Talunin Mo Ako! (One Shot)

REVISED VERSION

Copyright © 2020
girlinparis
All rights reserved.

———

Tumingin ako sa katapat na kantong sinasabi niya. Seryoso siya? Eh paano kung masagasaan kami? Tiningnan ko siya ng masama at ngiti lang ang natanggap ko sa kanya.

"Nababaliw ka na ba?"

"Bakit naman? Magtiwala ka masaya yan!"

"Kita mong andaming nadaang sasakyan oh. Baka paggising natin nakahiga na tayo sa ospital."

"Bahala ka. Ikaw din. Matatalo ka na naman. Wala kang vanilla ice cream."

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung dahil sa bata pa lamang kami no'n kaya ako pumayag sa sinabi niya o dahil gustong-gusto ko lang talaga siyang matalo.

At ang nangyari? Sabay kaming tumakbo papunta sa kabilang kanto at sa halip na kami ang umiwas sa mga kotse, kami ang iniwasan ng mga kotse.

Para ngang magic eh, hindi kami nasaktan. Ayan tuloy, sila ang nagkagulo.

"Ang daya daya mo naman! Ang laki-laki kasi ng binti mo eh!" sabi ko. Nakatungkod pa ang kamay ko sa tuhod ko para habulin ang hininga ko.

Nagbaba naman siya ng tingin sa akin habang nakapamewang. "Talo ka lang eh!"

Sinugod ko siya pagkasabi noon.

"Nandadaya ka na eh! Lagi ka na lang panalo! Magpatalo ka naman!"

"Sinabihan mo ako ng mandadaya tapos ngayon magpatalo naman ako? Ano ka, chicks?"

"Eh kasi... gusto ko nung ice cream eh. Libre mo ko. Nilibre naman kita eh," sabi ko sabay turo sa tindahan.

"Eh para saan pa at nag-unahan tayo dito? Ilibre mo sarili mo!" aniya sabay talikod sa akin.

At dahil nga sa sobrang kayabangan at kadamutan ng taong nasa harap ko, pumunta na lang ako sa counter at bumili ng sarili kong vanilla ice cream. Ano ba yan. Mauubusan pa tuloy ako ng pera.

Nagtataka siguro kayo kung anong ginagawa namin. Actually laro-laro lang namin yan ni Dale. 6 years old pa nga namin ata ginagawa yan at nag-eenjoy naman ako kahit papano kahit na lagi niya kong tinatalo.

Ang yabang nga niya eh! Lagi siyang kampante na mananalo siya sakin, eh 'di siya na nga ang magaling! Tss.

So yun nga, kapag nagtatalo kami sa isang bagay na pareho naming gusto, iisip siya o ako nang gagawin at kung sinong manalo mapapasakanya 'yung bagay na 'yon. Nakakasisi nga minsan kasi alam ko namang matatalo ako palagi pero ewan ko nga ba sa sarili ko kung bakit payag parin ako ng payag.

Gaya ngayon, "Talunin mo ko!"

"Ano na naman?!"

"Di ba sabi mo gusto mo ng strawberry? Talunin mo muna ako!"

Strawberry? Gusto ko nun! Gusto ko nun!

"Sige!" kampante kong sabi.

"Basta ba pag natalo ka, iki-kiss mo ako."

"Anong sabi mo?" Lumapit pa siya sa'kin at kumindat. "Sabi ko ikikiss mo ko!"

Naramdaman kong namula bahagya ang pisngi ko.

"Aray! Bakit mo ko binatukan?" Napahawak siya sa ulo niya.

Umiwas na lamang ako ng tingin para di niya mahalata ang pamumula ng pisngi ko.

"Grabe ha! Siniswerte ka!"

"Basta yun ang gusto ko!"

"Eh kung ayaw ko?"

"Eh di bumili ka ng strawberry mo! Ha! Ang dami pa naman sa bahay. Isang kwarto."

"Seryoso?!" "Oo nga!"

"Sige na nga!"

At ako si tanga. Pumayag naman. Pasalamat siya, mahal ko siya. Oops. Nadulas ako.

"Game. Paunahan tayo umakyat sa puno. Kung sinong mas mabilis, siya ang panalo."

