Chapter 8 | George
*heart beats*
Agad akong umayos ng tayo dahil sa gulat at alaalang yun,inilinga ko rin ang paningin ko para hanapin ang kaninang nasa taas pero di ko na makita.nahagip naman ng mata ko ang kwintas ko pero diko nalang yun pinansin.
Basag ang salamin ng kotse ni Law, tumagos doon ang balang dapat ay tatama sa kaniya.
"M-mis----"
Hindi ko na siya pinansin at agad akong tumalikod at tumakbo papalabas sa parking, sakto namang nakita ako ang lalaking nakaitim na pumaliko sa isang kanto kaya hinabol ko iyon.
Sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa mapunta siya sa isang masikip na eskinita na may mahabang pader, akto na siyang aakyat doon ng bigla ko siyang hagisan ng hair pieces na tumama sa pader kaya gulat siyang humarap sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Malumanay kong tanong.
Hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin, kaya naman pa cross arms akong humarap at nakipagtitigan sa kaniya.
"Gandang ganda ka ba sakin?" Nakangising tanong ko at humakbang ng isang beses.
"Well...I know I'm that pretty"
Hindi parin siya sumagot at biglang itinutok sa akin ang hawak niyang sniper, Kaya naman agad akong umikot sabay hila sa dulo nung sniper at inagaw yun sa kniya.
"Sino ka?!" Tanong ko na itinutok ang sniper sa kaniya.
"I will not tell unless....---"
Di niya na natapos ang sasabihin ng bigla ay pinaputok ko ang baril at diretso tumama yung bala sa dibdib niya.
"Madali akong kausap" bulong ko at ibinato ang sniper sa kaniya saka naglakad palayo sa lugar na yun na parang walang nangyari.
Alam kong mayamaya lang ay masusunog na ang kaluluwa nun at di magtatagal ay magiging abo.
Dumiretso ako sa sasakyan ko at di na inatupag ang mga pulis na sunod sunod na nagdatingan sa parking para tingnan ang nangyari,umakto akong walang pakialam saka nilisan ang lugar na yun.
Alas tres na ng hapon ng mamataan ko sa di kalayuan ang dalawang kaluluwa na susunduin ko ngayon,sila yung nakita ko sa restaurant noong nakaraan.
Pumarada ako sa harap nila at ibinaba ang bintana saka ngumiti ng malapad.
"Wanna ride?" Tanong ko.
Bumaba ako sa kotse at pinagbuksan sila ng pinto.
Nang makapasok sila ay pinaharurot ko na ang sasakyan palayo at dumiretso sa bahay.
"This is my intrance card...." Panimula ko habang inaabot ang card sa kanila.
"Magtatrabaho kayo sa akin at kapalit nun ay hahanapin ko ang pumatay sa inyo at pagbabayarin" nakangiting wika ko bago sila iwan.
Pabagsak akong naupo sa coach nitong kwarto ko saka nagpahinga,pagkatapos ay tumayo na ako at naligo.
Naging napakahaba ng araw na ito sa akin, napakaraming nangyari, kaya naman kumuha ako ng wine at dinala yun sa garden kung saan ako nakakapagpahinga ng maayos.
Tinanaw ko ang napakagandang kalangitan ng dapit hapon habang nakatayo at hawak ang wine glass ko.
Sa oras na ito, ngayon ko nalang ulit naramdaman ang LUNGKOT.
napayuko ako sa naisip, gusto ko ng umuwi pero di ko alam kong paano at kung may iba pa bang paraan, ang Sabi ni madam Catalan ay makakauwi at makakabalik lang ako kapag nalaman ko na ang ibig na sabihin ng Talia na pangalan ko sa mundong ito.
'Law....'
Napaikot ang mata ko ng maalala ko siya,nakakainis! sana hindi ko nalang siya iniligtas!! Leche! Bakit ba kasi iniligtas ko pa yun! Pano kung bumalik yun dito at nakawan ulit ako?!!!
Tumingin ako sa pangit na punong nakatirik sa harapan ko, sinamaan ko ng tingin ang parte kung saan nagtago noon ang Law na yun,pero napasingkit ang mata ko ng may mahagip ang paningin ko na isang dahon!!!
As in!!! ISANG DAHON LANG!!
naglakad ako papalapit doon habang hawak ko parin ang wine glass, tinitigan kong mabuti ang dahon na yun bago ko ito pitasin at nanggigil na nilukot yun sa kamay ko hanggang sa maging abo.
"ngayon lang nagkaroon ng dahon ang punong ito! Pano nangyari yun?!"
