Chapter 12

Kabanata 12

Lace


Nang dumating ang biyernes ay wala akong ginawa kundi ang mag-empake ng mga gamit ko. Pati DSLR camera ko ay dinala ko rin. Good for two days na damit lang ang dinala ko. Dinala ko rin ang mga lotions and hygiene kit ko. Ginawa ko ang lahat para magkasya iyon sa maleta ko.

Pagkatapos kong mag-empake ay bumaba muna ako saka tumabi kay daddy na nanonood ng The Kissing Booth movie. Iyong part 2.

Nakinood lang ako nung una. I couldn't deny the breathtaking gorgeousness of Noah in the movie. Iyong mapupungay nyang mga mata ay sobrang sarap tignan. Feeling ko ay inlove na ako sa kanya. Darn!

Bago ko pa makalimutan ang totoong pakay ko ay hinarap ko na si daddy na seryoso paring nanonood sa flat screen.


"Dad..." mahinang tawag ko.

Tinignan nya ako saka kinunotan ng noo.


"Why, baby?" aniya at ibinaling ulit ang tingin sa screen.

"I am going to Cebu this weekend." ani ko.

Hininaan nya ang TV namin saka ako hinarap.


"Why?" seryoso nyang sabi.

"For school purposes. Project ko ang documentation sa mga paintings ng mga bagong artist. Exhibition kasi nila kaya iyon ang kailangan kong gawin. Magtatanong din ako ng tungkol sa mga piece nila." paliwanag ko.

Tumango-tango si daddy, "How about your company? Sino ang isasama mo? Cebu is a big city kaya mahirap rin alalahanin ang mga daanan dun." seryoso nyang sabi.

Tumango ako at sumandal sa sofa namin, "Yes, dad. I know. Kaya nga isasama ko si Gian. Friend ko and schoolmate rin." ani ko.

Kumunot ang noo niya bago nag-cross arms, "I am free this Saturday, baby. Ako nalang ang sasama sa'yo."

Kaagad akong umiling-iling, "No, dad! I can handle myself! Mabait si Gian and matagal ko na syang kaibigan." paliwanag ko.


Umiling-iling si daddy. It seems like he does not like the idea of leaving me and Gian alone. Yeah, that's dad. He is protective but not that over protective. Gusto nya lang na ligtas ako. Hindi sya pumapayag kapag hindi nya kilala ang makakasama ko.

Magsasalita pa sana si daddy nang marinig ko ang takong ni mommy na paparating at hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay nakaupo na sya sa tabi ko.



"Who's that Gian, darling?" tanong nya habang nasa screen ang tingin.


Umayos ako ng upo at humilig sa sofa namin.


"Gian Zechler, mom." sagot ko.

Napatingin si mommy sa akin saka tumango-tango. Tinitigan nya si daddy saka inilingan.

"Is he the son of the owner of one of our business partner? The strawberry farm plantation?" seryoso nyang tanong.


Tumango ako.


Ngumiti si mommy, "Then, that's fine. He can keep you company. Mabait iyon and he's... rich." aniya.

Tumango ako at tumingin kay daddy na umiling-iling.

Hinawakan ko ang kamay nya saka nginitian, "Dad?"

Tinitigan nya ako nang mariin. Seryoso rin ang tingin nyang iyon. Akala ko ay sasagot na sya ng 'oo' na pinapayagan na nya akong isama si Gian sa Cebu pero tumayo sya at umiling ulit.


"No, Lancy. Hindi ako pumapayag." aniya at umalis na nga.


Napatingin ako kay mommy na nagkibit nalang ng balikat at nanood ng bagong movie na kakasimula pa lang.

I sighed deeply. When dad don't give permission, he don't really like my decision. He wants someone else to accompany me. Iyon ang sabi nya nang magkita kami bago ako makatulog ng gabing iyon.



Alas tres ng madaling araw akong nagising kaya malapit na mag-alas kwatro nang bumaba ako at makalabas ng bahay habang dala-dala ang puting maleta ko at isang purse.

Nang makalabas na nang tuluyan ay nagsi-abot kaagad ang kilay ko nang makita ang isang lalaking nakasandal sa pulang kotse nya. Nakasuot sya ng black denim jacket na may itim na t-shirt sa loob. Pinaresan nya ng black jeans ang suot nya at sapatos na may maliit na tsek sa gilid. Madilim pa ang paligid pero darn! Nakakasilaw ang kagwapuhan nya!

Hila-hila ko ang maleta ko nang makalapit sa kanya.

Tinaasan ko sya ng kilay.


"What are you doing here?" walang emosyon kong tanong.


