Talk 61

05-13-19
08:12 p.m.

Les:
I hate my keyboard right now
Mali ang napindot ko
It should be this emoji: 🙄
At kauuwi ko lang kaya ngayon ko lang nakita at napansin

Seen 09:00 p.m.

09:01 p.m.

Uno:
Too late, Lein. Kinilig na ako. Wala nang bawian.

09:22 p.m

Uno:
By the way, how's your enrollment?
Kumusta mga 1st sem subjects mo?

09:40 p.m.

Uno:
Nagsusulat ka ba?
Should we talk later?

09:57 p.m.

Uno:
Kaya lang baka hindi ako makapag-online mamaya
O baka magkasalisihan tayo
Nagyayayang mag ML mga pinsan ko eh

Seen 10:00 p.m.

10:03 p.m.

Les:
Ayos lang naman 'yong enrollment. Nakuha ko 'yong gusto kong sched. Tapos ang interesting ng mga subjects ko tho alam kong sandamakmak na paper works na naman 'to pero ayos lang.
At hindi ako nagsusulat, kausap ko lang best friend ko. May kalokohan na namang naiisip.

Seen 10:10 p.m.

10:12 p.m.

Uno:
Hey
Les
Sabi ko na nga ba magkakasalisihan tayo eh

Les:
Yo

Uno:
'Yon!

Les:
Akala ko maglalaro ka ng ML?

Uno:
Magsisimula pa lang

Les:
Ah sige, maglaro ka na

Uno:
Busy ka ba?

Les:
Hindi naman. Bakit?

Uno:
Usap na lang tayo, tinamad na kong maglaro eh

Les:
Ay wow. Akala ko ba ML is life ka?

Uno:
Oo nga pero Les is lifer 😉

Seen 10:18 p.m.

10:20 p.m.

Les:
Alam mo mas mabuting maglaro ka na lang kaysa bwisitin ako

Uno:
Tayo na lang maglaro

Les:
Hindi ako marunong mag ML

Uno:
LOL HAHAHAHAHA

Les:
Bakit na naman?! Eh, hindi naman talaga ako naglalaro non

Uno:
Hindi naman kasi ML lalaruin natin 😂

Les:
Eh ano?

Uno:
FMK

Les:
What's FMK?

Uno:
Fuck. Marry. Kill.

Seen 10:26 p.m.

10:27 p.m.

Uno:
Pero kung conservative ka pwede namang KMK
Kiss. Marry. Kill.
HAHAHAHAHAHAHAHA

Les:
Nakakatawa 'yon?

Uno:
OO HAHAHAHAHAHA
Kaya nga ang dami kong tawa eh

Seen 10:30 p.m.

10:32 p.m.

Uno:
So gan'to mechanics, magbabanggit ng tatlong pangalan 'yong isang player tapos ile-label ng isang player 'yon using KMK. Example: Spongebob, Squidward, Patrick
Kiss Patrick. Marry Spongebob. Kill Squidward.

Les:
Luh! Pumayag na ba ko?
Saka anong klaseng example 'yan? You're just ruining my childhood. Dinamay mo pa talaga si Spongebob sa kalokohan mo

Uno:
Wala ka naman kasing choice hahaha
Saka example lang naman 'yan

Les:
May choice kaya ako. Anong akala mo sa akin, sunod-sunuran sayo?

Uno:
Sige, ganyan ka ah. Kapag ikaw nagyayayang maglaro, game ako lagi. Pero kapag ako...

Les:
HAHAHAHAHA ang drama mo na naman
Sige na, game na ko. Mamaya umiyak ka pa eh

Uno:
Lol
Ito una: Shawn Mendez, Charlie Puth, Paul Klein

Les:
Wow! Bigatin mga pagpipiliian ah

Uno:
Ayaw mo ba? Sige palitan natin
Mr. Krab, Plankton, Gary

Les:
May sinabi ba ako?!
Saka ano bang problema mo sa casts ng Spongebob Squarepants?!

Uno:
Hahahaha bilisan mo na lang kasi magsagot

Les:
K

Uno:
LMNOPQRSTUVWXYZ

Seen 10:44 p.m.

10:45 p.m.

Les:
Kiss Paul Klein. Marry Ed Sheeran. Kill Shawn Mendez.

Uno:
Woah. I expect that you want to kiss or marry Shawn

Les:
Nah. I prefer to kill him . . . by
my love
OMG KILIG AKO HAHAHAHA

Uno:
😒
So bakit si Ed ang marry?

Les:
Tinatanong pa ba 'yan?

Uno:
Bakit hindi ba dapat?

Les:
Syempre, given na kasi 'yong sagot!

Uno:
And what is the answer?

Les:
Duh 🙄 Ed is a guy that every girls in the world dreamed of. Sobrang romantic kaya ni Ed. Saka 'yong mga kanta niya, nakakakilig at tagos sa puso.

Uno:
Oh. So you're not into looks?

Les:
At bakit ang layo na ng pinag-uusapan natin?
Huwag ka ngang maraming tanong diyan. Ako na!
Nicki Minaj, Ariana Grande, Jessie J

Uno:
Bakit simpleng tanong lang hindi mo pa masagot?

Les:
Hahaha lol

Uno:
Anyway, kiss Nicki Minaj
Marry Ariana Grande
Kill Jessie J

Les:
Really? You'd rather kiss Nicki than Ari?

Uno:
Yep! Gusto kong malaman kung paano humalik ang isang rapper

Les:
Ang landi mo!

Uno:
Saka masyado ng wasak si Ariana para patayin ko pa. If you know what I mean

Les:
Nahiya naman daw si Taylor
And I'm not a Swiftie lol
Baka mamaya isipin mo basher ako

Uno:
LOL HAHAHAHAHA
Ang advance mo lagi mag-isip
Oh, ito naman: Tobey Maguire, Andrew Garfield, Tom Holland

Les:
OMG!
MY SPIDER-MAN ACTORS!!!
FANGIRLING MODE: ON

Uno:
HAHAHAHA LOL

Les:
Kiss and Marry Tom Holland 😭❤️
Kill Tobey and Andrew (sorry huhu)
I just really love Tom ❤️

Uno:
Si Tom o ako?

Les:
SI TOM DUH

Uno:
Ay grabe siya hahaha hindi man lang pinag-isipang mabuti

Les:
No need
Masyado kong mahal si Tom para pag-isipan ko pa

Uno:
Kanina ka pa nakakasakit ah 😔✊🏼

Seen 10:57 p.m.

10:57 p.m.

Uno:
Oh, nasaan ka na?

Seen 11:00 p.m.

11:01 p.m.

Les:
Nag-search ako lol
Cinderella, Ariel, Belle

Uno:
Seryoso ka diyan?

Les:
Bakit? 'Yan mga trip mo diba? 😂

Seen 11:04 p.m.

11:08 p.m.

Uno:
Kiss Belle. Marry Cinderella.
Kill Ariel.

Les:
Wow! 4 minutes pinag-isipan?! Iba ka Uno!
HAHAHAHAHAHA

Uno:
Ang saya mo ah

Les:
Pinapasaya mo ko eh

Les is typing...

Uno:
😲

Les:
I mean, ang sarap mo kasing asarin!
Walang hidden meaning 'yong sinabi ko!

Uno:
Wala naman akong sinasabi ah? 😄

Les:
Matutulog na ko!
Bwisit ka Uno! Alam ko kung anong iniisip mo!

Uno:
Hahahaha good night

Seen 11:14 p.m.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top