Chapter 14

Kabanata 14

Same room


Nanginginig pa rin ako ngayon habang nakatingin sa nakangisi nyang labi.

Napatingin ako kay Fern nang maramdaman ang mahinang pagsiko nya sa akin.


"Anong ginagawa nya dito?" tanong nya, tila nalilito.


Even am I is curious why is he here. Why is he the model in our sketching today? Marami namang iba diyan sa tabi-tabi at bakit sya pa ang napili ni Ms. Naja. Nihindi ko nga mahulaan kung paano sila nagkakilala. Damn! This guy is freaking mysterious!

Ibinalik ko ang tingin kay Jared sa pag-aakalang hindi na nya ako tinitingnan pero andun parin ang tingin nya at ang ngisi sa labi.


"Mr. Tuazon, you may sit on that chair in the center."


Ako ang unang nag-iwas ng tingin.

Nakita nalang sa peripheral vision ko ang pagsunod nya sa sinabi ng prof namin.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi bago yumuko upang itago ang mukha sa sketching pad na kaharap ko.


"Gosh! He is so handsome!"

"I am his fan since day one pero hindi ko pa sya napagmamasdan ng gan'to kalapit!"

"Kung ganiyan lang kaguwapo ang model ng sketching natin ay siguradong pagbubutihin ko talaga to the highest level!"


Pagkatapos magbulongan ng mga babaeng nasa kaliwa ko ay naghagikgikan pa sila.

Sa inis ko ay tumikhim ako. Nakuha ko kaagad ang atensyon nilang tatlo kaya kaagad ko silang sinamaan ng tingin at tinaasan ng kilay. Tumahimik naman sila dahil sa ginawa ko kaya tinignan ko na si Jared na nasa gitna.

Mabuti na lang na hindi na sya nakatingin sa akin ngayon dahil talagang mahahampas ko ng dala-dala kong pencil case si Fern dahil sa kilig.


"Okay, you may start. Babalik ako after two hours." ani ng proof.


Nang makalabas na ang proof ay umingay ang buong silid.


"JKL! Gosh! Sobrang gwapo mo talaga!" ani ng kaklase kong babae sabay tili.

"Pwede bang manghingi ng number mo?" ani ng isa pa na kaagad inilabas ang cellphone nya.

Hindi ko napigilan ang mapairap dahil sa sobrang inis. Hindi ako makapaniwala! Ang kakapal ng mga mukha nila! Niwala nga akong number ni Jared kahit na antagal na naming magkakilala eh! Sa tingin mo ay bibigyan ka nyan? Tsk!


"Pahiram ng sharpener, Lancy."


Hindi ko sinagot si Fern. Hinayaan ko nalang syang kunin iyon sa pencil case ko. Nakatingin lang ako sa harapan ko ngayon. Sa sketch pad!


"May girlfriend ka na ba, JKL or crush?"


Umangat ang tingin ko nang itanong iyon bigla ng lalaki kong kaklase. Darn? Bakla ba sya? Pati ba naman lalaki ay makikihati?! Pero... okay din 'yong tanong nya a?

Pumangalumbaba ako at binuksan ang mga tenga para marinig ang sagot niya.


"No and... yes." malamig nyang sagot.


Hindi ko na napigilan ang kumunot ang noo dahil sa sagot nya. No... wala syang girlfriend. Yes... MAY CRUSH SYA?

Kaagad akong tumayo saka tinignan si Jared.


"SINO?" kaagad kong tanong.


"Anong 'sino', Ms. Cordova?"

Napatingin ako sa pintuan nang biglang pumasok si Ms. Naja. What? Two hours na 'yon? Ang dali a?

Tinaasan nya ako ng kilay kaya napaupo ako ulit sa upuan ko.


"Nawala lang ako saglit at nagkakagulo na kayo? Ano ba, studs? Behave yourself! Superstar iyang kaharap niyo, ah! 'Wag n'yong kalimutan. At ikaw Ms. Cordova... minus five points ka dahil bigla ka nalang sumigaw."


I was left dumb-founded. Kaagad akong tumingin kay Jared na nakangiti habang tinitignan ako. May kunting tawa pa iyon. 'Yong inis ko dahil sa minus five points ay biglang nalusaw dahil sa saya! Damn, beast! You really are powerful!


Kaya nang natapos ang pagsi-sketch kong iyon ay kaagad kong hinila si Fern palabas ng art studio.

