Chapter 10
Kabanata 10
Kiss me
Nawala ang tensyon sa pagitan ko at ni Jared nang magsalita ang mga kasama namin.
"Happy birthday, Lancy!" ani nila nang sabay-sabay.
Inirapan ko si JKL saka umupo sa tabi ni Marya na may ngiting-aso sa labi.
"Thank you, Gian, Daryl, Jake, Pia, Rein, and Marya!" nakangiti kong sabi.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ang tinging nakakamatay ni Jared. What's wrong, beast? Bakit ganyan ka makatingin?
"Ito pala ang gift ko sa'yo, Lancy..."
Napatingin ako kay Gian nang ilahad nya ang isang paper bag na may malaking logo ng Louis Vuitton. Tinanggap ko iyon.
"Thank you, Gian! Muah!" ani ko sabay ngiti.
Binigay rin ni Marya sa akin ang maliit na paper bag. Sumunod naman ay ang sa dalawang babaeng kaibigan ko rin na si Pia at Rein. Si Daryl naman ay binigyan ako ng mamahaling palumpong ng mga bulaklak.
Napatingin ako kay Jake nang wala syang inilahad. Ipinakita ko sa kanya ang palad kong nakabukas saka itinaas ang kilay ko.
"Where's your gift, Jake?" nagbibiro kong ani.
Kinuha nya ang cellphone nya na syang ikinakunot ng noo ko.
"Number nalang ni Jared ang gift ko." aniya.
I swear! Uminit bigla ang pisngi ko nang sinabi nya iyon. Napatingin ako kay Jared na kaagad sinuntok nang mahina sa balikat ang kaibigan nya. Nihindi ako makangiti nang dahil sa sobrang kaba.
Lalo na yatang dumoble ang kaba ko nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Nanginig ang mga tuhod ko dahil sa ginawa nya.
Ipinikit ko ang mga mata upang pigilan ang pagtili at nang hindi parin nawala ay kinuha ko ang isang baso ng vodka sa table namin saka ininom kaagad iyon.
"Hoy, Lancy! Hinay-hinay naman!" pigil sa akin ni Gian nang balak kong inumin ang isa pang baso.
Naramdaman ko ang pait sa pangalawang baso ng vodka kaya napahawak ako sa noo ko saka napangiwi. Damn! Ang pait!
"Damn, girl."
Nalusaw kaagad ang nararamdaman kong inis mula pa nung isang linggo nang maramdaman kong humilig sya sa sofa. Inilagay nya ang kamay nya sa sofa sa likuran ko kaya halos magwala ang sistema ko dahil sa kaba. Fvck! Kung humilig lang ako ay siguradong mapupunta sa balikat ko ang kamay nya.
Ipinilig ko ang ulo saka kinuha ang isang baso ng kulay blue na alak. Hindi ko alam kung ano ang pangalan nun basta kinuha ko nalang ito at nang iinumin ko na sana ay hinablot ito ng katabi ko.
Tiningnan ko sya nang masama pero napatigil din nang madatnan ang madilim nyang pagkakatingin sa akin.
"Akin na nga 'yan!" akma kong kukunin ang baso sa kamay nya pero itinaas nya iyon.
"No drinks for you, Lancy." malamig nyang ani.
Inirapan ko sya saka kinuha ang basong may lamang kulay pulang alak sa kamay ni Marya.
"Lancy, that's my drink!" reklamo nya pero ininom ko kaagad iyon kaya wala na syang nagawa.
Tinignan ko si Jared saka tinaasan ng kilay.
"What, Jared?" Sabi ko.
Umiling-iling sya na tila hindi makapaniwala saka padabog nyang inilagay sa mesa ang baso na kinuha kanina sakin.
Tumayo sya at sinamaan ako ng tingin.
"Drink if you want to, drink all of that!" inis nyang sabi at tinuro ang mga alak sa table namin.