Expert yata ako sa pag-akyat sa puno. Oy di ako tomboy ha, nahawa lang talaga ako dito kay Dale. Siya lang kasi lagi ang nakakasama ko, siya lang ang kaibigan ko at pati rin naman siya kaya sanay na kami sa isa't isa.

"Hoy George! Nakikinig ka ba?" narinig kong sabi niya pagkatapos niyang pitikin ang noo ko.

Hinawakan ko naman agad 'yon. "Wag mo nga akong tawaging George! Nagmumukha tuloy akong lalaki!"

"Bakit lalaki ka naman ah?"

"Trip mo talagang mang-asar eh 'no? Game na nga."

"Okay, George." Tingnan mo 'tong lalaking to!

###

"Anong nangyari? Nirecord mo na agad 'yan 'no? Bakit talo na naman ako? Mas nauna talaga ako sa'yo eh!"

"Magaling lang talaga ko," mayabang niyang sabi.

Hinigit ko sa kanya yung phone niya. "Hindi! Feeling ko talaga mas nauna ako sa'yo! Nandadaya ka na talaga eh!"

"Tanggapin mo na kasi," natatawa niyang sagot. "Oh asan na premyo ko?"

Namula na naman ako nung sabihin niya 'yon. Lalo na nung nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang pisngi.

"T-Teka."

"Ang ganda mo."

Nakatingin siya sakin habang nakangiti. At 'yan na naman ang mga puso kong gusto na atang lumabas. Hindi ako makagalaw at nakatingin lang din ako sa kanya. Sa kanya ko na nga ba talaga ibibigay ang first kiss ko?

Lumapit pa siya nang lumapit sakin hanggang sa napapikit na ako. Hinihintay ko lamang ang susunod niyang gagawin. Halos hindi na ako humihinga sa bawat paglapit niya sa akin. Matagal bago ko pa naramdaman ang labi niya sa... noo ko.

"May papikit-pikit ka pang nalalaman," sabay pitik niya sa noo ko.

"Aray ha!" Hinampas ko siya sa braso. "Ikaw ba naman ang lapitan ng gano'ng kalapit, sino bang hindi mapapapikit do'n?"

"Syempre! Paano kita mahahalikan kung nasa malayo ako? Tsk. Isip-isip din."

"Ahhh basta."

Tumalikod na ko sa kanya at naglakad palayo nang marinig ko siyang sumigaw.

"Alam kong mahalaga sa'yo ang first kiss mo! Ayan ha! Sa noo na lang yung dapat sa lips! Pasalamat ka..."

Humarap ako sa kanya nung hindi ko na masyadong marinig yung boses niya dahil sakto namang may dumaang jeep.

"Ano yung huli mong sinabi? Hindi ko narinig!"

"Wala! Bawal ulitin sa bingi! Ingat, George," nakangisi niyang sabi.

Tinaas ko ang kamao ko sa kanya tapos tumawa lang naman siya.

Tss. George na naman. Lumakad na ko pauwi samin ng may ngiti sa labi.

Hanggang kelan kaya kaming ganito? Hanggang kelan 'tong sistema naming 'to? Hanggang kelan ko makakayang maging kaibigan niya lang kung alam kong higit pa do'n ang gusto ko? Hanggang kelan ako magiging talo sa'yo, Dale?

"Lagi na lang akong talo. Talo na nga ako lagi sa'yo, pati ba naman sa pagmamahal talo pa rin ako? Ako ang unang nahulog... kaya alam kong natalo na naman ako."

Pero posible nga kayang magustuhan niya ako? Napabuntong hininga ako. Imposible. One sided love? Pagmamahal pa rin yun.

"Hoy George!"

"Yna nga!"

"Psh. Hindi bagay."

Napatingin ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa park. Nagpapalipas oras lang. Sunday ngayon at parehong wala ang mga magulang namin. Nakasanayan na din kasi namin ang pagpunta dito.

"Sabihin mo na."

"Ang alin?"

"Yang iniisip mo! Ang lalim eh." Ikaw.

"Wala 'no. Iniisip ko lang kung paano kita matatalo!!" pagsisinungaling ko sa kanya.

"Ikaw talaga! Wag mo ng pag-isipan yan dahil hindi mo 'yan magagawa 'no! Nagsasayang ka lang ng oras," kampante niyang sagot.

"Hay. Bakit ba ang hangin dito?"

"Sige na nga. Talunin mo ko!" aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Iniisip ko pa nga kung paano kita tatalunin eh!! Mamaya na!"

