Epilogue
THIRD Person's point of view
Nakatayo si Celina sa harap ng may kaliitan niyang bintana at nakatanaw sa labas, hindi siya makapaniwala na muli na niyang natatanaw ang lugar na matagal na din niyang hindi nakikita.
Biglang bumukas ang pinto at nagulat si Celina na makita ang mama niya kasama ang daddy at kuya niya na hindi makapaniwalang gising na siya.
"Celina?" Hindi makapaniwala ang mommy ni Celina sa nakikita niya kaya si Celina na mismo ang tumakbo papalapit sa kanila at niyakap niya ang ina na para bang wala ng bukas.
"Celina brat your really are awake!" Sigaw ng kuya ni Celina at niyakap din siya.
Ang daddy ni Celina na hindi makapaniwalang gising na siya ay maluha luhang nilapitan ang anak.
"Oh..god, our daughter is back"
Niyakap niya ang anak at naiiyak na hinagkan sa noo.
Nasa loob si Celina ng kwarto niya habang dahan dahang sinusuklay ng mama niya ang may kahabaan na niyang buhok.
"Ma...ilang araw po akong tulog?" Tanong ni Celina sa Ina at tumingin sa salamin kung nasaan ang reflection niya. Nagkatinginan sila ng Ina.
Sa isip ni Celina ay malabong sandali lang siyang nakatulog dahil malinaw parin sa kaniya ang mga nakikita noong imahe sa kwentas na ibinigay niya kay Lawrence.
Umiwas ng tingin ang mama niya at napabuntong hininga.
"Mag..i-isang taon na..."pag amin ng mama niya at niyakap niya si Celina mula sa likod.
"We really miss you hija" bulong nito at napangiti naman ng kaunti si Celina.
"I will not leave you again mom..." Sabi niya at hinagod ang kamay ng mama niyang pinaka nag aalala sa lahat.
"Ma...p-paano niyo po ako n-nakita?" Napalunok si Celina ng itanong niya yun, sa isip niya ay hanggang ngayon ay palaisipan sasarili kung paanong nakatulog siya ng mahabang panahon gayong nasa loob lang siya ng library.
"The truth is....someone in the hospital called us may nag hatid daw sayo--"
"Sino ma?" Biglang putol niya sa Ina at hinarap ito.
"Ang totoo hija ay hindi namin alam, hindi kasi namin naabutan, nalaman nalang namin na...your being comatose" pumatak ang luha ng mama ni Celina ng sabihin yun kaya agad na hinawi ni Celina ang Ilan pang luha sa mata ng Ina at niyakap ito.
"I-im sorry..mom" bulong niya.
"Hija, you are the only one who knows what really happened to you..." Kumalas ang Ina at hinarap nito ang anak. "If you ready to say it, we are always here"
Napangiti si Celina at muling niyakap ang mama niya, sa isip niya ay nagpapasalamat siya dahil hindi na nagtanong pa ang Ina.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung magising si Celina, kapansin pansin ang madalas niyang pananahimik at pagbabago ng ugali niyang dating maldita na ngayon ay parang walang naririnig sa tuwing pinag uusapan siya ng mga tao.
"Celinaaaaa!!!!!"
Napalingon si Celina sa gawi ng sumisigaw ng pangalan niya at napangiti ng todo ng makita si Angel na kumakaway sa kaniya.
"Angel.."
Nagyakap sila ng todo at parehong walang pakialam sa mga taong pinag titinginan sila.
Binisita ni Celina si Angel sa school na pinapasukan nito. Kasalukuyan siyang hindi nag aaral dahil sa nangyari sa kaniya ay dahil don at napag desisyonan niyang sa susunod na taon nalang ulit pumasok.
"Bitch! Your still pretty" sabi pa ni angel sabay flip sa buhok niya na ikinatawa ni Celina. Napataas naman ang kilay ni Celina.
"You heard it right" dagdag pa ni angel na ginagaya ang linya noon ni Celina.
"Kamusta nga pala?" Tanong ni Celina na pinagmamasdan ang paligid ng school na dati niya ring pinapasukan.
"Eto stress sa school haha! E ikaw? Kamusta ka naman?"
