stop! Ano ba?!"


Nang sa wakas ay binitawan na nya ako ay kaagad akong umupo sa stretchable bed ng hut sa harap namin.

Tinitigan ko sya na sapo-sapo ang sariling dibdib.

"Fern... kanina ka pa! Tell me!" inis kong sabi nang nakataas na ang kanang kilay.

Nahihirapan parin syang huminga. Siguro ay kanina pa 'to takbo nang takbo. Pabalik ng beach house at pabalik ng beach. Ano bang problema nya?


"May dala ka naman sigurong two piece or one piece?" aniya.

"What? Why?"


Para syang natataranta na ewan at hindi ko mahulaan kung ano ang dahilan.


She rolled her eyes before crossing her arms in her chest, "Duh? Beach 'to. At kapag nasa beach, hindi maiiwasan ang maligo and... you need to show your body bago ka pa mahuli!"


Hindi ko na napigilan. Tumayo na ako at hinawakan ang dalawang balikat nya saka inalog-alog iyon.


"What is really happening, Fern Silver Gomez? I am confused as fvck right now!"

Inalis nya ang kamay ko sa balikat nya saka nya naman ang humawak sa balikat ko at inalog-alog pa. Okay, baligtad na 'yung sitwasyon namin ngayon. Parang ako kanina 'yung gumagawa nun eh.

"Jared is on the beach with a beautiful girl! The girl is wearing a purple two piece and JKL can't get his eyes off her! Quick now!"


Gaya kanina ay hinila nya ulit ako. Papunta na ngayon sa parteng marami ang taong naka-bikini at nakahubad.

Unlike earlier, I didn't refuse or whine. I want to know who that girl is. I want to know why he can't get his eyes off her. I want to know who and why! Darn, Jared!

Napatigil ako nang makita si Jared kalayuan kasama si... Hariah.

Nakita kong nakangiti si Jared habang hinihila si Hariah papunta sa dagat. Muntik na iyong matumba si Hariah dahil sa pagmamadali pero nahawakan sya ni Jared sa baywang.

My stomach suddenly ache. Not because of lower bowel movement or hungriness, but because of... hurting, jealous, and frustration. May kumurot sa puso ko nang makita iyon hanggang sa hindi ko na napigilan pa na manlabo ang mga mata.

Hinarap ko si Fern na nakatingin sa akin gamit ang awa sa mukha nya.


"I-I need to go..." halos hindi ko na masabi dahil wala na akong lakas.


All my energy got drained. I am not in the mood in the past four days and up until now... I am still off mood.

Tinitigan ako ni Fern bago tumango.


"Sasamahan na kita." alok nya.


Kaagad akong umiling-iling. May luha nang pumatak mula sa mga mata ko. Alam ko iyon.


"No... stay here. I really need to go... not to stay in this beach or in the beach house but... my home. I need to go home. Magpapaalam lang ako kay Ms. Naja..."


I did not wait for her answer. I immediately turned my back with the tears that was streaming down my cheeks.

Ang OA ko naman! 'Yon lang ang nakita ko. Hinawakan lang ni Jared si Hariah sa baywang pero bakit sobrang nasasaktan ako? Ang babaw ko namang tao kung ganoon lang ako kadaling magselos at mainis. I am so damn shallow! As shallow as my personality. I am spoiled, I cannot say that I am not. Alam ko iyon mula noon pa pero ngayon... hindi lang pala ako dakilang spoiled, isa din akong malaking OA! Over acting! Bagay nga talaga sa akin ang artista. Ang bilis kong umiyak eh.

Kaya nang makabalik ng Maynila ay kaagad akong dumiretso sa Beatrize Dream Agency.

Last month pa inilabas ang result tungkol sa audition ko pero ngayon ko lang naisipang alamin. I am too drained right now and I want something to cheer me up and having the chance to be an actress... is the only way left. Pero kung sakaling hindi ako natanggap... well, I will be too too too too drained kung ganoon.


"Good afternoon, Ms. Cordova!"