"Basta halika na..."

Hinila niya ako patayo at pinatingin sa unahan namin. "Ano ba yun?!" sabi ko. "Ano bang meron sa malaking puso na yan ha?! Hindi naman atin 'yan eh."

"Paunahan tayong makakuha niyan."

"Bakit sa iyo ba 'yan? Anong mapapala ko sa malaking puso na 'yan?"

Eh kasi naman no! Mag-uunahan kami do'n tapos hindi naman pala kanya yun. Paano na lang kung dumating ang may ari 'di ba?

"Basta. Oh ano game ka?"

Napacross arms ako. "Paano ako papayag kung basta lang ang sagot mo?"

"Just trust me, okay?"

Napatitig na lang ako sa kanya nung ngumiti siya. Iyan na naman ang pamatay niyang ngiti. Hay. Bakit ba ako nahuhulog diyan?

"Go!"

Nagsimula na kaming tumakbo. Medyo malayo din kasi ang pwesto namin do'n sa malaking puso na sinasabi niya. Nasa kalahati na kami nung maramdaman namin pareho na umuulan na. Bakit di ko napansin na ang dilim ng langit kanina? Shit! Mababasa ako!

"Hoy Dale! Umuulan na! Sumilong na tayo!"

Hindi pa rin kami tumitigil sa pagtakbo no'n.

"Ano ka ba, George. Basa na tayo! Wag ka nang tumigil. Masaya 'to!"

Hindi ko alam pero pumayag na din ako sa sinabi niya. Ang saya nga. Lalo na at siya ang kasama ko. Hindi ko inintindi ang lamig. Basta ang alam ko lang, masaya ako ngayon. Masaya kami ngayon.

Tiningnan ko siya muli at nakitang kaunti lamang ang agwat naming dalawa. Sinimangutan ko siya sabay tulak sa balikat dahilan para mas mauna ako papunta doon sa puso.

"Yehey!!!" Tumalon-talon pa ako sa sobrang saya, "First time kong manalo sa'yo!! Yes! Yes! Whoooo!" sigaw ko habang yakap-yakap yung pulang puso.

Napatigil na lang ako ng magsalita si Dale. Tiningnan niya ako nang seryoso.

"Hindi mo naman kailangan makipagtalo sa'kin para makuha 'yan eh."

"Ay kanino ba 'to? Hindi nga pala 'to satin. Sayang hindi ko makukuha."

"Hindi mo talaga ko magets 'no?"

"Ha?!" Sigaw ko dahil malakas parin yung ulan.

Tiningnan niya ako ng seryoso. "Sabi ko, hindi mo na kailangang makipagtalo sa pusong 'yan dahil matagal mo na namang nakuha sakin 'yan eh."

Hindi ako nagreact sa sinabi niya. Ano daw? Hindi ko ata nagets. Hinayaan ko na lang siyang magsalita.

"Lagi mong sinasabi na lagi kitang natatalo. Lagi mong sinasabi na gusto mo akong matalo pero hindi mo alam, matagal na akong natalo sa'yo, Yna. Dahil una pa lang kitang makita nung mga bata tayo nagustuhan na kita."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Ako na ata ang pinakamasayang tao sa mundo nung sabihin niya ang mga katagang, "Mahal kita, Georgina. Tatanggapin mo ba ang puso na 'yan?"

Ngumiti siya sakin tapos ngumiti din ako sa kanya at sinabing, "Talunin mo muna ako!" Sabay takbo papunta sa inuupuan namin kanina.

"Tatalunin kita, George!!"

"You wish, Dale!" sabi ko nung lingunin ko siya.

Nag-unahan kami papunta sa inuupuan namin kanina hanggang sa...

"Yes! Whooooo! Nanalo ako, George!! Nanalo ako! Ibig sabihin ba niyan, tayo na?"

Kitang-kita ko ang saya sa buong mukha niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat pero tinawanan ko lang siya.

"Yes!! Salamat, George! I love you!"

"Oy! Hindi ko pa kinoconfirm- AHH! DALE!!"

Binuhat niya ako at pinaikot-ikot sa ere habang yakap yakap ko pa din ang puso niyang matagal ko na daw palang nakuha sa kanya.

Ang saya saya ko!

Ngayon lang ata ako naging masaya kasi natalo ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top