Talk 34
04-07-19
11:48 p.m.
Stranger:
Aww :(((((
Umasa akong may joke na kong
mababasa
Wala pa rin pala
11:50 p.m.
Stranger:
Kumusta ka na kaya, Mr. Bot?
Ako? Gano'n pa rin naman ang buhay
Gabi-gabi pa ring nagca-cram para sa mga final requirements tapos mai-stress kapag may minus point dahil late DAW napasa
Ewan ko rin dito sa mga prof ko eh
Mga pahirap sa buhay
Lalo na yung mga minor subjects, puro pa-major!!!
11:59 p.m.
Stranger:
3rd year na ko pero grabe na sila kung magpahirap
Paano pa kaya kapag 4th year at graduating na ko, diba???
Baka sila pa ang dahilan ng pagbagsak ko at hindi pag-graduate
Naku pag nangyari talaga 'yon
gegerahan ko sila
Bago sila magera ni mama
Mas malala kasi sa akin 'yon hehe
12:05 a.m.
Stranger:
Ay di ko pala nasabi sayo na 3rd year college na ko, 'no?
So yon, sinasabi ko na sayo ngayon
I'm a 3rd year BA in Creative Writing student
Hindi matalino, pero masipag mag-aral
Oh wait, gusto mo kwento ko school life ko?
Well, wala ka namang choice
Saka di mo naman ata 'to babasahin
Ilang araw ka na ring walang paramdam eh
12:11 a.m.
Stranger:
So yon nga, next week start na ng bakasyon namin
Oo, may bakasyon din kami
Hindi nga ko makapaniwala eh
12:13 a.m.
Stranger:
Teka
Mali ata kwento ko
Bakit sa bakasyon agad HAHAHA
Simulan natin from the start para maganda hehe
12:15 a.m.
Stranger:
Once upon a time, there's a girl who dreams to be a creative writer someday
Bata pa lang kasi mahilig na ito magsulat
Hindi ito palakaibigan at tanging ang notebook lang ang kausap niya lagi
Yeah, she's quite an introvert one
12:18 a.m.
Stranger:
Dumating ang high school, nagkaroon siya ng ilang friends
Pero iniwan din siya agad ng mga ito
Iilan lang ang nag-stay
Kaya mas pinili niya na lang na mag-focus sa pagsusulat
12:20 a.m.
Stranger:
Sumali siya sa iba't ibang writing contests online
Yung pagiging introvert niya, napalitan ng pagiging extrovert
Thru online nga lang
Naging madaldal siya online at nagkaroon ng napakaraming "virtual" friends
12:24 a.m.
Stranger:
4th year high school, bigla siyang na-pressure sa tanong ng parents niya na: "anong balak mong kunin na course sa college?"
Wala siyang nasagot
Hindi niya kasi talaga alam
Wala pa siyang alam
12:27 a.m.
Stranger:
Some of her so-called friends back then ay mga decided na
May mga school na nga sila na balak pag-enroll-an
Habang siya? Wala. Nganga
12:29 a.m.
Stranger:
Matagal na niyang alam kung anong gusto niya sa buhay
Gusto niyang maging writer
Pero hindi niya alam kung yon ba ang tamang desisyon
Hindi niya alam kung papayag ba ang mga magulang niya
Aware naman kasi siya na kaunti lang ang "pera" sa pagsusulat
At aminin man niya o hindi, gusto niya rin magkaroon ng trabaho kung saan kikita siya ng malaki
12:34 a.m.
Stranger:
Hindi naman kasi sila mayaman kaya gusto niyang maiangat ang pamilya niya sa pamumuhay
12:35 a.m.
Stranger:
So without telling her parents, she decided to took Business Management
Ready na siyang mag-inquire sa school na papasukan niya about sa course na 'yon
But something unexpected happened
Bigla siyang kinausap ng mama niya
Tinanong siya nito kung gusto niya ba talaga nung course na kukunin niya
And then added, "kasi kung kukuha ka ng course kung saan hindi ka masaya, tatamarin ka lang mag-aral. Baka kung kailan patapos ka na saka mo maisipang mag-shift. Sayang lang-sa oras at pera."
At doon na siya nagkaroon ng lakas na loob na sabihin sa mama niya kung ano ba talaga ang gusto niyang i-pursue
12:40 a.m.
Stranger:
And unexpectedly, pumayag ito na kumuha siya ng Creative Writing na course
Kaya ngayon, ilang buwan na lang at 4th year na siya. Graduating na
Nakaabot siya ng 4th year na masaya
Kasi gusto niya ginagawa niya
12:44 a.m.
Stranger:
Alam mo, Mr. Bot, feeling ko ang swerte ko talaga sa mga magulang ko
Lalo na kay mama
Kasi since day 1, nandiyan lang siya para sa akin at sumusuporta
Kaya nga atat na rin akong maka-graduate eh para makapagtrabaho na ko at masuklian ko na ang paghihirap nila sa akin
12:49 a.m.
Stranger:
OMG
Ang drama ko HAHAHAHAHA
At literal na nakapagkwento ako ng kaunting glimpse sa buhay ko
12:52 a.m.
Stranger:
You should be honored, Mr. Bot
Ikaw ang second person na pinagkwentuhan ko niyan
First yung best friend ko
12:55 a.m.
Stranger:
Ayon, inantok na ko
Bukas ulit
Ay mamaya pala
Mornighty, Mr. Bot
01:00 a.m.
Stranger:
Still waiting for your joke
And seen
And reply
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top