Kinuha nya sa kamay ko ang maleta ko saka inilagay iyon sa likuran ng kotse. Binuksan nya pagkatapos ang front seat at hinarap ako.



"Ano pang hinihintay mo? Si Gian? He won't come." malamig nyang ani na sumabay sa lamig ng panahon.


Napayakap ako sa sarili nang umihip ang medyo malakas na hangin. Nagsuot lang ako ng tube style shirt at nag-jeans saka pinaresan ng black boots.

Pumasok ako sa loob ng kotse nang hindi tumigil ang ihip ng hangin. Pagkatapos kong isinuot ang seatbelt ay narinig ko rin kaagad ang pagsara nya ng pinto sa driver's seat.

Tinitigan nya ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Darn! Hindi ko parin nakakalimutan ang sinabi ko sa kanya nung lasing ako!


Nakita sa gilid ng mga mata ko ang paghubad nya ng jacket nya kaya naman kumunot ang noo ko at hinarap na sya.

Bago pa ako makapagtanong kung ano ang gagawin nya ay lumapit na sya sa akin saka isinuot iyon sa katawan ko. Halos lumabas na naman ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Ang mga kulisap na matagal ko nang hindi naalala ay biglang nagparamdam dahil sa ginawa ni Jared. Tangna! Ang simple lang ng gestures na ginawa nya pero sobra-sobra na iyon para sa akin! Darn! This beast is so powerful!

Pagkatapos nya iyong isuot sa akin ay lumayo rin sya kaagad.


"Kung bakit pa kasi ang liit ng suot-suot." bulong nya na hindi ko narinig dahil pinaharurot na nya ang kotse.


Medyo tahimik parin ang paligid. Tanging ilaw lang ng mga nadadaanan naming gusali at malls ang nakikita. Halos maging shadow na nga ang mga iyon dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Jared. Hindi naman ganun kabilis pero hindi pa ako nakakapagmaneho ng gan'to ang speed.


"You can sleep. Gigisingin nalang kita kapag nasa airport na tayo." aniya.


Napansin nya yata na pumipikit-pikit na ang mga mata ko dahil sa antok. Dinalaw pa kasi ako ng antok eh. Siguro dahil past 9 PM na akong nakatulog kagabi.

Ginawa ko ang sinabi nya. Nakatulog nga ako.

Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko.

Umayos ako sa pagkakaupo saka tinanggal ang seatbelt ko. Nasa harap na kami ng Cebu Domestic Airport o CDA na syang sasakyan namin papuntang Cebu.

Medyo maliwanag na rin ang paligid nang makalabas ako ng kotse. Sinundan ko si Jared na pumunta sa likuran ng sasakyan para kunin 'yong mga maleta. Kinuha ko iyong akin at ako na ang nagbitbit nun papunta sa departure area ng airport.

Mabilis ang oras. Nakatulog rin ako nang umandar ang eroplano kaya hindi ko na nakita pa ang mga tanawin na ulap at maliliit na bahay mula sa himpapawid.


Nagising nalang ulit ako nang maamoy ang cup noodles.

Pagkamulat ko ng mga mata ay nakita ko ang katabi kong si Jared na kumakain nun. Hindi nya yata napansin na gising na ako kasi seryoso nya iyong kinakain.

Napaismid ako bago iyon hinablot sa kanya.

Nakita kong nagulat sya pero tinaasan ko lang ng kilay.


"Why are you eating unhealthy foods like this?" tanong ko kaagad.


Bahagya syang lumapit sa akin kaya napaatras ako at napatingin sa labas ng eroplano.



"I'm hungry, Lancy. Give me that." aniya at akmang kukunin na iyon sa kamay ko pero sinamaan ko sya ng tingin.

"Pwede bang kumain ka naman ng healthy foods? Kailangan mong i-maintain ang katawan mo kasi public figure ka. Hindi pwedeng pumangit ang katawan mo kaya ang dapat sa'yo ay vegetables at fruits." seryoso kong ani.

Tinaasan nya ako ng kilay, "You mean... maganda ang katawan ko?" ngumisi sya.



Damn! Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Inirapan ko sya at padabog na ibinigay sa kanya ang cup noodles.



"You dream, Jared!" inis kong ani.


Hindi ko sya kinausap hanggang sa makarating kami sa Cebu. Hanggang sa mag-book kami sa five star hotel. Syempre, two rooms. Sinimangutan ko lang sya nang tinanong nya ako kung gutom na ba ako. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa hotel room ko. Magkatapat lang ang room namin kaya magkasama kami hanggang makarating doon.

Inayos ko muna ang mga gamit ko saka kinuha ang cellphone ko pagkatapos.

