Talk 65

05-17-19
12:10 a.m.

Uno:
Tin-Tin...
Kapag nabasa mo 'to mamaya, sana reply-an mo ko
O kahit sa text na lang
Kung tama nga talaga ang ibinigay na number ni Dominic sa akin
Alam kong marami kang gustong malaman
Kahit ako, ang dami kong gustong malaman... at sabihin
Kaya sana pakinggan mo ko

12:15 a.m.

Uno:
Kung binigay lang talaga nila Dominic ang address mo sa akin baka kanina pa kita pinuntahan
Pero hindi ko rin naman sila masisisi
Masyado ngang mabilis ang mga pangyayari at wala naman silang alam

12:20 a.m.

Uno:
Sa totoo lang, wala akong balak matulog hanggang sa magising ka na at mabasa ang mga messages ko
Pero ayoko namang maging bangag kapag makakapag-usap na tayo mamaya

12:24 a.m.

Uno:
Sige na, good night... Tin-Tin

Seen 06:22 a.m.

06:30 a.m.

Uno:
Did you block my number?
Bakit hindi na kita ma-contact?
Tin-Tin naman...

07:00 a.m.

Uno:
Totoo bang wala ka na sa apartment niyo? O pinagloloko lang ako nitong si Dominic?
Tin-Tin, kausapin mo ko. Marami tayong dapat pag-usapan. Marami akong gustong sabihin.
Tin-Tin...

07:20 a.m.

Uno:
Les ☹️

07:30 a.m.

Uno:
So you talked to Dominic
Pero ako, hindi
Les, tayo ang mas dapat magkausap

07:35 a.m.

Uno:
Just tell me where you are at pupuntahan kita
Please...
I'm begging you, Les

08:00 a.m.

Uno:
Ilang taon na ang sinayang ko, Les. Ilang taon akong nagsisi at naghintay. Sana naman kausapin mo ko

Seen 08:25 a.m.

08:30 a.m.

Uno:
Les, talk to me. Answer your phone, please. Kahit 'yon lang...

Seen 09:00 a.m.

09:05 a.m.

Les:
I don't want to hear your voice
Dito mo na lang sabihin ang mga gusto mong sabihin

Uno:
Huwag mo namang gawin sa akin 'to, Tin-Tin

Les:
And please, stop calling me in that name
Just stick with Les

Uno:
Tin-Tin, don't do this to me

Les:
Gusto mo ba talagang makapag-usap tayo o hindi?

Uno:
Gusto kong sabihin sayo sa personal
Ayoko dito
Gusto kita makita

Les:
You are asking for too much, Uno. Alam mo ba ang mga sinasabi mo?
Bakit parang ang dali-dali na lang sayo sabihin ang mga salitang 'yan?

Uno:
Les, sagutin mo na lang 'yong tawag ko. Kahit doon na lang. Gusto ko talagang marinig ang boses mo

Les:
You left me, Uno.
Biglang ka na lang nawala. Walang pasabi.
Hindi ka man lang nagpaalam ng maayos
Alam mo bang nagmukha na kong tanga sa kahihintay sayo noon?

Seen 09:18 a.m.

Uno is typing...

09:20 a.m.

Les:
Oh, I forgot na alam mo na pala ang bagay na 'yon
I told you the story, right?
Ewan ko ba kung anong trip ng tadhana na 'to at gan'to ang nangyari

Uno:
Les, I have reasons for that. At kung hahayaan mo lang akong magpaliwanag, I'll do that

Les:
Before, I was hoping na sana magkita ulit kami ni Ben-Ben. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam bakit puro galit na lang ang nararamdaman ko
And fuck those reasons, Uno! Apat na taon kang may chance na kausapin ako pero hindi mo ginawa.
Saka hello, hinahayaan na kitang magpaliwanag ngayon, diba?

Uno:
I want to talk to you personally. So please...

Les:
Hindi kita kayang harapin ngayon
Alam mo bang nabigla ako sa mga nangyayari?
Ni hindi nga kita gustong makausap eh
Pero nagmakaawa na sila Dominic at dahil ayoko naman silang madamay pa, pinagbigyan ko na

Uno:
Papunta na ko sa apartment mo

Seen 09:32 a.m.

09:40 a.m.

Les:
Kanina pa ko wala sa apartment

10:22 a.m.

Les:
Huwag mong guluhin si Roma!
Uno, please lang, wag ka nang mandamay pa ng ibang tao.

Uno:
Gusto lang naman kitang makausap, Les. Mahirap ba 'yon?

Les:
Hindi mo kasi naiintindihan, Uno. Hindi mo kasi naiintindihan 'yong nararamdaman ko ngayon.

Uno:
Sorry, Les. Sorry...

Seen 10:30 a.m.

10:35 a.m.

Uno:
Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng 'to, sana pala tumuloy na ako sa date natin kagabi.

Seen 10:40 a.m.

11:00 a.m.

Les:
Just give me a week to think, Uno.

Uno:
What do you mean?

Les:
After that week, I'll talk to you. Pag-uusapan natin ang mga dapat pag-usapan.
But for now, hayaan mo muna ako

Uno:
Seryoso ka ba diyan?

Les:
I've been serious in everything since then. Ikaw lang naman ang maloko eh

Uno:
Ouch
Sapul ah

Les:
Huwag mo na ring kulitin sila Alex, Dominic, at Roma. They didn't know kung nasaan ako
Pati ang pamilya ko, huwag na huwag mo rin silang pupuntahan
I know you, Ben-Ben. Alam kong iniisip mo na ang bagay na 'yan
Let's keep this mess between us
Ayokong mandamay pa ng ibang tao

Uno:
Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar talaga 'yong kwento mo
Akala ko coincidence lang ang lahat
Hindi pala

11:07 a.m.

Uno:
At ang cheesy man pakinggan pero mukhang itinadhana talaga tayong dalawa kasi tignan mo naman oh. Sa kakaibang paraan pa tayo nagtagpong muli.
Ang unexpected

11:09 a.m.

Uno:
I can't wait to see you again, Tin-Tin.

Seen 11:11 a.m.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top