Inis akong inihampas ang hawak kong wine glass sa pangit na punong ito sa harap ko, ang ilan sa mga bubog ay bumaon pa sa kamay ko pero kahit anong pakikiramdam ko ay hindi talaga iyon masakit! Mas lalo pa akong nagalit ng makita ko ang kamay kong puro bubog pero walang dugo!
Napabuntong hininga nalang ako at wala sa mood na naglakad paalis saka nagpunta sa kusina at uminom ng tubig, napansin ko ring nandoon sa may bar iland sa di kalayuan ang kaninang bagong dating.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na ako sa kwarto para matulog at magpahinga. Hindi parin ako tapos mag isip sa napanaginipan ko at sa nangyayari sa akin pero gusto ko muna yung isantabi dahil naiistress lang ako. I am about to lay in the bed when suddenly someone enter my room.
"What are you doing here?!" Inis na sigaw ko dahil sa gulat.
'si iya lang pala...'
"Let's stalk!!"
"About what?!"
"About 'you' and what you've 'do!!"
"Bakit ano bang ginawa ko?!" Naiinis na ako kaya naman bahagyang akong bumuntong hininga bago tumingin sa kaniya at nagsalita.
"Why did you do that?" Malumanay na tanong ni Iya na nakatingin sa akin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tumingin ng masama sa kaniya.
"What did I do?!" Takang tanong ko habang nakaturo pa sa mukha ko.
"Ask yourself!!" Biglang sigaw niya.
"Ha!! Can't you please stop shouting?!" Mas malakas kong sigaw sa mukha niya.
"Tell me what happened, kung bakit ka nagkakaganiyan!" Inis kong sabi at tinalikuran siya at humarap sa nakasaradong bintana, alam kong sa mga oras na ito ay Gabi na.
"Why did you save Rence?"
Nanlaki ang mata ko sa narinig kong tanong niya, halos pigilan ko ang paghinga bago dahan dahang humarap sa kaniya.
"Talia..tell me" dagdag niya.
Hindi ko na naitago ang gulat ko sa harap niya sa halip ay umupo ako sa kama at yumuko.
"I-im sorry" tanging naisambit ko.
Naramdaman kong naglakad siya papaharap sa akin at tinignan ako.
"I know you're not stupid...I know you're aware to the law you follow" mahinahon niyang Sabi na mas lalong nagpatungo sa akin.
"Talia...Alam mo ang magiging kinalabasan nito" dagdag niya.
Sa pagkakataong yun ay di ko na kinaya pa at tumingin ako sa kaniya, ramdam ko ang sinsiredad at pag aalala niya sa possibleng kinalabasan ng pagsuway kong yun.
'i didn't know she's that concern, she's not like this before..'
"Now...I want to hear your answer, why did you do that? Why did you save him?"mahinahon niyang tanong.
Tumingin ako sa mata niya bago ko siya sinagot.
"I don't know..."
Totoo yun, Hindi ko Alam kong bakit ko yun ginawa,kung bakit ko siya iniligtas, tingin ko ay kusa iyong ginawa ng katawan ko kahit walang permiso ng utak ko.
'kagagawan to ng author...kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko'
Bumuntong hininga si Iya bago siya tuluyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Alam kong nakakapagod na....Alam kong gusto mo ng magpahinga....pero kasi hindi ito ang inaasahan kong maging katapusan mo"
Hindi ko alam pero parang nagbago talaga yung pananalita niya. Nagdadalawang isip tuloy ako kung may nakita din ba siyang imahe sa kwintas ko.
Gumanti ako sa pagkakayap niya at marahang hinagod ang likuran niya.
"Wag ka namang magsalita ng ganiyan...kinakabahan ako sayo" biro ko pero di siya natawa.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko at nakita ko ang nangingilid niyang mga luha.
"Ohh! Ano yan?" Tanong ko na itinuro pa ang mata niya.
"Ano ba! Nakakainis ka naman ehh! O sige! Hindi kita isusumbong, basta ba! Pagsisikapan mo ding hindi ka mabuking!" Sigaw niya.
"Oo na! hehehe" tawa ko.
Sandali pa kaming nag usap at nag kwentuhan bago siya umalis, agad naman akong natulog at nagpahinga.
KINABUKASAN ay napabalikwas ako ng bagon ng bigla ay may padabog na binuksan ang pinto ng kwarto ko, sa gulat ay napatalon ako sa kama at napahawak pa sa dibdib.
"What the fvck?!" Sigaw ko sa gulat at tinignan kung sino ang malakas ang loob na bulabugin ako ng maaga.
"Iya?!" Inis na tanong ko, umiiyak siya habang palapit sa akin kaya nagtataka ako.