Iti-text ko nalang si Gian para hindi 'yon magtampo. Sinabihan ko sya kagabi na si daddy ang makakasama ko sa Cebu pero hindi sya nakapag-reply. Darn! Ako ang nag-aya pero hindi ko tinupad.

Ako:

Good morning, Gian! Nakarating na ako sa Cebu. Sorry talaga. Hayaan mo sa susunod ay ikaw na ang isasama ko. Pangako.


Tapos isi-nend ko na iyon.

Hindi pa sya nakakapag-reply nang marinig ko ang doorbell kaya tumayo kaagad ako at binuksan ang room.

Dire-diretsong pumasok ang room service na may dala-dalang cart ng iba't-ibang pagkain.


"Teka, teka... hindi pa ako nakakapag-order." sabi ko, nalilito.


Inilapag ng waiter iyong mga pagkain sa tray sa table ng kwarto saka ako nginitian.


"Nag-order na po si Mr. Tuazon at pinalagay nya dito. Kumain na raw po kayo." aniya at lumabas na kaagad.


Kumunot ang noo ko. Pero hindi ko napigilan ang ngumiti dahil sa sinabi ng waiter. Damn? Concern sa akin si Jared? Gusto nya na rin ba ako? Fvck!

Ipinilig ko ang ulo saka nagsimulang kumain ng vegetable salad. Marami iyong mga pagkain pero ang vegetable salad at isang malunggay juice lang ang ginalaw ko doon.


Exactly nine A.M. when we arrive at the Private Art Gallery that Mr. Renaldo talked about. Malaki ang gallery lalo na nang nasa harapan na kami ng mismong ground hotel na iyon.

Papasok na sana ako nang hinarang kami ng isang guard.


"Ay, ma'am, sorry po. Hindi na po pwedeng pumasok dito. Umabot na po kasi sa limitasyon ang bilang ng mga tao." aniya at hahawakan na sana ako nang tinabig ko ang kamay ko.

"Kuya, kailangan kong pumasok. I need to take pictures and ask questions to the artists." ani ko.


Umiling-iling sya at akma ulit na hahawak sakin nang hinila ako ni Jared at pinatabi sa kanya.

Tinignan nya ang guard gamit ang madilim nyang ekspresyon.


"Guard, for school purposes 'to. The gallery would be famous if the exhibition will spread in the universities in Manila." seryosong sabi niya sa guard.


Umiling ulit ang guard.


"Sorry, Sir. Hindi po talaga pwede kasi iyon ang bilin sa akin ng may-ari nito. Para hindi rin mabulabog ang mga artist. Private po ang exhibition na ito kaya dapat ay mga importanteng bisita lang ang makakapasok." aniya.

Aangal pa sana ako nang biglang may nagsalita na nanggaling sa loob.


"Lancy?!"

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko kay tita. Kaagad ko syang nilapitan at niyakap nang mahigpit.

"Tita Carlota!" masaya kong sabi habang kayakap sya.

"What are you doing here?" tanong nya nang kumalas na ako sa yakap.

"For school purposes lang, tita." sagot ko, "Akala ko ba ay nasa business trip po kayo? Bakit kayo andito?" tanong ko.

"Hindi natuloy kaya sinamahan ko nalang ang anak ko sa pag-exhibit ng painting nya." nakangiti nyang sabi.

"Si Tiara po?" tanong ko.

Tumango-tango sya, "Yes, hija. Siya nga. Ano? Bakit hindi ka pa pumasok?" napasulyap sya sa kay Jared na tahimik sa gilid, "At sino sya?" aniya.

Hinila ko si Jared, "Si Jared po. 'Yong singer na sinabi ko sa inyo nung tumawag kayo. Kaibigan ko." ani ko.

Tinitigan nya si Jared at naglahad ng kamay, "Nice to meet you, hijo. I'm Carlota, tita ni Lancy. I heard from her na single ka raw. Single rin ang anak kong si Tiara. Mabait iyon at maganda."


May idudugtong pa sana si tita pero sinaway ko na sya.


"Tita... tama na po. May gusto na po 'yang iba." ani ko.


Bahagyang napasimangot si tita saka hinarap ang guard na pumigil sa amin kanina.


"Bisita sila ni Tiara Cordova, manong. Pwede na ba silang pumasok?"


Halos mapangisi ako nang tumango-tango kaagad ang guard. Pagkatapos ay pumasok na nga kami. Nauna na si tita at nagpaalam saglit kasi pupuntahan nya pa si Tiara baka may kailangan.

Inilabas ko ang DSLR camera sa shoulder bag ko saka iyon ibinigay kay Jared na kaagad akong kinunotan ng noo.