"Eto mala sleeping beauty ang dating natulog ng maganda gumising ng mas naging maganda" biro ni Celina at hindi naman siya nabigo dahil natawa ng malakas si Angel.
"Naku te! kung nakita mo lang kung gaano ka gwapo ang mga doctor na na assign sayo! Maiihi ka ng wala sa Oras!"
Agad napalingon si Celina kay angel ng sabihin niya ang mga katagang doctor.
"B-bakit?" Tanong niya na ang nasa isip ay isa ring doctor si Law.
"Naku te-- ay! Celina!"
Agad Sinalo ni Angel si Celina ng akto itong matutumba, nakahawak si Celina sa kaniyang ulo na sumasakit ngayon dahil sa init ng panahon, idagdag pang nasa kalagitnaan sila ng tirik na araw.
Nakahiga ngayon sa isang hospital bed si Celina sa emergency room at kasalukyang chini-check ng doctor ang kalagayan niya.
"Doc.. wala naman pong problema diba?" Nag aalalang tanong ng pamilya ni Celina na pinilit pa siyang magpa check sa ospital.
Nakahinga sila ng maluwag ang pamilya niya ng sabihin ng doctor na nasobrahan lang siya sa pagbibilad sa araw.
Bumangon si Celina at pinilit ng umuwi sa kanilang bahay. Para ay Celina ay hindi na yata siya sanay na hindi nakakakita ng multo.
Habang naglalakad siya sa hallway ay may nahagip ng paningin niya na isang pamilyar na bulto ng lalaki.
Agad na sinundan ni Celina ang isang nakatalikod na doctor kahit pa man tinatawag na siya ng mama niya.
Pag liko niya sa hallway ay nawala sa paningin niya ang sinusundan kaya nilibot niya ang paningin at nilapitan ang nakatalikod na doctor na kasalukuyang nasa nurse station at may kausap na nurse.
Hinawakan niya ang braso ng doctor at nagulat naman itong napaharap sa kaniya.
Malaking pagkadismaya ang lumatay sa mukha ni Celina ng magkamali siya ng akala. Hindi pala ito si Lawrence na gustong gusto na niyang makita muli.
‘siguro nga dapat ko ng tanggapin na hindi na talaga kami magkikita pa'
Sa isip ni Celina ay yun ang bumubulong pero ang puso niya ay umaasang sana pagdating ng araw ay magkita sila ulit.
Napabuntong hininga si Celina at tiningnan ang kamay niya kung saan inilagay noon ni Lawrence ang kapares ng couple bracelet na ngayon ay wala na.
Magkasabay na kumain ang pamilyang Crausos sa hapagkainan habang masayang nag ki-kwentuhan.
Matagal na rin ang nakalipas na nagkakasalo salo sila ng completo.
Habang kumakain ay naagaw ng isang picture ang atensiyon ni Celina. Nanatiling nakatitig si Celina sa picture ng kaniyang lola Amaya na nakasabit sa dingding. Naalala niya ang pagpapakita nito noon sa loob ng libro.
Napabuntong hininga siya. Gustohin man niyang mag kwento ay hindi niya magawa, natatakot siyang baka hindi siya paniwalaan ng lahat at sabihing nag iimbinto lamang siya.
Nang matapos silang kumain ay pumasok na sa kwarto si Celina at naghanda na para matulog pero nung papasok na sana siya sa banyo ay nakita niya ang glass dome na nasa ibabaw ng mesa.
Nagtaka si Celina na nakatingin sa glass dome, mula nung makabalik siya ay ni minsan hindi na niya ito nakita pa. Hindi pa rin siya nakakapunta sa library ng kabilang bayan kung saan niya ito unang nakita.
Lumapit at dinampot ni Celina ang glass dome at tiningnan itong mabuti, maya maya pa ay may umiilaw sa loob ng drawer niya kaya binuksan niya ito at nanlaki ang mata niyang makita doon ang libro.
Dinampot niya ang libro saka naupo sa kama bago ito himasin. Hindi na naka lock ang libro at wala na rin ang kandado.
Binuksan ni Celina ang libro at mula sa loob ay nahulog ang Isang sulat na sa sobrang luma ay halos mapodpod na kung hindi dahan dahan in ang paghawak.