Habang ang mga kasama namin ay nawala na. Marahil ay nandun na sa dancefloor at nagpapakasaya na. Si Marya nalang ang natitira sa table namin.
Tumayo ako saka tinaasan ng kilay si Jared.
"Fine, Jared! I'll drink it all! Get lost!" inis kong sabi.
Nginisihan nya lang ako at ginawa nga ang sinabi ko. Tumalikod sya saka naglakad na.
Umiling-iling ako saka tinignan si Marya, "Damn that beast! Dito ka muna, Marya." sabi ko na ikinatango nya lang.
Dumiretso ako sa dinaanan kanina ni JKL. Marami na akong nababanggang nagsasayawan pero wala akong pakialam. I want to talk to him! Fvck! Where's he?!
Nagpatuloy ako sa paglalakad-takbo sabay linga-linga sa paligid upang hanapin sya pero ni-anino nya ay hindi ko man lang nakita. Naglakad pa ako papunta sa pinakadulong parte ng dancefloor at tumigil muna nang makita na ang likuran nya.
Lalapit na sana ako nang makita ang babaeng nakaupo sa high chair sa harapan ng drink maker.
Nakita ng dalawang mata ko ang paghablot nya sa inumin ng babae at nang mapatingin sa akin iyon ay kaagad na namuo ang mga luha sa mga mata ko.
It's Hariah! Fvck! Where is Aiden?! Bakit nya pinapabayaan ang babaeng gusto nya na makasama ang lalaking gusto ko?!
Kahit na nanlalabo ang mga mata ay kinuha ko ang cellphone ko sa purse saka tinawagan si Aiden.
Medyo matagal-tagal bago nya iyon sinagot kaya hindi ko napigilan ang murahin sya nang sinagot na nya.
"Fvck you, Aiden! Bakit ang tagal mong sagutin? Where are you?!" inis kong sabi.
Narinig ko ang pagsara ng pinto sa kabilang linya bago sya sumagot.
"I'm busy, Lancy. May ginagawa akong project. What do you want?" frustrated nyang tanong.
Umirap ako, "Get your girl out of your damn bar! Nilalandi nya si Jared!" kaagad kong sambit.
"W-What? Nandiyan si Hariah sa bar ko? Oh no, Lancy. Don't lie. My girl isn't the type to spend the night in the bar." aniya.
Napairap ulit ako, "Aiden, please! I'm really not lying! Naglalasing sya! Hindi ako pwedeng magkamali, the drunk girl is your girl! Hariah, right? So, come on! Pick her up, now!" inis kong sabi.
Narinig ko ang paghalakhak nya sa kabilang linya bago sumagot, "I don't believe you, Cordova. Now, I'm hanging up. I don't have time for your nonsense. Happy birthday..."
Sasagot pa sana ako nang pinatay na nya ang tawag.
Halos mapamura na naman ulit ako dahil sa inis at galit.
It's my birthday! I should be damn happy! Yes! I should be!
Bumalik ako sa sofa namin saka dire-diretsong ininom ang mga baso ng alak sa table namin. Hindi ko na mabilang ang nainom ko dahil nakakaramdam na rin ako ng hilo.
Inubos ko iyong mga alak bago tinignan si Marya na nakapikit na ngayon at nakahilig sa sofa.
"Marya! Get up! Let's dance!" aya ko sa kanya.
Tumango sya saka tumayo din kaagad. Siya na ang nag-akay sa akin papunta sa dancefloor kasi talagang nahihilo na ako. Whatever! I just want to dance now!
"Wooooh!" kaagad kong sigaw saka tumalon-talon nang makarating kami sa dancefloor.
Nang makita si Gian ay hinigit ko ang kamay nya saka inilagay ko ang kamay ko sa leeg nya saka sumayaw-sayaw.
"Let's dance, Gian!" nakangiti kong ani kahit na hindi ko na masyadong naaaninag ang ekspresyon nya basta ay alam kong si Gian sya ay okay na 'yun.
