Isa: Demandahan
Paano kung wala kanang isisigaw sa mundo, na sabihin mong ayaw mo na gusto mo nang mamatay? Pwede ba yun? Paano kung wala ka nang ibabato sa ere pero merong kapang gusto sabihin? Pero wala na ung tao gusto mong sabihan?
"Hoy Enrique! You're so overdramatic! Ano ba peg mo? Porke walang gerlfriend sa Valentine's."
"Tita naman eh! Bully-hin pa naman ako na walang magkakagusto sa kin." Tumawa ung Tita Nelda ko, nakabestida bigay ko nu'ng birthday niya.
"Basta tandaan mo Enrique, mahal na mahal kita kahit dyosa ang kagandahan ko at Minion lang ang kaloka-Like mo."
"Hmmph! Ewan ko sa inyo!"
Lumakad ako paalis papunta sa baba namin kung saan nakapwesto ung pinundar ng mga parents ko abroad, ang 'Eat To Go-To'. Ito lang naman ang gotohan that offers goto of varied flavours kagaya ng 'summer fruits goto' pati 'ice cream ice goto': kakaiba diba?! Hay nako, naka-pjs pa ako at malapit na mag sais-medya. In 30 minutes kailangan ko buksan ang gotohan para makaalis na ako papuntang eskuelahan! Tuwing umaga parati kong tina-time ang sarili ko para bumilis at bumilis ako paaraw-araw. Kung sport lang ang pagliligo sana Olympic gold medalist na ako, sa loob ng dalawang minuto tapos ang shower ko at sabi ni Prof, "It's good that you only use little water to save water specially in our country." Si Prof feeling lang talaga inglesero pero kaya n'ya lang for one sentence only eh!
Ni-on ko na ung shower namin at sobrang lamig ng tubig! Parang Antartica lang! Alam n'yo hindi daw maganda mag shower ng buhok pag araw-araw kasi tutuyo daw ito kaya ngayon merong akong shower cap para hindi mabasa ung buhok ko. Naku, kailangan ko pa mag-workout!
"Tita aalis na po ako! Padating na sina Kuya, si kuya walang malay!"
"Vilma? Arte mo Enrique! Umalis kana baka ma-late ka!" Pala-drama talaga ako, kasi nu'ng lumaki ako palagi kong kasama si Tita Nelda manood ng mga teleserye niya. Nanay ko nasa London at ung tatay ko nasa Kuwait, pero hindi pa sila umuwi since I was seven.
It's been 10 years Pa, sana hindi kita nakilalang kong ama.
Pero past is past, kung sarado na ung tindahan bakit mo pa ipagpipilit ang sarili mo sa loob? Araw araw kong iniisip kung nasaan na ang tatay ko pero walang saysay naman yun eh.
Suot ko ung azul na sombrero paborito ni bestie sakin, cute daw ako sa sombrerong yun. Kala mo nagpapaporma ako sa bestfriend ko no? Ano to, Must be Love? HINDI! Rejected nga ako noon nu'ng grade eight eh, one year ako nagluksa pero now we're in good terms. Since Nursery hangan nyagong fourth year college mag-bestfriend kami. Our bond is strong sabi nila, eh pero naging bestfriend lang kami ulit no'ng bully-hin ako ng mga ibang lalaki sa class namin. Palaging nila akong sinisigawan ng bakla, gay and so on. I've learned that it's pointless to retaliate as it's not worth it, sino ba sila kung ako ay bakla o hindi? Only God could define who I am. Lumakad ako nyagon papunta sa eskuelahan kasi maaga pa, umagahan ko kanina ung 'summer oats goto' na niluto ko, wala pa si Kuya Bert na usually nagluluto ng goto sa 'Eat To Go-To'. Pwedeng mong sabihin na mayaman kami kasi merong kaming gotohan pero hindi kaming mayaman enough para dumarito ang mga magulang ko.
Uniporme namin ay itim na pantalon at special polo at tie na nagkakahalagang 2,599 pesos. Alam mo naman ang private school mahal pero maganda, ung ang tawag na 'price of beauty'. Kumaliwa ako pagkatapos akong bumili ng tubig kina Mang Emil sa sari-sari store nila. Ung Tita ko pati si mang Emil ay noong magjowa eh pero may asawa pala si mang Emil, si Aling Teresita na nagtitinda ng goto sa kabilang kalye, break rin sila, awkard diba? Nung kumaliwa ako na bangga ko si Bel, ung sinasabing kong bestie.