Kung binabasa mo ito marahil ay ikaw na ang hinihiling kong tao na magbibigay linaw sa tunay kong damdamin.
Ang totoo ay wala akong sinusulat sa libro tanging ang liham na ito lang ang isinulat ko para sayo hindi man kita kilala ngunit nababatid kong malapit ka lang sa akin.
Ang pinagdaanan mo sa loob ng librong pagmamay ari ko ay sarili mong imahinasyon, sarili mong isip at galaw. Hindi ko nais pangunahan ang sarili mong storya kaya ang inilagay ko lang ay ang mai ugnay ka sa mga patay at mga buhay katulad ng kung paanong nakikita ko ang hindi dapat nakikita ng normal na tao.
Ang nararamdaman mo ngayon ay katulad ng nararamdaman ko din noon mahirap man ispin at tanggapin ay pilit parin tayong sinasampal ng katotohanang nagmahal tayo ng piksiyonal at hindi nabibilang sa totoong mundo
Siya nga pala ang pamagat na TALIA ay mula sa akin hindi na lingid sa iyong kaalaman na ang ibig sabihin nito ay 'pagbuhos ng ulan' ito ang napili ko sapagka't katulad ng pagbuhos ng ulan ay sa huli ibubuhos mo rin sa piksiyonal na lalaki ang iyong pagmamahal kagaya ng kung paanong bumuhos ang ulan nung panahon na ako'y nag desisyon na wag tanggapin ang katotohanan.
Napakalaking pagkakamali ang aking ginawa hindi ko ibig na idamay ka at iyong buhay pag-ibig sa aking pagluluksa kaya ako'y humihingi ng tawad sa pamamagitan nito ay paparusahan ko ang aking sarili dahil sa gagawin kong desisyon na tiyak kong kamumuhian ng lahat.
Kung sakali man na matagal na panahon na mula ng parusahan ko ang aking sarili ay maari mo bang sunugin ito sa ganoong paraan ako ay tuluyan ng mananahimik at mamahinga.
Lubos na nagpapasalamat
Amaya
Hindi maawat ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Celina ng mabasa niya ang sulat ng Lola niya para sa kaniya.
Hindi siya makapaniwala at buong akala niya ay ang Lola niya ang nagsulat nung libro pero hindi pala.
Binuklat niya uli ang libro at nakitang wala ngang nakasulat sa bawat pahina nito.
Ilang sandali pa ay unti unting nagpakita ang mga letra sa libro na ikinagulat ni Celina. Dali Dali niya itong binasa at napiyak muli ng ang mga eksena at salita na binitawan niya nung nasa loob siya ng libro ay siyang mga salitang nababasa niya ngayon.
Niyakap ni Celina ang libro at sa isip niya ay hindi niya ito kayang sunugin katulad ng hiling ng Lola niya sa sulat.
Naabutan ng pamilya ni Celina so Celina sa silid nito na hindi maawat sa pag iyak, pilit siyang pinapatahan ng mama at daddy niya pero parang wala siyang naririnig at patuloy lang siya sa pag iyak.
Kinuha ng daddy ni Celina ang sulat na nagkalat sa kama at binasa ito, Ngayon ay pareho nilang hindi maawat ang pagluha.
"Ma...dad...b-bakit ako?" Hindi mapigilan ni Celina ang emosyon, niyayakap siya ng mama at daddy niya at hinayaan nalang siyang umiyak.
Tatlong araw na ang nakalipas nakapalibot ngayon ang pamilya Crausos sa isang bakal na sunugan habang yakap ni Celina ang libro na naglalaman ng alaala nila ng lalaking pinakamamahal niya.
"Hija...let go hmm?" Sabi ng mama niya na hinawakan ang kamay ni Celina na umiiyak na naman.
"I-im sorry Law..." Bulong niya sa libro at dahan dahan itong binitawan sa nagliliyab na apoy, kasama din nilang sinunog ang glass dome at sulat.
Hindi na mapigilan pa ni Celina ang sariling panoorin ang pagkasunog ng libro at tumakbo na lang siya palayo.
Ilang araw at linggo pa ang lumipas ng hindi lumalabas si Celina sa kwarto niya, parati rin siyang walang gana at umiiyak.
