Talk 42
04-23-19
10:00 a.m.
Les:
Hoy, Uno!
Bakit ka nag-thank you?
Para saan? Hindi ko ma-gets yon
10:25 a.m.
Les:
Saka sorry pala kung hindi na ko nakapag-reply
Nakatulog kasi ako bigla
Nakalimutan kong uminon nga pala ako ng gatas bago tayo mag-usap kagabi
Kaya nakatulog ako agad
✓ Seen 11:00 p.m.
11:11 p.m.
Uno:
Wala yon
Wag mo na lang pansinin
At isipin
11:12 p.m.
Les:
Gan'tong oras ka talaga nakakapag-online?
Uno:
Oo eh 😅
Bakit? Masyado na bang gabi?
Les:
Hindi naman
Pero kasi halos isang oras na lang tayo nakakapag-usap
Uno is typing...
Les:
Hindi sa nagrereklamo ako ah
Naisip ko lang
Uno:
Sus, ikaw ah. Gusto mo pa kong makausap ng mas matagal 😏
HAHAHAHAHAHAHA LOL
Les:
Ay ang feeling
Uno:
Pero kasi kahit bakasyon, busy ako
I mean, hindi ko na maisingit na mag-online
Kaya sa gabi ko na lang nagagawa bago matulog
Les:
Ah, ano bang ginagawa mo?
#CuriousLang
Uno:
Pero kung gusto mo talaga akong makausap, pwede ko namang gawan ng paraan 😉
Basketball, review, bonding with my cousins, ML
Les:
Here we go again, the saga of Uno's creepy emojies continues 🤢🤮
Uno:
HAHAHAHAHAHAHAHA
Masyado bang nakakakilig kapag kumindat ako
😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉
Les:
More on kinilabutan, hindi kinilig
Nagsitaasan kaya balahibo ko sa braso
Anyway, anong ML?
Uno:
Mobile legends
Les:
Ah, yung kinakaadikan din ng ex ko
✓ Seen 11:20 p.m.
11:25 p.m.
Les:
Ay seen lang?
Uno is typing...
11:30 p.m.
Uno:
Pwede bang wag natin pag-usapan yung ex mo?
Les:
Huh?
Hindi naman natin pinag-uusapan ah
Uno:
I mean, don't mention him again
Les:
...
Uno:
Ayoko sa manloloko, Les
That's why I hate your ex
Don't think too much, okay?
Les:
Grabe talaga hugot mo, 'no?
Sagad hanggang buto eh
Uno is typing...
11:40 p.m.
Uno:
So how was your day, Les?
Les:
Uy, thank you for asking ah
Pero wala namang bago
Gano'n pa rin naman
Busy pa rin dahil sa tambak na manus
Uno:
Ay online writer ka diba?
Les:
Yep
Why?
Uno:
May libro ka na ba?
I mean yung published book na available sa mga book stores?
Les:
Nah
Not yet
Baka next year pa
Mas focus ako sa page-edit ngayon saka pagsusulat online
Pero may pinirmahan na kong kontrata sa isang publishing company
✓ Seen 11:45 p.m.
Les:
Ikaw kumusta ka naman?
Uno:
Gano'n din
Wala rin namang masyadong ganap
Nai-stress lang sa mga loko-loko kong pinsan
Les:
Wala kang kapatid?
Uno:
Wala eh
Kaya nga close ako sa mga pinsan ko
Les:
Ay pareho pala tayo
Na only child lang
Hindi kasi ako close sa mga pinsan ko
Actually, di ko nga sila masyadong kilala
Uno:
Sobrang introvert ka ba talaga?
Les:
Oy, grabe ka sa "sobrang introvert" 😂
Hindi naman. Dati, oo. Pero ngayon, hindi na. Medyo na lang. Thanks to my best friend at natuto na rin akong mas lalo pang makipag-socialize
Uno:
Random question, Les: is your ex-boyfriend is your first?
✓ Seen 11:53 p.m.
11:55 p.m.
Les:
Akala ko ba ayaw mo na pag-usapan yung "ex" ko 🤨
Uno:
Ayaw ko naman talaga
Pero na-curious lang ako
Les:
Saan?
Uno:
Sa kanya
Sa inyo
Kung siya ba una mo, gano'n
Les:
😮😮😮
Hoy, ayusin mo nga tanong mo!
Anong siya yung "una" ko?!
Uno is typing...
Uno:
WTF 😂
Ang dumi ng isip mo HAHAHA
Les:
Hindi madumi isip ko, 'no!
Uno:
I'm talking about your relationship status. Kung siya ba yung first boyfriend mo o hindi.
Les:
Ah, bwisit ka 😤
Akala ko kung ano HAHAHAHA
Uno:
Ewan ko sayo
Pero ano nga? Is he your first?
Les:
Ewan
Uno:
Ewan?
Anong ewan?
Les:
Ayoko kasing pag-usapan yung una
Kasi bukod sa wala naman kaming label, hindi ko pa alam kung pareho talaga kami ng nararamdaman
Biglang nang-iwan eh
Uno:
Oh, sorry to hear that
Hindi ko na dapat tinanong pa
Les:
Nah, that's okay
Wag na lang natin pag-usapan pa ulit hehe
Uno:
Okay, gotcha 😉
✓ Seen 12:07 a.m.
Les:
Uno, seryoso. Ang creepy talaga kapag may emoji na kasama yung message mo
Uno:
Ano bang creepy diyan sa mga emoji?!
Mas nakakadagdag nga 'yan ng dating sa usapan natin eh
Ang plain kaya kasi hindi man lang pwedeng mag-send ng gifs
O di kaya memes
Les:
Kakaiba talaga humor mo, 'no?
Uno:
Oo, wag ka! Mayroon akong 4,024 memes na naka-save sa phone. Maghintay ka lang na mag-update 'tong site
May daily dose of memes ka sa akin gabi-gabi
LOL HAHAHAHA
Les:
Wow HAHAHA nakaka-excite naman po yan
Parang mas maganda pa kaysa sa daily dose of science (corny) jokes mo dati
Joke 😂
Uno:
Maka-insulto ka sa mga jokes na sini-send ko dati, eh alam ko namang miss na miss mo na 'yon ngayon 😏
Les:
Ang feeling!!!
Send help here!
Ang feelingero ng kausap ko
Uno:
HAHAHAHAHA lol
✓ Seen 12:15 a.m.
12:20 a.m.
Les:
Pero ano nga bang trip mo non at science-related jokes pinagse-send mo?
30 jokes din 'yon ah
Uno:
ChemEng student kasi ako diba
Les:
Chemical Engineering?! Totoo ba?
Uno:
Hindi mo alam?
Les:
Hindi
Uno:
Talaga ba? Akala ko alam mo na 😅
Kaya 'yon, na-in love ako sa mga science jokes
Pero graduate na ko ro'n ngayon 😂
Les:
Akala ko pa naman kung anong trip mo sa buhay noon
May pa-deep meaning naman pala hahaha
✓ Seen 12:26 a.m.
Uno:
Les
12:29 a.m.
Uno:
Psst
Hoy
12:33 a.m.
Uno:
Tinulugan mo na naman ako?
12:36 a.m.
Uno:
Ano ba yan, sayang naman yung kwento ko
Nakakatawa pa naman
12:40 a.m.
Uno:
Sige, mamaya na nga lang ulit
Mornight, Les
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top