"Uy bes, nandiyan ka pala! Sorry nauntog ka yata sakin." Hindi ko napigilan na tumingin sa kaniyang labi, siya lang as well as ung magulang ko at si Tita Nelda ang may alam kung ano ba talaga ako.
"Ok lang ung bes. Kamusta na pala ung presentasyon mo tungkol kay Miriam Defensor?" Law major ako.
"Isang slide nalang ung kailangan kong gawin, tungkol sa book n'yang 'Stupid is forever'. Wala kasi akong time kahapon para tapusin ung final chapter eh." si Honourable Senator Miriam Defensor ang idolo ko kasi siya ang talaga ang kumikilos sa ating lipunan, ung iba diyan 'Pork Barrel' lang pag may time. Inakbayan ako ni Bel at tumawid kami para pumunta sa campus. Nine ang simula ng klase namin at eight palang, so tambay muna kami ni Bel sa hardin ng campus. Oo meron kaming hardin! Kasi nu'ng last semester ung student council gusto magtayo ng something para makilala ung College namin, kunwari ung Forthone College sa Marikina meron mini-zoo sa campus kasi sa rami ng Vetereninaty students nila at doon sa Pilar Lyceum meron sila Hacienda Pilar sa likod ng campus para sa mga Agriculture students. Dito naman sa Cruz College meron kaming multipurpose garden that includes: public sitting spaces, a greenhouse, a sanctuary for pets, a flower garden, a fountain, a man-made lake, solar panels and even two giant wind turbines. Ang grande no? Lahat ito idea namin mga law students, pero meron ung iba na mga tamad at hindi nag-participate sa mga extra-curricular clubs. Kami mga law students, kailangan kami mg join ng mga clubs for extra credit sa amin final coursework: ang presentasyon.
Itong presentasyon na ito ay ginawa ng aming the one and only, Professor Jeremiah Cruz, anak ng tatay ng kapatid ng nobyo ng pamankin ng cousin ng lolo ng great granddaughter ni Hernandez Cruz, ang founder ng Cruz College or so he claims. Lahat kami binigyan ng isang celebrity o politician, local or international at kailangan kaming magpresent ng kaso para ikulong sila panghabambuhay pero obviously impossible so kung sino ang may pinamagaling, pinaka-clever at may pinakahabang bigay na sintensya ay ang magiging Valedictorian ng batch of 2018. Huling araw ng first sem, nag raffle kami kung sino ang makukuha namin. Kumuha kami one by one at kailangan naming sabihin sa buong klase kung sino ang nakuha namin one by one, by chance talaga ito. Ung apparently crush ko si Irvin, second top of the class ay nakuha si President Macapagal Arroyo. Napaka hirap noon diba? Pero ako, sa lahat ng tao ako ay tinawag na huli.
"And last but not the least, contestant number- I mean, Mr Enrique Raños, please draw your case-study." Nag tawanan ang lahat, isa pang bulong sa hangin ay ako daw natatalo nung nag-enter daw ako nung Miss Gay 2015. Nakitawa nalang ako sa kanila at nag beauty Queen wave habang akong tumayo at lumalapit sa bowl na laman nalang ay isang papel. Kailangan mo sila i-entertain para hindi ka nila bully-hin na harapan, masmaganda na ganito kisa suntukan. Nag pose ako kagaya ni MJ Lastimosa, hands on hips with 45 degrees angle to the right, chin up and chest expand. Ngiti.
"What would be the question sir?" Tawa sila.
"Define beauty." Sumakay rin si Prof.
"Beauty comes from the act of goodwill and not from the plastic acts of the rich with their Made in China contaminated lipstick that uses animal testings on endangered species such as red pandas. Kaya mga babae at mga lalake diyan na nagamit ng pampaganda, remember natural beauty wins it all. That will be all thank you." Palakpakan naman silang lahat, parang naging inside joke ito saamin. Nakakalungkot ano? Ano naman ang magagawa ko eh hindi ko naman mababago ang mundo, masyadong akong maliit na tao para harapin ang buong mundo. However I believe with God all things are possible, baka hindi palang oras. Sige na sabi ko sa sarili ko, bunutin mo na kung sino ang makakalaban mo sa korte. And the winner is,
"Senator Miriam Defensor-Santiago."