Medyo matagal bago nya ako hinawakan sa baywang at sumayaw na rin kasabay ko.
Napatingin ako sa mga mata ni Gian kahit na umiikot ang paningin ko.
"Alam mo, Gian... ang sarap palang malasing, 'no? Kahit na umiikot ang paningin ko ay tuwang-tuwa parin ako. Tuwang-tuwa ako na to the point na gusto ko nang umiyak dahil sa sakit. Nakakainis palang magkagusto sa taong hindi ka gusto, Gian. Naranasan mo na ba 'yun? Anong feeling?"
Medyo lumapit sya sa akin saka nagsalita.
"Yes, Lancy. Naranasan ko na 'yun. And the feeling was mutual as what you are feeling right now." sagot nya.
Tumango-tango ako, "On point, Gian. Pare-pareho lang naman siguro ang mararamdaman natin kapag nagkagusto tayo sa mga taong wala namang pakialam sa'tin." hindi ko mapigilan ang pait.
If I can just control my heart for loving someone. I would choose the man that I know will love me for sure. Hindi 'yong ganito. Hindi 'yong ganito na ako lang ang nasasaktan, naiinis at... nagagalit kapag may kasama siyang iba, may pinag-aabalahang iba, at may inaalagaang iba bukod sa'yo.
Ayoko na... magmo-move one na ako.
Ngumiti ako saka tumango-tango. Mas lumapit pa ako kay Gian saka sumayaw ulit.
Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luhang lumabas. Fvck! Nagda-drama na naman ako! Hanggang salita lang naman ako kasi kapag nandiyan na sya sa harap ko ay nalulusaw kaagad ang lahat ng hinanakit ko. Masyado talaga akong marupok sa halimaw na 'yon.
Ilang minuto kaming ganun ni Gian nang maramdaman kong umikot na naman ang paningin ko.
Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Nanghina ang mga tuhod ko nang biglang may bumuhat sa akin.
Pilit kong binubuksan ang mga mata ko para makita kung sino ang bumuhat sa akin pero hindi ko magawa hanggang sa naramdaman ko ang paglapag sa akin sa isang upuan.
Alam ko, nasa kotse ako. Nino?
Narinig ko ang pagsara ng pinto sa driver's seat kaya kinurot ko ang sariling kamay para lang maimulat ko ang mga mata ko.
"Ouch!" daing ko nang maramdaman ang sakit dulot ng pagkurot ko.
Nagpapasalamat ako at naimulat ko na ang mga mata. Kaya tinignan ko kaagad ang taong nakaupo sa driver's seat na sana hindi ko nalang ginawa dahil halos maduling na ako nang makita ko ang malapit na mukha ni Jared sa akin.
Umatras ako saka sumandal sa upuan ko. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil doon. Halos lahat na yata ng sistema ko ay gumulo at naghuramentado nang isinuot nya ang seatbelt sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata nang maamoy ang mabango nyang leeg. Parang hinihigop nya ang lahat ng enerhiya ko sa katawan.
Ipinilig ko ang ulo bago kumapit sa leeg nya. Tinitigan ko ang labi nya saka napalunok. Damn his reddish and thin lips!
Napanguso ako bago tumingin sa mga mata nya. Nadatnan ko syang nag-iiwas ng tingin sa akin kaya hinawakan ko ang chin nya at pinaharap sya sa akin.
Nakita kong napalunok sya bago tumingin sa mga mata ko.
"Kiss me..." utos ko.
I don't know where that came from. It came out from nowhere. I don't know where did that came from. Really! Is it because of alcohol or because I just wanted to kiss him? Damn! Nababaliw na talaga yata ako!
Tinagilid nya ang ulo nya bago hinawakan ang mga kamay ko na nasa batok nya saka iyon tinanggal.
"This is why I don't want you to drink." bumulong-bulong sya na parang bubuyog bago umayos sa pag-upo nya sa driver's seat at pinaharurot na ang kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top