Hindi ko na tinignan pa si Jared dahil wala akong lakas. Hindi ko talaga alam kung paano pa ako makakaahon mula sa pagkalunod ko sa kanya and this is really bad. Misteryoso sya kaya hindi ko sya mabasa-basa. Iyon ang problema ko. Baka mamaya ay pinapansin nya lang ako kasi anak ako ng may-ari ng agency kung saan sya singer. Siguro iyon... I don't know!



Busy ako o maging ang lahat ng kaklase ko dahil palagi kaming nagsi-sketch. Iyon ang everyday output namin. Kaya hindi ko masyadong akalain na isang araw ay sasabihin ng prof naming si Mr. Monte na may trip kami ng mga ka-batch ko para narin raw makahanap kami ng inspiration sa pupuntahan naming lugar.

Sakto rin namang natapos na ang midterm namin kaya wala kaming dalawang linggong break. Mas maganda nga iyon kasi gusto ko ring gumala-gala sa Boracay. Maganda ang beach na iyon sa pagkakaalam ko.

Inayos ko ang puting maleta ko bago sumulyap kay Fern na kararating lang.

Pagkatapos umalis ng kotseng naghatid sa kanya ay nilapitan nya kaagad ako.


"Lancy, dear! Ang ganda ng suot mo!" aniya.


Nagsuot lang ako ng fade purple floral dress na lagpas one-inches sa tuhod na pinaresan ko ng simpleng puting flat sandals.

Tinignan ko rin sya at ang suot nya. Naka-shorts sya ng denim na kulay baby blue crop top at naka-doll shoes sya.


"Yours too!" ani ko.

Tumango-tango sya at nag-flip hair.

Iginiya nya muna ako na umupo sa isang bench malapit sa mga kaklase kong nagtsi-tsismisan ng kung ano-ano.

"I really like your hair, friend."

Hinawakan nya ang buhok ko pero kaagad kong inalis ang kamay nya saka sya tinaasan ng kilay.

"I know, Fern." ani ko at pinaikutan sya ng mata.

Pinaikutan nya rin ako ng mata bago pinagkibitan ng balikat, "Ang arte mo! Magpa-blonde kaya ako, ano?"

"Bakit? Your black hair looks perfect on you. Wait..." tinaasan ko ulit sya ng kilay.

"What?"

"Hindi ka na nagko-conyo?!"


Kaya pala ang weird nya ngayon. Kanina ko pa 'to nararamdaman na may nagbago sa kanya pero ngayon ko lang na-figure out kung ano.

Nginitian nya ako saka tumayo na.


"Let's go! Andyan na ang bus!"


Hindi na nya ako hinintay. Nakita ko ang dalawang bus na kulay green na paparating.

Susunod na sana ako kay Fern nang biglang sumulpot sa harapan ko si Jake na kararating lang.

"Hi, Lancy!" bati nya at ngumiti.

Nginitian ko rin sya.

"Oh, hi, Jake! May pasok pa kayo? 'Di ba ay tapos na ang midterm?"

Tumango sya at nameywang, "May project pa kami. Hindi pwedeng hindi gawin. By the way, sa Boracay ba ang punta niyo?"

"Oo, dun nga."

Tumango ulit sya, "Dun din ang camp trekking nina Jared."


Bahagya akong nagulat sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata. I need to control myself now. Hindi pwedeng padalos-dalos. Kung gusto ko man si JKL ay may paraan kung paano pero sa ngayon ay kailangan ko munang mag-focus sa school. College life isn't easy.

I showed him a weak smile.

"Ah, I see." sagot ko nalang.

"Ano pala... naibigay na ni Jared ang kwintas sa'yo?"

Napatingin ako sa kanya ng seryoso, "Anong kwintas? W-Wala naman syang binigay sa'kin..."

Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko hanggang sa napaawang ang labi nya at nag-iwas kaagad ng paningin.


"Hindi nya pa pala binigay sa'yo? Damn! Ang tanga ko naman!"

Sasagot pa sana ako pero kaagad syang tumakbo palayo sa akin at pumasok na sya kaagad ng gate ng FHU.

Buong byahe ay occupied ang isip ko sa sinabi ni Jake. Hindi naman siguro sya magsisinungaling sa akin kasi kaibigan sila ni Jared, close sila kaya alam nya ang mga ginagawa ng kaibigan nya.