"You need to do the documentation. Ako ang magtatanong." sabi ko.


Masungit syang tumango.

Nilapitan ko iyong lalaki na nakatayo sa harap ng isang painting ng babaeng nakangiti at nakaupo sa duyan. Nang makalapit na ay kaagad ko syang nginitian.


"Hi! Pwede bang magtanong?" nakangiti kong bungad.

Nakita kong natigilan sya pero maya-maya ay tumango rin.


"Oh, yes. Oo naman. Tungkol saan ba?" tanong nya.

Tinuro ko ang painting sa harapan saka sya tinignan, "Tungkol sa painting. Sa'yo ba 'to?"

Tumango sya at nameywang, "Yes." sagot nya.


Tinignan ko si Jared na kinukunan na ng picture iyong painting nang nakakunot ang noo. Hindi ko napigilan ang pagngiti.


"Ano... bakit ito ang ipi-naint mo?" tanong ko pero na kay Jared parin ang tingin ko.

Hindi ko mapigilan ang pagkagat ng labi lalo na nang lumipat sya sa ibang parte ng art gallery at kinuhanan ng picture ang iba pang painting.

"Ito ang naisip kong ipinta kasi napapaginipan ko 'to lagi." ani ng lalaki.

Tumango-tango ako, "Matagal mo bang natapos?" tanong ko.


Ipinilig ko ang ulo bago tinignan ang lalaking kausap. Hindi naman makatarungan kung kay Jared ako nakatingin lalo na iba ang pakay ko.


"Medyo matagal rin kasi naghahanap pa ako ng inspiration... kaya umabot ng isang buwan." sagot nya.


Tumango ako. I agree. If you're making something, whatever it is, painting, sculpture, or even writing, you need inspiration para mas gumanda ang piece mo.

Napatingin ako sa mga painting na iba bago kunot-noong bumaling sa lalaking kaharap ko.


"Asan 'yong mga artist na nag-paint ng mga 'yon?" sabay turo ko sa mga paintings na nakadikit sa wall.

"Nag-a-attendance pa yata sa school nila." sagot nya.

"Kailan ba sila babalik? Malapit lang ba ang school nila?" tanong ko.

"Medyo malayo kasi... siguro ay isang oras ang back-and-forth na byahe." aniya.

Tumango ako bago sya nginitian, "Okay. Thank you for your time. Naabala pa kita."

Umiling sya, "Naku, hindi. Okay lang. Masarap ka namang kausap at nag-enjoy ako. Also, I am the student council sa school namin kaya naitanong ko rin sa mga students na mag-eexhibit kung ano ang meaning ng mga paintings nila. I can tell you."


Natuwa naman ako doon kaya nginitian ko sya ng malapad.


"Talaga? Thank you! O sige ba!" sagot ko.


Nauna na syang maglakad sa akin papunta sa isang painting na surreal type. Isang daan na hindi makatotohanan. Kulay violet na hinaluan ng dark paint ang ginamit at may glow-glow pa sa gilid nito.

Malapit na ako sa kanya nang biglang may humablot sa kamay ko.

Aangal pa sana ako nang nakita ko ang isang pink ribbon lace na nakapulupot sa kanang wrist ko.


Napatingin ako kay Jared saka sya sinamaan ng tingin.


"Ano ba? Ba't mo ko tinalian? Hindi ako kambing!" inis kong sabi.


Ipinakita nya iyong kaliwang kamay nya kung saan nakapulupot ang dulo ng lace na nakapulupot rin sa kamay ko saka ako nginisihan.


"Baka mawala ka kaya tatalian kita. And... 'wag kang makikipag-usap sa lalaking iyon. May interest iyon sa'yo at kung makatitig sa mukha mo ay parang gusto ka na nyang halikan." malamig nyang sabi.

"H-Huh? Pero... kailangan bang may tali sa mga kamay natin?" ani ko at tinitigan ang mga kamay namin.


Hindi mahaba iyong tali pero sakto lang na hindi naman kami magkadikit masyado.


Hinigit nya iyong lace kaya nahigit rin ako palapit sa kanya.


Nginisihan nya ako saka bumulong.


"I can be territorial sometimes, Lancy."



Hanggang sa matapos iyong araw na iyon, hanggang sa makalipas ang ilang araw at naging linggo ay sobra parin ang nararamdaman kong tuwa dahil sa sinabi nya. He can be territorial sometimes... Why, Jared? PWEDE NAMANG LAGI KANG TERRITORIAL! COME ON, BAKURAN MO AKO NANG SA GANUN AY WALANG KUMAUSAP SA AKING IBANG LALAKI! Damn! Mababaliw na yata talaga ako nito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top