Talk 58
05-10-19
09:21 p.m.
Uno:
So how's your vacation?
Nakalimutan mo ng ikwento eh
Les:
Ay oo nga pala
Pero ikaw din naman ah
May ikukwento ka rin
Uno:
Kaya nga
But you go first
Les:
At bakit naman? Ikaw naman kaya mauna. Palaging ako
Uno:
Palagi talaga? 😂
Les:
Bakit hindi ba?
Uno:
You are overacting, Les
Les:
And I smell your judgment here
Uno:
I'm not judging you. I'm only stating the fact 🤷🏻♂️
Les:
No, you're not. By the tone of your voice, It's clear that you are judging me
Uno:
Weird
How did you know the tone of my voice?
Les:
*sending multiple roll eyes gifs
Uno:
HAHAHAHAHAHA
Okay stop with the talk and tell me about your vacation escapade
Les:
You sound bossy again
So demanding
Uno:
It's really weird
Naririnig mo talaga ang boses ko? How?
✓ Seen 09:27 p.m.
09:28 p.m.
Uno:
Magkwento ka na kasi HAHAHAHAHA
Promise I'll tell how's my vacation after you told me yours
Les:
K
Uno:
Biiiilis na hahaha
Les:
We went to Mt. Balingkilat in Zambales to hike and camp for 2 days
Uno:
2 days only? I thought you were gone for 3 days?
Les:
I'm not finish talking
Or typing
So shut up
Uno:
Oh hahahaha sorry
Go continue
Les:
Ayon nga, hindi pa kami nagsisimulang mag-hike pero ramdam ko na agad ang pagod. Ayon kay Alex, isa daw ang bundok na 'yon sa pinakamataas sa Zambales. And you know what? It took 3-4 hours daw before we reach the top!
Uno:
Ano bang ini-expect mo? 30 minutes?
Les:
OH SHUT UP
STOP THAT SIDE COMMENTING OR ELSE HINDI KO NA ITUTULOY KWENTO KO
Uno:
All caps 😱 Scaaaaaary. Sige na, magbabasa na lang ako ng tahimik hehe
Les:
Whatever 🙄
No'ng magsimula na nga kaming umakyat, wala pa atang 20 minutes . . . gusto ko na agad sumuko. Seryoso. As in pagod na agad ako! Tagktak na nga pawis ko no'n eh
✓ Seen 09:35 p.m.
09:36 p.m.
Les:
At yung mag-jowa? Ayon, panay ang asar at tawa sa akin. Palibhasa kasi sila nag-e-enjoy at hindi nila alintana ang pagod. Super PDA pa nakakaloka!
Uno:
Why so bitter? 😂
Les:
I'm not!!!
At sabing wala munang side comment diba?
Uno:
Oh sorry, boss! Continue
Les:
Wala na kong makukwento during our hiking kasi puro "pagod" talaga ang naramdaman ko. Kahit na ilang beses naman kaming nagpahinga. Kaya nga yung 3-4 hours dapat naging 5 hours. My fault actually. Mayamaya kasi akong humihinto para magpahinga eh hindi naman nila ako maiwan kaya no choice sila kundi hintayin ako 😅
Uno:
Nakaka-stress ka pala kasama sa hiking. Kung ako kasama mo, baka iniwan na kita.
Les:
Okay, noted 'yan. Hinding-hindi ako sasama sayo sa hiking 😏
Uno:
Joke lang hahaha
Les:
PERO ITO NA ANG HIGHLIGHT
Uno:
Ano? 😂
Les:
Sobrang worth it nung marating na namin ang tuktok! When we reached the summit, I saw the different coves of Zambales! And It was beyond beautiful 😍 Grabe ang feels. Habang busy sa pagte-take ng pictures yung dalawa, busy naman ako sa pag-appreciate ng kalikasan. Ang ganda kasi talaga. Sobra akong na-refresh.
Uno:
I googled that mountain and you're right. Sa picture pa lang, halatang maganda na yung mga tanawin.
Les:
Diba???
Pero hindi lang 'yan
Uno:
Meron pa?