Tumahimik ang buong klase. Lumaki ang mga mata nila parang hindi makahinga. Walang kumirap. Walang huminga. Walang ngumanga. Si Irvin tumayo at nag army salute sa akin. Lahat tumingin sa kanya at tumayo rin, isa isang pumalak sakin sa hanga. Pati si Prof ngumiti at pumalakpak sa akin. Ito ang unang pagkakataon na ako ay na recognize kung sino talaga ako. Kung last sem si Irvin ay naging second, ako ang naging suma cum laude of the sem, suma cum laude for the past three consecutive years.
Alam ko sa momento na yun, habang ung araw pumatak sa mukha ko mula sa bintana ng klase namin na ako, si Enrique James Ferdinand Vinoy Raños ay kailangan ipakulong si Defensor!
So anyway, nasa hardin ni Cruz kami nina Bel at iba pang mga ka-klase n'ya. Si Bel ay major in culinary arts pati minor sa photography. Siya ang nag inspire sakin na i-suggest kay Tita Nelda na gumawa ng multi-flavoured gotohan. Sabi ni Bel, "Food is love, Food is art." Nasa huling dalawang pages na ako ng 'Stupid is forever' nu'ng si Tintin at ang crew n'ya sumupot sa harapan ko. Parang siyang kendi, balot ng plastik at made out of artificial flavourings.
"Alam nyo girls, itong jardin ni Cruz parang gubat."
"Ay sino nag order ng McDo? Nandito na ung on-foot delivery nila." As usual naunahan ko nanaman si Tintin sa kaniyang laro, ever since nagsimula ako sa Cruz College. Kala mo anak mayaman pero business lang nila ay supplyer ng tubig, isa siya sa mga 'feelers', feeling mayaman o kaya 'filler', filler ng space. "Hindi mo ba narinig sa TV Tintin? Against the law na magsuot ng Gucci gawa sa China?"
"For your information kikay, hindi to galing China!" Pinamukha n'ya ung 'Gucci'-claimed bag sa mukha ko. Pakialam ko sa fashion.
"Galing India? Alam mo Tintin sweatshop product yan eh, hindi pa rin maganda bumili ng cheap labour." Bago ang sapatos n'ya ngayon, bili n'ya sa palengke kasi suki siya doon, pero siguro sabi n'ya sa mga followers n'ya bili n'ya sa MOA. Si Tintin ang laki laki ng buhok puno ng lihim at mga kasinungalingan. "Tin, ang mukha ko ay hindi Public Gallery, private museum ito so alis kana please. Nakakaloka ung sight ng... kung ano kaman."
"Kung makapanglait wagas?"
"Huwag mo akong pasimulan Cristina Reyes. Halos bully of the year ka for three consecutive years. Handa ko na ang kaso mo sa Corte, isang sabi ko lang demandahan na tayo." At alam n'ya kaya ko yon gawin. Last year si Karin Peñalosa na expell ko under the grounds of the Republic Act 10627 also known as the Anti-Bullying Law 2013: Karin Peñalosa v.s. the people of Cruz College.
Maganda ung araw ngayon. Katatapos ko lang nang huling slide sa presentasyon ko sa kaso ni Senator Miriam. Pito ang building ng campus namin: Cruz Arts, Cruz Justice, Cruz Life, Cruz Culture, Cruz Theta, Cruz Linguistica at Cruz. Ang home building ko ay Cruz Justice kasama ng mga Criminology students: kaming mga matatalino. Cruz Arts nandiyan ang mga nag major sa Fine Arts, Liberal Arts, Music, Graphic designs at gano'n: silang mga creative. Cruz Life nandiyan ang mga major in BioMedical Sciences, Nursing at iba pa: ang mga maunawa. Cruz Culture nandiyan ang mga major in History, Geography, Philippine Teleyserye/Culture at iba pa: ang mga masisikap. Cruz Theta ay merong estudyante majoring in: Chemistry, Physics, Engineering, Maths at IT; mga magagaling sila. Cruz Linguistica nandiyan ang mga major in French, English at iba pa: ang mga matitibay. Ang Cruz Building ay ung main building naming lahat. Merong tong main library, canteen, gym, main hall, Dean's pati Head of Department's main office. Itong anim na buildings ay pa-hexagon at sa gitna nito ay ung puno nilagay ni Hernandez Cruz. Napakalaki nito at nabunga siya ng mangga tuwing... hindi ko alam basta kapag nag annual mango harvest. Next week na pala yun! Tuwing mangga harvest meron kaming patinghalak na laro. Isang myembro from each building ay magiging representatibo ng building nila. Itong limang students ay kailangan mamitas ng mangga, kung sino may pinaka rami ay siyang panalo at meron sa taas ng puno ay ung golden mangga, ang pinakatamis na mangga daw sa lahat ng bunga. Itong golden mangga ay worth 50 points kaya dapat kunin ito. Itong taon nato, ako ay na nominate na pumitas ng mga mangga kasi ako daw ang pinaka fit daw. Eh kasi captain ako ng boys and mixed volleyball team! Sa huling tatlong taon ang Cruz Life ang nagwagi kasi mga major in Sports Science naandon naka base so mga athletic na ang doon. Last year si Ñino, Criminology major ang naging participant ng Cruz Justice, nakapitas lang siya ng trenta na mangga kaya talo kami. Ang mga prizes ay ung mga students panalo sa mangga harvest ay merong libreng lunch sa canteen for two semesters at sila ang pipili ng special event of the year. Pili ng Cruz Life last year ang mag awards night, maraming celebrities sumama kagaya ni Vice Ganda at Kathniel, Cruzanian kasi si Kathryn eh.