Kwintas? Bakit naman nya ako bibigyan ng kwintas kung ganoon pala? Saan nya binili? Kailan? Pero bakit nya nga ako bibigyan ng kwintas? Damn?! Gusto nya na ba ako?

Hindi kaya... sa Prague nya iyon binili kasi naisip nya na maganda kung may pasalubong sya sa isang magandang babae na katulad ko? Hindi kaya ay gusto nya na rin talaga ako? Pero bakit hindi pa nya binibigay? Oh, come on! Hindi na pala kami nagkikita the past few months. He's busy and I am also busy kaya ganoon.

Napangiti ako bigla habang papasok kami ng room namin sa isang malaking beach house pagkarating namin sa Boracay.

Kung hindi nya pa binibigay, kailangan kong gumawa ng paraan para ibigay nya iyon sa akin agad-agad! Kailangang ako mismo ang magtanong at manghingi nun sa kanya! Great idea!


Almost five P.M nang isinama ko si Fern papunta sa harap ng dagat. Dala-dala rin namin ang mga sketch pad at pencil case kung saan nakalagay ang mga lapis na gagamitin sa pag-sketch. Hindi lang naman basta trip ang kailangan naming gawin kundi kailangan ay kada-araw, may isa kaming maipasa na sketch. Kahit ano ang iguhit namin basta ang makikita lang sa paligid dito sa Boracay.

Umupo ako sa buhanginan at nakipagtitigan sa dagat at araw na palubog na. Kulay kahel na rin ang langit kaya naka-reflect iyon sa kulay ng dagat.


"Ano ang gusto mong i-sketch?" tanong ni Fern na umupo rin sa gilid ko.

Tinitigan ko ang paligid.

"Ahm... ang dagat, araw, ulap, at ang mga ibon kung may dumaan man." nakangiti kong sagot.

Tumango-tango siya bago tinitigan ang sand castle sa gilid namin.

"Sand castle nalang 'yung akin at pati na mga shells. Tingnan mo, ang cute."

Tinignan ko ang tinuturo nya saka napangiti. Maraming maliliit na shells ang naroon sa gilid ng sand castle.

"Hindi ba hindi pwedeng sirain o paglaruan ang buhangin sa mga beaches?" tanong nya.

Napaisip ako saka napatingin uli sa dagat, "Babalik din naman 'yan sa dati kaya pabayaan mo na. Kung wala 'yan ay wala ka sanang ise-sketch ngayon."


Sumang-ayon sya sa sinabi ko. Tahimik lang kami habang nakatingin sa sarili naming model.

Mag-a-alas sais na nang napagdesisyonan naming bumalik na ng beach house kung saan kami nagsi-stay.


"You go first, Fern. I have something to do." sabi ko nang makarating kami sa front desk ng beach house.


Tumango lang sya saka nauna na nga sa akin.

Tinitigan ko ang babaeng nagbabantay na may kaharap na laptop saka sya nginitian.


"Uh, can I leave my things here?" tanong ko.

"Yes, ma'am. Ilagay nyo lang po dyan." sagot nya.


Dali-dali kong inilagay ang sketch pad at pencil case ko sa gilid na table. Pagkatapos ay dire-diretso akong lumabas saka dumiretso sa medyo malayong beach house.

Medyo madilim na pero buti nalang at malaki ang buwan kaya nakikita ko pa naman kahit paano ang daan. Buhangin lang naman.


"Si Florence Fedelin ang partner ni Jared. Sayang nga at hindi ako. Nakakainis! Gusto ko sanang magkasama kami sa kwarto baka naman maging close pa ako sa kanya."


Kusang tumaas ang isang kilay ko nang marinig ang babaeng nanggigigil kasama ang isa pang babae na naglalakad palapit sa akin.

Kaagad ko silang nilapitan saka nag-fake smile.


"Can I ask kung saan ang kwarto ni Jared?" diretso kong tanong.

Tumango ang babaeng nanggigigil kanina, "Oo, hanapin mo lang ang kulay maroon na pinto dun sa beach house na 'yun." sabay turo nya sa beach house malapit sa amin.


Tumango ako saka tumalikod na.

Wala na akong hinintay pang oras at kaagad na pumasok doon. Hinanap ko kaagad ang kwartong maroon ang pinto. Pipihit na sana akong kumatok nang marinig ko si Jared at ang boses ng isang babae mula sa loob ng kwarto.