Kagabi lang pareho kaming tumatawa habang nag ke-kwentuhan pero ngayon umiiyak siya!
"I-iya...what happened?" Tanong ko at lumapit sa kaniya, pinaupo ko siya sa kama at pilit na pinapatahan sa pag iyak.
"Anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong at iniharap siya sa akin.
"R-rence call me t-this morning...G-george was..d-died" sagot niya na mas lalong ipinagtaka ko.
' king inang yan!! Sino ba yang George na yan?!! At umiiyak ng ganito tong babaeng to '
"S-sinong George ba yan?!!" Inis na tanong ko at binigyan siya ng tubig.
Ininom muna niya iyon bago magsalita.
"I know I'm being u-unfair.." umiiyak na naman siya.
"I-iya..."
"H-hes R-rence cousin Talia...."umiiyak na aniya.
"Then? Why are y-you crying like that?" Tanong ko habang nakapamewang sa harap niya.
"H-hes my....b-boyfriend"
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng marinig ko yun parang may nag ting sa tenga ko at automatic akong napaharap sa kaniya.
"What?!" Gulat kong tanong.
Sa tagal naming magkakilala ni Iya ay ngayon lang naging malinaw sa akin kung bakit kakaiba ang saya niya, kung bakit di katulad ko ay hindi ko siya naramdamang malungkot.
'may boyfriend pala siya? Pwede pala yun sa mga katulad namin? Bat di ko yun alam? Edi sana naghanap din ako ng gwapo dito!'
Plano ko sanang kulitin si iya pero wala siya sa mood kaya agad nalang akong nag ayos dahil gusto ni iya na Samahan ko siya sa burol nung George.
Sa totoo lang hindi ako makarelate sa feeling niya dahil dakila naman akong NBSB(No Boyfriend Since Birth) bagamat halos himatayin ako noon sa tuwing nakikita ko si sir Jerwin na pareho naming crush ni Jenica.
Dapat kasi sinabi man lang niya na allowed palang lumandi ang mga grim reaper! Oo na grim reaper na wala naman akong ibang maisip na itawag sa sarili ko! Para sana kahit papaano na experience ko naman mag ka shota!
Nang matapos akong mag ayos ay sinamahan ko na si Iya sa burol,malayo pa lang ay marami ng tao at kitang kita ko na ang malaking picture nung medyo may ka gwapohang lalaki sa gilid, pamilyar ang itsura niya pero di ko matandaan kong nakita ko na siya.
Nang makalapit na kami si coffin ay muling umiyak ni Iya, naaawa ako sa kaniya dahil alam kong katulad ko ay wala siyang ibang masandalan sa oras ng pangungulila.
Walang emosyon akong Dumungaw at tinignan ang coffin, pero laking gulat ko ng maalala kong saan ko nakita ang lalaking iyon!
'feel kong bangungutin'
Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Lawrence na nakashades na itim at medyo nakayuko, gulat akong napatingin ulit sa coffin.
' siya yung lalaking dapat ay babaril kay Lawrence...na hinabol ko at pinatay ko '
Nagugulat akong napatingin sa umiiyak na Iya at pasimple ko ring tiningnan ang kinaroroonan ni Law pero laking gulat ko ng makitang nakatingin din siya sa akin!! Naka shades naman ako kaya Hindi niya mahahalata ang gulat ko.
"I-iya...labas muna ako" paalam ko saka siya iniwan,halos magkabuhol buhol ang sistema ko sa di malamang dahilan.
' kagabi ay nag aalala pa si Iya sa akin...ano kayang nararamdaman niya kapag nalaman niyang ako ang pumatay sa lalaking mahal niya?!!! '
Nasapo ko ang ulo ko habang patuloy na naglalakad pero bigla ay napahinto ako dahil may biglang humila sa siko ko.
"May kinalaman ka ba?" Derechong tanong nung humila sa akin, gulat akong napatingin kay LAWRENCE dahil sa tanong niyang yun.
"H-ha?"
"May kinalaman ka...." Di ako nakapagsalita dahil sa sobrang seryoso niya, gulat akong napatingin sa mata niya at sa pagkakataong iyon ay kinakabahan akong baka alam niya nga na may kinalaman ako sa pagkamatay ng pinsan niya.....
++++++++
#Talia
A/N: starting po next chapter ay maglalagay po ako ng qoute about love, ang qoute po na iilalagay ko ay AKO po MISMO ang may GAWA hehe...
Again this is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:
FB: Allana Adalaide
don't forget to VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!and MOST of all SPREAD THE STORY!! Thankyouuu!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top