Les:
OO
When the night came, halos malula ako sa mga butuin na nasisilayan ko. Hindi na nga ako tumulong sa pag-aayos ng tent kasi hindi ko talaga maalis ang mga mata ko sa kalangitan. Nakaka-in love, seryoso. Feeling ko pa abot-kamay ko ang iilang bituin. Ang ganda talaga.
Kaya nga sobrang worth it eh
Uno:
Mahilig ka rin sa stars?
Les:
Oo naman
Stars, rainbows, unicorns, aliens. Plus name all the weird stuff, paniguradong hilig ko ang mga 'yan.
Uno:
Gusto mong magkaroon ng sariling star?
Les:
Huh? What do you mean?
Uno:
I mean, nakapangalan sayo
Les:
Ah hahaha syempre naman oo pero ang imposible. Ang mahal kaya bumili ng star para ipapangalan lang sayo
Bakit mo pala natanong?
Uno:
Nothing
Anyway, after your hiking and camping, ano ng sunod?
Les:
We stayed at Sitio Cawag. At nakakatuwa ang mga tao, ang accomodating nila sa aming mga turista. May mga nakasabay kasi kami.
Tapos 'yon, medyo na-adapt ko rin ang culture nila kaya tuwang-tuwa talaga ako
Uno:
Mukha ka ngang nag-enjoy ka talaga
Les:
Nag-enjoy naman talaga ako! Minus the thought na sobra akong pinahirapang mag-akyat-baba sa bundok. Kahit na maganda ang tanawin #NeverAgain
Uno:
Bakit naman? Akala ko ba super nag-enjoy ka?
Les:
'Yon na nga pero ang kapalit naman malala! Alam mo bang 'til now may mga salonpas pa ring nakadikit sa katawan ko dahil ang sakit pa rin
Uno:
Seryoso?! 😂
Les:
Oo! Kaya nga medyo sinusumpa ko best friend ko pati jowa niyang may kakaibang trip sa buhay. Nadadamay ako sa mga kalokohan nila eh
✓ Seen 09:47 p.m.
09:48 p.m.
Les:
Oh tapos na ko magkwento. It's your turn now
Uno:
Wala namang exciting na nangyari sa biglaang bakasyon ko. May isang highlight lang.
Les:
And what is that?
Uno:
Yung sobrang frustration ko
Les:
Frustration? Saan naman?
Uno:
Sayo
Les:
Huh? Anong sa akin? Bakit nadamay na naman ako?
Uno:
Hindi nga kasi kita ma-contact diba kaya nag-aalala talaga ako. Kaya buong bakasyon na yon, frustrated ako. Kung anu-anong pang-aasar na nga ang narinig ko sa kanila eh. Tapos nung na-seen ko pa yung message mo at hindi ako nakapag-reply, muntikan ko na talagang mabato yung cellphone ko. Kaya lesson learned na ko.
Les:
Ano? Magdala ng power bank? 😂
Uno:
Hindi
Les:
Eh ano?
Uno:
Wag sumama sa biglaang bakasyon
Les:
Siraulo hahaha
✓ Seen 09:53 p.m.
09:54 p.m.
Uno:
Um, Les! May tanong ako
Les:
What is it?
Uno:
Kailan talaga tayo magkikita?
✓ Seen 09:57 p.m.
09:57 p.m.
Uno:
Sabi ko na nga ba ise-seen mo na naman ako 😂
Joke lang yan hahaha ayaw naman kitang i-pressure
Les:
Matutulog na ko
Uno:
Ang aga naman
Les:
Inaantok na ko eh
Uno:
Joke lang naman yung sinabi ko baka galit ka na naman
O nagtatampo
Les:
Baliw hindi 😂 Good night na! Bukas na lang ulit
Uno:
Hindi talaga ako sanay na ang aga nating matatapos mag-usap ngayon
Feeling ko galit ka talaga
Les:
HINDI NGA
Inaantok na talaga ako, okay?
Saka don't worry, kahit hanggang madaling araw pa tayo bukas. I'm just tired right now and I want to sleep early
Uno:
Sabi mo yan ah! Walang bawian. Midnight talks tomorrow, ha!
Les:
Oo nga. Kulit
Good night na ulit
Uno:
Good night 😘
Les:
UNO!
Uno:
Wrong emoji shit!
😊 yan kasi dapat
HAHAHAHAHAHA
✓ Seen 10:10 p.m.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top