Talk 52

05-03-19
09:27 p.m.

Les:
Hoy, Uno!

09:34 p.m.

Les:
Mag-online kaaaaaaa, uy!
May sasabihin ako

09:40 p.m.

Les:
Ang taaaaagal mo naman mag-online

09:43 p.m.

Les:
Yuhoo

09:50 p.m.

Les:
Ano na?! Mag-online ka naman na

Seen 09:52 p.m.

Uno is typing...

09:52 p.m.

Les:
Ayon, nag-seen din
Akala ko di ka na mago-online

Uno:
Yes, Luv?
Masyado mo ba kong na-miss?
Sorry ah, nawili lang sa ML eh

Les:
Wag ka ngang ano diyan
Kadiri ka!

Uno:
Kadiri pero mahal mo?

Les:
Ha? May sinasabi ka ba? Bigla akong di na marunong magbasa eh

Uno:
Panira ka talaga kahit kailan

Les:
Ang kadiri kasi ng mga pinagsasabi mo eh

Uno:
Whatever
Oh bakit pala atat kang makausap ako kung hindi mo naman ako miss?

Les:
Ay oo nga pala
May sasabihin kasi ako

Uno:
Ano? Magtatapat ka na ba ng nararamdaman mo? Aaminin mo na bang gusto mo ako at di mo kayang mawala ako sa buhay mo?

Les:
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob

Uno:
Sayo
Ikaw lang naman nagpapalakas ng loob ko eh
Boom!

Les:
...

Uno:
Okay hahaha enough with the pick-up lines
Ano na nga ulit yung gusto mong sabihin?

Les:
Alam mo sa dami ng pinagsasabi mo, nakalimutan ko na

Uno:
Hahaha sorry
Sige na, sabihin mo na

Les:
Teka, iisipin ko ulit
Bwisit ka kasi eh

Uno:
Sige, take your time

Les:
Ayon, naalala ko na

Uno:
Ang bilis ah

Les:
Hahaha gano'n talaga
Sasabihin ko lang na baka hindi kita makausap for the next three days

Uno:
Bakit? Anong meron?

Les:
Nagyaya kasing magbakasyon sa bundok si Alex

Uno:
Alex? Who's Alex?

Les:
Best friend ko

Uno:
Akala ko ba babae best friend mo?

Les:
Kaya nga! Sino bang may sabing hindi?

Uno:
Oh hahaha so her name is Alex?

Les:
That's what I said

Uno:
Akala ko kasi lalaki. It sounds a guy's name kaya

Les:
And fyi, her full name is Alexandra
So okay na ba tayo? Clear na?

Uno:
Ah hahaha oo sorry

Les:
So yon nga, mga 3 days ata kami sa bundok. At sabi niya, malaki raw ang possibility na walang signal sa pupuntahan namin
Kaya baka hindi nga kita makausap

Uno:
Aww mami-miss naman kita niyan
Hahaha but it's okay. Enjoy your vacation
After all your stress last school year, you deserved that

Les:
Thanks hahaha

Uno:
Pero what's wrong with people at trip na trip niyo ang umakyat sa bundok eh ang init-init?

Les:
Bakit, may mga kakilala ka rin bang magbubundok?

Uno:
Yep
Yung best friend ko rin with her girlfriend
Ewan ko nga sa trip nung dalawang yon eh

Les:
Actually, hindi ko rin naman trip magbundok pero gusto ko kasing ma-refresh kaya sumama na ko

Uno:
Ako? Never mo talaga akong mapapaakyat sa bundok

Seen 10:28 p.m.

10:30 p.m.

Uno:
Anong oras pala kayo aalis?

Les:
Mga 4 AM daw. Bakit?

Uno:
Ah okay

Les:
Hoy bakit?!

Uno:
Nothing

Les:
Hala bakit nga kasi?

Uno:
Wala nga hahaha

Les:
Bwisit ka talaga! Feeling ko may binabalak ka

Uno:
Wala nga. Ang overthinker mo

Les:
K

Seen 10:35 p.m.

10:37 p.m.

Uno:
Sige na, magpahinga ka na
Maaga ka pa pala bukas
Good night

Les:
Good night din

Seen 10:40 p.m.

11:00 p.m.

Uno:
Les? Are you still up?

Les:
Oh? Akala ko natulog ka na

Uno:
Same. Akala ko natulog ka na

Les:
Hindi ako makatulog eh
Mayamaya na siguro
So what do you need?

Uno:
May nakalimutan lang ako

Les:
Ano yon?

Uno:
Yung tagline natin

Les:
What?

Uno:
Ay nakalimutan mo na agad?

Les:
Required ba na gabi-gabi nating sasabihin yon?
O icha-chat rather?

Uno:
Oo naman yes

Les:
I'm speechless, Uno 🤦🏻‍♀️

Uno:
Sige na kasi hahaha

Seen 11:10 p.m.

11:11 p.m.

Uno:
Bwisit?

Les:
Bwisit!

Seen 11:11 p.m.

11:12 p.m.

Uno:
Yon hahahaha sige, good night na ulit

Seen 11:12 p.m.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top