Hinayaan nalang nila at pilit iniintindi ang anak nilang hindi maka get over sa nangyari, madalas din dumalaw si Angel pero agad ding umaalis.
Isang araw ay nagulat nalang sila ng biglang bumaba ng hagdan si Celina at sumabay sa kanilang kumain, napangiti ang lahat sa unti unting pagbabalik nito sa dating Celina na kilala nila. Nagpa enroll din ito ulit at kalaunan ay bumalik sa pag aaral na ikinatuwa ng lahat.
Kasalukuyan naglalakad si Celina kasama si Angel sa mall habang naminili ng gamit para sa pasukan. Napadaan sila sa isang accessories store at sandaling napahinto si Celina ng makita ang isang pamilyar na bracelet.
"Uy! Don Muna ako ahh magkita nalang tayo sa coffee shop sa baba" paalam ni Angel at agad na tumakbo sa boutique na nakita niya.
Pumasok si Celina saloob ng accessories store at tinitigang mabuti ang bracelet na naka display.
"Gusto niyo po bang hawakan ma'am?"
Napangiti bago napatango si Celina sa sales lady. Inabot ng sales lady ang bracelet at tiningnan naman yung mabuti ni Celina. Hindi katulad ng sa kanila ni law, Ang nakita niya ngayong bracelet ay isang pares lang. Binili niya ang bracelet at isinuot ito.
"Miss. Crausos?"
Napalingon si Celina sa tumawag sa kaniya at napangiti ng kaunti ng makita niya ang dating prof na siyang crush niya noon.
"Sir" bati niya. Naningin ng relo ang professor kaya naisipan nalang ni Celina na lumabas.
Aktong lalabas na siya ng magsalita ang professor.
"Your bracelet is so nice"
"M-mahilig po pala kayo relo sir?" Pag iiba niya sa usapan na mukhang hindi maganda dahil naaalala lang niya si Law na mahilig din sa mga relo.
"Hmm...oo mas gusto ko rin to kaysa sa tie"
Sandali pa silang nag usap at tinulungan niya pang mamili ng relo ang dating prof bago umalis at bumaba sa coffee shop kung saan naghihintay si Angel.
"Nagkita kami ni prof Jerwin" Sabi ni Celina ng magkita sila ni Angel sa coffee shop.
"Kinilig ka naman ayieee" tukso ni Angel nasinuklian lang ng tipid na ngiti ni Celina.
Makalipas ang halos pitong taon ay naging maayos ang pag aaral ni Celina, naging maayos na rin ang buhay niya at unti unti na rin niyang natanggap na si Lawrence ay Isang fictional character lang na ginawa ng malikot niyang utak.
Nasa loob siya ngayon ng library sa kabilang bayan, hindi katulad ng dati ang library ngayon ay maganda na at mukhang bago, wala na rin ang dating katiwala at nabalitaan niyang nasa ibang bansa na ito.
Nakaupo siya ngayon sa isang mahaba at bagong upuan sa loob ng library habang nagbabasa ng libro ng biglang may nag text sa kaniya.
MESSAGE RECEIVED
~~Brother~~
Brat! I'm home!
1:32 p.m.
Napangiti si Celina at agad na ibinalik ang librong hawak ng mabasa ang text ng kapatid na kababalik lang galing ibang bansa.
Lumakad na siya at itutulak na sana ang bagong glass door ng library ng may humawak din sa pinto at sabay nila yung natulak.
Hindi nalang pinansin ni Celina ang nakasabay at tumalikod na para umalis pero napabalik siya ng dumikit ang soot niyang bracelet sa suot din na bracelet ng lalaking nakasabay niya paglabas.
Napatitig si Celina sa suot ng lalaki na white gown, may stethoscope sa leeg at mukhang galing ito nanghiram ng libro sa library dahil sa hawak nito.
Unti unting napaangat ng tingin si Celina at napangiti ng makita ng tuluyan ang lalaking akala niya ay gawa lang ng kaniyang isipan.
THE END....
#Talia
Featured song:
Closer you and I cover by Reyne
this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
For more information add or follow my social media accounts
Fb: Allana Adalaide
P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top