Sinalubong ako ng receptionist na Trina 'yong pangalan. Ito din 'yong babae na kasama ko nung unang punta ko dito.

Pinilit ko ang sarili na bigyan sya ng ngiti. I am really not in the mood to be friendly right now.


"Good afternoon, Trina. Where's Ms. Bea?" tanong ko kaagad.

As usual ay tinignan nya muna ang laptop na kaharap saka may hinalungkat doon.

Ilang segundo lang ang lumipas ay humarap na sya sa akin saka ngumiti.


"Ms. Bea is expecting you in her office right now, Ms. Cordova. Hindi ko na kayo masasamahan kasi may kailangan pa akong salubongin maya-maya lang." aniya at ngumiti.


Tumango nalang ako at kaagad ding pumasok ng elevator. Pagkatapos kong pindutin ang 30th floor ay nanatili na akong tulala.

Iniisip ko kung makakapasok ba ako, matatanggap o ano? Sana naman ay matanggap ako nang sa ganun ay si mommy nalang ang problema kung sakaling maging artista ako. My dad is fully support on my decision... but mom is really different. I can't tell her yet for I know she want a different future for me.

Nang bumukas ang elevator ay kaagad akong dumiretso sa office ni Ms. Bea.

Kumatok muna ako sa tinted glass door bago pumasok.

Hindi ko mapigilan ang kabahan. Lalo na ngayong sobrang tahimik ng opisina nya. Well, ano ba 'yong dapat niyang gawin? Magsisisigaw? Para na syang baliw kung ganoon.

Ipinilig ko ang ulo bago binuksan nang tuluyan ang pinto.


"CONGRATULATIONS, MS. LANCY SAPPHIRE CORDOVA! YOU ARE NOW AN OFFICIAL ACTRESS!"


Nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin.

Mga empleyado, pati na mga kilalang artista ng BDA ay nandito, at si Ms. Bea na may hawak-hawak na strawberry-flavored cake na may sky blue candles.

Napaawang ang labi ko nang marealize kung ano ang sabay-sabay nilang sinabi kanina.

Lumapit sa akin si Ms. Bea saka ako bineso sa magkabilang cheeks.


"Alam mo... nung nag-text ka kanina na ngayon mo aalamin ang resulta, sobrang nag-panic ako. Buti nalang at free ang ibang artista at empleyado ko para tumulong sa pag-design ng office ko."


Napatingin ako sa paligid. Maraming kulay pink at sky blue round-balloons sa buong walls ng opisina nya. May malaking tarpaulin rin na may pangalan at mukha ko.

Hinarap ko si Ms. Bea saka nginitian.


"I am now an actress? Natanggap po ako? Paano? Maganda ba 'yong acting ko nung audition? Ano po?" sunod-sunod kong tanong.

Tumango-tango si Ms. Bea saka nginitian ako.

"Yes, yes, Lancy! You're now an actress! Welcome to my agency. I will be your manager from now on until makahanap na tayo ng pwedeng mag-manage sa'yo." aniya.


Tumango-tango ako habang malawak ang pagkakangiti sa labi.


"Thank you!" masaya kong sabi sabay tingin sa mga taong nandito sa opisina.


Nginitian nila ako at ang iba ay tumayo pa at may ibinigay na mga shopping bags na may logo ng famous malls or shops.


"Congrats, Lancy. Gusto kong makasama ka sa isang movie, soon." ani ng isang magandang babae na may dimple sa kanang pisngi.

Tumango ako at tinanggap ang inilahad nyang shopping bag.

"Pasensya na kung hindi ko na naibalot kasi biglaan eh..." aniya at ngumiti, "Ako nga pala si Irene Ventora." sabay lahad nya ng kamay.

Tinanggap ko iyon saka ngumiti, "Wala 'yon, Irene. Thank you ulit..." ani ko.


Hindi ko na napansin ang oras. Nang lumabas ako ng BDA ay medyo madilim na ang paligid. Tinawagan ko na rin kanina si tatay Jun para kunin ang maleta ko. Siguro ay nakuha na nya iyon.


