Dalawa: Pagod
Challenge accepted Prof. Yon lang ang klase namin ni Prof sa ngayon araw. Mamayang alas dos meron naman akong klase sa 'UN Human Right Charter' kay Dra. Peñalosa. Oo, s'ya ang nanay ni Karin na na-expelled ko. Napakasungit n'ya sakin at kaya palaging mababa ang grado ko sa kanya. Parang evil step-mum lang peg n'ya.
Eleven pa lang at nasa second class pa si Bel, mamayang tanghali pa siya matatapos. Sa isang oras na 'to, lumakad ako mula sa Cruz Justice papuntang Cruz kasi naandon ang gym. Porke stressed hindi ibig sabihin hindi na pwede maging Luis Manzano no! Locker 234 ako sa ground floor ng Cruz Justice, katabi ng CR pati ng canteen so maganda diba? Sa loob ng locker ko ay ung gym bag ko so nilagay ko ung school bag ko sa locker nu'ng tinanggal ko ung gym bag. Ang locker ko kasi malaki enough para sa dalawang bag. Habang palapit ako ng palapit sa gym, nakasabay ko rin ang ilan pupunta don, kasama na si feeling Irvin. Ang totoo kasi mas marami ang abs ko kesa sa kanya, selos nga s'ya sakin eh. Nu'ng Monday last sem, nakita ko s'yang tumitingin sa akin habang nagpapalit ako ng damit. Parang nakatitig s'ya sa isang pagkain. I am pogay?
"Hi Eric! Pwede join kami ng kaibigan ko sayo? Si Kenji pala s'ya." Inintroduce n'ya ako sa bagong recruit n'ya sakin. Itong si Kristel paniwalang paniwala na bakla ako kaya nirereto n'ya ako sa mga lalaki napatol sa bakla. Sinabi ko kay Kristel noon pa na hindi ako bakla pero hindi s'ya naconvinced kasi I never dated anyone since birth. Pero kagaya ng mga bullies, I've learned just to go with it to cause less commotion. Hindi ko pa nakita si Kenji noon, baka mula sa Cruz Linguistica. Mga major sa Cruz Linguistica ay merong pinapakaraming work kaya hindi sila gano nag-sosocialise.
"Ah hello Kenji." Nagshake hands kami at sinabi nya,
"Hello pre, rinig ko single ka pa. Never been kissed, never been tou-" hinugot ko si Kristel sa gilid ng gym entrance habang nakangiti si Kenji samin.
"Te hindi po ako one night stand! Baka s'ya nga ang bakla hindi ako." Parang sumama ang pakiramdam ko nung sinabi ko yon.
"Frend, sige na i-jowa mo na yan! Cute at hunk kaya yan, bagay kayo!" Tumalon siya sa fantasy na kami ay magiging couple.
"Te sayo nalang. I will never be interested." At doon, ngumiti ako sa kanila at umuna na ako sa loob ng gym.
Pagkatapos kong suutin ang blue shorts and navy tank top at ung sombrero ko, dumarecho ako sa treadmill. Every Wednesday tumatakbo ako ng walong milya para pawisan ako. Kasi nasa ground floor ung gym, meron itong access papunta sa swimming pool kaya dumarecho ako doon. May malaking puno na kinokoberan ang buong pool. Sa line 3 fast lane hinubad ko ang tank top ko, tinapon ko sa gilid at tumalon ako. Napaka lamig ng tubig pero masarap sa pakiramdam kasi ang lakas ng araw. Pang anim na lap ko na, kaya bumalik at umahon na ako. Nu'ng pag-ahon ko andaming tao nakatayo lang, nakatingin sa akin yata, yung parang slo-mo lang. Tumalikod ako at nakita ko si Kenji, ang bilis n'ya! Kala ko ako ung hinangaan nila pero as usual walang pumansin sa akin sa pool o sa school. Akala mo, rejected ako sa swim team kasi si pahamak na Kristel nagpromise kay Jake, captain ng Swim team isang date sa akin. Of course hindi ako pumayag kasi hindi naman ako bakla, 'di ba?
Hay nakakapagod, pero itong problema maspapagod sakin: palabok o afritada? Parehong paborito ko pero hindi ko alam kung anong pipiliin ko.
"Hoy bakla! May mga tao gustong kumain! Bilisan mo na!" Si ate na hindi ko kakilala,
"Feeling MMDA lang te? Preno ka kaya muna!" Ang mga tao ngayon talagang hindi nirerespeto ang desisyon sa pagkain, ito kaya ang pwede ikataba ko kaya palaging ako choosy. Napakaganda ng palabok, ung sauce sa gitna at ung napakadelicate na chopped spring onions nakaupo sa ibabaw ng lahat tapos naguusok pa. Pero itong afritada naman, it makes me speechless. Si ate kumangkada nanaman,
"Napakatagal mo bakla! Eto sayo!" Hinatagan n'ya ako ng goto na may tuwalya ng baka.
"Ha? Eh wag naman po! Sige ung palabok nalang po please!"
"Alis!" Hands on hips na si ate, galit.
"Sige na po plea-"
"ALIS!" Eh di wow.
"Enrique Gill, tapos naba ung episode mo nang Forever more?"
"Oo. But now you can watch the latest episode on iWatch TV via ABS-CBN mobile sim for only nine pesos so kaya bili na kasi sa ABS-CBN mobile, walang ending!"
"Ano ka ba! Tama na nga!"
"Tama na nga! Alam mo na hindi itong tama at ayaw mo na to. Itigil na natin 'to Eric, hindi mo na kaya." Yoon ang mga huling words na iniwan sakin ni Beatrice. Bago pa kaming nag-date, or used to, mag bestfriend kami ni Beatrice. Noon kasi wala akong girlfriend, bibihirang nag-kakagusto sa'kin pero parang wala lang naman yon. Si Beatrice nu'ng bestfriend kami, parang maynakita ako sa kanya for like two weeks only kasi lahat ng mga kaibigan kong babae parang nagugustohan ko sa simula pero I always conclude whether or not it's best to be their friend or their boyfriend at palaging bestfriend ang sagot ko, kahit kay Beatrice. Isang araw yung mga asungots sina Tintin at Kenneth sinabi na si Beatrice parang may gusto sa akin, for the first time meron na nagkagusto sa akin na nagustohan ko rin. Hindi ko alam kung ano dapat ung totoo noon pero sa gitna ng stress ng mga exam s'ya ang naging comfort ko, pero hindi n'ya akong sinagot.
She doesn't do romance, and I regretted it so much.
"Pagod ka na, bakla."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top