Pero next week pa ang mangga harvest, ngayon ang second draft presentasyon ng amin cases. Limang tao every lesson ang tatayo sa harapan at i-pre presenta ang cases nila para preparation sa tunay na exam. Pumipili si Prof randomly kung sino ang magpresent sa bawat lesson. Umupo ako sa kalagitnaan ng lecture room para blended in ako at hindi ako piliin ni Prof. Napakainit na agad kahit nine palang, ang mga babae nilabas na nila ung mga pamaypay nila habang mga lalaki nag unbutton ng mga polo eh ako wala lang. Showing off lang naman ang mga lalaki dito para makascore ng chiks. Lumakad si Prof papunta sa higanteng blackboard at sinulat ' 107, 314, 066, 700 at 001'. Ito ang mga case numbers ng iba sa amin, case number 170 ako.
"In this order class. May the odds be ever in your favour." Obsess sa Hunger Games eh. Mula sa kasulukan ng lecture room mabagal na bumaba si Ben, Case number 107 Billy Crawford v.s. The people of The Republic of the Philippines. Mahirap rin ang kaso ni Ben pero kung alam mo ung gusto mong hanapin, madali lang yan. Naniningig si Ben sa takot, ginagalaw n'ya ung glasses n'ya habang bumababa at halos mahulog ung mga dala n'yang papel para sa presentasyon. Lights. Camera. Action!
"Pero paano naman ung missing evidence sa isang murder case s'yang prime suspect?" Tanong ni Kristel kay Lani, case number 001: Harry Styles v.s. the people of the Republic of the Philippines.
"Attorney Sanchez, si Mr Styles ay walang koneksyon tungkol sa Horan murder case trial. Si Mr Horan ay accused of murder kay Miss Delevigne pero walang evidence na kakontyaba sila sa murder based sa witness stand at na established na ng Corteng Suprema na hindi konnekted si Mr Styles kay Mr Horan nu'ng sa panoon nayon. So I believed na hindi kailangan i-dagdag ito sa aking case." Nilipat ni Lani ung slide para ipakita ung summary ng Horan murder case. Projected ung laptop ni Prof sa higanteng blackboard.
Corte at hindi Korte ang sinabi ni Lani kasi parang meron kaming sariling Korte sa Cruz College, parang sa totoong Korte at ang mga Professors ng Cruz Justice ay ang mga myembro ng Corte Suprema. Die-hard 1D fan si Lani kaya napaka hirap ito sa kanya pero walang problema kapag research kasi palagi siyang nanonood ng mga interviews ni Harry Styles sa YouTube, nahuli ko siyang nanonood sa library, eh never siya nasa library kaya hindi ako naniwala na siya pala yon. Pumalakpak kaming lahat sa huling contender of the day habang bumalik si Lani sa tabi ni Kristel kasama ang napaka bigat na red Stiletto niya.
"Magaling ang mga presentasyon n'yo ngayon lesson. Kahit pati counter-argumento meron. Pero kahit iisa sa inyo hindi parin makuha ang perpektong strategy! No one has been able to present the perfect case yet!" He slammed his clenched fists onto the lectern.
"Class dismiss."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top