"Good bye po, Ms. Lancy!"

Tinignan ko si Trina saka nginitian.

Malapit na sana ako sa parking lot ng building nang mabangga ko ang isang lalaki. Nahulog ang isang bouquet ng pink roses na dala-dala nya.


"Bakit hindi ka tumitingin sa daanan?!" sabay naming sabi ng nakabangga ko.


Tinaasan ko sya ng kilay nang tanggalin nya ang aviator shades at inilagay iyon sa kwelyuhan ng black t-shirt nya.


"Ikaw pala 'yan, Lancy." aniya.


Tinaasan ko sya ng kilay kasi hindi ko naman sya kilala.

Lalagpasan ko na sana sya nang hinawakan nya ang braso ko at pinaharap ako sa kanya.

"As the rumors said, you're really self-centered." aniya at ngumisi.


Inalis ko ang kamay nya sa braso ko saka pinagkibitan sya ng balikat.

Gwapo pa naman siya pero masyado yatang mayabang.

"Excuse me? Who are you?" malamig kong tanong.

Tinaasan nya ako ng kilay at maya-maya lang ay tinawanan. Ano ba problema nya? Baliw yata 'tong lalaking 'to. Sayang kagwapuhan nya kung may saltik naman pala sa ulo. Hay naku. Panahon nga naman ngayon, nakakabaliw na.


"Naku! Mr. Vernon Ferester! Andiyan na po pala kayo!"


Biglang lumitaw si Trina sa harap ko at ng lalaki.

Tinignan ako ni Trina sa ka nginitian.


"Magkakilala na po kayo?" tanong nya.


Tinaasan ko ng kilay si Trina sabay irap sa lalaki.


"Hindi, Trina. Hindi ako interesado. I need to go."


Nilagpasan ko na nga sila. Nang sa wakas ay nasa harap na ako ng kalsada ay may nakita kaagad akong taxi kaya pinara ko iyon. Huminto ang taxi sa harap ko at akmang bubuksan ko na ang pinto nun nang may humawak sa wrist ko.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki.


"Ano ba?!" inis kong sigaw.


Tinaasan nya ako ng kilay saka inilahad sa akin ang bouquet.


"For you, Lancy." aniya.


Padabog ko iyong ibinigay sa kanya na syang ikinalaglag ng panga nya. Nag-flip hair ako bago pumihit na sumakay ng taxi nang hablutin nya ulit ang kamay ko.


"Ano bang problema mo?! Are you a stalker? Ah, right! I should call the cops." sabay kuha ko sa cellphone.


Kinuha nya iyon sa kamay ko saka ako kinaladkad. Nagpumiglas ako pero hindi ako makawala. Hanggang sa binuksan nya ang front seat ng kulay puting kotse na BMW saka ako pinasakay doon.

Hindi ako umimik. Hinintay ko lang syang makapasok sa kotse at nang makapasok na ay agad ko syang sinigawan.


"This is kidnapping, Mr. Who-you-are! Let me go!" akmang bubuksan ko na ang pinto ng front seat para lumabas nang ini-lock nya ang buong sasakyan.


Sinamaan ko sya ng tingin sabay sampal sa kanya.


"You will rot in prison the moment I dial my dad's number!" banta ko.


Tinawanan nya lang ako. Hinintay ko nalang syang matapos sa kakatawa nya. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa 'to nakakabaong ang lalaking baliw na 'to. What's his problem?!


"You're funny, Lancy! Bagay ka sa comedy show!" aniya at tumawa ulit.

"Gusto mong sampalin kita ulit?!" I darted my eyes at his.


Umiling-iling sya bago nagkibit ng balikat.

"Wala bang TV sa inyo? Or hindi ka ba nagbabasa ng magazine or newspaper? Wala ka bang social media? Why didn't you know me?" hindi makapaniwalang ani nya at akmang tatawa ulit nang hampasin ko ang braso nya.