"Ano... okay lang ba talaga na bukas ang ilaw kapag natutulog tayo? Hindi kasi talaga ako sanay na walang ilaw." boses iyon ng babae.

"No, no... it's okay. I can adjust myself and matagal rin akong matutulog mamaya. I am working for my new song." ani Jared sa sweet nyang boses.


Napairap ako. Wow a? Bakit sweet sya kung sa iba makipag-usap? Bakit sa akin ay hindi? Kadalasan malamig pa. And what's with their prof or the leader of their camp trekking? Bakit opposite sex ang magkasama sa isang kwarto? Hindi iyong pwede! It's not reasonable! Paano kung may mangyari? Paano kung... DAMN!



"Just wow! Sobrang nakakainis!" bulong ko habang kinukuha ang isang stick na nakita sa gilid ko.


Hindi ko na alam kung anong oras na. Basta ay ang alam ko, kanina pa ko pa binubunton ang inis ko sa buhangin na kaharap. I was just looking at the moon in the dark sky while whispering anything about my inis.

Wala nang masyadong tao sa paligid ng beach siguro ay gabi na yata talaga.

Kumalam ang sikmura ko saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapag-dinner. Hindi ko dinala ang cellphone ko pero panigurado ay kanina pa ako tinatawagan ni Fern.


Napatigil ako sa pagsusulat ng kung anu-ano sa buhangin gamit ang stick na nakita kanina nang marinig ang pagtikhim ng isang tao sa gilid ko.

Titingnan ko na sana nang bigla nyang inilagay ang jacket sa balikat ko saka umupo sya sa tabi ko.



"Malamig, Lancy. Why are you still outside?"


Tinignan ko si Aiden nang sabihin nya iyon. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi sya nagtanong kung bakit ako andito. Andaming alam nyan eh.

Bahagyang tumaas ang kilay ko nang makita ang may kagandahang babae na nakatayo sa gilid ni Aiden. Nakatayo lang sya at parang walang balak na umupo sa buhangin. Maarte yata eh.


"Who's that?" tanong ko.

Tinignan nya iyong babae.


"Mauna ka na, Yesany." ani ni Aiden sa babaeng kaagad ring sumunod.

Tinaasan ko ng kilay si Aiden, "As far as I can remember, it's not Hariah. Bakit sya ang kasama mo? At bakit namumula 'yang tenga at ilong mo?" kuryos kong tanong.


Totoo, namumula ang ilong nya pati na ang tenga.

Natigilan sya saglit.


"We fought." simple nyang sabi.

"What? Bakit? Akala ko ba ay mahal mo sya? Ay wait, let me revise my question. Kung nag-away kayo, bakit hindi mo sinuyo at bakit nandito ka... kasama ang babae kanina?" tanong ko.

Tinitigan nya ang buwan at saka ko lang nakita ang kislap sa mga mata nya.


"I lied to her. Sinabi kong may amnesia ako pagkatapos naming mag-away sa Prague kasi naaksidente ako. Nagawa kong magsinungaling kasi gusto kong malaman kung mahal nya rin ba ako. I want to know kung sakaling makalimot ako, may gagawin ba sya... pero, pinalala ko lang siguro ang lahat. I don't know..."


Napatayo ako nang biglang bumuhos ang mga luha nya.

Umiling-iling ako at hinayaan lang syang umiyak.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumingala sya at tinignan ako. Tinawanan ko lang sya saka inalalayang tumayo.


"I can't with you, Devalli. You're really crazy over love." naiiling kong sabi.


Nginitian nya ako bago inayos ang pagkakalagay ng jacket nya sa balikat ko. Tinapik nya ang ulo ko saka ngumiti ulit.


"Thank you for listening, Lancy. I'll treat you dinner for my payment." aniya at nauna nang maglakad.


Kaagad ko syang hinabol at nang makahabol na ay inangkla ko ang kamay ko sa braso nya.


"'Wag kang susuko, ah? Pagsubok lang 'yan! Alam kong matapang ka. Ikaw yata ang nag-iisang Devalli na pinakamatapang sa lahat. Kaya, cheer up kalang! I'm here for you!" ani ko at nginitian sya.


Ngumiti sya saka ako hinila papunta sa isang restaurant na malapit sa beach house namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top