"Of course, I have! Ano? Ikaw ba ang pinaka-wanted sa kulongan? O baka tumakas ka sa mental hospital? Ano? Sino ka ba talaga at bakit mo ako kilala?"


Tumawa ulit sya pero nang tingnan ko ulit ng masama ay itinaas nya ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko.


"Okay, I'm sorry. Hindi lang ako makapaniwala na hindi mo ako kilala. Ang dami kayang nakakakilala sa akin. Nihindi mo tinanggap ang bulaklak na binibigay ko at sinampal mo pa ako. Grabe! Akala ko sa scene ko lang 'yon mangyayari! Hindi ko akalaing may sasampal nga talaga sa'kin!" aniya at ngumisi.

"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo?"

"I'm Vernon Ferester, the most awarded actor in the past decade up until now." aniya.

Tinaasan ko sya ng kilay, "And then?" mataray kong sabi.

Nalaglag ang panga nya saka umiling-iling, "You really are a spoiled girl. Ako nga si Vernon... and pumunta ako sa BDA kasi iyon ang agency ko, doon ako nagtatrabaho and 'yong bulaklak ko... that's for congratulating you. Hindi mo tinanggap, hindi ko na ibibigay." ngumuso sya.

Inirapan ko lang sya, "Edi don't! Hindi ko naman kailangan ang bulaklak mo!" sabay irap ulit.

"Ouch huh! Masakit kang magsalita. Treat me dinner para hindi ako umiyak."

Nalaglag ang panga ko, "Are you fvcking serious, Mr. Ferester?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Of course! What do you think of me? Thinking of you?"


Napailing-iling ako bago binuksan ang pinto. Buti nalang ngayon ay hindi na naka-lock.

Lalabas na sana ako nang inilahad nya ang bouquet sa akin.


"At least take it." aniya.


Kinuha ko nalang iyon at tuluyan nang lumabas ng sasakyan.

Dumiretso ako sa gilid ng kalsada at naghintay ng taxi. Ilang segundo lang ay may nakita na akong taxi na kulay dilaw kaya pinara ko agad iyon.


Napairap nalang ako nang makita ang kotse ni Vernon na umalis na nga.


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may humarang na kotse sa taxing pinara ko. Huminto iyong kulay pulang kotse na humarang sa harapan ko.


Nalaglag ang panga ko nang biglang lumabas si Jared sa driver's seat nang nakakunot ang noo at nakatikom ang mapupula ngunit manipis na labi.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang kamay nya sa wrist ko. Naghuramentado na naman ang buong sistema ko dahil sa ginawa nya. Ang mga kulisap na nawala saglit ay biglang bumalik nang dahil sa kunting ginawa nya.

Hinila nya ako papunta sa sasakyan nya hanggang sa binuksan nya iyong front seat.

Tikom ang bibig nya at mukhang inis na inis kaya hindi nalang ako tumutol. Inilagay ko sa hita ko ang bulaklak na ibinigay ni Vernon sa akin at tinignan iyon. Hindi ko pa iyon nasusuri nang mabuti nang kinuha iyon ni Jared at inilagay sa trash bin na kaharap ng parking lot.

Isinara nya ang front seat saka pumasok rin kaagad sa sasakyan.


Tinitigan ko sya pero hindi ako nagsalita. Nang mapatingin sya sa akin ay tinaasan nya ako ng kilay.


"Why are you pissed?" mahina kong tanong.

Umandar na ang makina ng kotse nya.


"Don't talk to me." malamig nyang ani.


Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Hindi ng aircon ng kotse o ng panahon kundi dahil sa lamig ng boses nya. Damn? Kani-kanina lang ay ako ang inis na inis sa kanya at nagseselos pero bakit ngayon ay siya naman? Ano bang problema nya?


"J-Jared... anong problema mo?" mahina pa rin ang boses ko.

Hinawakan nya ang panga nyang nang-iigting bago ako hinarap.



"SHUT THE FVCK UP, WILL YOU?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top